You are on page 1of 34

KAHANDAAN NG MGA GURO NG PILAR COLLEGE SA PAGTUTURO

GAMIT ANG BLENDED LEARNING

Isang Tesis na Iniharap sa


Kaguruan ng Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Malalayang Sining
Pampahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao
Lungsod ng Zamboanga

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Kursong Filipino 207: Kasaysayan


sa Pananaliksik sa Filipino

Nina:

Bautista, Rhea Jane M.

Estrada, Jerome J.B. B.

Oktubre, 2020
Kabanata I

PANIMULA

1.1. Sanligan ng Pag-aaral

Ayon kay Zulfa (2017), sa papel ni Galido (2016), ang pagtuturo ay

isang paraan upang matuto ang isang tao. Ito ay isang gawaing

masalimuot at may maraming anyo. Kinapapalooban ito ng mga dulog,

teknik, estratehiya, at mga pamamaraan kung paano natututo ang mga

mag-aaral nang mas epektibo. Hindi maipagkakaila na malaki ang

ginagampanang papel ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral,

umusbong man ang modernong teknolohiya’t mga bagong dulog sa

pagtuturo, guro pa rin ang pinakamahalagang kagamitang pampagtuturo

o daluyan ng impormasyon at kaalaman ng mga mag-aaral. Ang pormal

na edukasyon ay karaniwang nagaganap sa loob ng paaralan at ang

tradisyunal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay kadalasang

nangyayari sa apat na sulok ng silid-aralan. Ang guro ay may direktang

interaksiyon sa mga mag-aaral. Personal na nakakasalamuha ng mga

bata ang kani-kanilang mga kaklase maging ang kanilang guro. Ang guro

ang nagsisilbing guide on the side o tagagabay at ang ugnayan ay

nakatuon sa mga mag-aaral sapagkat sila ang sentro ng pagtuturo at

pagkatuto.

Sa kasalukuyang panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19,

lubos na nabago ang halos lahat ng aspeto ng pamumuhay ng bawat tao,


maging ang sistema ng edukasyon sa bansa ay lubha ring naapektuhan.

Sa pagnanais na maipagpatuloy ang buhay sa kabila ng krisis, nagkaroon

tayo ng tinatawag na bagong normal. Ang kumbensiyonal na pagtuturo’t

pagkatuto ay napalitan ng online at modular learning. Ito ay naging

posible sa pamamagitan ng internet at iba’t ibang elektronikong

kagamitan. Ang tuluyang pagbabagong ito ay isang malaking hamon para

sa lahat lalong-lalo na sa mga guro na nagsusumikap matugunan ang

mapanghamong sitwasyong dulot ng pandemya. Ayon nga sa DepEd

Order No. 012, serye 2020 na Adoption of the Basic Education Learning

Continuity Plan for School Year 2020-2021 in light of the Covid-19 public

health emergency, nakasaad sa section V. ang stratehiya sa pagkatuto at

modalities sa ilalim ng letrang B na ang pokus ay Learning Delivery

Modalities. Ang learning delivery modalities na magagamit ng mga

paaralan ay maaring isa o kombinasyon ng mga sumusunod, na

nakasalalay sa restriksyon ng COVID-19 at mga partikular na konteksto

ng mga mag-aaral sa paaralan o lokalidad. Maaring magkaroon ng face-

to-face, distance learning, blended learning at home-schooling.

Batay sa naisaad sa Deped Order No. 012, ang kaligtasan ng mga

mag-aaral at bawat kawani ng paaralan ang naging unang prayoridad.

Hakbang sa pag-iingat at kamalayan sa maturang sakit ay kailangan

upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa paaralan o anumang

establisyimento. Alalahaning ang sakit na ito ay walang pinipiling antas sa


buhay, lahi, edad, o kasarian. Habang ipinagpapatuloy ang paglikha at

pagdiskubre ng mga kaparaanan kung paano magiging posible ang

pagtuturo’t pagkatuto sa kabila ng pandemya, nararapat ding isaalang-

alang na ang edukasyon sa ating bansa ay nananatiling posible at

naaayon para sa lahat (Bender, 2020).

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa ay

sadyang nakababahala, maging ang sektor ng edukasyon ay tuluyang

napuruhan. Sa kabila nito, nananatiling matatag ang Kagawaran ng

Edukasyon sa desisyong ipagpatuloy ang edukasyon sa taong ito. Kung

kaya’t opisyal na nagbukas ang pasukan sa mga pampublikong paaralan

noong Oktubre 4, 2020 habang ang ibang pampribadong paaralan ay

nagsimula noong mas naunang mga buwan dahil ang edukasyon sa bansa

ay kailangang magpatuloy. Dahil dito, inaasahan ang mga paaralan na

magkaroon ng alternative learning delivery modalities. (DepEd Order No.

007, s. 2020).

