You are on page 1of 21

ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA GAWAING PANG-AKADEMIKO NG MGA

MAG-AARAL SA BAITANG 11 GAS NG WRIGHT NATIONAL HIGH SCHOOL-SHS

BILANG PANGANGAILANGAN SA FILIPINO 11,

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TESKTO

TUNGO SA PANANALIKSIK

NILA:

ABANTAO, JASTINE G.

AGRAMON, PRINCE JOEY

DABUET, JOHN PAUL

MACAGGA, JULIE ANN A.

SOLAYAO, ACE

YANGYANG, CHANDLER CANE T.


KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang paraan ng pakikipag-usap at pagbabahagi ng mga tao ng

impormasyon ay nabago sa pamamagitan ng pagbabago at pag-dami ng

mga social media platforms. Ang mga platforms na ito ay lumikha ng

isang lugar kung saan ang mga tao ay maaaring kumonekta, makipag-

ugnayan, at makipagpalitan ng mga ideya, at naging isang mahalagang

bahagi ng modernong lipunan. Gayunpaman, ang paglago ng social

media ay nagdulot ng mga pagkabahala tungkol sa potensyal na epekto

nito sa iba't ibang larangan ng buhay, partikular na ang edukasyon.

Sa henerasyong ito, hindi maipagkakaila na isa ng importanteng

bagay and Social Media sa lahat ng tao aa mundo o maging sa mga

mag-aaral man. Ang Social media ay nag dulot ng napakalawak na

pagbabago sa buhay ng mga tao pati na rin sa lipunan. Sa pag-gamit

dito hindi na lamang ito limitado sa pag papalitan ng impormasyon

at koneksyon, nagagamit na rin ito sa mga pang-akademikong gawain

ng mga mag-aaral. Ang mga gawaing pag-aaral, pananaliksik o pag

hahanap ng impormasyon sa mga takdang aralin o sa mga proyekto ay


napapadali dahil sa iba't ibang online platform na nagagamit ng

mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng social media, ang mga mag-aaral ay may mas

malawak na pagkakataon na ma-access ang mga academic resources

tulad ng e-books, scholarly articles, at educational videos. Bukod

dito, ang mga online discussion groups at forums ay nagbibigay ng

espasyo para sa mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga ideya at

magtulungan sa pag-aaral ng mga katanungan at konsepto. Ang mga

educational platforms at learning management systems ay nagbibigay

rin ng mga interactive modules, quizzes, at exercises na

nagpapalawak sa kahusayan ng mga mag-aaral sa iba't ibang

asignatura.

Gayunpaman, may mga negatibong epekto rin ang paggamit ng

social media sa gawain pang-akademiko ng mga mag-aaral. Ang labis

na pagkakagugol ng oras sa social media ay maaaring maging sanhi ng

pagka-abala at kakulangan sa pokus sa mga akademikong

responsibilidad. Ang malawak na pagkakaroon ng impormasyon ay

maaaring magdulot ng sobrang kahalagahan sa dami ng impormasyon

kaysa sa kahalagahan ng pag-aaral at pag-unawa sa mga ito. Bukod pa

rito, ang social media ay maaaring magdulot ng pagkaugnay ng mga

negatibong impluwensiya tulad ng pag-aaksaya ng oras sa hindi


akademikong gawain, cyberbullying, at pagkakalat ng maling

impormasyon.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin kung paano

nakakaapekto ang paggamit ng social media sa mga gawaing pang-

akademiko ng mga mag-aaral sa ika-11 na baitang ng GAS sa WNHS-SHS.

Nais nitong alamin ang maaring positibo at negatibong epekto ng

social media para sa mga mag-aaral sa nasabing baitang.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay naglalayong

suriin ang mga epekto ng social media sa gawaing pang akademiko

ng baitang 11 GAS ng WNHS-SHS. Upang maging tiyak, ang pag-aaral

na ito ay naglalayon na:

1. Mailahad ang paraan ng mga nabanggit na estudyante kung paano

nila naiiwasan ang distraksyon sa paggawa ng pang akademikong

gawain

2. Mailahad ang Epekto mg Social Media sa pang akademikong gawain

Baitang 11 G AS

3. Maunawan ang mga epekto ng social media sa gawaing pang-

akademiko ng Baitang 11 GAS.


