You are on page 1of 48

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

"MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA


AKADEMIKONG PERFORMANS SA PANAHON NG
PANDEMYA SA MGA PILING MAG AARAL NG
BAYTANG 10 PANGKAT-A NG LINA GAYETA
LASQUETY NATIONAL HIGH SCHOOL PADRE
BURGOS, QUEZON TAONG PANURUAN 2021-2022"

TRISHIA M. CANDELARIA

BSED FILIPINO III-A

UNANG SEMESTRE

SA PATNUBAY NI:

MITZI G. CANAYA ,EdD


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ABSTRAK

Pangalan: Trishia M. Candelaria

Pamagat: Mga Salik Nakaaapekto sa Akademikong Performans Sa Panahon ng


Pandemya sa mga Piling Mag-aaral ng Baytang 10 Pangkat-A ng Lina Gayeta
Lasquety National High School Padre Burgos, Quezon Taong Panuruan 2021-
2022

Degri: Batsilyer ng Edukasyon sa Sekondarya

Ispesyalisasyon: Filipino

Tagapayo: Mitzi G. Canaya, EdD

A. Pangkalahatang Layunin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na
nakaaapekto sa akademikong performans sa panahon ng pandemya sa mga
piling mag aaral ng baytang 10 pangkat A ng Lina Gayeta Lasquety
National High School.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Mga Tiyak na Layunin:

Ang pananaliksik na ito ay nag lalayong masagot ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Ano-ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa Baitang 10?

A. Edad

B. Kasarian

C. Tirahan

2. Ano-ano ang resulta ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong


Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10?

3. Ano ang kaugnayan ng demograpikong profayl sa mga salik na nakakaapekto


sa akademikong Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10?
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

B. Pamamaraan

Ang mananaliksik ay gumamit ng pamaraang palarawan upang matamo


ang mga layunin ng pag-aaral na ito. Isinagawa ang mga sumusunod na
Gawain:

1. Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik batay sa kinakailangang


salik upang malaman ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong
performans ng mga mag-aaral mula sa baytang 10.
2. Matapos na mabuo ang talatanungan at maapruban ng tagapayo ay
lumikha naman ng liham pahintulot sa tagapamahala ng paaraalan.
3. Matapos na maaprubahan ng tagapamahala ng paaralan ay agad na
ipinadala ng mananaliksik ang talatanungan sa kaniyang mga mag-
aaral na respondent sa pamamaraang elektroniko.
4. Agad na tumugon ang mga respondente at matapos na malikom ang
mga datos ay nilapat naman ito ng mananaliksik ang istatistikal
treatment.
5. Nang lumabas ang resulta ay binigyang enterpretasyon ng
mananaliksik ang mga datos na kinalabasan ng mga ito.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

C. Konklusyon

Batay sa resulta ng pag-aaral, ang mananaliksik ay nagkaroon ng mga sumusunod


na konklusyon:

1. Ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral


sa panahon ng pandemya dahil sa magulang. Lumabas na ang kabuuan ng mga
sumagot na respondante ayon sa interpretasyon ay Lubos na Hindi Sumasang-
ayon sa talahanayang ito.

2. Mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng akademikong


performans sa klase sa pamamagitan ng aking guro.Lumabas na ang kabuuan ng
mga sumagot na respondante ayon sa interpretasyon ay Napakabisa ayon sa
talahanayang ito.

3. Ang mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng


akademikong performans sa klase sa pamamagitan ng aking kaibigan. Lumabas
na ang kabuuan ng mga sumagot na respondante ayon sa interpretasyon ay
Napakabisa, sa talahanayang ito.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

D. Rekomendasyon

Batay sa resulta ng pag-aaral ay taos pusong inirerekomenda ng


mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Magkaroon ng magandang samahan ang magulang at mag-aaral na


makakatulong upang tumaas ang tiwala sa sarili at hindi maapektohan ang
akademikong performans ng mag-aaral.

2. Lumikha ng mga programa at aktibidad na maaaring pag simulan ng pag taas


ng akademikong performans ng mga mag-aaral. Guro ang magiging pangalawang
magulang ng mga mag-aaral.

3. Para sa mga susunod na mananaliksik, magkakaroon ng kaalaman sa mga salik


na nakaaapekto sa akademikong performans ng isang mag-aaral sa panahon ng
pandemya at maging sa normal na panahon. Magsisilbing kaugnay na pag-aaral sa
mga susunod na gagamit ng paksang ito o sa mga paksang kaugnayan sa salik na
ito.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Ang edukasyon ay isang kayamanan na walang sinuman ang
makapagnanakaw. Ito ay itinuturing na napakahalagang bagay para sa lahat dahil
marami kang magagawa kapag ikaw ay edukadong tao. Meron itong mahalagang
papel sa pag-unlad ng isang tao. Ito rin ay konektado sa iba't ibang opurtunidad at
kahusayan ng isang tao para sa mas masaganang buhay (Battle & Lewis, 2002).
Edukasyon ang nagsisilbing haligi ng bawat kabataan tungo sa paghubog
ng kanilang kinabukasan. "Ang kabataan ang kinabukasan ng Bayan" (Rizal,
Jose) ika nga, sa kabataan manggagaling ang patutunguhan ng ating bansa. Sa
kanilang mga kamay nakasalalay ang bawat hakbang tungo sa kaunlarang
tinatamasa ng bawat Pilipino na noon pama'y ipinaglalaban na ng ating mga
ninuno.
Ayon kina Zuleta at Maglay (2007) ang edukasyon ay isa sa mga
pangunahing mithiin ng isang demokratikong lipunan .
Ayon sa UP diksyunsryo ng Filipino (2010) ang edukasyon ay isang
sistematikong proseso . Dito malalaman ang hamon ng mga guro sa pagtuturo o sa
pag-aaral .
Dagdag ng diksyunaryo webster (2010) , ang edukasyon ay isang sining at
agham sa pag-aaral . Bilang isang sining , kinakailangang maging malikhain at
bilang isang agham , dapat maging mapanuri .
Sa panahon ngayon mahirap nang kumita ng pera kayat ginagawa ng mga
magulang ang abot ng kanilang makakaya upang ang kanilang anak ay
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

