You are on page 1of 44

KABANATA 1

Ang Suliranin at Saligan Nito

Kaligiran ng Pag – aaral

Ang Edukasyon ang tanging hiyas na yaman na maipagmamalaki sa sangkatauhan at

hindi mananakaw ninuman. Mahalagang bigyang-pansin ang mga bagay na tiyak na malaki ang

maiaambag sa pagpapaunlad ng edukasyon lalo na ang paghahatid ng tunay at awtentikong

pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Isa na marahil sa mga susi ng pagtaguyod ng edukasyon ay ang paglalapat ng mga

angkop at mabisang kagamitang pampagtuturo. Ang kagamitang pampagtuturo ay mga

karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan,

kasanayan, saloobin, palagay, kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang

maging konkreto. Ang paggamit ng mga ito ay may malaking naitutulong sa lahat ng uri ng mag-

aaral. Isa sa mga halimbawa nito ay ang modyul. Ito’y itinuturing na isa sa mga primaryang

kagamitan sa paglinang at paghubog sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Kaugnay nito, ang

modyul ay may sapat na katangian na makatutulong sa mga mag-aaral para sa kanilang

pansariling pag-aaral (Guamen, et. al 1986).

Maraming pagbabago ang nangyari at patuloy na mangyayari sa larangan ng edukasyon

dahil sa kasalukuyang pandemya, ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo ay

nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon. Ito ang

dahilan kung bakit kailangang tumulong ang mga guro na maki-isa sa matinding pagnanais ng

Kagawaran ng Edukasyon (DepED) na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa

1
paghubog sa mga mag-aaral upang maging makabuluhang mamamayang Pilipino na kailangan

ang integrasyon ng kabutihang-asal sa kanilang pagtuturo.

Bawat guro ay may kani-kaniyang mithiin, layunin, metodo, istratehiya at instruksyon

upang mapunan ang mga kinakailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral bilang sentro ng

karunungan. Isang paraan sa pagkamit nito ay kailangang matutunan at matuklasan ng guro ang

iba’t ibang metodo sa pagtuturo dahil ito ang nagsisilbing daan sa pagkamit ng isang tiyak na

layunin. Ang pagtuturo ay isang hamon, kaya nakaatang sa balikat ng guro ang mahusay na

pagganyak, pagbabalak at pagpapasiya sa pamamaraang gagamitin na angkop sa bunga ng

pagkatuto ng asignaturang itinuturo. Ang isang mabuting pamamaraan ng pagtuturo’y

humahamon sa mga mag-aaral upang sila ay makikiisa at tumulong sa mga gawain.

Ayon kay DepEd Undersecretary, Diosdado M. San Antonio, inasahan na nilang ang

modular instruction ay magdudulot ng kalituhan o reklamo sa mga kabataan lalung-lalo na sa

mga magulang. Walang dapat ikabahala dahil nandiyan pa rin ang mga guro na handang

tumulong at ipa-unawa ang mga leksyon. Sa kabila ng panawagan na “academic freeze” ng ilang

sektor dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa dulot ng Covid-19, nanatiling matatag at

matagumpay ang Department of Education na ipagpatuloy ang pagbubukas ng klase nito lamang

Oktubre 05, 2020.

Mariing sinabi ng Kalihim ng Kagawaran, Dr. Leonor M. Briones, na sa pagpapatupad ng

“blended” at “distance learning approach” sa pamamagitan ng “online classes, printed and

digitized learning modules”, telebisyon, at radyo, ay maibabahagi ang mga asignatura na

kailangang matutuhan ng mga mag-aaral anuman ang estado sa buhay.

2
Ayon sa datos ng Deped, nasa mahigit 25 milyong mag-aaral na ang nakapag-enrol sa

mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong taunang pasukan kung saan nasa 59% mag-aaral

ang gagamit ng printed module, 20% ang online, at 20% din ang offline digital samantalang ang

telebisyon at radyo ay magiging pandagdag lamang.

Ang Modular Learning ay ang backbone ng Deped sa pagsasagawa ng distance learning

program dahil problema ng nakararaming kabataan ang pagkamit ng teknolohiya gaya ng

kawalan ng gadyets at internet connection. Isa rin itong mabisang paraan sa pagpaliban ng face-

to-face classes hanggang magkaroon ng bakuna kontra Covid-19. Gayunpaman, maraming

agam-agam, mga tanong, at reaksyon lalo na sa mga magulang kung saan sila ang pangunahing

taga-pagturo sa kanilang mga anak ng mga leksyon gamit ang mga modyul.

Kaya nilayon ng pananaliksik na ito na patunayan ang kabisaan ng instruksyong

modyular bilang isang mabisang modalidad sa pagtuturo upang malaman ang akademikong

pagganap ng bawat mag – aaral sa ika-12 baitang ng Immaculate Conception Academy of Bulan

Inc.

Ang iba’t-ibang paraan na ito ay maaring magbigay ng kalakasan at kahinaan patungkol

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ito ay may malaking ambag tungo sa pag-angat ng

kanilang kaalaman. Ang paraan ng pagkatuto ng mag-aaral ay nakadepende sa paraan ng

pagtuturo ng mga guro. Ang akademikong pagganap ay siyang pinagbabatayan kung naging

epektibo o hindi ang mga paraan na isinasagawa ng mga guro sa mga mag-aaral upang mas

mapadali ang kanilang pag-unawa sa isang partikular na aralin o aktibidad.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pag diskubre ng akademikong pagganap ng mga mag-

aaral sa ika-12 baitang sa pamamagitan ng instruksyong modyular na pagtuturo. Ito ay isang

3
pagtugon sa pagtuklas ng makabagong estratehiya sa pagtuturo na mas makatutulong sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit ang kwantitatibo at deskriptibong pamamaraan sa

pananaliksik dahil nakatuon ang pananaliksik sa obserbasyon, pakikipanayam at pagsusuri ng

nilalaman, datos at impormasyon.

Paglalahad ng Suliranin

Hangarin ng pananaliksik na ito na matukoy ang epekto ng modyular na pagtuturo sa

akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang sa taong panuruang 2020-2021.

Bilang pagtitiyak, tinangkang sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga respondente sa mga tuntunin ng:

(a) Edad

(b) Sekswalidad

(c) Kabisaan ng Modalidad

(d) Estilo ng pagkatuto

2. Mayroon bang signipikong kaugnayan ang demograpikong propayl ng isang mag-aaral sa

kanyang kakayahang matuto sa paraang modyular?

3. Mahalaga bang alamin ang akademikong pagganap ng isang estudyante gayong hindi naman

tradisyunal na pamamaraan ang ginamit?

4
4. Angkop ba ang tugon ng paaralan (Modyular) upang matukoy ang akademikong pagganap ng

mga mag-aaral sa panahon ng pandemya bilang isang estilo ng pagkatuto?

5. Paano napabuti ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa pamamaraang modyular na

pagtuturo ng mga guro?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang bisa ng modyular na pagtuturo sa

mga mag-aaral ng ika-12 na baitang at malaman ang kanilang akademikong pagganap. Ang

espesipikong layunin nito ay ang mga sumusunod:

1. Matukoy kung anong mga epekto ang kanilang naranasan sa pagkakaroon ng mga modyul

linggo-linggo.

2. Matukoy kung may natutunan ang estudyante sa kanilang sariling sikap.

3. Matukoy ang akademikong pagganap ng bawat mag-aaral upang madiskubre kung gaano ka-

epektibo ang pamamaraang modyular.

4. Matukoy ang kalagayang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa tugong modyular na

pamamaraan ng pagtuturo.

