You are on page 1of 9

Central Luzon State University

Science City of Muñoz, Nueva Ecija

EPEKTO NG KAKULANGAN NG PANG-LABORATORYONG


KAGAMITAN SA AKADEMIKONG PAGKATUTO

NG MGA MAG-AARAL SA BTLED

Isang pananaliksik bilang pagtupad sa mga kinakailangan sa kursong FILDIS 1110

Babas, Shane Princess Alap

Cabanes, Jon Lester

Diamsay, Pamela

Domingo, Vince

Limos, Merwin

Susan, Bea Vianca

Reyes, Monina Grace

Mga Mananaliksik

Mr. Eufemio Jr. Calang

Guro ng mga Mananaliksik

Bachelor of Technology and Livelihood Education

Disyembre 2022

1
I. Panimula

Ang kaalaman ay natatamo sa pamamagitan ng mga karanasang nakatutulong


sa mga mag-aaral, kung kaya’t mahalaga na sila ay dumanas ng sapat at mahusay na
pagsasanay para mahasa ang kanilang mga abilidad at kasanayan. Upang mapalabas
ang runong ng mga mag-aaral, kinakailangan ng malawak na mga kagamitan na
kanilang gagamitin sa pagkatuto. Ngunit ano ang mangyayari kung hindi ito
maipagkakaloob sa mga mag-aaral? Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang
posibleng epekto ng kakulangan ng pang-laboratoryong kagamitan sa pagkatuto ng
mga mag-aaral ng BTLED. Nais ng mga mananaliksik na malaman kung
nakahahadlang nga ba sa pagkatuto ang kawalan o kakulangan ng mga kagamitang
pang-laboratoryo.

II. Mga Kaugnay na Literatura

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa Nigeria noong 2012, natuklasan ni Bello na


dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa laboratoryo na dapat ibigay ng mga
paaralan, ang mga mag-aaral sa kanilang ika-apat na taon sa sekondaryang paaralan
ay nawalan ng asignatura sa physics. Kanya ding nalaman na ang pagkakaroon at
paggamit ng mga kagamitang panlaboratoryo ay nakakapagpataas ng akademikong
pagganap ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura. Ang kalidad ng edukasyon ng
isang mag-aaral ay maaaring itaas sa pamamagitan ng pamumuhunan ng malaki sa
mga kagamitan sa lab.

Napag-alaman sa isang pag-aaral na ang mga mag-aaral na pinagsama ang


"lecture approach" at "laboratory approach" ay higit na natututo. Ang mga mag-aaral ay
maaaring ganap na magamit ang kanilang natutunan mula sa mga libro sa
pamamagitan ng paggamit ng laboratoryo. Ito ay nagiging isang paraan para matutunan
ng mga mag-aaral kung paano magsagawa at magsuri ng mga pag-aaral nang lohikal
at makatwiran.

Ang isang mag-aaral ay kailangang makipag-ugnayan sa ibang mga mag-aaral


sa loob ng silid- laboratoryo, ayon kay Dahar at Faize (2001), upang mas maunawaan
ang mga aktwal na prosesong kasangkot sa isang sitwasyon. Kung magagamit niya

2
ang mga kagamitan sa laboratoryo upang madagdagan ang kaalaman ng kanyang mga
mag-aaral sa tunay na konsepto ng proseso ng pag-aaral, ang kanilang natutunan at
nabasa ay magiging mas may kaugnayan.

III. Nilalaman

Kakulangan ng mga kagamitan na pang laboratory, ano-ano nga ba ang maaring


maging epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral na nagangailangan ng kagamitan at
ano nga ba ang mga solusyon upang malutas ang suliranin na ito sa mga maga-aaral
ng BTLED. Ang kagamitang pang laboratory ay ang mga makina at meteryal na
susuporta sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang napili na larangan. Ang
kakulangan sa kagamitan pang laboratory ay maaring magresulta ng kakulangan sa
pagkatuto ng mag-aaral. Maaring hindi maintindihan at matutunan ng isang mag-aaral
ang leksyon at kaalaman na nararapat niyang matutunan sapagkat kinululang ang mag-
aaral sa aplikasyon ng kanilang pinag-aaralan sa aktuwal na gawain. Halimbawa na
lamang sa kakulangan sa gamit ng pananahi, hindi matututunan ng isang mag-aaral
kung papaano gamitin ang makinang pantahi sapagkat walang kagamitan na maaring
aktuwal na pag-aaralan ng mga mag-aaral, isa lamang ito sa kagamitan na kinukulang
upang suportahan ang pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, mayroong mga solusyon
na maaring gamitin at ipatupad upang matustusan ang suliranin. Sapat na suporta ang
nararapat upang matupad ang layunin ng mga mag-aaral na mapagyaman pa ang
kanilang kaalaman, ito ay ang pagkakaroon ng unibersidad ng sapat na laboratoryo na
kumpleto sa kagamitan at sapat sa lahat ng mga mag-aaral, ang pag implementa ng
mga sariling lugar panlaboratoryo na sapat sa bilang ng mga mag-aaral.