Ang blended learning ay halimbawa ng alternative learning delivery

modality na isang dulog sa pagtuturo na kombinasyon ng online learning

at modular learning. Ang modular learning ay isang kaparaanan kung

saan nagkakaroon ng interaksiyon ang guro’t mag-aaral gamit ang

elektronikong kagamitan na hindi nangangailangan ng pisikal na

presensiya. Ang modular learning naman ay tumutukoy sa isang


kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili at

naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaanang

sistematiko. Ito ay naglalayong ang estudyante ay mag-aaral ng kanyang

sarili nang walang pamatnubay ng guro. Ang modyul ay maaaring gawin

sa tahanan o saanman sa labas ng paaralan.

Ang mga hindi inaasahang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa

sa ating bansa ay nagdulot ng hirap sa pagtuturo’t pagkatuto. Ito rin ay

naglagay sa ating sistema ng edukasyon sa alanganing sitwasyong

kumukuwestiyon sa kahandaan ng mga guro sa pagtuturo at bisa nito sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik

upang sukatin ang kahandaan ng mga guro ng Pilar College sa pagtuturo

gamit ang Blended Learning.

1.2. Paglalahad ng Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tayahin ang kahandaan ng mga

guro ng Pilar College sa pagtuturo gamit ang Blended Learning.

Upang matugunan ang layuning ito, binuo ng mga mananaliksik ang

sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang kahandaan ng mga guro sa modular instructions sa mga

sumusunod:

1.1. Layunin ng Pagkatuto


1.2. Nilalaman ng Modyul at mga Materyal

1.3. Pagtataya

2. Ano ang kahandaan ng mga guro sa online modality sa mga

sumusunod:

2.1. Disenyo ng Kurso

2.2. Pamamahala ng Oras

2.3. Teknikal na Kakayahan

3. Ano ang mga hamong nararanasan ng mga guro sa paggamit ng

modular instructions at online modality?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba sa paghahanda ng modular

instructions at online modality sa paaralan kung ang mga datos

ay papangkatin ayon sa:

5.1 departamentong kinabibilangan

5.2 asignaturang itinuturo

5.3 edad ng mga guro

1.3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay mahalaga para sa mga

sumusunod na kinauukulan;

Administrador ng Paaralan

Ang resulta ng pag-aral na ito ay magbibigay ng mahalagang datos

at impormasyon sa mga administrador ng paaralan upang magsagawa ng


mga hakbang na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga guro

tungo sa pagkakaroon ng mabisang implementasyon ng learning

modalities.

Guro

Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki

sa mga guro upang mapaunlad at mapagbuti ang kanilang pagtuturo at

patuloy na magsanay ng mga epektibong paraan at estratehiya na

tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa dalawang learning

modalities.

Mag-aaral

Mahalaga rin ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang

matukoy nila ang learning modality na aayon sa kanilang sitwasyon at

pangangailangan.

Magulang

Makatutulong rin ang kalalabasan ng pananaliksik na ito upang

magbigyang ideya ang mga magulang ukol sa kahandaan ng guro’t

paaralan sa pagtuturo. Dito nila matataya kung patuloy nilang pag-aaralin

o ipagpapaliban muna ang taon sa pag-aaral na kani-kanilang mga anak.


Mananaliksik sa Hinaharap

Ang pag-aaral na ito ay magsilbing gabay sa sinumang nagbabalak

na magsasagawa ng pananaliksik kaugnay ng pag-aaral. Ang resulta ng

pag-aaral ay magbibigay sa mga mananaliksik sa hinaharap ng mga datos

at kaalaman tungkol sa kahandaan ng mga guro sa panibagong sistema

ng pagtuturo. Maaari rin itong gawing sanggunian ng iba pang mga pag-

aaral na tumatalakay sa iba pang learning modalities.

1.4. Saklaw at Delimitasyon

Saklaw ng pag-aaral na ito ay masukat ang kahandaan ng mga

guro ng Pilar College of Zamboanga City Inc. sa pagtuturo gamit ang

Blended Learning – modular at online learning.

Ang respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga kaguruan ng Basic

Education Department ng Pilar College of Zamboanga City Incorporated

(Grade School, Junior High School, at Senior High School).

Nakatuon ang pag-aaral sa pag-alam sa kahandaan ng guro sa

pagtuturo gamit ang sa modular instructions gaya ng layunin at

kalalabasan ng pagkatuto, nilalaman ng modyul at mga materyal, at

pagtataya. Susukatin din ang kahandaan ng mga guro sa pagtuturo gamit


ang online modality gaya ng disenyo ng kurso, pamamahala ng oras, at

teknikal na kakayahan. Maging ang mga mga problema ng mga guro sa

paggamit ng blended learning ay tatayahin din.

