You are on page 1of 16

Kabanata I

KALIGIRAN NG PANANALIKSIK
Panimula
"We don't have a choice on whether we do social media, the question is how
well we do it". -Erik Qualman
Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming
kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang araw – araw. Hindi
maipagkakaila na ang mga Social medIa ay isa sa naging produkto ng makabagong
panahon. Ang social media, bilang bahagi ng makabagong teknolohiya ay may
malaking epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng mga bata.Ito ay maaaring
magpalakas o magpahina sa positibong pananaw ng mga mag-aaral. Sila ay lantad
sa iba’t ibang bahagi ng media na patuloy na lumalawak dahil sa pag-unlad ng
makabagong teknolohiya ngunit ano nga ba ang akademikong tulong nito sa mga
mag-aaral?

Napaka laking tulong ng internet at social media sa pag aaral ng mga mag-
aaral dahil mas mabilis na nakakakuha ng impormayon na kinakailangan sa
pagaaral.

Narito ang ilang halimbawa ng mga sites o social media na kadalasang


pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga mag-aaral.

Una ay ang GOOGLE: Ang GOOGLE ay malaking tulong para sa isang mas mahusay
na edukasyon dahil sa pamamagitan nito, madaling gawin ang ilang mga
pananaliksik nang walang anumang nababasura na oras. Nagbibigay ito ng mga
resulta kaugnay sa hinahanap na impormasyon at ang mga resultang ibibigay nito
ay masasabing nasa kategoryang iskolastiko. Napaka laking tulong nito sa

1
edukasyon at sa mga mag-aaral dahil sa mga impormasyon na nilalaman nito na
napaka laking tulong. Bilang isang estudyante, dito din ako madalas kumukuha ng
mga impormasyon na aking kailangan kapag may mga takdang aralin at mga
proyekto ako na gagawin. Napaka laking tulong nito sa mga mag-aaral dahil
mabilis na nagagawa ang mga takdang aralin dahil isang pindot lang sa ‘search’ ay
may lalabas na kagad na mga impormasyon na lubos na nakakatulong para sa mga
mag-aaral.Sa YOUTUBE ay kung saan maaari kang mapakanood ng iba’t-ibang
video na may iba’t-ibang paksa. Napakalaki ng tulong nito dahil maaaring
makapanood ng mga “videos” at maaari ding mapadali ang pag intindi dito dahil
napanonood na ito at hindi narin tatamarin na magbasa. Malaking tulong rin ito
dahil pag may hindi naintindihan ay isang search lang at maaari nang lumabas ang
video na gustong mapanood. Napakalaki ng naitutulong ng mga social media na
ito sa mga mag-aaral dahil hindi lang sila nagbibigay aliw subalit nagbibigay din sila
ng mga impormasyon na masasabing nasa kategoryang iskolastiko. Ang
FACEBOOK ay isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo
sa pag-aari ng Facebook, Inc. Isa rin sa malaking tulong ang facebook dahil sa
sobrang dami ng mga gumagamit nito, sobrang dami ring impormasyon na
nakukuha dito tulad ng mga artikulo na tungkol sa pag aaral o mga blog post na
makatutulong sa pag-aaral. Mas napapadali rin nito ang komunikasyon ng mga
guro kaya kapag may mga katanungan ay pwede kagad itanong at hindi na
kailangan maghintay ng kinabukasan. Minsan ay nagbibigay rin ito ng aliw sa mga
mag-aaral kapang na-iistress sa pag-aaral at kung kailangan munang mag-
pahinga. Isa sa mabuting epekto ng mga nabanggit nito ay ang easy access o
madaling paraan upang makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon,
mga balita na interesadong malaman ng lahat, kagaya ng suspensyon ng klase,

2
mga balita tungkol sa gobyerno o mga artikulo. Sa kabilang dako naman ay mas
lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag
kaibigan.Ang Twitter ay isang online news at social networking service kung saan
ang mga user ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag
na "tweet", na hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang
ito'y lumawig hanggang 280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring
magpost ng mga tweet ngunit ang mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá
ng mga ito.Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing,
video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na
kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma
ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr.