5
Kahalagahan ng Pag-aaral

Kung matibay ang pundasyon ng edukasyon ng mag - aaral, at may maitutulong sa

kanyang pagkatuto, ito ay kapaki-pakinabang na patibayin ang nasabing pundasyon para

maihanda sa pinakamabuting oportunidad ang nasabing mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa mga

sumusunod:

Pinuno ng Mataas na Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay magiging gabay sa mga pinuno ng

paaralan upang pagyamanin ang kurikulum ng mga asignatura sa sekondarya. Ito rin ay

makapagbigay ng dagdag na kaalaman para matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa

akademikong pagganap ng mga mag- aaral at makagawa ng solusyon at alternatibong paraan

upang mapadali ang modyular na pagtuturo.

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maging karagdagan sa kaalaman ng bawat guro sa akademya.

Dahil dito, sila ay mahikayat na gumawa ng mga disenyo para sa ikaiinam ng kaalaman ng mga

mag aaaral sa mga asignatura. Magagamit nila ang kaalamang ito upang mapaunlad ang kanilang

pagtuturo, plano at makapagpatupad ng malawak ngunit makatotohanang programa na puna sa

yumayabong pangangailangan sa pang - akademiko ng mag aaral.

Mga Magulang. Ang resulta ng pag aaral na ito ay makapagbibigay sa kanila ng imaheng

akademikong pagganap ng kanilang mga anak sa paaralan. Mapapanatag ang kalooban na

mabibigyan ng mabuting serbisyo ang mga kabataan sa pagkamit ng inaasam na kaalaman

lalung-lalo na sa kakayahan at kaganapang sosyal, at pagpapahalagang moral. Ito ay

magsisilbing mahalagang impormasyon batay sa edukasyon ng kanilang mga anak.

6
Mananaliksik sa Hinaharap. Maraming hagdan ang pag aaral na ito upang malaman ang

epekto ng modyular na pagtuturo at pagtuklas ng akademikong pagganap na siguradong

makakatulong sa iba pang mananaliksik at pwede rin itong gamitin bilang isang “Kaugnay na

Pag-aaral” sa iba pang pamanahong papel.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag aaral mula sa ika-12 baitang na

may Strand na General Academic sa Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. Layunin ng

pag-aaral na ito na matanto ang epekto ng modyular na pamamaraan sa pagtuturo at upang

malaman na rin ang akademikong pagganap ng mga mag - aaral sa baitang na ito.

7
Teoretikal na Balangkas

Ang modyular na pagtuturo ay napapanahon dahil sa pandemyang ating ikinakaharap.

Dahil sa pagbabagong aming natunghayan, ang mga mananaliksik ay gumawa ng papel na ito

upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng modyular na pamamaraan sa mga estudyante at

ano ang kanilang akademikong pagganap dito.

Ibinatay sa kasulukuyang nangyayari sa bansa ang pananaliksik dahil ang Pilipinas, ayon

sa ulat ng WHO o World Health Organization (Philippines Coronavirus Disease 2019

(COVID-19) Situation Report #70, February 10, 2021)

“At national level, the Philippines remains in Stage 2, localised community transmission with

some geographic areas showing higher transmission intensity and indications of wide-spread

community transmission.”

Dahil sa COVID-19 ang mga paaralan sa Pilipinas ay hindi makakapag tanggap ng mga

estudyante hangga’t hindi maayos o kontrolado ang sakit o sitwasyon dulot ng nakakahawang

corona virus. Ngunit, ang sigaw ng DepEd ay “Sulong Edukalidad” at dahil dito naglabas ng ulat

ng iba’t ibang “Learning Modalities” ang nasabing ahensya.

Ito ay ang mga sumusunod:

DISTANCE LEARNING

Isa sa mga delivery mode ay ang distance learning, kung saan hindi pisikal na

magkasama o magkaharap ang guro at estudyante. Sa ilalim nito, maaaring matuto ang mga bata

sa pamamagitan ng online platform, printed module na ibibigay ng paaralan, at lesson na

mapapanood sa telebisyon o mapapakinggan sa radyo, paliwanag ni San Antonio.

8
LIMITADONG FACE-TO-FACE

Nariyan din ang face-to-face learning, kung saan magkakaroon ng pisikal na interaksiyon

sa pagitan ng guro at estudyante, pero gagawin lamang ito sa mga lugar na ligtas, ani San

Antonio. Hindi na rin gaya ng dati umano ang magiging eksena ng face-to-face learning dahil

lilimitahan na lang hanggang 20 mag-aaral sa isang silid-aralan.

BLENDED LEARNING

Puwede ring mag-aral ang mga estudyante sa pamamagitan umano ng blended learning,

na pinagsamang limitadong face-to-face learning at distance learning.

HOMESCHOOLING

Maaari ring matuto ang bata sa pamamagitan ng homeschooling, na dati nang ginagawa

ng mga magulang na ayaw pag-aralin ang mga bata sa mga eskuwelahan, ani San Antonio. Ayon

sa education official, puwedeng pahintulutan ng DepEd ang pagbibigay ng homeschooling.

(https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-

naisinusulong-ng-deped)

Ang paaralang Immaculate Conception Academy of Bulan ay nagpasyang “Distance

Learning” ang magiging modaliti sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sariling gawang

modyul ng mga guro. Ito rin ay napagpasyahan batay sa sarbey na ipinadala at sinagutan ng mga

mag-aaral at dahil na rin sa mga lokal transmisyon na nangyayari sa bayan ng Bulan. Ngayon,

ang gustong alamin ng mga mananaliksik kung ano nga ba ang mga epekto nito sa bawat mag-

aaral na nasa ika-12 baitang at kung ano nga ba ang kanilang akademikong pangganap dito.

9
10
Konseptuwal na Balangkas

Sa pag-aaral na ito ay aalamin ng mga mananaliksik ang epekto ng modyular na

pagtuturo sa bawat estudyante ng ika-12 baitang na may General Academic Strand at tutukuyin

rin ang kanilang akademikong pagganap. Tutukuyin rin ang mga isinasagawang paraan ng

paaralan upang matugunan ang pangangailangang edukasyon ng bawat mag-aaral na

kasulukuyang naka enrol dito. Magsasagawa ng sarbey ang mga mananaliksik upang makakalap

ng datos at impormasyon upang maging isang dokumentasyon na magsisilbing tiyak at

mapagkakatiwalaang papel, magsasagawa ng iba’t ibang paraan ang mga mananaliksik sa mga

mag-aaral upang matukoy ang kanilang naging karanasan sa modyul bilang isang learning

material sa kasulukuyang pandemya. Magiging paraan rin ito upang makapagbigay ng mungkahi

ang mga estudyante sa lebel ng kanilang natutunan at makakapag bigay ng mas magandang

solusyon ang paraalan sa kalidad ng kanilang edukasyon.

INPUT PROSESO AWTPUT


Salik na nakakaapekto sa Sarbey Malalaman ng mga guro at
modyular na pamamaraan sa paaralan kung ano nga ba ang
mga estudyante at pagtuklas ng Pakikipanayam naging epekto ng modyular na
kanilang akademikong pagtuturo sa bawat isang mag-
Pangangalap ng aaral sa ika-12 baitang at ang
pagganap
datos kanilang akdemikong pagganap
Edad na magsisilbing gabay ng mga
Pagsusuri ng datos
nakakatas upang panatilihin o
Kasarian
Dokumentasyon ibahin ang kalidad ng kanilang
piniling modaliti
Kabisaan sa Pagkatuto

Estilo sa Pagkatuto

Pigura 2: Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral

Pagpapakahulugan ng mga Terminolohiya

11
Agam – agam - pagdadalawang-isip ; hindi sigurado at nais pa ng mas mahabang oras upang

pag-isipan ang isang bagay.