makapagtapos ng pag-aaral. Ito na lang ang maituturing nilang ginto na


maipapamana sa kanilang mga anak. Kung lahat ng kabataan ay magiging
masipag, matiyaga at masigasig sa kanilang pag-aaral mas magiging maganda ang
buhay at kinabukasan ng bawat isa.
Kaya ito ang napili nilang paksa upang saliksikin ang mga salik na
nakakaapekto sa lebel na akademik perpormans ng mga mag-aaral dahil napaisip
at nabahala sa mga batang masasayang ang kinabukasan kung patuloy ang
pagbaba ng kanilang gradong nakukuha. Kayat mas bibigyang pansin ang
paksang ito upang mas maiintindihan natin ang suliraning kinakaharap ng mga
mag-aaral nang sa ganun ay mabigyan ng epektibong solusyon upang hindi na
lumaganap ang problemang ito.
Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay imbestigahan at alamin
ang iba`t ibang salik na nakakaapekto sa mababang lebel ng akademik performans
ng mag aaral at malaman din ang mga estratehiya ng mga mag-aaral sa kanilang
akademikong perpormans para maisaayos kung pano nila magagawan ng paraan
upang mapataas pa ang kanilang akademik perpormans.

Konseptong Balangkas

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay pag-aaral, imbestigahan at alamin ang iba`t


ibang salik na nakaaapekto sa akademikong performans sa panahon ng pandemya
ng mga estudyante sa klase. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklsan at
talakayin ang mga salik na nakakaimpluwensya akademikong perfromans ng mga
mag-aaral sa paaralan. Nais na patunayan ng mga mananaliksik na ang pagbaba
ng akademikong performans ng mga estudyante ay dahilan ng iba`t ibang salik.
Ang panteoryang bahagi ng pagtalakay ang mga pangunahing kaalaman ng mga
salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa klase.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

I P O
Baitang 10 Salik na nakakaapekto Bidyo mga tagubilin
sa Akademikong para mapaunlad ang
Edad
Performans akademikong
Kasarian Performans sa panahon
Magulang
ng pandemya
Tirahan
Guro

Kaibigan

Kaugnay nito, ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maunawaan at malutasan


ang mga salik na nakakaapekto sa mababang lebel ng akademikong perpormans
ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Lina Gayeta Lasquety.
Sasagotin sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa Baitang 10?
2. Ano-ano ang resulta ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong
Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10?
3. Ano ang kaugnayan ng demograpikong profayl sa mga salik na nakakaapekto
sa akademikong Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10?
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Kahalagahan ng pag aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang iba't ibang salik na nakakaapekto


sa lebel ng akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa klase.

Sa Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga estudyante,


lalo na sa mga estudyanteng hindi alam ang kanilang ginagawa. Sa pananaliksik
na ito, maaaring malaman nila ang dapat gawin sa kanilang pag-aaral at ipapa-
intindi ng pag-aaral ay mahalaga kaya naman hindi dapat nila binabalewala ang
mga haunting opurtunidad.
Sa mga Guro.Makakatulong ito para makaisip o magagawa sila ng mas
epektibong paraan ng pagtuturo nila upang ganahan sa klase ang mga estudyante
upang makakuha sila ng mataas na marka. Para mas bigyan pansin ang mga
estudyante na may mababang marka sa klase at gumawa ng hakbang upang
matulungan ang sarili.
Sa mga Magulang.Makakatulong ito para mas bigyan nila ng pansin ang
mga anak na nakakakuha ng mababang marka sa klase. Pra mas palakasin nila ang
loob ng kanilang mga anak na maging aktibo sa klase at maging mabuting mag-
aaral kasabay nito ang mag-aral ng mabuti.
Sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ito ay mahalagang malaman ng
mga tauhan ng Kagawaran ng Edukasyon upang magkaron sila ng mga gawain sa
mga paaralan upang makatulong sila sa pagsasaayos ng mga problema ukol sa
pagbaba ng marka ng mga estudyante sa klase.
Sa mga susunod pang Mananaliksik. Makakatulong ito para mas
mapalawak ang isip nila, madagdagan ang kaalaman at mas mabigyan sila ng
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ideya para sa gagawin nilang patungkol sa suliranin na pagkakaroon ng mababang


lebel ng akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa klase.

Sakop at Delimitasyon ng pag aaral


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa iba't ibang salik na
nakakaapekto sa akademikong perpormans sa panahon ng pandemya ng mga
mag-aaral.
Ang limitasyon pag-aaral na ito ay ang pag gamit ng deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik gamit ang isang uri ng pagsususri na
kuwestyonaryo para sa pangangalap ng mga datos mula sa mga respondante. Ito
ay isasagawa para sa Mataas na Paaralan ng Lina Gayeta Lasquety NHS. Ang
mga mag-aaral na nasa ika sampung baytang ang nasasakop ng pag-aaral na ito.
Lumilimita lamang sa 20 respondanteng kinakailangan sa pag-aaral na ito. Ang
pinakasentro at pokus ng pananaliksik na ito ay ang mga salik na nakakaapekto sa
akademikong perpormans sa panaahon ng pandemya ng mga mag-aaral at kung
paano ito masosolusyonan gamit ang mga epektibong estratehiya.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Depinisyon ng mga katawagan

Para mas mahusay na pag-unawa lalo na ang mga sumusunod na tuntunin ay

parehong tinutukoy na konsepto at operasyon na tinukoy:

Estudyante- isang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino at sila ang

tinuturuan ng mga guro na mga-aaral at makadiskubre ng mga bagay

Edukasyon- Ayon sa Wikipedia 2018, kinabibilangan ng pagtuturo at

pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama

ngunit higit na malalim.

Estratehiya- Ayon sa Wikipedia 2018 isang salitang nangangahulungang

mahusay na paraan upang solusyunan ang ilang suliranin.