Ang instrumentong gagamitin sa pagsukat ng kahandaan ng guro sa

pagtuturo gamit ang Blended Learning ay isang sarbey sa paraang

checklist. Tatlong modereytor baryabol ang isinaalang-alang sa pag-aaral

na ito. Ang unang baryabol ay ang departamentong kinabibilangan ng

mga mag-aaral. Ang ikalawa naman ay ang asignaturang itinuturo ng

mga guro tulad ng Agham, Matematika, MAPEH, TLE, Computer, Ingles,

Filipino, Araling Panlipunan, at Christian Living at ang ikatlong baryabol ay

ang edad ng mga guro na papangkatin sa tatlo (20-35, 36-50, 51

hanggang pataas)
KABANATA II

KONSEPTWAL AT TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng konseptwal na literatura at

mga kaugnay na pag-aaral na kinapapalooban ng mga pag-aaral na lokal

at banyaga. Kalakip din nito ang balangkas konseptwal na naging sanligan

ng pag-aaral.

2.1 Konseptwal na Literatura

2.1.1 DepEd Order No. 007, s. 2020

Matutunghayan sa DepEd Order No. 007, s. 2020 ang tungkol

sa “School Calendar and Activities for School Year 2020-2021.”

Isinasaad dito na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa

ating bansa ay sadyang nakababahala, maging ang sektor ng

edukasyon ay tuluyang napuruhan. Sa kabila nito, nananatiling

pursigido ang Kagawaran ng Edukasyon sa desisyong ipagpatuloy

ang edukasyon sa taong ito. Ang edukasyon ay kailangang

magpatuloy sa pagbibigay ng pag-asa at katatagan sa ating bansa.

Ito rin ay nangangailangang magtaguyod ng kaunlaran sa mga


mag-aaral at magbunsod sa kanila ng normal na pamumuhay. Dahil

dito, inaasahan ang mga paaralan na magkaroon ng alternative

learning delivery modalities. Opisyal na nagbukas ang pasukan sa

mga pampublikong paaralan noong Oktubre 4, 2020 habang ang

ibang pampribadong paaralan ay nagsimula noong mas naunang

mga buwan. Ang pisikal na pagbubukas ng mga paaralan ay

nakadepende sa klasipikasyon ng lokalidad o sa kaligtasan ng

naturang lugar alinsunod sa sa patnubaay ng Kagawan ng

Kalusugan, Inter-Agency Task Force for the Management of

Emerging Infectious Diseases in the Philippines (IATF), o Opisina ng

Pangulo. Kahit sa mga paaralan na pinahihintulutang magbukas,

ang pagkakaroon ng distansiyang pisikal ay isa pa ring

pangangailangan. Ibig sabihin, ang mga naturang paaralan ay

magpapatupad ng kombinasyon ng face-to-face learning at distance

learning. Dahil sa pagpapaikli ng bilang ng araw para sa taong

panuruang ito, pinapahintulutan ng kalihim ang pagsasagawa ng

Saturday classes sa pamamagitan ng distance learning na mga

gawain salig sa Republic Act No. 7797. Sumatotal, ang bilang ng

araw ng klase sa taong panuruang 2020-2021 ayon sa school

calendar ay 203 araw.

2.1.2 DepEd Order No. 012, s. 2020


Ang DepEd Order No. 012, serye 2020 ay may pamagat na

Adoption of the Basic Education Learning Continuity Plan for School

Year 2020-2021 in Light of the Covid-19 Public Health Emergency.

nakasaad dito ang pagbibigay ng malinaw na patnubay sa lahat ng

opisina, yunit, paaralan, at community learning centers (CLCs) ng

Kagawaran ng Edukasyon, maging sa mag-aaral at kanilang mga

magulang, kasosyo, at stakeholders. Tinitiyak sa BE-LCP ang

patuloy na pagkatuto sa pamamagitan ng pagsasaayos ng K-12

Kurikulum, paghahanay ng kagamitang pampagkatuto, at

pagpapalawak ng learning delivery modalities, pagsasanay ng mga

guro, at maayos na oryentasyon sa mga magulang o tagapag-alaga

ng mag-aaral. Upang mabawasan ang gawain ng mag-aaral sa

paaralan, itinaguyod rin ang paggamit ng Most Essential Learning

Competencies (MELCs) salig sa K-12 Kurikulum. Ang learning

delivery modalities na magagamit ng mga paaralan ay maaring isa

o kombinasyon ng mga sumusunod, na nakasalalay sa restriksyon

ng COVID-19 at mga partikular na konteksto ng mga mag-aaral sa

paaralan o lokalidad. Maaring magkaroon ng face-to-face, distance

learning, blended learning, o home-schooling. (deped.gov.ph)

2.1.3 Bagong Normal

Ayon sa DOH, ang new normal o bagong normal ay mga

aksyon o kaugalian na nakasentro sa pinaigting na pagpapahalaga


sa kalusugan. Prayoridad rito ang pagpapalakas ng resistensya,

upang matiyak na kaya nating lumaban sa anumang sakit. Dahil sa

dulot ng COVID-19, mas mataas na ang ating kamalayang

pangkalusugan. Ito ang panibagong kaugalian at pananaw sa

kalusugan na hatid ng new normal.