Sa kabuuan, ang Social media ay may higit na mabuting naidudulot sa mga


mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral,
napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga
kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal, nagtatagpo ulit ang mga dating mga
kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t- isa at higit sa lahat,
naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay. Laging
tatandaan na dapat magkaroon ng time management upang magkaroon ng pocus
sa pag-aaral. Mayroong oras sa paglilibang at mayroon ding oras para sa trabaho
at edukasyon. Dapat na bigyan ng prayoriti ang mga mahahalagang bagay sa
buhay upang magkaroon ng magandang kinabukasan at hindi sayang ang
paghihirap ng ating mga magulang.

3
Maraming nabibigay na benepisyo ang social media at ang internet. Ngunit
katuwang ng mga tulong na naibibigay nito, ay may masama din itong naidudulot
sa mga estudyante. Unang-una, maari nitong gawing tamad ang mga estudyante
sapagkat pwede na lamang nilang hanapin sa internet ang mga sagot na kanilang
kailangan sa mga ibinigay na mga gawain. Nakapagbibigay din ito ng maling
impormasyon sapagkat hindi lahat ng mga impormasyon na makikita sa internet
ay tama o makatotohanan. Maaari din nito maapektuhan ang “privacy” ng mga
estudyante sa paggamit ng internet at social media at maari din silang mabiktima
ng iba’t ibang mga cyber crimes at cyber bullying sa isang maling pindot. At higit
sa lahat, sa madalas na paggamit ng internet at social media ay maaring
magkaroon ng “addiction” dito ang mga estudyante at maubos ang kanilang oras
na dapat ay ginagamit sa mas mahahalagang bagay. Masama man o mabuti, hindi
natin mapagkakaila na ang internet at ang social media ay mga napakagandang
imbensyon. Mayroon itong magagandang benepisyo ngunit maari din itong
makasama. Kapag nagamit sa tamang paraan, napakalaki ang maitutulong nito
ngunit na sa ating mga kamay parin ang kung gagamitin natin ito sa tamang
paraan o maging biktima sa mga masasamang epekto nito.

Saligan ng pagaaral

Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa


larangangkinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng
pakikipag-ugnayan sapamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong
maiugnay ang mga tao mula samalalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, ang
paksang tungkol sa social media aymahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga
taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante. Sapagkat, sa

4
pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong,napakarami ring
impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisitanila sa
sites na ito. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga
estudyante sa ngayontungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan.
Bukod pa dito, layunin rin nito naipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng
social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit
sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyangsolusyon ang mga
mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sasocial
media.

Pagpapahayag ng Sularinin

Ang panaliksik na ito ay may mga katangiang nais


sikaping bigyan ng kasagutan:

1. Anu-ano ang maaaring epekto sa akademik perpormans ng mga


magaaral ang ibat ibang uri ng social media gaya ng:
A. Facebook
B. Google
C. Youtube
D. Instagram
E. Twitter
2. Paano nakakaepekto ang pag gamit ng social media sa akademik
perpormans ang mga magaaral?
3. Maykahalagahan ba ang pagiging aktibo sa social media sa pang araw araw
na gawain ng mga magaaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral

5
Naglalayon ang pag-aaral na ito na bigyang kaalman ang mga
estudyante sa mga mabuting epekto ng social media at bigyang
babala patungkol sa mga negatibong epekto nito upang ito’y
magamit nila ng wasto. Ito rin ay makapapababa ng populasyon
ng mga estudyanteng halos nilalaan ang lahatng kanilang oras sa
paggamit ng social media.Ang kalalabasan ng pag-aaral
na ito ay makapagdadala nang malakingtulong sa mga
estudyanteng nakararanas ng pagkasugapa sa paggamit ng social
media. Ito rin aynaglalayong makapag-ambag sa literatura para sa
matagumpay na pag-aaralng mga mag-aaral St. Vincent. Para sa
mananaliksik, ang pag-aaral na ito aymahalaga at makatutulong
na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Maging sanggunian din
ito sa mga mag-aaral na nais magsaliksik ukol sa pag-aaral na ito.
Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-
aaral sa tamang pag gamit ng Social Media na nagbibigay sa atin ng
isang mas mahusay na komunikasyon at mabilis na paggawa.