Lina Gayeta Lasquety NHS- isang mataas na paaralan sa Barangay

Kinagunan Ibaba, Padre Burgos, Quezon


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERTURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito tatalakayin ang konsepto at pagkaunawa ng ibat`t ibang

pag-aaral kung saan ang mga mananaliksik ay naglikom ng mga impormasyon

mula sa naunang pananaliksik at internet para mapangatwiran at masuportahan

ang kahalagahan ng kasalukuyang pag-aaral. Ang kabanatang ito ay nagbibigay

ng pagsusuri sa literatura na kaugnay ng pag-aaral sa mga salik na nakakaapekto

sa akademikong performans ng mga mag-aaral.

Ang unang kaugnay na literaturang ilalahad ay patungkol sa mga

posibleng salik na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-

aaral.Ang layunin ng pagsusuring ito ay malaman ang ilang naunang mga pag-

aaral tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga

mag-aaral sa klase. Ang ilang mahahalagang pag-aaral ay ang idinagdag para sa

mas malalim at malawak na kaalaman tungkol sa paksa.


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon kay Ellan Langer et.al (n.d.), kabilang sa mga salik na nakakaapekto

sa kakayahang umunlad ng isang indibidwal sa klase ay ang emosyonal na

nararamdam. Mas nakakapag-isip ng maayos ang isang indibidwal kung walang

bumabagabag sa kanya. Ang pag-aaral na ito ay sinuportahan nina Tetlock,

Skitika at Boettger (n.d.), mas napapadali at gumagana ang utak sa mga gawaing

ginagamitan ng pag-iisip kung ang taong nakapaligid sa isang indibidwal ay

nakapagbibigay ng mabuting impluwensya at may positibong pananaw na maari

nitong mapaghugutan ng inspirasyon. Sinasabi sa mga pag-aaral na ito na isa sa

mga salik nakakaapekto sa mababang lebel ng performans ay ang emosyonal na

aspeto ng isang mag-aaral.

Nakakaapekto sa pag-aaral ang impluwensya ng mga taong nakapaligid sa

isang indibidwal sapagkat may iba`t ibang aspeto o gawaing nakakakuha ng

atensyon nito. Nalilipat ang atensyon ng isang indibidwal sa gawain o bagay na

ito na nagiging sanhi ng pagkawala ng interes nito sa pag-iisip na nagreresulta ng

mababang lebel ng akademikong performans ng mga mag-aaral.

Ayon naman sa artikulo ni Berbano (2014), isa sa maraming problema na

kinakaharap ng mga estudyante sa paaralan ay ang suliranin sa pagpili ng kursong


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

kanyang kukunin. Minsan ay napipiltan lamang kunin ng mga estudyante ang

kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay

naiimpluwensyahan ng mga kaibigan. Ito ay nagdudulot naman sa ikalawang

problema- ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpili

ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng paaralan dahil

ito nag magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda (www.prezi.com).

Ang interes ng isang estudyante sa pag-aaral ay dapat na binibigyang pansin dahil

dito nakasalalay ang pagtagal at kadalasan ng kaniyang performans.

Ayon sa libro ni Stephans (2015), ang pangunahing dahilan ng istress sa

mga estudyante ay ang sobrang trabaho sa pag-aaral, presyur, mga isyu sa

lipunan, at time management. Ang resulta ng istress ay hind lamang sa akademiko

ng isang estudyante kung hindi pati na rin sa kalusugan ng estudyante.

Gamit ang tamang istatistikal na pamamaraan, maari ng malaman ang mga

resulta. Ang lumabas na resulta ay ang komunikasyon, ang kagamitan sa pag-

aaral, tamang patnubay, at stress sa pamilya ang mga salik nakakaapekto sa

performans ng mga estudyante (Mushtaq, I., 2012).


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon sa nabasang pananaliksik ng mananaliksik, ang guro at magulang ng

mga estudyante ay may mahalagang responsibilidad na ginagampanan para

siguraduhin ang tinatahak na landas ng mga bata ay laging nasa tama. Ang

impluwensya ng magulang ang magsasabi kung anong performans ang mayroon

ang mga mag-aaral.

Ayon kay Tuscano (2017), para sa bagong normal sa edukasyon, ang mga

pagsusuri at pagmamarka ay dapat suriin at isipin upang magpatuloy na

maiuugnay sa mga mag-aaral. Dapat na malaim na isipin ng mga paaralan ang

kanilang mga layunin at prayoridad sa pagdidisenyo ng mga pagtatasa o

pagmamarka sa mga mag-aaral. Dapat ding tandaan ng mga tagapagturo na sa

panahon ngayon ay dapat na magpatuloy na hikayatin at suportahan ang pag-aaral

ng mga mag-aaral. Isang paraan ito ay upang patuloy na bigyan ang mga mag-

aaral ng puna sa kanilang pag-aaral na makatutulong sa kanila na sumasalamin sa

kanilang kalakasan at makahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang

sarili. Sa paglaon, ang feedback ng mga guro ay magsislbing pagpapatunay na

may natutuhan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.Sumasang-ayon ang mga

guro na ang mga marka ay dapat na sumasailalim sa natutuhan at nagagawa ng


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

mga mag-aaral. Gayunpaman, sa panahon ng bagong normal, ang marka ay

maaari ring maging sanhi ng pagkabigo at pagkabalisa dahil sa mga kadahilanan

na wala sa kanila ang kontrol. Samakatuwid, ang mga guro ay siyang dapat na

higit na makaaalam sa sitwasyong kinakaharap ng mga mag-aaral. Sa huli,

maaaring ibigay ang mga marka, ngunit may pagkamakatarungan, pagbabahagi, at

kakayahang umangkop.Akademik Performans Sumusukat sa kakayahan at

abilidad ng bawat mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Katayuan ng mga mag-aaral

sa kanilang sa akademikong klase at mga gawaing pang-akademiko. Ang

akademikong pagganap ay ang pagsukat ng mga nakamit ng mga mag-aaral sa

iba't ibang mga asignaturang pang-akademiko.Karaniwang sinusukat ng mga guro

ang mga nakamit ng mga mag-aaral sa iba’t ibang pagganap sa silid-aralan at mga

resulta mula sa pamantayang pagsusulit.