Sa aspetong pang-edukasyon naman, ang new normal ay

tumutukoy sa mga makabagong gawain, hakbang, at kasanayan sa

larang ng pagkatuto’t pagtuturo. Ayon sa Deped, ang pagsusumikap

at patakaran ng ahensya ay nakaangkla sa paglilingkod sa kapwa

Pilipino, at ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at

kawani ay unang isasaalang-alang sa mga polisiya. Aniya,

haharapin natin ang ‘bagong normal’ ng may kahabagan,

sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan ng pag-aaral

ay hindi maging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at

guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga

hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng

balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-

aaruga sa bawat isa. Tayo ay maglulunsad ng isang

komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga

hamon ng edukasyon. Sa hanay ng Kagawaran, ipinangangako nila

ang patuloy na paghahatid ng abot-kaya, dekalidad, mapagpalaya

at ligtas na pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahong ito.


2.1.4 Blended Learning

Ayon kay Graham (2013) mula sa pag-aaral nina Dziuban et.

al (2018), ang blended learning ay kombinasyon ng iba-ibang

delivery modes o pinagsamang online distance learning, modular

distance learning, at TV/Radio-based Instruction. Dito ay maaring

gamitin ang mga printed module, iba’t ibang format kasabay ng

pagkatuto sa TV at radyo. Ang blended learning ay kilala rin sa

tawag na hybrid learning, technology-mediated instruction, web-

enhanced instruction, o mixed-mode instruction. (Wikipedia.org)

Dahil sa pagkakaroon ng definitional ambiguity o iba’t ibang

interpretasyon sa depinisyon ng blended learning, ang tunay na

kahulugan nito ay hindi matiyak. (Oliver and Trigwell 2005)

2.1.5 Online Modality

Ayon kay Stern, ang online learning ang pinakabago at

pinapopular na anyo ng distance education sa kasalukuyan. Ito ay

nangyayari gamit ang internet at modernong teknolohiya. Kilala rin

ito sa tawag na “e-learning.” Sa pagsasagawa ng online learning,

makabuluhan itong naipatutupad sa pamamagitan ng learning


management system (LMS) na ginagamit bilang pangkaranawing

platform upang mag-aaral at mga guro ay maaaring makapag-

ugnayan digitally (Ortiz, 2017). Madalas na gamiting LMS sa

Pilipinas sa kasalukuyan ang google classroom, zoom, Deped

Commons, FB Chats atbp. Maaaring ring gumamit ng radio and

television-based intervention sa pamamagitan ng pakikipag-

ugnayan sa mga lokal na istasyon ng radio at telebisyon upang

maghatid ng kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pagtuturo online,

gamitin rin ang multimedia na tumutukoy sa nilalaman ng mga

elektronikong kagamitan katulad na lamang teksto, awdiyo, imahe,

bidyo, animasyon at iba pang interaktibong nilalaman. Ang

kapangyarihan ng multimedia ay multi-sensor kung saan

magagamit ang mga pandama o senses ng mga mag-aaral na

magdudulot ng mas mataas na antas ng atensyon at retensyon.

Marami itong bentahe tulad na lamang ng panghihikayat ng

interaktibong partisipasyon. Gamit ito, nagkakaroon din ang mga

mag-aaral ng karanasang biswal na tila nagpapakita ng katotohanan

o realidad. Nagbibigay rin ito ng mga makabuluhan at kapaki-

pakinabang na mga impormasyon hindi lamang sa mga mag-aaral

kundi maging sa guro. Nabubuhay rin ang kawilihan ng mga mag-

aaral gamit ito at nagpapagaan rin ito sa gawain ng mga guro.

2.1.6 Modular Modality


Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na

buo at ganap sa kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na

takdang gawain sa isang kaparaanang sistematiko. Ito ay

naglalayong ang estudyante ay mag-aaral ng kanyang sarili nang

walang pamatnubay ng guro. Ang modyul ay maaaring gawin sa

tahanan o saanman sa labas ng paaralan. Ito ay naglalaman ng

mga paksa at serye ng gawaing kailangang punan ng mga mag-

aaral. Ito rin ang inihahandang kagamitan ngayong panahon ng

pandemya kung saan bawal ang personal o face-to-face na

pagtuturo’t pagkatuto. Bilang tugon sa new normal na sitwasyon,

ang paggamit ng modyul maliban sa spaced learning ang

mapapanaligang midyum sa pagtuturo sa kasalukuyan.