Sa mga sugapa sa internet- Ang resulta ng pag-aaral na ito


aymahahayaang mabahala sila sa mga negatibong epekto ng
paggamit nginternet tulad ng problema sa pisikal o kalusugan,
relasyon sa pamilya atproblema sa pag-aaral.

Sa mga estudyante - Na sila ay mabahala sa kanilang sarili at


magagamit ang oras at social media ng maayos, nang ito ay
makapagbigay ng positibong epekto sakanilang pag-aaral.

6
Sa mga magulang- Ito ay makatutulong sa kanila na
mabawasan ang pangamba kung maayos ba ang pag-aaral ng
kanilang mga anak.

Sa mga guro- Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging


instrumentoupang gabayan ang kanilang mga estudyante sa
wastong paggamit ngsocial media. Upang malaman din ang
kadahilanan ng mga may mababang marka ng nilangestudyante.

Sa komyunidad (lalo na sa mga nagnenegosyo gamit ang social


media) Namabahala rin sila sa gawain ng mga estudyante sa labas
ng paaralan.

Sa mga batang paslit- Upang sila ay magabayan ng maayos


sakanilang paglaki.

Huli, para sa mga mananaliksik- Sa ang pag-aaral na ito ay


magbibigayng masmabuti at malawak na kalaman at maging
bahagi sa kanilang napilingkarera sa buhay.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga epektong social media


sa akademik performance ng mga estudyante sa St. Vincent College of Cabuyao
taon 2019.Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante ng St Vincent
College. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang mga pananaw at
persepsyon ngmga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa
huli, bibigyan ng mgamananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan
ang sobrang pagkahumaling sasocial media ng mga estudyante.

7
Balangkas Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa isang mananaliksik sa itinatagong pangalan na


Input Process Output
Resident Patriot sa kanyang artikulo na "Social Media at ang Modernong Pilipino
Mga uri ng social media: Pagsasarbey ukol sa Akademik
na nagsasaad ng mga naging epektonasabingsakanya at sa ibang tao ng perpromans
input. social media
ng mga
1. Facebook mag aaral
2. Google Pagsasama sama
. Sinasabi dito na ang social media
3. Youtube
ay isang tulay na maaaring magdugtong
ngmga sagot sasarbey 1. Pag aaral sa
2. Grado
ating4. nakaraan,
Instagram
kasalukuyan, at hinaharap
Pag-aanalisa nasitwasyon
ng mga o kaisipan. Ang pag-aaral
5. Twitter
kasagutan
na ito ay masasabi ring kritikal sapagkat malaki ang impak saisipan at pamumuhay
ng isang tao ang social media.

Nais ng mananaliksik namapag-aralan kung pano nga ba ito nakaaapekto sa


akademik perpormans ng mga mag-aaral ng St. Vincent at kung ano ang kahalagan
nito.

Balangkas Konseptwal

Haypotesis

8
Nakatutulong at positibo ang epekto ng social media sa pang akademikong
perpormans ng mga piling magaaral sa unang taon ng St.Vincent College of
Cabuyao.

Katuturan ng mga Termino

Ang bawat termino na nababanggit ay mapapaloob sa aming


sulating pananaliksik. Ang mga terminong ito ay mapapaloob sa
mamababasa upang maunawaan nila ang tungkol ditto, mas
lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas maging
pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga
diksyunaryo, internet atbp.

Social Media: ay ang lugar kung saan ikaw ay nakikipag-ugnayan sa mga taong
malalayo sa kanil, hindi lamang pakikipagugnayan ang kanyang nagagawa pati na
rin transaksyon ng mga impormasyon.

Google: sa pamamagitan nito, madaling gawin ang ilang mga pananaliksik nang
walang anumang nababasura na oras.

YOUTUBE: kung saan maaari kang mapakanood ng iba’t-ibang video na may iba’t-
ibang paksa. Napakalaki ng tulong nito dahil maaaring makapanood ng mga
“videos” at maaari ding mapadali ang pag intindi dito dahil napanonood na ito at
hindi narin tatamarin na magbasa.