IV. Interpretasyon ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng survey sa pamamaraan ng pag-gamit ng


GOOGLE FORM upang makolekta ang datos mula sa mag-aaral ng BTLED baitang na
ikalawa at ikatlong taon ng kolehiyo. Nasasagot sa SANG AYON, BAHAGYANG
SUMASANG AYON, BAHAGYANG HINDI SUMASANG AYON AT HINDI SANG AYON
ang nilalaman ng surbey. Narito ang mga datos na aming nakolekta sa survey na
aming isinagawa. Ang mga respondante ay nagmula sa BTLED HE, AFA, at IA mula sa

3
ika-lawa at ikatlong baiting ng kolehiyo ng CLSU. 30 katao lamang ang sakop ng aming
respondente.

Sa nakalap na datos ng maga mananliksik sa isinagawamg surbey, narito ang


Talahanayan at interpretasyon. Sa katanungan na:

1. Bilang isang mag-aaral na nakapabilang sa kursong BTLed, sapat ba ang mga


kagamitan na mayroon sa inyong laboratoryo? 4 ang tumugon ng Sang ayon na may
katumbas na 13.3%, 4 ang tumugon ng Bahagyang sumasang ayon katumbas ng
13.3%, 8 ang tummugon ng Bahagyang Hindi sumasang ayon katumbas ng 26.7% at
14 ang tumugon sa Hindi sumasang ayon katumbas ng 46.7%. Base sa datos na
nakalap ipinapakita ng datos na ito ang kakulangan ng panglaboratoryong kagamitan.

2. Nakakagamit ka ba ng mga kagamitang panlaboratoryo ng walang pahintulot


ng iyong guro? 3 ang tumugon ng Sang ayon na katumbas ng 10%, 6 ang tumugon ng
Bahagyang sumasang ayon katumbas ng 20%, 3 ang tumugon ng Bahagyang hindi
sumasang ayon katumbas ng 10% at 18 ang tumugon ng Hindi sang ayon katumbas ng

4
60%, Sa datos na ito ay mas nakararami ang kumakailangan ng permiso ng guro upang
magamit ang mga pang laboratoryong kagamitan.

3. Nagagawa mo ba ng maayos ang iyong aktibidad sa kabila ng kakulangan ng


kagamitan panlaboratoryo? 6 ang tumugon ng Sang ayon katumbas ng 20%, 16 ang
tumugon ng Bahagyang sumasang ayon katumbas ng 53.3%, 3 ang tumugon ng
Bahagyang Hindi smasang ayon katumbas ng 10% at 5 ang tumugon ng Hindi sang
ayon katumbas ng 16.7%. karamihan ng mag-aaral ang bahagyang nagagwa ang
kanilang aktibidad sa kabila ng kakulangan ng kagamitan.

4. Sa iyong palagay nakaka apekto ba ang kakulangan ng mga kagamitang


panlaboratoryo sa iyong pag-aaral? 22 ang tumugon ng sang ayon katumbas ng 73%, 8
ang tumugon ng Bahagyang sumasang ayon katumbas ng 27%, 0 ang tumugon sa
Bahagyang hindi sumasang ayon at sa hindi sumasang ayon katumbas ng 0%. Malinaw
sa datos na ito na sa kabila ng kakulangan ng panlaboratoryong kagamitan
nakatutugon parin ang mga mag-aaral sa kanilang laboratory.

5. Marami ba dapat ang kailangang idagdag sa mga kagamitang


panglaboratoryo? 20 ang tumugon ng Sang ayon katumbas ng 66.7%, 10 ang tumugon

5
sa bahagyang sumasang ayon katumbas ng 33.3%. 0 ang tumugon ng bahagyang hindi
sumasang ayon at hindi sumsang ayon. Sa datos na ito 100% ng mag-aaral ang
nagnanais na magkaroon ng sapat na kagamitang panlaboratoryo sa kurso ng BTLED.

6. Ang kakulangan ng kagamitan sa laboratoryo ay nakaka-apekto sa iyong


marka? 10 ang tumugon ng sang ayon katumbas ng 33.3%, 11 ang tumugon ng
bahagyang sumasang ayon katumbas ng 36.7%, 7 ang tumugon ng Bahagyang hindi
sumasang ayon katumbas ng 23.3% at 2 ang tumugon ng hindi sumasang ayon. Sa
datos na ito makikita ang malkaing pagkakaiba ng opinion ng mga mag-aaral ngunit
nagibabaw ang pagkakaroon ng epekto ng kakulangan ng kagamitan panlaboratoryo sa
marka ng mag-aaral ng BTLED.