Kwantitatibo - tumutukoy sa sistematiko at empirikal na imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at

penomenong panlipunan sa pamamagitan ng matematikal, estadikal, at mga teknik na

pamamaraan na gumagamit ng komputasyon.

Deskriptibo – naglalarawan.

Alternatibo - isang pamalit sa pamamagitan ng isang mabilisang paraan.

Yumayabong – lumalago ; lumalaking masagana.

Pundasyon - isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuuang anyo nito.

Oportunidad – pagkakataon upang mangyari ang isang bagay, mithiin at iba pa.

Patibayin – papalakasin o bibigyang pundasyon.

12
KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay naglalamam ng akademikong babasahin, iba’t ibang pananaliksik, at

batayang legal na may kaugnayan sa modyular na pagtuturo at ang iba’t ibang salik sa pagtuklas

ng akademikong pagganap ng isang mag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman

ang mga literatura at pag – aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang

kaalaman ng mga mambabasa.

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ay bino-broadcast ang mga lektura

o ang mga klase ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsusulatan o sa internet. Sa ganitong

paraan ay hindi na kinakailangang pumunta ng mag-aaral sa isang paaralan o kolehiyo (Stafford

Global, Org. 2020).

Ayon kay Johnson (2006), ang akademikong kakayahan ay itinutulak ng mga salik ng

sosyo-ekonomiko (socio-economic). Ang kahirapan at mababang antas ng sosyo-ekonomiko na

pinalubha pang kakapusan ng ama at ina ay nag reresulta sa mababang kakayahan na pang-

akademiko dahil hindi nila natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa batayang aklat at

iba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ng kaalaman. Ang di magandang kalagayan

13
na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulak upang dumami ang mga mag-aaral na bumagsak o

huminto

sa pag-aaral.

Bilang karagdagan, ang kahirapan nama’y kaangkop na kakapusan sa mga sosyal (social)

at pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral) ay karaniwang nagbubunga sa

mahina o mababang akademikong kakayahan (Shittu, 2004)

Kung ang edad ang pagbabatayan, ayon kay Machtinger (2007), ito ay maaaring maka-

apekto sakanilang kakayahan sa kahit anong larangan. Ayon naman kay Feingold (1988) Ang

kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang kayang ipakita. Ang

kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng

kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sakanilang nakukuha.

Ayon nga sa report ng “The United Nations, Educational, Scientific, and Cultural

Organization” o UNESCO (2020) ay hindi inaasahang maraming mag-aaral mula sa mga

paaralan, kolehiyo at unibersidad sa buong mundo na humigit kumulang isandaang (100) mga

bansa ang magsasara dahil sa dulot ng COVID 19 at humigit kumulang na pitong daan milyong

mga bata (700M) ang apektado nito. Dagdag pa rito, ang UNESCO ay nagkaroon na pag-a-

update ng mga digital tool na gagamitin sa distance learning gaya ng ClassDojo at Google

Classroom at apps na dinisenyo para sa mga smartphone gaya ng KaiOs at iba pa.

Lokal

14
Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong bagay: kakayahang

mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan; magkaroon ng kakayahang makapag-aral ng

mabisa at malaman kung paano ang mga katotohanan ay sumang-ayon sa isa’t isa upang bumuo

ng mas malawak na huwarang kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga katotohanang ito, at

pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa pagsulat man sa

papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting

pagsasama-sama ng sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain at

maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang. (Berceno, 2012)

Ang mga salik na maaaring nakakaapekto sa kanila ay: antas ng pamumuhay, natapos ng

kanilang magulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito ay maaaring mayroong kaugnayan sa

pansarili nilang pang-kogtibong kakayahan. Nararapat lamang na malaman natin kung ano ang

kanilang demograpikong propayl nang sa gayon alam ng guro kung ano ang mailalapat at angkop

sa metodo sa pagtuturo.

Alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987), Seksyon 1. Dapat pangalagaan at

itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa

lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng

gayong edukasyon. Pinapatibay ng batas na ito ang karapatan ng bawat indibidwal na

makatuntong at makapagtapos ng pag-aaral sa mas mahusay na dekalidad ng edukasyon.

DepEd Order No. 43, Seksyon 9 ng Batasang Pambansa Blg. 232 nakilala sa tawag na

“Education Act of 1982”,

“The State shall recognize the right of the students to receive competent instruction, relevant to

quality education to hisfull development as a person with human dignity”

15
Ang modyular na pagkatuto o modular learning ayon kay Manlangit et.al (2020) “is a

form of distance learning that uses Self-Learning Modules (SLM) based on the most essential

learning competencies (MELCS) provided by DepEd”.

Ito ay isang sistemang ginawa ng Department of Education o DepEd upang makapag-aral

parin ang mga estudyante kahit hindi pumapasok sa paaralan. Sa sistemang ito, pahihiramin ng

paaralan ang mga mag-aaral ng module para matuto sa mga aralin. Para sa mga mag-aaral na

may mga electronic gadget gaya ng smartphone at laptop, maaaring ibigay sa kanila ang

softcopy ng mga modyul upang magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral (Dalanon, 2020).

Kadalasan, ang isang modyul ay pang-isang linggo, ngunit maaaring mas maikli o mas mahaba

rin depende sa nilalaman at mga gawaing pampagkatuto (learning activities) na nakapaloob dito

(Dalanon, 2020).

“We have been doing distance learning, blended learning for decades and decades

[already]. The University of the Philippines does and specializes in distance education for the

longest time and those who take up education and study education are already exposed to this”.

Ayon sa DepEd, ang kawalan ng gadyets ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming

mga pamilya ang pinili ang modular distance learning. Base sa survey, nasa 6 milyon ang

walang internet access, at nasa 2 milyon din ang walang laptop, gadyet, telebisyon o radyo.

“Because of those limitations na even in this time of pandemic na gusto pa rin nila magkaroon

ng combination of face-to-face with other modalities,” ani Education Undersecretary

Nepomuceno Malaluan. Pagdating sa pagtuturo sa bahay, maraming mga magulang at ibang

kapamilya ang handa sa responsibilidad na ito. Pero higit 600,000 mga bata ang walang

maasahang magtuturo sa kanila sa bahay.

16
Sa mayamang impormasyong ukol sa masining na pagtuturo na nakapaloob sa aklat ni

Belvez (2001), “Ang Sining at Agham ng Pagtuturo”, inilahad na ang modyul ay isang

kagamitan sa pansariling pag-aaral ng mga aralin. Sa tulong ng mga tiyak na takdang gawain sa

pagkatuto ng maayos ang pagkabuo at kalakip ang mga kaugnay sa nakaraang gawain sa

pagkatuto ay inilalahad at itinuturo ang mga aralin. Sa pamamagitan ng mga pamatnubay na

pagsubok pagkatapos ng bawat munting likha ng aralin at ng pang-wakas na pagsusulit sa

katapusan ng modyul ay nagkakaroon ng pagtataya sa anumang kaalamang nakuha ng mga mag-

aaral sa modyul. Maliban sa aklat, ang modyul ay isang gamitin na kagamitang pampagtuturo sa

kasalukuyan. Magkamukha ang aklat at ang modyul ngunit maaaring ang modyul ay may serye

at nakaangkla sa ibinibigay na pamantayan at nilalaman ng mga aralin.

Ang modyul ay naglalaman ng mga gawain na may kaugnayan sa tatalakayin ng guro at

ito ay nagsisilbing basal at supplementary sa pagitan ng guro at mag-aaral. Para sa pagpapaunlad

at pagpapayaman ng pagtuturo sa paaralan, naglalaan ang gobyerno ng kagamitang

pampagtuturo upang mapalalim at mailapit sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ang mga

talakayan sa klase. Isa na sa tampok na ginagamit ang modyul.

