You are on page 1of 12

MARANATHA CHRISTIAN ACADEMY OF CALOOCAN

1594 Jasmin St., Area A, Libis, Camarin, Caloocan City

Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbaba ng Grado ng mga Magaaral sa Ikalabing-isang


Baitang sa Senior High school ng Maranatha Christian Academy of Caloocan

Mga Miyembro:

Agustin, Macjaspher

Gaw, Kert Racel M.

Mia, Rafael Jan F.

Morales, Ayen Faith Jill S.

Bilang Pagtugon sa Kahingian ng Asignaturang Pagbasa at Pagsulat

Ipinasa kay:

Ginoong Francis Corpuz

Guro sa Pagbasa at Pagsulat


S.Y 2020 – 2021
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalayong ipahatid ang kaalaman patungkol sa pananaliksik sa


gagawin ng natatanging grupo.

INTRODUKSYON

Edukasyon; isang napakahalagang bagay na pilit tinatamasa at pinaghihirapan ng bawat isa


sa kani-kanilang agos ng buhay. Ang proseso ng pagtuturo, pagkatuto at pagtatamo ng kaalaman
sa iba’t-ibang antas. Sa larangan ng agham, matematika, kagandahang asal, maging na rin ang
sining; sa pamamagitan ng mga guro na nagpapasa ng mga impormasyon sa indibidwal na mag-
aaral, upang sila ay matuto. Ang edukasyon ay panghabang buhay. Madali sa iilan; mahirap sa
karamihan. Ang susi sa kalayaan; sandata sa kamangmangan. Ang edukasyon ang bubuo sa
pagkatao ng tao. Bagama’t mahaba ang proseso ng katuparan ng pagtatapos, hindi lahat ay
umaangat. Hindi lahat nagtatagumpay.

Ano nga ba ang “grado”?

Grado. Mga numerong nagiging basehan ng pagganap ng estyudante sa paaralan. Ang mga
numerong ito ang magtatapos sa presentasyon, paglalahad, maging sa pagsusumikap ng
indibidwal sa kaniyang pagaaral. Ito rin ang magsasabi kung papasa o babagsak ang isang
estyudante. Sa paaralan, mayroong partikular na grado na dapat maabot ang estyudante upang
makapasa sa natatanging asignatura. Ang pagtatag ng pamantayan sa estyudante ay tunay ngang
nakakatulong upang magkaroon ng disiplina sa pagaaral.

Pero hindi lagi.

Ang pagbaba ng grado ng estyudante ay bumubuo ng pakiramdam ng kahinaan, dibisyon


sa iba pang estyudante, pagbabago ng personalidad, depresyon at iba pa.

Ang pagaaral ay laban ng mga estyudante patungo sa kanilang pangarap. Tagumpay ay


nakasaalang-alang sa pagganap ng bata, sa determinasyon, sa kasipagan, sa talento, sa abilidad,
sa karunungan. Iba-iba ang tinataglay na kakayahan natin. Sa pananaliksik na aming isasagawa,
layon naming malaman kung ano-ano nga ba ang mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng
grado ng mga magaaral sa ikalabing-isang baitang ng Senior High School ng Maranatha
Christian Academy of Caloocan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Alam nating lahat kung gaano kahalaga ang edukasyon sa buhay ng mga tao. Ito ang
bubuo at magiging susi sa kung anong gusto nilang maging at kung ano sila. Sa pamamagitan ng
pag-alam ng mga problema, pangyayari at iba pang mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng
grado ng mga magaaral; malalaman natin kung paano mas maging epektibo ang pag-aaral, kung
paano makakaalis sa balakid at kung paano matutulungan ang mga batang dumaranas nito. Ang
pag-aaral na ito ay naglalayong tumalakay sa mga salik na nakakaapekto sa marka ng mag-aaral
sa Maranatha Christian Academy of Calooocan (MCA).

Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1) Ano-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng grado ng magaaral ng


MCA of Caloocan?
2) Ano ang salik na nakakuha ng may pinakamataas na porsyento?
3) Lubha bang nakakaapekto sa mga magaaral ang pagbaba ng kanilang mga
grado?
4) Ano ang epekto ng pagbaba ng grado sa buhay ng mga estyudante?
KAHALAGAHAN NG TALAKAY

Ang pananaliksik patungkol sa mga salik na nakakaapekto sa grado ng mga estyudante ng Maranatha
Christian Academy of Caloocan (MCA) ay makakatulong sa kinabukasan. Ito ay maghahatid ng konkretong
kaalaman hindi lamang sa mga guro, pati na rin sa mga estyudante at mga magulang. Magbibigay linaw ito sa
pinapakitang ugali ng mga batang nakakaranas nito sapagkat ang pagaaral na ito ay umiikot sa mga dahilan na
nagpapababa sa mga grado ng ikalabing-isang baitang na mga estyudante ng MCA. Mag-aambag ang
pananaliksik na ito sa sariling pamumuhay hndi lamang sa sosyal na aspeto kundi pati sa akademiko.