7. Sa inyong laboratoryo, ang lahat ba ng mga estudyante ay nakakagamit ng


mga kagamitang panlaboratoryo? 9 ang tumugon ng sang ayon katumbas ng 30%, 4
ang tumugon ng Bahagyang sumasang ayon katumbas ng 13.3%, 4 ang tumugon ng
Bahagyang hindi sumasang ayon katumbas ng 13.3% at 13 ang tumugon ng hindi
sumasang ayon katumbas ng 43.3%. sa datos n aito ay makikita na karamihan ng mag-
aaral ay hindi nakagagamit ng panlaboratoryong kagamitan.

6
8. Nagiging epektibo pa rin ba ang pagkatuto sa kabila ng kakulangan ng gamit
sa laboratoryo? 6 ang tumugon ng sang ayon 20%, 16 ang tumugon ng Bahagyang
hindi sang ayon katumbas ng 53.3%, 6 ang tumugon ng Bahagyang hindi sumasang
ayon katumbas ng 20%, at 2 ang tumugon ng hindi sang ayon katumbas ng 6.7%. sa
kabila ng kakulangan ng panlaboratoryong kagamitan natututo parin ang karamihan ng
mag-aaral sakabila ng suliranin.

9. Sa iyong palagay ito ba ang dahilan kung bakit hindi naisasagawa ng maayos
ang gawaing panglaboratoryo? 16 ang tumugon ng sang ayon katumbas ng 53.3%, 10
ang tumugon ng bahagyang sumasang ayon katumbas ng 33.3%, 3 ang tumugon ng
Bahagyang hindi sumasang ayon katumbas ng 10%, at 1 ang tumugon ng hindi sang
ayon katumbas ng 3.3%. karaihan ng mag aaral ay hindi naisagagawa ng maayos ang
kanilang laboratoryo bunga ng kakulangan ng gakamitan panlaboratoryo.

10. ang mga kagamitan sa iyong laboratoryo ay nasa maganda pang kalagayan
at nagagamit pa ito ng maayos? 5 ang tumugon ng sang ayon katumbas ng 16.7%, 9
ang tumugon ng Bahagyang sumasang ayon katumbas ng 30%, 8 ang tumugon ng
Bahagyang hindi sumasang ayon katumbas ng 26.7% at 8 ang tumugon ng hindi sang
ayon katumbas ng 26.7%. karamihan ng mga kagamitan panlaboratoryo ng mga mag-
aaral ay wala na sa magandang kalagayan at kinakailangan nang mapalitan.

Narito ang mga pursyento ng tugon ng mga mag-aaral patungkol sa EPEKTO


NG KAKULANGAN NG PANLABORATORYONG KAGAMITAN SA AKADEMIKONG
PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA BTLED.

V. Konklusyon

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na


ang mga mag-aaral ng BTLED ay humaharap at nakararanas ng matinding kakulangan
ng mga kagamitang pang-laboratoryo para sa kanilang akadememikong pagkatuto. Ang
karamihan sa mga mag-aaral ng BTLED ay may opinyon na hindi sapat ang
kagamitang pang-laboratoryo upang mapunan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Bagama't may ilan ding mga mag-aaral na sapat naman at nakagagamit sila ng mga

7
kagamitan sa kanilang laboratoryo sa kadahilanang may mababang bilang ang kanilang
pangkat.

VI. Rekomendasyon

Base sa kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik ay


nagbigay ng mga rekomendasyon:

1. Para sa mga mag-aaral labis na inererekomenda na hanggat kakayanin ay


mag dala ng sariling kagamitan upang magamit at hindi mahuli sa mga laboratoryong
isinasagawa sa paaralan.

2. Para sa mga mag-aaral, maaring mag karoon ng kontribusyon upang mabili


ang mga kagamitang kinakailangan sa laboratory.

3. Para sa paaralan, humihingi ng aksyon ang mga respondante upang


matugunan ang kanilang pangangailangan kahit sa simpleng paraan.

Mga Sanggunian:

Mary Jude Abuan et al., (2013). Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan


saLaboratoryo ng Haynayan sa AkademikongPagkatuto ng Mag-aaral sa BS Biology
ngPamantasan ng Lungsod ng Maynila. Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/425904651/147171774-Epekto-ng-Kakulangan-ng-
Kagamitan-sa-Laboratoryo-ng-Haynayan-sa-Akademikong-Pagkatuto-ng-Mag-aaral-sa-
BS-Biology-ng-Pamantasan-ng-Lungsod-ng

Gerald De Ramos et al., (2021). Epektibong pagkatuto sa laboratory ng mga


mag-aaral ng BSMARE ng Asian Institute of Maritime Studies sa ikalawang taon ng
kolehiyo. Retrieved from: https://www.studocu.com/ph/document/university-of-
perpetual-help-system-dalta/the-contemporary-world/pananaliksik-hxcxghddh/11628971

8
9

You might also like