Facebook: ay isang social networking website na libre ang


pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang
pampublikong kompanya.

9
Internet- ay ang mga magkakabit na mga computer network na
maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. (Wikipedia)

Instagram: ay isang social networking website na kung saan ikaw ay maaari


gmagbahag o magpost ng mga larawan at video.

Twitter: isang social networking website na kung saan ikaw aymaaring magbahagi
ng iyongnararamdaman o opinyon sa isang bagay.

Kompyuter- Isang aparato na nagmamanipula ng mga


imporamasyon at nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na
progam o proseso. (Diksyunaryo)

Ang mabuting epekto - napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga
mag-aaral, napagtitibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng
bagong mga kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal, nagtatagpo ulit ang mga
dating mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isa’t- isa at higit sa
lahat, naipapahayag sa buong mundo ang sariling ideya at pananaw sa buhay

Ang masamang epekto ng social media - may masama din itong


naidudulot sa mga estudyante. Unang-una, maari nitong gawing tamad ang mga
estudyante sapagkat pwede na lamang nilang hanapin sa internet ang mga sagot
na kanilang kailangan sa mga ibinigay na mga gawain. Nakapagbibigay din ito ng
maling impormasyon sapagkat hindi lahat ng mga impormasyon na makikita sa
internet ay tama o makatotohanan. Maaari din nito maapektuhan ang “privacy”
ng mga estudyante sa paggamit ng internet at social media at maari din silang
mabiktima ng iba’t ibang mga cyber crimes at cyber bullying sa isang maling
pindot. At higit sa lahat, sa madalas na paggamit ng internet at social media ay

10
maaring magkaroon ng “addiction” dito ang mga estudyante at maubos ang
kanilang oras na dapat ay ginagamit sa mas mahahalagang bagay.

Teknolohiya- Ang pagsulong at paglapat ng mga ksaangkapan,


makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng
mga suliranin ng tao.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITARATURA AT MGA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa pag-aaral at mga


babasahin na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga


tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin
ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-
daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.Wala na

11
yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites, o di
kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikatang mga nabangit na websites, ngunit ano
nga ba ang epekto ng social networking sites sa paguugali natin? Partikular sa mga
kabataan ngayon? Isa sa mabutingepekto ng mga nabangit na websites ay ang
easy access o madaling paraan upangmakapaglaganap o makapag bahagi ng
impormasyon. O mga balita na interesadoang lahat na malaman, kagaya ng
suspensyon ng klase, mga balita tungkol sagobyerno o mga artikulo o babasahin
na marami tayong matututunan. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging
bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan.
Minsan kahit hindi nila personal na kilala ay kanilan ina-add as friend o
idinadagdag sa mga taong maaring makita anglaman ng kanilang profile. Kaya lang
nga minsan madalas na nagkakapikunan ang mga kabataan sa mga post na hindi
nila gusto.

Ayon sa wikipidia ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa sa


mga nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na koniktado ng isa o
maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na
relasyon.Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng social
media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati
narin sa ating pag aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng
mayroong account sa mga social media sites.

"As of 2015 the world’s largest social networking company, Facebook has
1.49 billion active users, and the number of users is increasing every year. One of
the most interesting things to look at is the increasing number of student users on

12
such social networking sites. As per the survey conducted by Pew Research Cente,
72% percent of high school and 78 percent of college students spend time on
facebook,twitter, Instagram, etc. These numbers indicate how much the student
community is involved in this virtual world of social networking."

-TECHNICIAN, The student newspaper of North Carolina State University,


February17 2016 issue, Abheshek Kharadkhar correspondents.

Napatunayang lumalago ang bilang ng mga estudyante sa mundo netizens, ibig


sabihin malaki ang nagiging bahagi nito sa pang araw-araw nating pamumuhay. At
ang ating buhay ay halos umiikot sa pag-aaral, ngayon,paano nga ba ito (social
media) nakakaapekto sa ating pag-aaral.