2.2 Mga Kaugnay na Pag-aaral

2.2.1 Lokal na Pag-aaral

Isang pag-aaral ang isinagawa ni Castro (2020), na pinamagatang

“Kabisaan Ng Blended Learning Sa Pagtuturo Ng Pagbasa At


Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Sa pag-

aaral na ito tinalakay ang kabisaan ng paggamit ng blended learning sa

pagtuturo ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik. Isa sa mga naging sandigan ng pananaliksik ni

Castro ang Mediated Action ni Vygotsky, ipinapakita ng teorya na ito na

ang isang gawain ay nagagampanan ng isang mag-aaral sa tulong ng dati

niyang karunungan o karanasan. Ito ang pumapagitna sa tao at sa

kanyang pagbibigay kahulugan sa iba’t ibang bagay sa tulong na din ng

iba’t ibang mga gamit. Ang eksperimental ay ginamitan ng blended

learning sa pagtuturo samantalang ang kontrol na grupo ay tradisyunal o

lecture method. Gayundin, ang dalawang grupo ay binigyan ng post-test.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral

sapagkat ito ay tumatalakay sa kabisaan ng Blended Learning na siya

ding pinag-uusapan sa isinasagawang pag-aaral.

Isang online journal ang inilathala ni Magi Gunigundo (May 10,

2020) tungkol sa “Online Learning sa New Normal ng Edukasyon.”

Ayon sa kanya, matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan

ng edukasyon sa buong mundo at magiging pangunahing pamamaraan sa

paghahatid ng karunungan ang online learning na dati’y madalang

gamitin. Aniya, sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum na mas

mabisa ang online learning kaysa sa pag-aaral sa loob ng paaralan. Mas

natatandaan diumano ng mga mag-aaral ang 25-60% ng kanilang


natututuhan online kumpara sa 8-10% lang kung sa silid-aralan ito

itinuturo. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata ang aralin, maaari

silang lumaktaw at umabante sa ibang konsepto batay sa sarili nilang

kakayanan. Ganoon pa man, mayroong dalawang puna ang mga

nangangamba na hindi magtatagumpay ang online learning sa Pilipinas: 

una, mabagal ang internet sa Pilipinas, at pangalawa, maiiwanan ang mga

mahihirap sa bagong normal sa edukasyon. Ang pag-aaral na ito ay may

kaugnayan sa isinagawang pagsasaliksik sapagkat kapwa ay may

kaugnayan sa paggamit ng online learning sa panahon ng pandemya.

Si Ortiz (2017) ay nagsagawa rin ng pag-aaral na may pamagat na

“Sipat-Suri sa Paggamit ng Learning Management System ng mga

mag-aaral ng Elizabeth Seton School sa Ikawalong Baitang sa

Asignaturang Filipino Taong Pang-Akademiko: 2016-2017.” Ang

pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy kung gaano kaepektibo ang

guro at mag-aaral sa paggamit ng LMS gayundin ang matukoy ang

suliraning umiiral sa paggamit ng LMS sa mag-aaral, guro at institusyon.

Lumabas sa pag-aaral na ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa LMS ay

may impluwensiya sa kung paano ang pangangailangan at inaasahan dito

ay makatutulong sa kanilang pagkatuto. Kailangan ring silang bigyan ng

oriyentasyon sa paggamit ng LMS upng maging pamilyar at makasanayan

nila ito. Ang paaralan at eksperto sa IT ay kailangang kumilos upang

masolusyunan ang sitwasyong ito. Ang pag-aaral ay may kaugnayan sa


isinasagawang pananaliksik sapagkat kapwa ay may kinalaman sa

paggamit ng online learning bilang modality sa pagtuturo.

2.2.2 Banyagang Pag-aaral

Isang pag-aaral ang ginawa ni Kim (2013) tungkol sa Effective

Blended Instruction: Learning to Overcome Challenges. Ang pag-

aaral na ito ay nagpapakita kung papaano binago ng mga miyembro ng

fakulti ang kanilang paraan ng pagtuturo upang maging angkop sa

blended modality instruction. Ang pagsisikap sa sining ng pagtuturo ay

para sa matagumpay na disenyo ng technology-integrated learning

environment na nagsimula sa paghahanap ng pagsubok sa pagbabago

mula sa face-to-face patungong blended learning, at pagsusuri sa

kalakasan at kahinaan ng kapwa face-to-face at online modalities of

instruction upang bigyang-diin ang mga pagkakaiba ng magkaparehong

modalities sa bagong blended course.

Isang pag-aaral naman ang isinagawa ni Cakir at Delialioglu (2009)

tungkol sa Factors Affecting Student Engagement in a Blended

Learning Environment. Ang pag-aaral na ito ay nagsisiyasat kung


papano ang demograpiko, pagganyak at naunang abilidad ng mga mag-

aaral ay makaaapekto sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isang blended

learning na kurso na inihandog ng mga pre-service computer teachers.