4. Malaman ang posibling epekto ng social media sa gawaing pang-

akademiko ng Baitang 11 GAS.

5. Mailarawan ang mga epekto aa paggamit ng social media sa

gawaing pang-akademiko ng Baitang 11 GAS.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at

makatutulong sa mga sumusunod:

 Sa Mga Mag-aaral - makakatulong ang pananaliksik na ito

upang mabigyan ng linaw at direksyon ang kanilang mga pag

iisip ukol sa magiging epekto ng sobrang pag lalaan ng oras

sa social media.

 Sa Mga Magulang - ang mga magulang na syang nag sisilbing

gabay simula umpisa sa kanilang mga anak ay makakag-isip ng

mga paraan upang matulungan,mabigyang gabay at mas ma

disiplina pa ng mabuti ang kanilang mga anak.

 Sa Mga Guro - magkakaroon sila ng sapat na kaalaman kung


paano matutulungan ang kanilang mga estudyante patungkol sa

tamang oras sa pag gamit ng social media.


PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto

ng Social Media sa gawaing pang-akademiko ng mga mag aaral sa

baiting 11 GAS ng WNHS-SHS. Upang maging tiyak, ang pag aaral na

ito ay nag-lalayon na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1.Mas malaking oras ba ang ginugugol ng mga mag-aaral sa Social

Media kaysa sa kanilang pag-aaral?

2. May malaking naitutulong ba ang iba’t-ibang social media

platforms kagaya ng Facebook,Tiktok,at YouTube sa kanilang pag-

aaral?

3. Gumagamit ba sila ng iba’t ibang social media platfroms sa

kanilang mga gawaing paampaaralan?

4. Mayroon bang mga pagkakataon na naging sanhi ng pagkaantala sa

kanilang mga gawaing pang-akaddemiko ang kanilang pag-gamit ng

social media?

5. Tinuturi ba nilang isang kabakipakinabang o napaka-

importanteng instrumento ang social media sa mga gawain nila

bilang isang mag-aaral?

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga epekto ng social media sa

gawaing pang-akademiko sa mga estudyante sa baitang 11 GAS. Kung

kaya't ang mga ginamit na impormasyon ay base lamang sa results

ng mga respondente at sa mga kaugnay na literatura. Ang mga

respondente ay mula sa Wright National High School baitang 11

GAS. Ang mga mananaliksik at nagbigay ng Sarber-Kwestyoner sa

lahat ng mga estudyante na nasa baitang 11 GAS.

BATAYANG KONSEPTUWAL

Makikita sa dayagram na ito ang mga baryabol ng mga epekto

ng Social Media sa gawaing pang Akademiko ng mga mag-aaral sa

WNHS-SHS sa Baitang 11 GAS. Ito ay ang pag alam sa mga posibleng

sanhi, bunga, at mga taong responsible sa pag-aaral na ito.

Mga Sanhi Mga Bunga

Mga Apektadong

Mag-aaral
Kabanta IV

Interpretasyon ng mga Datos na Kinalabasan ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nag papaliwanag ng

maayos na mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik

mula sa mga talatanungan tungkol sa epekto ng pag-gamit ng social

media sa pang-akademikong gawain.

Talahayan 1: Mas malaking oras ba ang iyong ginugugol sa Social

Media sa iyong Pag-aaral.

Pagpipilian Bilang Porsyento

Oo 7 25.93%

Minsan 15 52.56%

Hindi 5 18.51%

Ang talahayan I ay nagsasaad kung mas malaking oras ba ang

iyong ginugugol sa Social Media sa iyong pag-aaral. Ayon sa

resulta na nakalap na mga mananaliksik, lumabas na mas maraming

mga estudyante ang nagsasabing Oo, 25.93 at 52.56 naman na mga


estudyante ang nagsasabing Minsan at 18.5 naman na mga estudyante

ang nagsasabing Hindi.

Talahayan 2: May malaking naitutulong ba sa iyo ang iba’t-ibang

social media platforms kagaya ng Facebook,Tiktok,at YouTube sa

iyong pag-aaral?