Ang pag aaral na ito ay magiging batayan ng mga guro, estyudante, mga magulang at mga natatanging
kaibigan kung paano pakisamahan ang mga mag-aaral na may mababang grado sa MCA Caloocan.

Dahil sa pag aaral na ito, maipapakita at malalaman ang mga problema at pangangailangan ng mga mag-
aaral na nag bibigay daan sa pag tugon nito.

BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROSESO OUTPUT


 Nais ng mga Ang mgamananaliksik Inaasahan ng mga
mananaliksik na ay mamamahagi ng mga mananaliksik sa pag-
malaman ang mga salik nasabing kwestyuner o aaral na ito na malaman
na nakakaapekto sa  Survey sa mga mag- ang mga salik na
pagbaba ng grado ng aaral sa ika-11 baitang nakakaapekto sa pagbaba
mga mag-aaral sa ika- ng Senior High school ng grado ng mga mag-
11 baitang ng Senior ng Maranatha Christian aaral sa ika-11 baitang
High school ng Academy of Caloocan ng Senior High school
Maranatha Christian upang makakalap ng ng Maranatha Christian
Academy of Caloocan mga impormasyon o Academy of Caloocan.
kung kaya’t datos hinggil sa paksang
magsasagawa ang mga pinag-aaralan o
mananaliksik ng tinatalakay.
kwestyuner o survey na
ipapasagot sa mga mag-
aaral sa pamamagitan ng
online platform na
naglalaman ng mga
katanungan hinggil sa
paksang pinag-aaralan.
KABANATA 2
KAUGNAY NA PAGAARAL AT LITERATURA

Lokal na Pagaaral

Ang mababang marka, mula kay Kohn (1999), ay maaaring makaapekto sa kagustuhan ng magaaral sa
pagkalap ng kaalaman at mag pursigi sa iba pang mga bagay na pumapaloob sa kanilang kapasidad.
https://www.academia.edu/36129226/Bakit_mababa_ang_marka_ng_mga_estudyante_sa_paaralan

Tinalakay sa bahaging ito ang literatura at pag-aaral ng ibang mananaliksik na may kaugnay sa
kasalukuyang pag-aaral.Nilalahad sa mga sumusunod na dahon ang ilang kaisiping kaugnay at kahawig sa
kasalukuyan pag-aaral na hinugutan ng ilang ideyang naging lundayan at batayan sa pag-aaral na ito. Tatlo
maaring dahilan kung bakit bumabagsak o mababa ang grado ng mga mag-aaral sa kanilang asignatura. Ayon
kay Paula Gail I. Torres base sa kanyang pasisiyasat,tatlo ang kanyang nakitang dahilan sa pagbaba ng marka sa
akademiko ng mga mag-aaral.

Ang kakulangan sa preparasyon,kawalan ng gana at katamaran, ito ang mga maaaring salik na nakakaapekto sa
mga mag-aaral. Ayon kay Torres ang tagumpay sa paaralan ay hindi nakakamit sa pawang katalinuhan lamang.
Ano ang gamit ng isang magaling na isip kung hindi natin ito ipapalago? Tandaan , sa patuloy na pagdami ng
ating mga nakakalap na impormasyon, mas lalo lamang natin idinidiin ang katotohanang isang maliit na bahagi
lamang iyon ng isang malawak na mundo ng kaalaman. Kailanman ay hindi naging sapat ang sapat. Iyan ay nasa
kalikasan na natin bilang tao. Ayon kay Edna Wells Handy, hindi sapat ang katalinuhan upang makapasa sa isang
pagsusulit. Ang katalinuhan, kapag ipinares sa sipag at tiyaga, ay maaaring makapagdulot ng mga dakilang bagay.
Hindi dapat mawalan ng saysay ang pag-aaral at pagbabalik-aral dahil dito tayo tunay na natututo.

Lokal na Literatura

Ayon sa pagsisiyasat ni Paula Gail I. Torres, may tatlo siyang ibinigay na dahilan sa pagbaba ng grado ng isang
estyudante, Kakulangan sa Preparasyon, kawalan ng gana at katamaran.
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Suliranin-Ng-Mga-Mag-Aaral-Hingil-Sa-Pagkakaroon-Ng-
Mga-Mababang-Marka-Sa-Kanilang-Akademiko/182462
KABANATA 3
METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaalamang magpapalawak sa kahulugan at nilalaman ng


pananaliksik na gagawin ng grupong ito na pinamagatang, “Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagbaba ng Grado ng
mga Magaaral sa Ikalabing-isang Baitang sa Senior High school ng Maranatha Christian Academy of Caloocan”.

Disenyo ng Pananaliksik

Napapanahon ang isyung aming ninanais tumpukin, kaya naman ang pananaliksik na ito ay isang
qualitative research na naglalaman ng mga paksa, impormasyon at mga napatunayang datos na maglalahad;
nang sa gayon ay mapalawak ang imahe ng mambabasa sa pamagat at pokus nito. Ang mga mananaliksik ay
gagamit nang matitibay na reperensya upang maisulat ang mga kasagutan; maintindihan; at magamit ng mga
susunod pang henerasyon.