Ang pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa isinagawang pag-aaral

dahil kapwa pananaliksik ay tumatalakay sa paggamit ng blended

learning.

Sina Chen at Looi (2007) naman ay nagsagawa ng pag-aaral na

may pamagat na Incorporating online discussion in face-to-face

classroom learning: A new blended Learning Approach. Ang papel

na ito ay tumatalakay sa makabagong stratehiyang blended learning na

ginagamitan ng talakayang online sa parehong face-to-face at off-

classroom setting. Ang talakayang online sa isang klase ng face-to-face

ay makukumpara sa off-class online discussion at ganoon rin ang in-class,

face-to-face oral discussion, upang suriin ang bentahe at disbentahe ng

iminungkahing estratehiya. Sa pamamagitan ng paggamit ng talakayang

online sa daloy ng isang klase, ang mga mag-aaral ay binibigyan ng sapat

na oras para paunlarin ang kritikal na pag-iisp, repleksyon, at paggamit

ng mga ito online. Nakita na sa isang in-class, ang talakayang online ang

nakapaghahatid ng malawak na spectrum ng iba’t ibang pananaw sa

talakayan, pantay na partisipasyon sa talakayan, at nagtataguyod ng

kognitibong kakayahan sa pag-iisip at ang malalim na pagproseso ng mga


impormasyon. Gayunpaman, ang kakulangan ng interaksyong face-to-

face at ang pangagailangan ng sapat na oras na gawin ang online na

pagpapahayag ay naghahatid ng problema sa pagtatatag sa isang

talakayang online para sa isang face-to-face na pangklasrum na

pagkatuto. Ito ay may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik dahil ito

ay parehong gumagamit ng online na paraan ng pagtuturo.

2.3 Balangkas Teoretikal

Ang theory of online learning ni Anderson (2008) ang teoryang

pinagbasehan sa pag-aaral na ito. Tinalakay dito ni Anderson ang

kanyang pananaw sa educational merits of learning theories at kung

paano ito magagamit sa online learning. Sinimulan ni Anderson ang

kanyang katwiran sa pagtalakay kung paanong ang kapaligirang

pampagkatuto ay dapat buoin ng apat na bahagi: Learner-Centered,

Knowledge-Centered, Assessment-Centered, and Community-Centered.

Sa pag-aaral na ito, inalam kung may kahandaan ang mga guro sa

pagtuturo gamit ang blended learning na kombinasyon ng online modality

at modular modality.

2.4 Konseptwal na Balangkas


Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sukatin ang kahandaan ng mga

guro ng Pilar College sa pagtuturo gamit ang Blended Learning.

Tatlong (3) moderator variable ang isinasaalang-alang sa pag-aaral

na ito: departamentong kinabibilangan, asignaturang ituturo at ang edad

ng guro. Ang asignaturang ituturo ay nakakaapekto sa kahandaan ng

guro sa pagtuturo gamit ang blended learning. Ayon kay Conant (1963),

kapag ang isang guro ay hindi sapat ang kaalaman sa kanyang

asignaturang itinuturo, maaari niya itong maipasa sa kanyang mga mag-

aaral. Maaring mabigo ang isang guro na hamunin ang kaniyang mag-

aaral na mag-isip nag tama at maaari silang mag-isip ng mga bagay na

hindi angkop. Samakatwid, ang kaalaman ng guro sa kanyang

asignaturang itinuturo ang humuhubog sa kanyang kasanayan bilang guro

– kung paano siya magtanong, mga ideyang kanyang ibinabahagi, mga

gawaing kanyang itinatalaga.

Nahinuha ng mga mananaliksik na ang edad ay nakakaapekto sa

kahandaan ng mga guro sa blended learning. Ito ay pinapatunayan ng

pag-aaral ni Machtinger (2007), na nagsasabing ang edad at aspeto ng

mga kalahok hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may

pagkakaugnay. Ang edad ng mga kalahok ay maaring makaapekto sa

kanilang kakayahan sa kahit na anong larangan.


Modular
Instructions
Kahandaan ng Hamong
mga Guro Nararanasan
Online
Modality

Departamento
Asignatura
Edad ng Guro

Anyo 1.0 Modelong Balangkas ng Pananaliksik na Nagpapakita ng

Pagkakaugnay ng mga Baryabol

2.5 Haypotesis
Ang haypotesis ay binuo upang masagot ang katanungang

nabanggit.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa paghahanda ng

modular instructions at online modality sa paaralan kung ang

mga datos ay papangkatin ayon sa departamentong

kinabibilangan, asignaturang itinuturo at edad ng mga guro

2.6 Katuturan ng mga Talasalitaan

Para mapadali ang pag-unawa ng sinumang tutunghay sa pag-aaral

na ito, ang katuturan ng ilang salita na ginamit sa pag-aaral ay binigyang

kahulugan ayon sa kung paano ito ginamit sa pananaliksik.