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KAUGNAYAN NA PAG-AARAL

Ayon sa mananaliksik na ang kanyang pag-aaral ay nakapokus sa epekto

ng gawi ng pag-aaral sa akademik performans ng mga estudyante. Ayon sa

kanyang mga resulta, ang study habits ay ang isa sa nakakaambag sa performans

ng isang estudyante dahil sa malawak na gamit ng internet, laro sa compyuter, at

mga multimedia (Kalamag, A., 2013). Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang

hilig sa pag-aaral ng mga estudyante ay may malaking epekto sa akademik

performans ng mga estudyante.

Sa pag-aaral ni Andaya (2014), na may pamagat na “ Mga Salik na

Nakakaapekto sa Akademikong Performans ng Mag-aaral sa Asignaturang Math

sa Phillipine Normal University-Isabela Campus” Pangunahing layunin ng pag-

aaral na ito na alamin ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans

ng mga mag-aaral sa asignaturang Math. Lumabas sa pag-aaral na ang

akademikong performans ng isang mag-aaral ay isang kritikal na aspeto para sa

maraming guro. Ang kanilang performans sa kahit anong bagay ay mahalaga para

sa gobyerno, mga magulang at lalong-lalo na sa ating lipunan. Napatunayan na

ang mga guro ay may pinakamahalagang impluwensya sa akademikong


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

performans ng mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay halos kahawig ng

kasalukuyang pag-aaral sapagkat nais rin ng kasalukuyang pag-aaral na alamin

ang epekto sa akademik performans sa asignaturang Filipino gamit ang modular

distance learning.

Sa pag-aaral ni Viernes (2014), na may pamagat na “ Isang Pag-aaral ukol

sa Iba’t ibang Salik na Nakakaapekto sa Akademik Performans ng mga Iskolar sa

Assumption College Makati S.Y 2013-2014” layunin ng pag-aaral na ito ay ang

masuri kung ang oras na nilalaan ng mga iskolar sa Financial iskolarship, ang

training ng mga athletic iskolar at ang kakulangan ng oras para makapag-aral ang

mga akademik iskolar ay nakakaapekto sa pag-aaral nila. Lumabas sa nasabing

mga kasagutan na ang mga iskolar sa financial aid scholarship ay bihirang

maapektohan ng oras na ibinibigay para sa pagiging student assistant at sa oras ng

pag-aaral. Ayon sa mean interpretation nito, palaging nape-pressure ang mga

akademik iskolar sa nakukuhang grado at palaging nakakaranas ng pagkapuyat

dahil sa pag-aaral. Mula sa pananaliksik na isinagawa nakabuo ng konklusyon ang

mananaliksik na hindi nakakaapekto ang mga salik na pansarili, pangkaibigan, at

usaping pinansyal sa akademik performans. Para naman sa mga iskolar,


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

kailangang magkaroon ng time management sa pagitan ng pag-aaral at iba pang

aktibidad sa buhay ng mag-aaral. Ito ay may pagkakahawig sa kasalukuyang pag-

aaral sapagkat nais rin ng kasalukuyang pag-aaral na alamin ang epekto sa

akademik performans ng mga kalahok. Ang pagkakaiba lamang nila ay sa iba’t

ibang salik nito.

Ayon sa pag-aaral ni Ambayon (2019), na may pamagat na “Modular

Based Approach and Students’ Achievement in Literature” na layuning makilala

ang pagiging epektibo ng modyul sa pagpapabuti ang nakamit na pang-akademiko

ng mga mag-aaral ng BSED paksang mitolohiya at alamat. Mula sa pagsisiyasat

sa istatistika at mga natuklasan sa pagaaral, nakuha ang mga susunod na

konklusyon. Ang modular na pagtuturo ay mas mabisa na pagtuturo at

pamamaraan sa pagkatuto, mas mapapantayan ang tradisyunal na paraan ng

pagtuturo sapagkat ang modular na pamamaraang ay tinuturuan ang mga mag-

aaral na matuto sa kanilang sariling hakbang. Ito ay walang pigil na pagkatuto at

pakitang gilas kung saan mas gumagaling, mas nasasanay at mas sumisigla at mas

nagiging mausisa. Tumutulong ang modular na paraan upang mapakinabangan

ang mga pagkakataong makasali ang mag-aaral sa silid aralan na may paggalang
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

upang magawa nang mahusay ang ibinigay na mga gawain. Ang pananaliksik na

ito ay nagpatunay na ang ang modular na pagtuturo ay higit na mainan sa paraan

upang turuan ang mga estudyante sa unibersidad. Ang modular na pamamaraan

ay walang katulad na paraan ng pagtuturo, kung kaya dapat bigyan ng sapat

pagsasanay ang mga guro sa kung paano pahusayan ang mga estratehiya at

isakatuparan ang isang module sa loob ng silid aralan. Ito ay may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral dahil nais din patunayan ng mananaliksik ang epekto sa

akademik performans sa asignaturang Filipino gamit ang modular na paraan sa

pagkatuto ng mga kalahok.

Sa pag-aaral na ginawa ni Abaidoo (2018), na may pamagat na “Factors

Contributing To Academic Performance Of Students In A Junior High School” na

layuning malaman ang mga salik na nakatutulong sa akdemik performans ng mga

mag-aaral sa Junior High School. Lumabas sa pag-aaral na ang mga sumusunod

na mga salik ay may malaking tulong sa pagpapabuti sa akademik performans ng

mga mag-aaral kabilang na dito; palagiang pag-aaral, motibasyon sa sarili,

palagiang pagpunta sa klase, kaagahan, kasipagan at interes sa lahat ng asignatura.

Tungkulin rin ng guro ang paggawa ng silabus, paggamit ng TLM’s, madalas na


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

pagbibigay ng pidbak at espesyal na atensyon sa mga mag-aaral. Natuklasan na

napakahalaga ang tungkulin ng mga magulang sa pagpapakita ng pagmamalasakit

sa akademiko ng kanilang mga anak at pagbibigay ng mga pangangailangan.

Nalaman din sa pag-aaral na ito, ang antas ng edukasyon magulang at kasarian ay

may positibong ugnayan sa pagganap ng akademiko ngunit hindi gaanong

mahalaga.