Respondent

Ang paksa ng pagaaral na ito ay nakatuon sa mga mag-aaral ng Maranatha Christian Academy of Caloocan
na may layuning maisiwalat ang kanilang opinyon at pag-iisip patungkol sa nasabing paksa. Ang ikalabing-isang
baitang ng Senior High School ang magiging natatanging respondente para sa batayan ng pagsisiyasat kasama ng
mga impormasyon ng iba’t-ibang mananaliksik. Ang ikalabing-isang baitang ng Senior High school ng
Maranatha Christian Academy of Caloocan ay mayroong dalawang seksyon—ang pangkat ng 11-STEM at 11-
HUMSS.

Kabuoang Bilang ng Bawat Seksyon Bilang ng Lalaki at Babae


Estyudante
11-STEM 11-HUMSS Lalaki Babae
43 19 24 29 17 14 7
12 7

11-HUMSS
11-STEM

Instrumento ng Pananaliksik

Sa kadahilanan na ang mga klase ay isinasagawa sa pamamagitan ng virtual online classes pati na rin ng
kasalukuyang pandemya, pinili ng mga magaaral na mamigay ng survey forms o questionnaire sa mga piling
respondente. Ang mga magsisiyasat ay kakalap ng datos sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga natatanging
estyudante ng Maranatha Christian Academy of Caloocan gamit ang mga social media platforms kagaya ng
Messenger at google forms.

Questionnaire

Pangalan:
Baitang at Pangkat:
Ikaw ba ay nakakaranas ng mga problema o Oo Hindi
suliranin sa iyong pagaaral?
Ang mga problema bang ito ay nakakaapekto Oo Hindi
sa marka ng iyong grado?

I. Ano ang madalas na problema na iyong kinakaharap sa pagaaral?


a. Depresyon
b. Kawalan ng gana
c. Nahihirapang sumunod sa bagong mode of learning
d. Problemang pampamilya
e. Problemang pinansyal
f. Mabagal na internet access
g. Iba pa:_____

II. Paano nakakaapekto ang mga suliranin na ito sa iyong pagaaral?


KABANATA 4
KONKLUSYON

Sa pamamagitan ng mga nakalap na datos sa mga ipinamahaging survey forms sa mga magaaral, nagkaroon
kami ng resulta patungkol sa aming pagaaral. Ang edukasyon ay hindi maiaalis sa buhay ng bawat mamamayan
dahil ito ang bumubuo sakanilang pagkatao at personalidad. Noon pa man ay nagkaroon na ng mga balakid sa
pagaaral ng mga estyudante; lalo na ngayon ay sumapit ang isang problemang kuinakaharap ng buong mundo na
lubhang nakapagpabago sa normal na Sistema.

KONKLUSYON

Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, nakita na ang salik na


nakakaapekto sa pagbaba ng grado ng mga ikalabing-isang mag-aaral ng MCA Caloocan ay ang
mga sumusunod:

1. Depresyon 
2. Kawalan ng gana 
3. Nahihirapang sumunod sa bagong mode of learning 
4. Problemang pampamilya 
5. Problemang pinansyal 
6. Mabagal na internet access

Ang pinakamalaking datos na nakakaapekto sa pagbaba ng kanilang grado ay ang


kawalan ng gana.

Kasagutan sa unang Katanungan


 Oo = 80%
 Hindi = 20%
Kasagutan sa pangalawang katanungan
 Oo = 72%
 Hindi = 28%
Kasagutan sa pangatlong katanungan
 B = 52%
 E = 8%
 F = 36%
 G = 4%
KABANATA 5
REKOMENDASYON

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral na ito, iminumungkahi ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral:


1. Maging handa sa oras ng klase.
2. Gawin ang lahat ng itinakdang gawain ng mga guro.
3. Sikaping pumasok araw-araw.
4. Kung mahina nag internet connection agad ipagbigay alam sa guro o mga kaklase.
5. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa kapamilya, kamag-anak o kaibigan.
6. Umiwas sa mga bagay na makapaghahatid ng depresyon at kabiguan.

Para sa mga magulang:


1. Sikaping mabigyan ng oras ang mga anak sa kanilang pag-aaral.
2. Palaging kausapin at tanungin ang mga anak patungkol sa nangyayari sa kanilang
pag-aaral.
3. Tulungan ang anak hanggat maaari sa mga mahihirap na takdang gawain.
4. Suportahan ang anak sa mga pangangailangan, hindi lamang pinansyal kundi maging
sa emosyonal at espirituwal.

Para sa mga guro:


1. Maging sensitibo sa mga estudyante.
2. Tikayin at alamin ang dahilan ng laging pagliban ng bata sa klase.
3. Maging malawak ang pang-unawa sa mga bata.
4. Tikayin na naipapaalam sa magulang ng estudyante ang kalagayan ng bata sa klase,
upang ito ay mapag-usapan at magawan ng agarang sulosyon.

You might also like