Kahandaan. Isang estado ng pagiging handa (oxford dictionary). Sa pag-

aaral na ito, ang kahandaan ay tumutukoy sa preparasyon ng mga guro

sa pagtuturo gamit ang blended learning.

Pagtuturo. Ang pagtuturo ay maaaring tukuyin bilang gawa ng

pagbibigay ng mga aralin sa isang paksa sa isang klase o mag-aaral. Ito

ay naglalayong ipakita sa mag-aaral kung paano gumawa ng isang bagay.

Ang pagtuturo ay maaaring mangyari ng pormal o hindi pormal. Sa loob

ng paaralan, ang pagtuturo ay nagaganap bilang pormal na edukasyon.


(mort-sure.com) Sa pag-aaral na ito, ang pagtuturo ay tumutukoy sa

paggamit ng blended learning ng mga guro bilang dulog sa proseso ng

pagkatuto.

Guro. Ang isang guro o titser ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon

para sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at

umiiral, na isinasagawa sa isang paaralan o ibang lugar ng edukasyong

pormal. (wikipedia.org) Sa pag-aaral na ito, ang guro ay tumutukoy sa

mga empleyado ng Pilar College of Zamboanga City Inc. na kasalukuyang

nagtuturo.

Edad. Katumbas na salita ng gulang, ito ay bilang ng mga taon mula pa

ng ipanganak ang isang tao noong araw ng kanyang kaarawan. Katumbas

ito ng mga salitang anyos, tanda, katandaan, kagulangan, at kahinugan.

(wikipedia.org) Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy bilang isa sa

moderator variable ng pag-aaral na pinangkat sa tatlo (20-35, 36-50, 51

hanggang pataas).

Asignatura. Ang asignatura o subject ay isang sangay ng kaalaman na

pinag-aaralan o tinuturo sa eskwelahan, kolehiyo o unibersidad. Ang mga

asignatura ay napapalitan o nadaragdagan sa bawat taon ng pag-aaral.

Magkakaiba ang mga asignaturang tinuturo sa elementarya, sekondarya,


at kolehiyo (Barammeda, 2019). Sa pag-aaral, ang asignatura ay tinukoy

bilang isa sa mga moderator variable ng pag-aaral na kinabibilangan ng

Agham, Matematika, MAPEH, TLE, Computer, Ingles, Filipino, Araling

Panlipunan, at Christian Living.

Departamento. Isang dibisyon ng isang malaking organisasyon, katulad

ng pamahalaan, unibersidad, negosyo, o anumang ispesipikong paksa,

kalakal o lugar. (Orford Dictionary) Sa pag-aaral, ang departamento ay

ginamit bilang moderator variable na nahahati sa Grade School

Department, High School Department, at Senior High Department.


Kabanata III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Tinatalakay sa kabanatang ito ang uri at disenyo ng pag-aaral,

hakbang ng pagpili ng kalahok, instrumento ng pag-aaral, paraan ng

paglikom ng datos at pagtutuos-istadistikal na ginamit sa pag-aaral.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagamitan ng isang Descriptive-Evaluative

Design. Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakikita ng

mananaliksik na magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas

mapadali ang pangangalap ng mga datos sa kahandaan ng mga kalahok

sa pagtuturo gamit ang blended learning na mula sa paaralan ng Pillar

College of Zamboanga Inc. Inalam sa pag-aaral na ito kung ang mga

baryabol na departamentong kinabibilangan, asignaturang itinuturo at

edad ng guro ay nakakaimpluwensya sa kahandaan ng mga guro sa

pagtuturo gamit ang blended learning.


3.2 Hakbang ng Pag-aaral

Upang makalikom ng datos, ang mga sumusunod na hakbang ang

sinusunod sa pag-aaral na ito:

a. Pagpili ng Paksang Pag-aaral

b. Pagbuo ng Panukalang Pananaliksik

c. Pagdepensa sa Proposal

d. Pagkuha ng Sertipiko sa Ethics

e. Pangangalap ng Datos

f. Pagsusuri at Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Datos

g. Pinal na Depensa

Matutunghayan sa susunod na pahina ang Hakbang ng Pag-aaral na

sinusunod sa pag-aaral.
Anyo 3.0

Mga Hakbang ng Pag-aaral

Pagpili ng Paksang Pag-aaral

Balidasyon at pilot
2. Pagbuo ng Panukalang Pananaliksik
Testing

3. Pagdepensa sa Proposal

4. Pagkuha ng Sertipiko sa Ethics

5. Pangangalap ng Datos

6. Pagsusuri at Pagbibigay ng
Interpretasyon sa mga Datos

7. Pagsusuri at Pagbibigay ng
Interpretasyon sa mga Datos
3.3 Pagpili ng mga Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga guro mula sa Pilar

College of Zamboanga Inc.