Pagpipilian Bilang Porsyento

Oo 16 59.26

Hindi 1 3.70

Minsan 10 37.03

Ang talahayan 2 ay nagsasaad kung may malaking maitutulong

ba sa iba’t ibang social media platforms kagaya ng Facebook,

Tiktok, at Youtube sa iyong pag-aaral. Ayon sa nakalap na resulta

ng mga mananaliksik, lumabas na mas maraming estudyante an

nagsasabing Oo, 59.26% na mga estudyante ang nagsasabing Oo at

37.03% naman ay magsasabing Minsan at 3.70% naman na estudyante

ang nagsabing Hindi.


Talahayan 3: Gumagamit ka ba ng iba’t ibang social media

platfroms sa iyong mga gawaing paampaaralan?

Pagpipilian Bilang Porsyento

Oo 14 51.85%

Minsan 12 44.44%

Hindi 1 3.70

Ang talahayan 3 ay naglalahad kung Gumagamit ka ba ibat-

iba’t social media platforms sa iyong mga gawaing pampaaralan.

Ayon sa nakalap na resulta ng mga mananaliksik, lumalabas na mas

malaki ang bumoto sa Oo. 51.85% na estudyante ay nagsabing Oo. ca

44.44 naman na estudyante ang nagsabing minsan at 3.70 naman na

estudyante ang nagsabing Hindi.

Talahayan 4: Mayroon bang mga pagkakataon na naging sanhi ng

pagkaantala sa iyong mga gawaing pang-akaddemiko ang iyong pag-

gamit ng social media?

Pagpipilian Bilang Porsyento


Oo 9 33.33%

Minsan 17 62.96%

Hindi 1 3.70%

Ayon sa nakalap na datos, 33.33 na mga estudyante ay

nagsasabing naging sanhi ng pagkaantala ng kanilang gawaing pang

akademiko sa kanilang paggamit ng social media. 62.96% naman na

estudyante ang nagsasabing Minsan, at 3.70% naman ng estudyante

ang nagsasabing hindi.

Talahayan 5: Tinuturi mo bang kabakipakinabang ang ang social

media sa iyong mga gawain bilang isang mag-aaral?

Pagpipilian Bilang Porsyento

Oo 19 70.37%

Minsan 8 29.63%

Hindi 0 0%

Ayon sa datos ng mga mananalsilk, lumabas na mas maraming

estudyante ang nagsabing Oo na may 70.37% at 29.63% naman na mga

estudyante ang nagsasabing misan at 0% Naman ang Hindi.


Kabanata III

Disenyo at pamamaraan ng Pananaliksik


Metodolohiya

Sa kabanatang ito ay ipapakita ng mga kalahok sa

pananaliksik, mga intrumentong ginamit at pamamaraan sa

pangangalap ng datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib sarbey

dahil naaangkop sa mga mag-aaral na gumagamit ng social media sa

baitang 11 GAS sa WNHS-SHS. Tinangkang suriin ng pag -aaral na

ito ang epekto ng paggamit ng social media sa akademikong

perpormans ng mga nasa baitang 11." Nais rin ng pananaliksik na

masuportahan ang mga naung pahayag ng mga nag-aaral tungkol sa

mga epekto ng nasabing usapin.

Respondente
Ang napagkasuduang bilang ng respondente ay dalawamput pito

(27) naestudyante sa baitang 11 sa GAS Strand sa paaralan ng

Wright National High School Senior High School.

Teknik sa Pagkuha ng Sampol

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Systematic Sampling

Technique.

Ayon sa Scribbr, Ang systematic sampling ay isang

probability sampling na paraan kung saan ang mga mananaliksik ay

pumipili ng mga miyembro ng populasyon sa isang regular na

pagitan - halimbawa, sa pamamagitan ng pagpili sa bawat ika-15

tao sa isang listahan ng populasyon. Kung ang populasyon ay nasa

random na pagkakasunud-sunod, maaari nitong gamitin ang simple

random sampling.