Gayunpaman, ang edad ay may positibong halaga (5% antas ng

kahalagahan) na ugnayan sa pagganap ng akademiko. Ang tungkulin ng paaralan

ay pagbibigay ng mg kagamitan tulad ng mga textbook at TLMs Batay sa mga

natuklasan, inirekomenda ng pag-aaral na dapat magkaroon ng mahigpit na

pagsubaybay sa mga guro upang magkaroon ng pagbabago, mga pamamaraan sa

pagtuturo upang tiyak na maibibigay ang pangangailangan at masubaybayan ang

akademik perfomans ng mga mag-aaral. Muli, ang mga mag-aaral ay dapat na

ganyakin at himukin na maging seryoso sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng regular na pag-aaral at pagpasok sa paaralan sa mga araw ng

klase. Makikita sa pag-aaral na ito ang kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral

sapagkat parehong akdemik performans ang pinag-aaralan.


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay maglalahad ng uri ng pananaliksik, lunan ng pag-


aaral, mga kalahok, instrumenting pampananaliksik, mga Teknik sa pagtuturo at
istatistikal tritment ng mga datos. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginamit ng
mananaliiksik upang mapatunayan ang suliranin ng pag-aaral.

Uri ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit deskriptibong pamamaraan sa pag-aaral


upang alamin ang Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Performans sa
Panahon ng Pandemya sa mga Piling Mag-aaral ng baytang 10 pangkat-A ng Lina
Gayeta Lasquety National High School. Ang pamamaraan ng pagsaliksik na ito ay
magbigay ng mas malawak at mas malalim na pag-unawa ng paksa base sa lalim
ng pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng talatanungan. Ang
mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan para makalikom ng mga datos na
susuporta tungkol sa kanyang pag-aaral.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Lunan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Mataas na Paaralan ng Lina Gayeta


Lasquety. Ang paaralang ito ay pinili ayon sa layunin at pangangailangan ng pag-
aaral para sa pagpapaganda ng kalidad ng pananaliksik at para sa ikakaayos ng
paglalarawan ng mga sampol at datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga
may potensiyal na respondante ay dito natagpuan ng mga mananaliksik.

Pinili ng mga mananaliksik ang lugar na ito para pagsagawaan ng pag-


aaral upang matulungan ang mga estudyante na bigyang halaga ang pag-aaral,
para din sa mga guro na nahihirapan sa mga pasaway na estudyante at pati na rin
sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay puno ng bagong kaalaman,
pagtuklas at pagpapatotoo para sa mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos na
kinakailangan at para matulungan na maging maayos at maganda ang resulta ng
pag-aaral.

Mga Kalahok

Ang mga napilin tumugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng


Lina Gaayeta Lasquety NHS. Ang respondente ng pag-aaral na ito ay binubuo
lamang ng dalawangpung (20) mag-aaral na nasa baytang 10 . Ang mga kasaling
respondente ang magiging sentro ng pananaliksik para sa paglikom ng mga
angkop na datos at impormasyon na kinakailangan upang maging matagumpay
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng probability sampling para sa


pagpili ng sampol bilang respondante na gagamitin sa pag-aaral. Ang mga sampol
ay gagamitan ng istratipayd na pagpili at ayon sa pangangailangan ng
pananaliksik.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan para sa paglikom


ng angkop na datos na kinakailangan. Ang talatanungan gagamitin ay sariling
likha ng mga mananaliksik at sisiguraduhing dadaan ito sa iba't ibang pagsusuri,
pag-aaral at pagpapatunay ng mga nilalaman. At ito ay ituturing na balido at
maaasahang tama at totoo

Mga Teknik sa Pagtuturo

Sa pag-aaral na ginawa ni Abaidoo (2018) na may pamagat na “Factors


contributing to academic performance of students in a Junior High School” na
layuning malaman ang mga salik na nakatutulong sa 32 akdemik performans ng
mga mag-aaral sa Junior High School. Lumabas sa pag-aaral na ang mga
sumusunod na mga salik ay may malaking tulong sa pagpapabuti sa akademik
performans ng mga mag-aaral kabilang na dito; palagiang pag-aaral, motibasyon
sa sarili, palagiang pagpunta sa klase, kaagahan, kasipagan at interes sa lahat ng
asignatura. Tungkulin rin ng guro ang paggawa ng silabus, paggamit ng TLM’s,
madalas na pagbibigay ng pidbak at espesyal na atensyon sa mga mag-aaral.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Istatistikal Tritment ng mga Datos

A. Weighted Mean Distribution

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng ilang mga istatistikal na tritment


para maanalisa at mabigyang-kahulugan ang mga nakalap na datos. Para makita at
mahanap ang mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga
estudyante sa klase. Ang pormulang ito ay ginagamit para masagot ang mga
katanungan sa bilang 1 at 2 na tungkol sa mga salik na nakakaimpluwensya sa
akademikong performans ng mga estudyante at mga epektibong estratehiya ng
mga estudyante na maaaring. Ang pormula sa ibaba ay gagamitin:

4f+3f+2f+f

WM= ________________

kung saan:

WM = ang kabuuan ng mga bilang na hinati sa N

f = prikuwensiya na pagtugon

N = kabuuang bilang ng mga respondente


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA IV

PAGLALAHAT AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Ilalahad ng kabanatang ito ang resulta ng isinagawang pag-aaral. Ang
kabanatang ito ay naglalahad ng mga datos na nakalap sa pag-aaral gayundin ang
pagsusuri at interpretasyon ng nasabing datos. Ang mga datos ay inilalahad
alinsunod sa mga suliranin sa pananaliksik at ang mga sagot ng mga respondente
sa talatanungan ay inilalahad sa bawat talahanayan.