Mga Negatibong Epekto

Kaugnay na Pag-aaral

Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng


maraming impormasyon tungkol sa bagong teknolohiya o facebook,
karamihan sa mga ito ay ang malaki nitong epekto sa paraan ng
pakikipagkumuniskasyon sa bansang pilipinas.
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD(2013), ang social media o
social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo
sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang
komonekta sa kaniyang mga mag aaral.
Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advantage ang social media,kundi maging
sa mga guro.
Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abainza (2014),ang social media katulad ng
facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isana dito ay
ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon
dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social m!dia ayon sa mga pag aaral ay ang
pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon .

13
Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sa kanyang pag-aaral
mula sa facebook na ito ay ito ay mas higit na ginagamit sa
pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin.
Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas
magiging mas pakipakinabang, at ayon sa kanya na ito ay lubos na
ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at
makipagkomunikasyon.
Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang
makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang
kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa
pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali
itong gamitin.
Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga
sosyal na pakikipagkumunikasyon ay nabago daw nito ang estado ng
kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho at madali itong
nakikipagkumunikasyon sa ibang tao.
Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang
mabilis na nagbago, maging ang paraan na din ng
pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay
nakakayanan ng gumamit nito, sapagkat sadyang madali itong gamitin.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit sa pagaaral na ito ay ang palarawang pamamaraan. Ang pamamaraang


ito'y mabisa sa paglalarawan ng kasalukuyang sitwasyon ng mga bagay (Wallman
2002). Karaniwan itong ginagamit sa pananaliksik ukol sa linngwistika, agham
panlipunan, at panitikan.Gumamit ng sarbey ang mananaliksik sa pamamagitan ng
talatanungan upang malaman kung may mayroon bang epekto ang iba't-ibang uri

14
ng social media gaya ng: Face!book, Google, Youtube,Instagram at twitter sa
akademik perpormans ng mga mag aaral ng St. Vincent College.

Populasyon at Tagatugon ng Pananaliksik

Ang mga ginamit na tagatugon ay ibatibang magaaral sa unang antas na may


bilang na limampung (50) mag-aaral mula sa St. Vincent College of Cabuyao.

Dahilan na ang binuong glosaryong ito ay nakatuon sa mga epekto ng social media
sa akademik perpormans ng mga mag-aaral kaya ang mga napiling tagatugon ay
ibat ibang mag-aaral na nagmula so unang antas ng St. Vincent College of
Cabuyao.

Instrumento ng Pananaliksik

Isinagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang upang


maisakatuparan ang kasalukuyang pag-aaral:

1. Pagkalap at pagbasa ng mga aklat ng riserts o pananaliksik.

Ang mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol sa riserts o


pananaliksik sa wikang Ingles at Tagalog upang malaman ang mga karaniwang
terminong ginagamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang porpus na maaring
pagkunan ng glosaryo ng mga terminolohiya.

2. Pagbuo ng Talatanungan

Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik batay sa limang uri ng social media


(Facebook,Google, Youtube, Instagram at Twitter) na maaaring mayroong epekto
sa akademik perpormans ng mag-aaral ng St. Vincent College of Cabuyao. Ang
talatanungan ay isang talahanayan ng limang uri ng social media kasama ang

15
opsiyon sa paglalarawan ng kasagutan. Bahagi ng pagsagot ang paglagay ng tsek
sa bawat katanungansa limang uri ng social media at maaaring epekto nito sa pag-
aaral/grado ng mag-aaral ng St. Vincent College batay sa opsiyon ng paglalarawan
ng kasagutan.

3. Pagbuo ng Talatanungan Batay sa Limang Uri ng Social Media

Gumawa ng talatanungan ang mananaliksik na kinapapalooban ng dalawampung


(20) katanungan na nakaugnay sa mga baryabol (Facebook,Google, Youtube,
Instagram, Twitter at Pag-aaral/Grado).

Pumili ang mga tagatugon ng kanilang kasagutan sa panukatang ibinigay ng


mananaliksik batay sa limang uri ng social media (Facebook,Google, Youtube,
Instagram, at Twitter) at maaaring epekto nito sa pag-aaral/grado ng mag-aaral ng
St. Vincent College of Cabuyao.

Panukatan sa Paglalarawan ng Kasagutan

3 Oo

2 Minsan

1 Hindi

16

You might also like