Sinasabi sa isang blog na ginawa ni Noel R. Duran (w.p.), isang Master Teacher-I, na ang

modyul ay isang set ng mga gawain sa pagkatuto na maayos na binuo na may kalakip na mga

araling may tiyak na layunin, pagpapahalaga, at sangguniang pagsusulit na malaki ang tulong sa

mga guro at mga mag-aaral para sa maayos at masikhay daloy ng talakayan.

Kaugnay nito, inilahad din ni Noel R. Duran (w.p.) ang mga katangiang taglay ng modyul

gaya ng sumusunod: (a) Malayang ginagamit na may buong pakikilahok ang klase; (b) Natatamo

ng mgamag-aaral ang mga layunin/ tunguhing na may patnubay ng mga guro; (c) Nag tataglay

ng mga tiyak ng gawain, panuto at pagtataya na malinaw atmaayos na inilapat. Dagdag pa niya,

17
ang mga yunit pampagtuturo sa modyul ay maaaring ilahad sa anyo ng teksto, audio o video

recording, programmed materials, pagsasanay pang-laboratoryo o anumang malikhaing gawaing

pampagkatuto.

Sinasabi rin na ang mga modyul ay dapat interaktibo at madaling gamitin kung saan ay

nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral at mga gawain ay marapat na

maging mapanghamon, malikhain at masining upang mahubog at malinang ang kasanayan at

kakayahan ng bawat mag-aaral. Gayundin, turuan ang mga mag-aaral sa lahat ng aspetong

pangkaisipan, pandamdamin, at pansaykomotor upang magbunga ng lubos na pagkatuto.

May mga elemento rin ang modyul na binaggit ni Noel R. Duran (w.p.) katulad ng (1)

Malayang yunit ng instruksyon; (2) Malinaw natinutukoy ang mga dapat na matamong layunin;

(3) Nagtataglay ng mgaset ng mga sistematikong paglalahat ng mga gawain sa pagkatuto; (4) at

may paraan ng ebalwasyon ng mga gawain. Mahalagang sangkap rin ang mga elemento dahil ito

ang nagpapatibay ng modyul gayundin naman, hindi mabubuo ang isang modyul kung wala

itong mga komponent na magpapatibay ng gamit nito bilang isa sa kagamitang pampagtuturo.

Narito ang mga taglay na komponent ng binuong modyul: (a) Paglalahad ng layon, ito ay

paglalarawan sa kahalagahan ng modyul mula sa paningin ng awtor at ng mga gumagamit nito,

ang guro at mag-aaral; (b)Mga kasanayang kakailanganin, na may layuning linangin ang iba’t

ibang aspeto ng kakayahan ng mga mag-aaral; (c) Mga Layuning pampagtuturo, sinasabi rito

kung ano ang mga itatakdang panuntunan at kung sino ang magpapamalas ng kilos;

(d) Mga Tagubilin at panuto, bilang gabay sa guro at mag-aaral sa paggamit ng modyul; (e) at

ang programang modyular na maaaring ilahad sa iba’t ibang anyo o porma kung saan ay

pinagsanib na media instructional units na gumagamit ng audio-tape, film at iba pa.

18
Kaugnay na Pag – aaral

Banyaga

Matagal nang ginagamit ang modyular na pagkatuto sa mundo. Ayon sa pag-aaral

patungkol sa Distance Education (2001), ang modyular na pagkatuto ay nag simula noong 1800,

sa University of Chicago kung saan noon, ang mga guro at ang mga mag - aaral nito ay nakatira

sa iba’t-ibang lugar sa Estados Unidos.

Bilang solusyon sa problema ay gumawa sila ng isang sistema na kung saan ay

makakapag-aral parin ang kanilang estudyante nang hindi na luluwas ng kanilang Estado upang

pumasok lamang sa kanilang paaralan. At doon nabuo ang modyular na pagkatuto. Dito sa

Pilipinas, matagal na ring nagagamit ang sistemang modyular ngunit mga piling paaralan o

unibersidad lamang ang gumagamit nito. Ayon kay secretary Leonor Magtolis Briones sa

kanyang ulat sa ating Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Dahil sa isang penomina sa kasalukuyan ang globalisasyon at ekonomiya ay nakadepende

sa teknolohiya, ang nangingibabaw na kalakaran sa daigdig napaggawa ay interaksyon.

Inilarawan ni Kagan (1992) na sa ngayon, ang mgalipunan sa daigdig ay binubuo ng mga

pangkat na umaasa sa isa’t isa o interdependent na nagtutulungan sa pagbibigay solusyon sa mga

kompleks o masalimuot na problema na hindi maaaring lutasin ng isang tao lamang. (Villafuerte

19
& Bernales, 2008, p.173).

Ang modyul ay isang sistematikong paglalahad ng nga gawaing makatutulong sa mag-

aaral upang matamo ang nga tunguhin sa aralin.

Ayon kay Darrel L. Murray, "A module is a self-contained and independent unit of instructions

with a primary focus on a few well- defined objectives."

Sa katuturang ito, ang modyul ay buo at ganap sa kanyang sarili. Hindi na

nangangailangan pa ng ibang aklat at maaaring pag-aralan sa tahanan o saan man sa labas ng

paaralan at wala sa ilalim ng pamamatnubay ng isang guro. Taglay nito ang tatlong elemento ng

pagtuturo: mga layunin, mga gawain sa pagkatuto, at ebalwasyon. Narito ang siyam na

pangunahing katangian ng modyul:

1. Dapat itong maging buo, sapat sa kanyang sarili.

2. Dapat maging maikli ngunit malaman

3. Dapat nitong maganyak ang mga mag—aaral.

4. Dapat nitong bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral parasa interaksyon.

5. Dapat may maayos na pagkakasunod-sunod ang mga layuninat gawain.

6. Dapat itong maisulat sa malinaw at tamang lengguwahe naangkop sa antas ng

pinaglalaanang mag-aaral.

7. Dapat itong maging tama o walang pagkakamali.

8. Dapat itong naaangkop sa mga totoong sitwasyon sa buhayupang mapagtugma ang

teorya at praktika.

9. Dapat nitong gamitin ang bawat pagkakataon upang makapagturo sa pangkalahatan:

kognitibo, saykomotor atafektivo.

20
Bago pa magkaroon ng Covid-19 sa mundo, nakita na natin ang mga nangyari sa Sierra

Leone sa panahon ng Ebola outbreak kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa loob ng isang

academic year. Sa muling pag-bubukas ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang hindi na

nagpatuloy ng pag-aaral bunga ng child labor, teenage pregnancy, child abuse and neglect,

health and family economic problems. Ayon din sa mga pandaigdigang pag-aaral, kahit sa

normal na dalawang buwang bakasyon, 20-50 % ng mga natutunang skills ay maaaring mawala

o nakalimutan na ng mag-aaral. mas magiging mahirap din ang pag monitor sa nutrisyon, at

pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata kung tuluyang magsasara ang mga

paaralan sa loob ng isang taon.

Lokal

Hinihingi ng pang kasalukuyang kalakarang pang-edukasyon ang higit na pagbibigay-

tuon sa paglinang ng mga kasanayan at kakayahang makatutulong sa mga mag-aaral upang higit

na maging produktibong indibidwal at magkaroon ng masaya at makabuluhang buhay sa

hinaharap. nakaangkla ang ganitong pananaw sa nangingibabaw na kalakarang global sa

edukasyon na pinaniniwalaang dapat nakatulong sa paglikha ng mga mamamayang may

kakayahang umagapay sa mabilis na nagbabagong kapaligiran, makabagong teknolohiya,

rebolusyong intelektwal at interdependent na ekonomiya.