A.A RESULTA NG SARBEY KWESTYONER


Sinuri ng mananaliksik, ipinakita at binibigyang-kahulugan ang
mga datos na nakalap mula sa mga respondente sa pamamagitan ng tabulasyon at
komputasyon upang makuha ang porsyento at weighted mean upang mairaranggo
ang mga datos mula sa mga tugon. Ang impormasyong nakalap ay naging gabay
ng mananaliksik tungkol sa kanyang pag-aaral.
I.DEMOGRAPHIC PROFILE

Distribusyon ng mga respondente ayon sa Edad


EDAD BILANG NG PORSYENTO
RESPONDANTE
17 9 45
16 10 50
15 1 5
Total 20 100%
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pigura 1. Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Edad

EDAD

17 YEARS OLD
16 YEARS OLD
15 YEARS OLD

Talahanayan 1 at Pigura 1. Ipinapakita dito na mula sa edad na 17 ay


mayroong 45%, edad 16 may kabuuang 50%, edad mula 15 ay mayroong 5% na
respondante ang tumugon sa talatanungan na inihanda ng mananaliksik.
Distribusyon ng mga respondente ayon sa Kasarian
KASARIAN BILANG NG PORSYENTO
RESPONDANTE
Lalaki 12 60%
Babae 8 40%
TOTAL 20 100%

Ipinakita sa Talahanayan 2 na 60% ng mga respondente ay mula sa lalaki habang


40% ng mga respondente ay mula sa babae.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pigura 2. Distribusyon ng mga respondent ayon sa Tirahan

TIRAHAN

Kinagunan Ilaya
Kinagunan Ibaba

Ipinakita sa Pigura 2 na 30% ng mga respondente ay mula sa kinagunan ilaya


habang 70% ng mga respondente ay mula sa kinagunan ibaba.

Bahagi I. Mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-


aaral sa panahon ng pandemya .

Panuto. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek (/) ang kolum
na nagsasaad ng iyong kasagot.

Gagamitin ang apat (4) na puntosan sa pagmarka ng iskala sa ibaba:


BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG
4 Lubos na Sumasang-ayon (LS)
3 Sumasang-ayon (S)
2 Hindi Sumasang-ayon (HS)
1 Lubos na Hindi Sumasang-ayon (LHS)
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pahayag LS S HS LHS WM Ranggo Interpretas


yon
4 3 2 1
A. Ang mga salik
na nakakaapekto sa
akademikong
performans sa
panahon ng
pandemya dahil sa
magulang
1.Ako ay tinatamad 3 17 1.15 3 Lubos na
dahil wala lagi sa Hindi
tabi ko ang aking Sumasang-
mga magulang ayon
2.Nahihirapan 2 18 1.1 4 Lubos na
akong magpokus sa Hindi
pag-aaral dahil sa Sumasang-
nakakaramdam ako ayon
ng antok at
pinapayagan akong
lagging tulog ng
aking mga
magulang
3.Bumababa ang 2 18 1.1 4 Lubos na
aking marka dahil Hindi
sa pinansyal na Sumasang-
problema ng aking ayon
magulang
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

4.Pinapayagan ako 6 14 1.3 1 Lubos na


ng aking magulang Hindi
na sumama sa mga Sumasang-
kaibigan ko upang ayon
maglakwatsa kaysa
gumawa ng aking
modyul
5.Hindi limitado 4 16 1.2 2 Lubos na
ang paggamit ko sa Hindi
aking social media Sumasang-
dahil payag ang ayon
aking magulang na
gamitin ko ito
hanggang gusto ko
kaya hindi na ako
makapag-aral
6.Pinapayagan ng 1 3 16 1.1 4 Lubos na
aking magulang Hindi
ang madalas kong Sumasang-
pagbarkada imbis ayon
na mag-aral at
gumawa ng module
sa bahay
7.Magulo ang ang 1 2 17 1.05 5 Lubos na
aking magulang Hindi
dahil sa Sumasang-
pagkakaroon ng ayon
problema sa
pamilya na
nakakasira sa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

pokus ko sap ag-


aaral
8. Nakararanas ako 3 17 1.15 3 Lubos na
ng pambu-bully sa Hindi
aking magulang Sumasang-
sanhi upang di na ayon
ako mag-aral nang
mabuti
9.Mas nillalaan ko 1 19 1.05 5 Lubos na
ang oras ko sa Hindi
ibang bagay tulad Sumasang-
ng online games ayon
kaysa magbasa na
pinapayagan
naman ng aking
magulang
10.Pagkakaroon o 3 17 1.15 3 Lubos na
ng kasintahan Hindi
habang nag-aaral Sumasang-
na may basbas ng ayon
aking magulang
Average 1.14 Lubos na Hindi
Weighted Mean Sumasang-ayon

Leyenda: 3.25-4.00, Lubos na Sumasang-ayon;2.50-3.24, Sumasang-ayon; 1.75-


2.49, Hindi Sumasang-ayon;1.00-1.74 Lubos na Hindi Sumasang-ayon
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Sa talahanayan 2.1. ipinapakita ang ranggo at kabuuan ng mga sumagot na


respondante ayon sa interpretasyon at kung susumahin ang average weighted
mean ay 1.14 at Lubos na Hindi Sumasang-ayon sa talahanayang ito na patungkol
sa Ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans sa panahon ng
pandemya dahil sa magulang.

Bahagi II. Mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng


akademikong performans sa klase.
Panuto. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek (/) ang kolum
na nagsasaad ng iyong kasagot.

Gagamitin ang apat (4) na puntosan sa pagmarka ng iskala sa ibaba:

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG


4 Napakabisa (N)
3 Mabisa (M)
2 Hindi Gaanong Mabisa (HGM)
1 Hindi Mabisa (HM)
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pahayag N M HGM HM WM Ranggo Interpretasyon


4 3 2 1

B. Mapapaunlad ko ang
aking akademikong
performans sa
pamamagitan ng aking
guro
1.Ang guro ay 18 2 3.9 1 Napakabisa
tumutulong sa paglinang
o pagdebelop ng aking
tiwala sa sarili
2. Dahil sa aking guro 17 3 3.85 2 Napakabisa
nagkaroon ako ng
tamang oras sa pag aaral
3.dahil sa aking guro 18 2 3.9 1 Napakabisa
nagiging aktibo ako sa
pagsasagot ng mga
aralin
4. dahil sa aking guro 12 8 3.6 6 Napakabisa
Malaya na akong
nakakagawa ng mga
aktibiti
5. Pakikinig sa payo ng 17 3 3.85 2 Napakabisa
aking guro
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