Gagamit ng stratefied sampling sa pagpili ng mga kalahok. Dahil

malaki ang populasyon ng mga guro sa Pilar College of Zamboanga Inc,

ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik angkop sapagkat sa

hahatiin ng mga mananaliksik ang populasyon sa mga subgroups na

magiging kalahok. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay limamput-

apat (54) na saklaw ng edad mula 20-30, 31-40, 41-50 at 51-60. Sa

bilang na ito, tigdadalawa respondante sa bawat siyam (9) na

asignaturang ititinuturo (Filipino, English, Science, Math, MAPEH, TLE,

ArPan, Christian Living at Computer) na nanggaling sa tatlong (3)

departamento (Elementary, Junior High at Senior High). Matutunghayan

sa talahanayan 0.1 sa kasunod na pahina ang lagom ng bilang at

bahagdan ng mga kalahok ayon sa departamento, asignatura at edad ng

mga kalahok.
Talahanayan 0.1

Bilang at Bahagdan ng Departamentong Kinabibilangan,

Asignaturang Itinuturo at Edad ng mga Kalahok

Bilang ng mga Kalahok

Bahagdan (%)
Asignaturang Departamentong Kinabibilangan

Itinuturo Elementar Junior Senior

y High High

Filipino 2 2 2 6 11.11

English 2 2 2 6 11.11

Math 2 2 2 6 11.11

Science 2 2 2 6 11.11

MAPEH 2 2 2 6 11.11

ArPAn 2 2 2 6 11.11

TLE 2 2 2 6 11.11

Christian

Living 2 2 2 6 11.11

Computer 2 2 2 6 11.11

Kabuuan 100
3.4 Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey sa paraang checklist

upang mataya ang kahandaan ng mga guro ng Pilar College of

Zamboanga Inc. sa pagtuturo gamit ang blended learning. Ito ay

ipinabalideyt sa tagapayo at tatlong kasapi ng panel upang mataya kung

angkop ito sa antas ng mga kalahok.

Sa pagtaya ng kahandaan, lalagyan lamang ng mga kalahok ng tsek

3.4.1 Validity

Ang ginawang checklist na gagamitin sa pangangalap ng datos ay

inihanda ng mga mananaliksik. Ang nabuong instrumento ay ipinawasto

sa tagapayo, matapos itong maiwasto ay idadaan ito sa tatlong panel

para sa balidasyon ng instrumento upang matiyak ang validity nito.

3.4.2 Reliability

Pagkatapos ng balidasyon ng instrumento, ang mananaliksik ay

agad na nagsagawa ng pilot testing. Ito ay isinagawa sa kaparehong

paaralan kung saan isasagawa ang paglilikom ng datos, sa Pilar College of

Zamboanga Inc.
3.5 Paraan ng Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay unang humingi ng pahintulot sa

punongguro ng Pilar College of Zamboanga Imc. Upang magamit ang mga

guro ng nasabing paaralan bilang kalahok ng pag-aaral. Pagkatapos nito,

nakipag-ayos ang mga mananaliksik sa puno ng bawat departamento

upang itakda ang araw at oras sa paglilikom ng datos.

Matapos ang pagtatakda ng tiyak na araw at oras ng paglilikom ng

datos at inihanda na ang mga instrumentong gagamitin sa paglikom ng

datos sa mga kalahok. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, ang paraan ng

paglikom ng datos gamit ang checklist ay isinagawa sa paraang online.

Ang link ng sasagutang checklist ay naibigay na ng mga mananaliksik sa

ouno ng departament, at ang puno ng departamento naman ang nagbigay

nito sa mga kalahok. Sa loob ng link, nakalahad ang layunin ng pag-aaral

gayundin ang ilang panuntunan na kailangan nilang sagutan kasama na

rito kung aling departamento sila nanggaling, asignatura na kanilang

itinuturo at ang kanilang edad.

Pagkatapos ng paglilikom, taus-pusong nagpasalamat ang mga

mananaliksik sa mga kalahok, puno ng mga departamento at punnguro

ng paaralan. Ang mga nalikom na datos ay inayos at iniharap sa tatlong

rater sa kahandaan ng mga guro sa pagtuturo gamit ang blended learning

batay sa sumusunod na komponent:


3.6 Pagbibigay Interpretasyon sa Datos

Matutunghayan sa talahanayan ang panukatan ng kahandaan ng

mga guro sa pagtuturo gamit ang Blended Learning. Ang pamantayng ito

ay mula

3.7 Pagtutuos-Istadistikal

Ang mga nakalap na datos ay pina-encode sa computer kasama ang

mga iskor sa baryabol na departamentong kinabibilangan, asignaturang

itinuturo at edad ng mga kalahok para sa proseso ng mgat datos sa

Statistical Package for Social Sciences (SPSS).

Ang stardard deviation at mean ng bawat komponent na sinubu

You might also like