Dahil dito, kailangang bigyan ng prayoridad ng mga paaralan ang pag linang sa mga

mag-aaral ng mapanuri at mataas na antas ng pag-iisip at mga kasanayang pang komunikasyon at

interaksyong sosyal na kakailanganin para sa epektibong paglahok sa lipunang patuloy na

nagiging masalimuot at interdependent at sa pagtugon sa mga larangang kanilang tatahakin sa

21
hinaharap. Sa ganitong konteksto, kailangan ang pag reistruktura sa mga klasrum sa kondisyong

makapagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataon upang maranasan ang pagtutulungan sa

proseso ng kanilang pag-aaral at pagkatuto.

Kailangan din ang paglalaan ng mga gawaing makapagpapatibay ng kanilang

oryentasyong sosyal nang may pagpapahalaga sa kontribusyon at magagawa ng bawat isa sa

pagtatamo ng iisang layunin o hangarin. Samakatuwid, kailangan ang kolaboratib/kooperatib na

mga pamamaraan sa pagtuturo upang maihanda ang mga mag-aaral para sa matalino at

demokratikong paglahok sa lipunan- may kakayahang makipag-interaksyon, makabuo ng

kolaboratib na pasya at makipagtulungan para sa kapakanan ng nakararami. Kinikilala na ngayon

ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga mag-aaral sa klasrum at ang bisa ng kooperatibong

pagsasagawa ng mga gawain sa pagkatuto (Villafuerte & Bernales, 2008, p.173).

Ang edad ng estudyante ay kailangan natanto nga mga tagapangasiwa ng eskwelahan

mula dito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang kanilang pangkabatirang antas

(cognitive level) kahit ito ay maging persepsyon, opinion at ideya. Gayundin, mas higit na

nagiging matibay ang kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng

kanilang mga edad.

Ito ay sinususugan ng pag-aaral ni Machtinger (2007) na nagsasabi na ang edad at aspeto

ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad

ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit na anong larangan.

Bagamat may mangilan ngilang mag-aaral na lumalampas sa karaniwang inaasahanag edad, ito

ay normal lamang sapagkat sa mga mag-aaral na nabibilang sa mahihirap na pamilya, dina

iiwasan ang magkaroon ng suliranin o sagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral.

22
Ngunit, maari din naman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang kadahilan labas sa

kahirapan.

Ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pag-aaral ng mga aralin. Sa tulong ng

mga tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng maayos ang pagkabuo at kalakip ang nga kaugnay

na nakaraang gawain sa pagkatuto ay inilalahad at itinuturo ang mga aralin. Sa pamamagitan ng

mga pamatnubay na pagsubok pagkatapos ng bawat munting liha ng aralin at ng pangwakas

napagsusulit sa katapusan ng modyul ay nagkakaroon ng pagtataya sa anumang kaalamang

nakuha ng mga mag-aaral sa modyul.

Ang bentahe ng modyul ay batay sa pilosopiya nito - na bawat mag-aaral ay walang

katulad; may sariling katangian, karanasan, gawi, istilo ng pagkatuto at kaligiran kaya’t dapat

siyang bigyan ng pagkakatao ng umunlad ayon sa saklaw ng kanyang kakayahan at matamo sa

kanyang sarili ang kaganapan. Ang modyul na kayumanggi na gagamitin sa pag-aaral na ito ay

ginagamit bilang pantulong sa pag-abot ng mayamang talakayan sa antas sekundarya. Ito ay

kinapapalooban ng iba’t ibang akdang pampanitikan particular na ang maikling kwento. Sa

pagtalakay ng maikling kwento, madadalumat at masisipat ang kahalagahan nito na siyang mag

papaigting ng hiyas ng panitikan. Ngunit hindi magiging buhay ang mga diwa’t mensahe nito

kung hindi maglalapat ng mga tanong na maiuugnay sa tunay na pangyayari sa buhay ng bawat

tao.

Ang mga modyul ay isa sa pangunahing kagamitang panturo bilang saligan ng

pagpapadaloy ng talakayan. Ginagamit ito ng mga guro upang masubaybayan ang pag-unlad ng

mga mag-aaral. Sa mga aralin, lalo nasa aspeto ng pansariling pagkatuto. Ngunit, ang pagiging

mabisa nito ay limitado lamang para sa mga mag-aaral na ang primaryang paraan ng pagkatuto

23
ay ang pagdepende sa guro. Dagdag pa rito, hindi lingid sa kaalaman ng guro at mag-aaral na

ang halaga ng mga modyul ay may kamahalan para sa mga karaniwang mamamamayan.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Alonzo na tumutuon sa kahalagahan ng modyul,

binigyan niya ng depinisyon ang modyul bilang kagamitan sa pagtuturo na buo at sapat sa

kanyang sarili na ginawa upang magamit ng mag-aaral nang hindi na kinakailangan ang guro.

Taglay nito ang tatlong (3) batayang element ng pagtuturo: mga layunin, mga gawain sa

pagkatuto, at ebalwasyon. Ang bentahe ng modyul ay batay sa pilosopiya nito - na bawat mag-

aaral ay walang katulad; may sariling katangian, karanasan, gawi, istilo ng pagkatuto, at

kaligiran kayat dapat siyang bigyan ng pagkakataong umunlad ayon sa saklaw ng kanyang

kakayahan at matamo sa kanyang sarili ang kaganapan. Bilang kagamitang panturo, may

katangian ang modyul upang matulungan ang mag-aaral na maging independent learner at

sumulong sa kanyang sariling bilis.

Ang daigdig ng ikalawang siglo ay patuloy na nagtutuon ng pansin sa mga pagbabagong

nagaganap sa edukasyon (Lucas, 1991). Isa sa mga pagbabagong nabanggit ay ang pag-uukol ng

panahon ng mga grupong pansilid-aralan sa paggamit ng mga babasahing nauukol sa pansariling

pag-aaral. Kasabay ng paglitaw ng mga makabagong pamamaraan sa larangan ng pagtuturo ay

ang pag-usbong ng makabagong kagamitan na nag lulunsad ng sariling pagkatuto ng mga mag-

aaral, isang halimbawa nito ang modyul. Ang mga modyul ay naglalaman ng mga tiyak na

gawaing tumatalakay sa mga lalamaning aralin para sa bawat markahan na maaaring gawin ng

mag-aaral nang mag-isa. Ito ay nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang masabayan ang

pagtuturo ng guro.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Pructuosa, hinggil sa gamit ng modyul, sinasabi niya

na hindi natitiyak ang kaangkupan ng modyul sa uri at kakayahan ng tanging grupo ng mag-

24
aaral. Isa pa’y hindi naman laging makabibili ang mga guro at mag-aaral ng mga komersyal na

mga kagamitang ito. Dahil sa ito ay ipinagbibili, malaking salik ang usapin ng salapi para sa mga

mag-aaral lalo na sa mga pampublikong paaralan sa pagbili ng mga ganitong uri ng kagamitang

pampagkatuto.

Sanggunian

(http://wikisource.org/wiki/Saligang_Batas_ng_Pilipinas(1987)#Edukasyon).

(https://news.abs-cbn.com/news/07/31/20/deped-mga-magulang-estudyante-mas-gusto-gumamit-

ng-modular-learning)

Tuloy ang pagkatuto: Ang Pilipinong mag-aaral sa gitna ng pandemya - Teach for the Philippines

Ang Distance Learning at Ang Sining ng Pagtuturo at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Panahon ng

Pandemya – DepEd Balanga City

(PDF) Ang mga epekto ng pag-aaral sa online na edukasyon sa pagganap ng mga mag-aaral dahil ng

covid 19 pandemic | Enrique B Picardal Jr - Academia.edu

25
KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga instrumento at disenyong ginamit sa pangangalap

ng mga datos at mga angkop na paraan sa pagaanalisa sa mga impormasyon sa pag-aaral na ito.