6. pakikiisa sa mga 18 2 3.9 1 Napakabisa


aktibi online o offline

7. dahil sa aking guro 14 6 3.7 5 Napakabisa


araw araw na akong
gagawa
8.dahil sa aking guro 14 6 3.7 5 Napakabisa
nabago ko ang aking
kinagawian

9. nagkaroon ng pokus 16 4 3.8 3 Napakabisa


sa mga gawain

10. dahil sa aking guro 15 5 3.75 4 Napakabisa


natulungan niya ako sa
pagiging masining

Average Weighted 3.80 Napakabisa


Mean

Leyenda: 3.25-4.00, Napakabisa;2.50-3.24, Mabisa; 1.75-2.49, Hindi Gaanong


Mabisa;1.00-1.74 Hindi Mabisa
Sa talahanayan 2.2. ipinapakita ang ranggo at kabuuan ng mga sumagot na
respondante ayon sa interpretasyon at kung susumahin ang average weighted
mean ay 3.80 at ito ay Napakabisa sa talahanayang ito na patungkol sa Ang mga
salik na nakakaapekto sa akademikong performans sa panahon ng pandemya sa
Mapapaunlad ko ang aking akademikong performans sa pamamagitan ng aking
guro
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Bahagi III. Mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng


akademikong performans sa klase.
Panuto. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek (/) ang kolum
na nagsasaad ng iyong kasagot.

Gagamitin ang apat (4) na puntosan sa pagmarka ng iskala sa ibaba:

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG


4 Napakabisa (N)
3 Mabisa (M)
2 Hindi Gaanong Mabisa (HGM)
1 Hindi Mabisa (HM)

Pahayag N M HGM HM WM Ranggo Interpretasyon


4 3 2 1
C.Mapapaunlad ko ang
aking akademikong
performans sa
pamamagitan ng aking
kaibigan
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

1.nahihikayat sa mga 9 11 3.45 3 Mabisa


paggawa ng aktibiti
2. nagtutulungan sa 10 10 3.5 2 Napakabisa
mga gawain may
kahirapan
3. nabibigyan ng 7 13 3.35 5 Mabisa
maraming opinyon at
ideya
4. unang nagggrado/ 7 13 3.35 5 Mabisa
naghahatol sa iyong
gawa
5. pinapaalala ang mga 5 4 11 2.7 6 Mabisa
bawat Gawain sa
pamamagitan ng pag
mensahe
6. nakakasama sa pag- 14 6 2.7 6 Mabisa
aaral sa pamamagitan
ng chat o video call
online
7. mapapayabong ang 9 10 1 3.4 4 Mabisa
kaalaman dahil sa
pagbibigay ng pedbak
8. lubos na 11 9 3.55 1 Napakabisa
mapapaayos ang
aktibidades
9. na mapapaunlad ang 10 10 3.5 2 Napakabisa
kaalaman dahil sa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

karagdagan na ibibigay
na impormasyon
10. mas mapapaayos 11 8 1 3.5 2 Napakabisa
ang magandang
konsepto ng isang
gawain

Average Weighted 3.3 Napakabisa


Mean

Leyenda: 3.25-4.00, Napakabisa;2.50-3.24, Mabisa; 1.75-2.49, Hindi Gaanong


Mabisa;1.00-1.74 Hindi Mabisa

Sa talahanayan 2.3. ipinapakita ang ranggo at kabuuan ng mga sumagot na


respondante ayon sa interpretasyon at kung susumahin ang average weighted
mean ay 3.3 at Napakabisa sa talahanayang ito na patungkol sa Ang mga salik na
nakakaapekto sa akademikong performans sa panahon ng pandemya sa
Mapapaunlad ko ang aking akademikong performans sa pamamagitan ng aking
kaibigan
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA V

LAGOM, MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT


REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng maikling buod ng pag-aaral na


naglalaman ng mga natuklasan, konklusyon at rekomendasyon tungkol sa “Mga
Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Performans sa Panahon ng Pandemya sa
mga Piling Mag-aaral ng Baytang 10 pangkat-A ng Lina Gayeta Lasquety
National High School Padre Burgos, Quezon taong Panuruan 2021-2022”

A. LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang “Mga Salik na


Nakaaapekto sa Akademikong Performans sa Panahon ng Pandemya sa mga
Piling Mag-aaral ng Baytang 10 pangkat-A ng Lina Gayeta Lasquety National
High School Padre Burgos, Quezon taong Panuruan 2021-2022”
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Sa partikular, sinubukan ng pag-aaral na ito na sagutin ang


sumusunod na tanong.

1.Demograpikong profayl

1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Tirahan

2.Ano-ano ang resulta ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong


Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10?

2.1. Ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans sa panahon ng


pandemya dahil sa magulang

2.2. Mapapaunlad ko ang aking akademikong performans sa pamamagitan ng


aking guro

2.3. Mapapaunlad ko ang aking akademikong performans sa pamamagitan ng


aking kaibigan

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng


pananaliksik gamit ang talatanungan. Pinili ng mga mananaliksik ang
dalawampung (20) kabataan na mag-aaral ng Lina Gayeta Lasquety National
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

High School. Ang sagot sa sarbey na talatanungan ay naging patunay sa mga pag-
aaral, ang mananaliksik ay magsasalin, magpapakahulugan at magsusuri ng mga
datos na nakalap.

B. MGA NATUKLASAN

Matapos ang pagtatasa ng presentasyon at interpretasyon ng mga datos,


narating ng mananaliksik ang mga sumusunod na natuklasan:

I. Demograpikong Profile ng mga mag-aaral sa Lina Gayeta Lasquety NHS

1.1. Ayon sa edad na mula sa edad na 17 ay mayroong 45%, edad 16 may


kabuuang 50%, edad mula 15 ay mayroong 5% na respondante ang tumugon sa
talatanungan na inihanda ng mananaliksik.