Instrumento ng Pananaliksik Systematic Sampling

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang

kasangkapan para mangalap ng datos at impormasyon. Gumawa ang mga

mananaliksik ng mga katanungang na rumeresponde ukol sa

sinumeting pag-aaral at binigyang kasagutan naman ang mga ito ng


mga estudyante na nasa baitang 11 GAS strand ng Wright National

High School Senior High School.

Tritment ng Datos

Ang mga mananaliksik ay namigay ng mga sakbay kwestyoner ng

mga sarbey kwestyoner sa paaralan ng Wright National High School

Senior High School, Paranas Samar.


Kabanata V

Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Buod

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga epekto ng

pag gamit ng pang-akademikong gawain, sa baitang 11 sa GAS strand

ng Wright National High School Senior High School. Nais ng mga

mananaliksik na maipakita ang lahat ng datos na kanilang nakalap

tungkol sa pag-aaral na ito.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Wright National High School

Senior High School. May ng dalawamput-pito (27) na respondente

mula sa baitang 11 GAS Strand ang sumagot ng talatanungan.

Konklusyon

Tinuturing nila na kapakipakinabang 0 napaka-importanteng

instrumento ang social media sa kanilang gawain bilang mag-aaral.

Ayon sa mga tagatugon mayroong nadudulot o epekto ay social media

sa gawaing pang-akademya. Lumalabas na ang positibong naidudulot

sa kanila ay ang pag-papadali sa mga gawaing pang akademiko

masasabing ang paggamit is social Media ay napapabilis ang


paggawa. Sa Social Media ay napapadali ang mga gawain pero bunga

ito ay hindi nila pagkatuto sa mga pan-sariling opinion.

Rekomendasyon

1. Mahalagang magkaroon ng mga patakaran at limitasyon sa

oras ng paggamit social media. Ang mga mag-aaral ay dapat

maging disiplinado sa paggamit nito at alisin ang mga

distraksyon upang mag-pocus sa kanilang mga gawain.

2. Maaaring gamitin ang social media bilang isang tool para

sa pag-aaral at pagkatuto. Ang mga guro ay maaaring

magbahagi ng mga kapaki-pakinabang na online resources.

3. Dapat matutunan ng mga mag-aaral kung paano suriin ang

mga mapagkukunan, kung paano kumuha ng tamang

impormasyon.

Kabanata II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Ang social media ay nagdulot ng malaking epekto sa mga mag-

aaral sa kanilang mga gawaing pang-akademiko. Maraming pag-aaral

ang nagpapakita na ang paggamit ng social media ay nagdudulot ng

mga positibong at negatibong epekto sa pag-aaral ng mga mag-

aaral.

Ayon sa isang pag-aaral ni Kirschner at Karpinski (2010), ang

labis na paggamit ng social media ay maaaring magresulta sa

mababang akademikong tagumpay. Sa kanilang pananaliksik,

natuklasan nila na ang mga mag-aaral na nagtatrabaho sa isang

computer na mayroong access sa social media sites ay nagpakita ng

mababang antas ng pag-aaral at kakayahan sa pagpokus. Ito ay

dahil ang social media ay nag-aalok ng maraming mga distraksyon

na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Gayunpaman, mayroon ding mga pag-aaral na nagpapakita ng mga

potensyal na benepisyo ng social media sa edukasyon. Ayon sa pag-

aaral ni Junco (2012), ang mga mag-aaral na gumagamit ng Twitter

para sa pag-aaral ay nagpakita ng mas mataas na antas ng


pakikilahok, pakikibahagi, at interaksyon sa kanilang mga klase.

Ang paggamit ng social media bilang isang platform para sa

diskusyon at pagtulong sa mga kapwa mag-aaral ay maaaring

magdulot ng mga positibong epekto sa pag-aaral at pagsasanay ng

mga mag-aaral.

Talaan ng Nilalaman
Kabanata I - Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Layunin ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Batayang Konseptwal

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita

Kabanata II – Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III – Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik
Respondente

Teknik s Pagkuha ng Sampol

Instrumento ng Pananaliksik

Tritment ng Datos

Kabanata IV – Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos na

Kinalabasan ng Pag-aaral

Kinalabas ng Pag-aaral

Kabanata V – Paglalagom, Mga Natuklasan, Konklusyon At

Rekomendasyon

You might also like