Naglalayon ang bahaging ito na maipaliwanang at mailahad ag mga paraang ginamit ng mga

mananaliksik upang magkaroon ng katuparan ang mithiin ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang matukoy ang epekto ng modyular na

modalidad ng pagtuturo sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang (General

Academic Strand) ng Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 –

2021.

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik at Kwantitatibong pananaliksik.

Napili ng mga mananaliksik ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit

ng talatanungan o Survey Questionnaires para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang

mananaliksik ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent. Limitado lamang ang

mga taga-sagot o respondents sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi

lamang naka depende sa dami ng sumagot. Kung kaya’y lubos na nauunawaan ng mga

mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring magsasagawa ng

26
pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impomasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na maging mabisa sa

pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Kaugnay nito, malaking tulong din ng kwantitabong pamaraan na ang tuon ay pagsusuri

sa mga katangiang maaaring sukatin kung saan ito ay gumagamitng pamamaraang estadistiko

upang bigyang kahulugan ang mga datos (Simbulan, 2008). Ang pagsasagawa ng panayam at

sarbey ay nakapailalim sa kwantitatibong pamaraan na ginamit ng mga mananaliksik sa

pangangalap ng datos.

Mga Tinanong/Tumugon ng Talatanungan

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Immaculate

Conception Academy of Bulan Inc. sa baitang na ika-12 na may General Academic Strand.

Gumamit ang mga may-akda ng Deskriptibong pamamaraan upang magkaroon ng

representasyon ang mga datos na ilalahad.

Ang populasyon ng nasa ika-12 baitang ay 22 at lahat ay makakatanggap ng talatanungan

at aasahang makikilahok sa isinigawang pananaliksik. Limitado lamang ang binigyan ng

talatanungan at naaangkop lamang sakanila ang isinasagawang papel ng mga mananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatunangan o Survey Questionnaires bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang sarbey ay

isang paraan ng pagkuha ng datos o impormasyon sa mga tagatugon sa paraan ng pagtatanong

27
tungkol sa kanilang nararamdaman, opinyon, paniniwala at personal na sanligan. Ang sarbey ay

isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan (Questionnaires) na pasasagutan ng

aktwal sa mga tagatugon. Sa pamamagitan nito, nalalaman ang panig o palagay ng mga

tagatugon hinggil sa naturang pag-aaral.

Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: Ang Propayl at ang Sarbey ukol sa

paksang pinag-aaralan. Ang sarbey ay ang pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian,

aksyon o opinyon ng malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sa bilang ng isang populasyon o

malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng iba’t-ibang istilong paghahanap kabilang ang

pagtatanong sa mga respondent. Ang mga talatanungan na inilahad ay pinakita sa aming guro at

tagapagpayo na kung saan sila ang magpapatunay kung naayon ba ito sa aming napiling paksa.

Inalisa nila ito upang ito ay naaayon hindi lamang sa teknikal na mga bagay, pati na rin sa

kaangkupan ng napiling paksa sa instrumento at disenyo ng pananaliksik.

Matapos na pag-aralan ang talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik ng mga guro at

tagapagpayo, inisa-isa na itong ibinigay sa 22 na populasyon ng ika-12 baitang ng Immaculate

Conception Academy of Bulan Inc. sa taong panuruan 2020 – 2021.

28
“Epekto ng Modyular na Modalidad ng pagtuturo sa Akademikong Pagganap ng mga
Mag-aaral sa Ika-12 Baitang (General Academic Strand) ng Immaculate Conception
Academy of Bulan Inc. Sa Taong Panuruan 2020-2021”.

Mahal na Respondente,

Maalab na Pagbati! Kami ay mga mag-aaral na sa kasalukuyang kumukuha ng Pamanahong


Papel. Hingil sa pananaw at damdamin ng mag-aaral ng Immaculate Conception Academy
of Bulan Inc. ng Ika-12 Baitang (General Academic Strand) kaugnay nito, inihanda naming
ang Talatanugan at Sarbey na ito upang makangalap ng datos na kailangan saaming
pananalilsik. Kung gayon, maaring sagutin ng may katapatan ang mga sumusunod na mga
katanungan.Tinitiyak namin ang impormasyong ibabahagi ay mananatiling konpidensyal.

Maraming Salamat po!

Mananaliksik,

Ika-11 Baitang (General Academic Strand) Taong Panuruan 2020-2021

Panuto: Punan ng angkop na Impormasyon o Datos ang mga sumusunod na katanungan. kung
may pagpipilian, Lagyan lamang ng TSEK sa loon ng kahon na tumutugma sa iyong sagot.
Pangalan (Opsyonal): __________________________
Kasarian: Babae Lalaki
Edad: 16-17 20-21
18-19 22-pataas
Kabuuang Grado sa Unang Semestre (TP:2020-2021)
75-80 86-90 96-100
81-85 91-95

5 - Lubos na Epektibo 4 - Epektibo 3 - Katamtamang Epektibo

2 - Hindi Epektibo 1 - Lubos na Hindi Epektibo

5 4 3 2 1
1.Mahalaga ba sayo ang Pamamaraan ng mga guro
sa Modyular na Modalidad ng Pagtuturo?

2.Pabor ka ba sa paggamit ng modyular na


Modalidad sa pagtuturo?

29
3.Mas napapadali ba saiyo ang pagtugon ng
pangangailangan sa Pag-aaral ng modyular na
modalidad na pagtuturo?
4.Madali ba natutugunan ng iyong nasasagutan ng
mga katanungan habang ika’y nasa loob ng bahay?
5.Ang antas ba ng hirap ng aktibidad sa modyul ay
nakaapekto sa iyong Akademikong Pagganap?
6.Ang bawat aktibidad ng nilalaman ng modyuls
ay nagsusulong ba ng Higher Order Thinking
Skills?
7.Epektibo ba ng iyong dating Learning Style sa
pag-aaral bilang pagtugon saiyong Akademikong
Pagganap?
8.Naayon ba saiyo ang modyular na modalidad ng
pagtuturo para sa mataas na pagkamit ng iyong
Akademikong Pagganap?
9.May Malaki bang pagkakaiba ang natamong
Akademikong Pagganap mula sa Face-to-Fcae o
Traditioanl classes sa modyular na modalidad ng
pagtuturo?
10.Natugunan at Naisakatuparan ba ang iyong
mataas na Akademikong Pagganap,tugon ng
Modyular na modalidad sa pagtuturo sa
kasalukuyang panahon?

TALATANUNGAN

Panuto: Ilahad ang iyong pananaw at aamdamin sa bawat katanungan sa ibaba.

1. Ano ano ang mga hadlang sa pakatuto sa kasalukuyang modyular na modalidad ng pagtuturo?
Tugon:

2. May natutuhan ka ba saiyong sariling pagsisikap bilang pagtugon sa pagmamarka ng iyong guro
sa modyular na modalidad ng pagtuturo?
Tugon:

30
3. Paano masasabing angkop ang modyular na modalidad ng pagtuturo saiyong pagpapatuloy sa
pag-aaral upang matugunan ang pangangailan saiyong akademikong pagganap?
Tugon:

4. Ano ang mga hindi magandang naidulot ng modyular na modalidad ng pagtuturo saiyong
Akademikong Pagganap

5. Ano ang mga mabuting naidulot ng modyular na modalidad ng pagtuturo sa larangan ng iyong
Akademikong Pagganap?

31
Pagsusuri ng Datos

Ang kagamitang statistikal na makikita sa papel na ito ay ang: Frequency count at

Weighted mean. Ginamit ng mananaliksik ang mga ito upang maanalisa at matukoy ang mga

datos na nakumpiska sa ginawang pamamaraan ng mga mananaliksik. Ang Frequency Count ay

ginamit upang malaman ang prikwensya o kung ilang beses inulit ng mga respondente ang

kanilang mga sagot batay sa mga Talatanungan na ibinigay.