1.2. Ayon sa kasarian, ang mga mag-aaral mula sa ika 10 baytang ay binubuo ng
20 katao na 60% ng mga respondente ay mula sa lalaki habang 40% ng mga
respondente ay mula sa babae.

1.3. Ayon sa tirahan, mayroon na 30% ng mga respondente ay mula sa kinagunan


ilaya habang 70% ng mga respondente ay mula sa kinagunan ibaba.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

II. Bahagi

1.Mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa


panahon ng pandemya dahil sa magulang. Lumabas na ang ranggo at kabuuan ng
mga sumagot na respondante ayon sa interpretasyon at kung susumahin ang
average weighted mean ay 1.14 at Lubos na Hindi Sumasang-ayon sa
talahanayang ito na patungkol sa Ang mga salik na nakakaapekto sa
akademikong performans sa panahon ng pandemya dahil sa magulang.

2. Mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng akademikong


performans sa klase sa pamamagitan ng aking guro.Lumabas na ang ranggo at
kabuuan ng mga sumagot na respondante ayon sa interpretasyon at kung
susumahin ang average weighted mean ay 3.80 at ito ay Napakabisa sa
talahanayang ito na patungkol sa Ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong
performans sa panahon ng pandemya sa Mapapaunlad ko ang aking akademikong
performans sa pamamagitan ng aking guro.

3. Mga epektibong estratehiya na maaaring gamitin sa pag-unlad ng akademikong


performans sa klase sa pamamagitan ng aking kaibigan. Lumabas na ang ranggo
at kabuuan ng mga sumagot na respondante ayon sa interpretasyon at kung
susumahin ang average weighted mean ay 3.3 at Napakabisa sa talahanayang ito
na patungkol sa Ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong performans sa
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

panahon ng pandemya sa Mapapaunlad ko ang aking akademikong performans sa


pamamagitan ng aking kaibigan.

C. KONKLUSYON

Tulad ng tinalakay ng mga natuklasan, ang pag-aaral ay nakabuo ng


sumusunod na konklusyon:

1. Ang demograpikong profile ng mga mag aaral mula sa ika 10 baytang sa edad
na karamihan ay nasa edad na 16 at 17 at ang kauntian ay mula sa 15 na taong
gulang.

2. Ang demograpikong profile ng mga mag aaral mula sa ika 10 baytang sa mga
tuntunin ng kasarian ang karamihan ay lalaki.

3. Ang demograpikong profile ng mga mag aaral mula sa ika 10 baytang sa mga
tuntunin ng tirahan ang karamihan ay taga Kinagunan Ibaba Padre Burgos,
Quezon..

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang maunawaan at malaman ang


mga salik na nakaaapekto sa akademikong performans sa panahon ng pandemya.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Sa pag-aaral na ito, nasagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral sa Baitang 10 na


nakaaapekto sa kanilang akademikong performans.

2. ang resulta ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong Performans


ng mga mag-aaral sa Baitang 10..

3. ang kaugnayan ng demograpikong profayl sa mga salik na


nakakaapekto sa akademikong Performans ng mga mag-aaral sa Baitang 10

REKOMENDASYON

Batay sa mga natuklasan at konklusyon, ang rekomendasyon sa ibaba ay


inaalok:

Bahagi I.

1. magkaroon ng magandang samahan ang magulang at mag-aaral na


makakatulong upang tumaas ang tiwala sa sarili at hindi maapektohan ang
akademikong performans ng mag-aaral.

2. Magbigay ng sapat na oras ang magulang sa kanyang anak upang


maobserbahan ang kanilang akademikong performans
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

3.Bigyan ng limitasyon ang mga hindi angkop na gawain ng sa gayon ay


magkaroon ng pokus.

Bahagi II

1. Mga mag-aaral, maging responsible upang tumaas ang akademikong


performans lalo ngayung panahon ng pandemya.

2. Mga susunod na mananaliksik, magkakaroon ng kaalaman sa mga salik na


nakaaapekto sa akademikong performans ng isang mag-aaral sa panahon ng
pandemya at maging sa normal na panahon. Magsisilbing kaugnay na pag-aaral sa
mga susunod na gagamit ng paksang ito o sa mga paksang kaugnayan sa salik na
ito.

3.Ang administrasyon ng paaralan, magsisilbing halimbawa sa paaralan upang


matukoy ang mga problema at solusyon sa paksang nakapaloob. Makakatulong
upang makabuo ng mga estratehiya.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Bahagi III

1. Lumikha ng mga programa at aktibidad na maaaring pag simulan ng pag


taas ng akademikong performans ng mga mag-aaral. Guro ang magiging
pangalawang magulang ng mga mag-aaral.
2. Mapapaunlad ang kaalaman sa pamamagitan ng motibasyon na nagmula
sa iyong mga magulang,guro, at maging sa iyong kaibigan. Payabungin
ang sariling kaalaman.
3. Sa kadahilanan mas matagal ang oras ng isang mag-aaral sa pag-aaral,
tulungan silang magdebelop ng angking kakayahan at aktibong isipan
upang ang mga nakakaapekto sa kanilang aralin ay kanilang malampasan.
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

TALAAN NG SANGGUNIAN

(40) (DOC) SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-


AARAL NA NAGMAMAYORYA SA FILIPINO Iniharap nina | Julie Mae Pacheco -
Academia.edu

(40) (DOC) Isang pag-aaral ukol sa iba’t ibang salik na nakakaapekto sa akademik
performans ng mga iskolar sa Assumption College, Makati School Year 2013 – 2014 |
Veronica Joyce Viernes - Academia.edu

Modular Distance Learning Isang Pananaliksik - PDFCOFFEE.COM


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

BIONOTE

TRISHIA M. CANDELARIA

“Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa


kaunlaran”.Kasalukuyan ngayong nag-aaral ng Batsilyer ng
Edukasyon sa Sekondarya na Nagpapakadalubhasa sa
Asignaturang Filipino na nasa Ikatlong taong Pangkat A sa
Quezonian Educational College Inc. Naniniwala ako na hindi
hadlang ang mabibigat na problema para umayon ang
magandang kinabukan para sakin at sa aking pamilya.

You might also like