Upang malaman rin ng mga mananaliksik ang pangkalahatang Epekto ng Modyular na

Modalidad ng Pagtuturo sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa ika-12 baitang

(General Academic Strand) sa talatanungang naibigay sa mga kapwa mag – aaral, ang Weighted

Mean ang pinakaepektibong ilapat sa pagkuha ng impormasyong kinakailangan sa Pananaliksik.

4.50 – 5.00 Lubos na Epektibo


3.50 – 4.49 Epektibo
2.50 – 3.49 Katamtamang Epektibo
1.50 – 2.49 Hindi Epektibo
1.00 – 1.49 Lubos na Hindi Epektibo
Ang antas na makikita sa ibaba ay ang ginawang batayan ng mga mananaliksik upang

malaman ang kanilang Akademikong Pagganap sa Taong Panuruang 2020 – 2021.

Sumakatuwid, Ito ang statistikal na pamamaraang ginamit upang mahanapang sulosyon

ang mga datos na ibinigay o sinagot ng mga respondete sa mga mananaliksik.

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

32
Sa kabanatang ito makikita ang kinalabasan ng pag-aaral at interpretasyon ayon sa

inilahad na katanungan. Ipinakita ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga inihanay

na talahanayan upang mapakita ang pagbibigay ng mga puntos sa bawat pinagpipilian na

nagsasaad sa naging bunga ng sarbey.

Presentasyon ng Datos

Talahayanayan Blng. I

Epekto ng Modyular na Modalidad ng Pagtuturo sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-

aaral sa ika-12 baitang (General Academic Strand) ng Immaculate Conception Academy of

Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 – 2021.

Mean
MGA TANONG 5 4 3 2 1

1.Mahalaga ba sayo ang 10 7 3 2 4.17


Pamamaraan ng mga guro sa
Modyular na Modalidad ng
Pagtuturo?

2.Pabor ka ba sa paggamit ng 4 6 9 3 3.5


modyular na Modalidad sa
pagtuturo?

3.Mas napapadali ba saiyo ang 2 4 12 4 3.18


pagtugon ng pangangailangan sa
Pag-aaral ng modyular na
modalidad na pagtuturo?

4.Madali ba natutugunan ng iyong 2 1 12 4 3 2.77


nasasagutan ng mga katanungan
habang ika’y nasa loob ng bahay?

5.Ang antas ba ng hirap ng 3 8 6 4 1 3.36


aktibidad sa modyul ay nakaapekto
sa iyong Akademikong Pagganap?

33
6.Ang bawat aktibidad ng nilalaman 4 6 8 4 3.45
ng modyuls ay nagsusulong ba ng
Higher Order Thinking Skills?

7.Epektibo ba ng iyong dating 4 8 5 3 2 3.41


Learning Style sa
pag-aaral bilang pagtugon saiyong
Akademikong Pagganap?

8.Naayon ba saiyo ang modyular na 3 7 8 4 3.41


modalidad ng pagtuturo para sa
mataas na pagkamit ng iyong
Akademikong Pagganap?

9.May Malaki bang pagkakaiba ang 10 5 6 1 4.09


natamong Akademikong Pagganap
mula sa Face-to-Face o Traditional
classes sa modyular na modalidad
ng pagtuturo?
10.Natugunan at Naisakatuparan ba 2 11 5 2 2 3.41
ang iyong mataas na Akademikong
Pagganap,tugon ng Modyular na
modalidad sa pagtuturo sa
kasalukuyang panahon?

[ (5 * 10) + (4 * 5) + (3 * 6) + (2 *1) ] ÷ 22 = 4.090909 ≈ 4.09

[ (5 * 2) + (4 * 11) + (3 * 5) + (2 * 2) + (1 * 2) ] ÷ 22 = 3.40909 ≈ 3.41

Tandaaan: 22 – Kabuuang populasyon ng ika-12 baitamg

Talahanayan Blng. II

34
Epekto ng Modyular na Modalidad ng Pagtuturo sa Akademikong Pagganap ng

mga Mag-aaral sa ika-12 baitang (General Academic Strand) ng Immaculate Conception

Academy of Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 – 2021.

Mga Tanong Weighted Interpretasyon

Mean
1.Mahalaga ba sayo ang Pamamaraan ng mga guro 4.17 Epektibo

sa Modyular na Modalidad ng Pagtuturo?

2.Pabor ka ba sa paggamit ng modyular na 3.5 Katamtamang

Modalidad sa pagtuturo? Epektibo


3.Mas napapadali ba saiyo ang pagtugon ng 3.18 Katamtamang

pangangailangan sa pag-aaral ng modyular na Epektibo


modalidad na pagtuturo?
4.Madali ba natutugunan ng iyong nasasagutan ng 2.77 Katamtamang

mga katanungan habang ika’y nasa loob ng bahay? Epektibo


5.Ang antas ba ng hirap ng aktibidad sa modyul ay 3.36 Katamtamang

nakaapekto sa iyong akademikong pagganap? Epektibo


6.Ang bawat aktibidad ng nilalaman ng modyuls ay 3.45 Katamtamang

nagsusulong ba ng Higher Order Thinking Skills? Epektibo


7.Epektibo ba ng iyong dating Learning Style sa 3.41 Katamtamang

pag-aaral bilang pagtugon saiyong akademikong Epektibo


pagganap?
8.Naayon ba saiyo ang modyular na modalidad ng 3.41 Katamtamang

pagtuturo para sa mataas na pagkamit ng iyong Epektibo


akademikong pagganap?
9.May malaki bang pagkakaiba ang natamong 4.09 Epektibo

akademikong pagganap mula sa Face-to-Face o

Traditional classes sa modyular na modalidad ng

pagtuturo?
10.Natugunan at naisakatuparan ba ang iyong 3.41 Katamtamang

35
mataas na akademikong pagganap,tugon ng Epektibo

modyular na modalidad sa pagtuturo sa

kasalukuyang panahon?

Talahayanayan A

Epekto sa Estilo sa Pagkatuto ng mga Mag – Aaral

Mga Tanong Weighted Mean Interpretasyon


1.Mahalaga ba sayo ang 4.17 Epektibo

Pamamaraan ng mga guro sa

modyular na modalidad ng

pagtuturo?
2.Pabor ka ba sa paggamit ng 3.5 Katamtamang Epektibo

modyular na modalidad sa

pagtuturo?
3.Epektibo ba ng iyong dating 3.41 Katamtamang Epektibo

Learning Style sa

pag-aaral bilang pagtugon saiyong

akademikong pagganap?
4. May malaki bang pagkakaiba ang 4.09 Epektibo

natamong akademikong pagganap

mula sa Face-to-Face o Traditioanl

classes sa modyular na modalidad

ng pagtuturo?
5. Ang bawat aktibidad ng 3.45 Katamtamang Epektibo

nilalaman ng modyuls ay

nagsusulong ba ng Higher Order

Thinking Skills?

Kabuuan 3.72 Epektibo

36
Talahayanayan B

Kabisaan ng Modyular na Modalidad

Mga Tanong Weighted Mean Interpretasyon


1. Madali ba natutugunan ng 2.77 Katamtamang Epektibo

iyong nasasagutan ng mga

katanungan habang ika’y

nasa loob ng bahay?


2. Ang antas ba ng hirap ng 3.36 Katamtamang Epektibo

aktibidad sa modyul ay

nakaapekto sa iyong

akademikong pagganap?
3. Mas napapadali ba saiyo 3.18 Katamtamang Epektibo

ang pagtugon ng

pangangailangan sa pag-

aaral ng modyular na

modalidad na pagtuturo?
4. .Naayon ba saiyo ang 3.41 Katamtamang Epektibo

modyular na modalidad ng

pagtuturo para sa mataas

na pagkamit ng iyong

akademikong pagganap?
5. Natugunan at 3.41 Katamtamang Epektibo

naisakatuparan ba ang

iyong mataas na

akademikong pagganap,

tugon ng modyular na

modalidad sa pagtuturo sa

kasalukuyang panahon?

37
Kabuuan 3.22 Epektibo

Kabuuang Interpretasyon ng Datos

Talahanayan Blng. I

Suliranin Talahanayan Weighted Mean Interpretasyon Kabuuang

Interpretasyon
Epekto ng Modyular A. Epekto sa Estilo 3.13 Katamtamang

na Modalidad ng sa Pagkatuto ng Epektibo

Pagtuturo sa mga Mag - Aaral

Akademikong

Pagganap ng mga B. Kabisaan ng 3.22 Epektibo 3.17

Mag-aaral sa ika-12 Modyular na - Katamtamang

baitang (General Modalidad Epektibo

Academic Strand) ng

Immaculate

Conception Academy

of Bulan Inc. sa

Taong Panuruan 2020

38
– 2021

Makikita sa talahanayan sa taas ang kabuuang interpretasyon ng pamanahong papel na

may pamagat ng “Epekto ng Modyular na Modalidad ng Pagtuturo sa Akademikong Pagganap

ng mga Mag-aaral sa ika-12 baitang (General Academic Strand) ng Immaculate Conception

Academy of Bulan Inc. sa Taong Panuruan 2020 – 2021”, ipinapakita na may dalawang (2)

pangunahing paksa ang makaka-apekto sa pagpapayabong ng Akademikong Pagganap ng mga

mag – aaral sa ika-12 baitang, ito ang (a) Estilo sa pagkatuto ng mga mag – aaral; (b) Kabisaan

ng Modyular na Modalidad. Ang sampung (10) tanong ay hinati ng mananaliksik sa angkop na

paglalagyan sa dalawang paksa.

Hinanap ang Weighted Mean ng bawat talahanayan upang malaman ang interpretasyon.

Ang unang paksa ay ang “Estilo ng Pagkatatuto” na may mean na 3.13 na kung saan ito

ay katamtamtamang epektibo lamang para sa Akademikong Pagganap ng mga estudyante.

Habang ang ikalawang paksa naman ay ang “Kabisaan ng Modyular na Modalidad” na

may Weighted Mean na 3.22 na nasa epektibong antas.

Sa kabuuan, upang malaman ang pinal na kinalabasan ng mga datos, ang ginawa ng mga

mananaliksik ay pinagsama ang dalawang resulta ng bawat talahanayan.


A. 3.13
+
B. 3.22

= 6.35

Ang resulta naman ay hinati sa dalawa dahil may dalawang paksang inilahad ang mga

mananaliksik.

6.35 ÷ 2 = 3.17
39
Pagpapakahulugan:

3.17 – Katamtamang Epektibo

KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon ng buong

pag –aaral.

Suliranin

1. Ang pag tuklas ng Akademikong Pagganap ng mga mag – aaral sa pagbabago ng

modalidad sa pagtuturo.

2. Ano ang epekto ng Modyular na modaliti na pagtuturo sa kasalukuyang pag – aaral at

pagataguyod sa kalidad ng Edukasyon.

Lagom

Nag – umpisa ang pananaliksik na ito sa hangarin ng mga mananaliksik na malaman ang

mga sagot sa mga katanungan tungkol sa paksang sinasaliksik ng mga mananaliksik sa

paghahanap sa solusyon sa mga ideya at impormasyon tungkol sa pagbabago ng modalidad na

pumili rin ang mga mananaliksik ng paraan at instrumento sa pagkalap ng mga ideya at

impormasyon na nagbibigay kaakibat sa nasabing suliranin. Sa pag sa-sarbey, pinili ng mga


40
mananaliksik ang ika-12 baitang ng Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. sa Taong

Panuruan 2020 – 2021 bilang respondente sa nasabing Pananaliksik.

Sunod na ginawa ay ang paghahanda at pagsasagawa ng mga talatanungan na pasasagutan sa

mga respondente at pagkatapos ay binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot sa

bawat tanong. Sa pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa kalahatang

gumawa ng konklusyon tungkol sa natuklasan at ilang mga rekomendasyon upang mapagbuti at

nakatulong sa pagbibigay ng impormasyon para sa mga mag-aaral, mambabasa, at sa mga

mananaliksik.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa interpretasyon o pahayag batay sa mga

datos na nakalap ng mga mananaliksik sa isinagawang pamanahong papel. Bukod dito, ang mga

nasa ibaba ay sumasagot sa mga inilahad na suliranin na makikita sa Kabanata I – Paglalahad ng

Suliranin.

1. Ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang ay makikita sa mga

sagot sa sarbey na kung saan isinagawa sa kani-kanilang bahay. Makikita roon ang ang kanilang

(a) Edad, (b) Sekwsalidad, (c) Kabisaan ng modalidad at (d) Estilo ng pagkatuto. Masasabing

may kanya-kanyang opinyon ang bawat isa ukol sa kabisaan at napiling estilo ng pagkatuto ang

mga nasabing mag – aaral.

2. Mayroong signipikong kaugnayan ang demograpikong propayl ng isang mag – aaral sa

kanyang kakakayahang matuto sa paraang modyular dahil masasabing may pagkakaiba ang

41
bawat isa sa kanilang edad at sekswalidad. Sa estilo naman ng pagkatuto ay mayroong

kaugnayan sa kabisaan ng pagkatuto ng mag – aaral batay sa iba’t – ibang kakayahan ng mga

mag – aaral.

3. Mahalagang alamin ang Akademikong pagganap ng mga mag – aaral sa kasagsagan ng

pandemya dahil mas lalong napapalayo ang “teacher-student” interaksyon sa kasulukuyang

modalidad na pagtuturo. Kung ihahambing natin ang Traditional Face-to-face classes sa

kasulukuyang modaliti ay mas lalong mahirap ang pagkakaroon ng pagkakaintindi at

komunikasyon ang bawat isa, maging estudyante – estyudante man ito o estudyante – guro. Mas

lalong makakatulong ang kabisaan ng pagkatuto sa bawat mag – aaral kapag namo-monitor ng

maayos ang bawat estudyante. Higit sa lahat, may maitutulong ang pagtuklas ng akademikong

pagganap sa karera ng edukasyon ng bawat mag – aaral.

4. Batay sa naging resulta ng mga datos, katamtamang epektibo lamang para sa mga mag – aaral

ng ika-12 baitang ang pagkakaroon ng modyular na modalidad na pagkatuto. Batay sa mga sagot

na nasa ikalawang parte ng talatanungan, nailathala nila ang kanilang sariling opinyon. Makikita

doon na mas pabor pa ang karamihan sa tradisyonal na pagkatuto dahil maraming negatibong

aspeto ang nakakapekto sakanila kapag modyular ang ginagamit na estilo ng pagtataguyod ng

Edukasyon.

5. Niyutral lamang ang epekto ng Modyular na modalidad na pagtuturo sa mga mag – aaral ng

ika-12 baitang na may General Academic Strand sa paaralang Immaculate Conception Academy

42
of Bulan Inc. Ibig sabihin, ang epekto ng modyular na pagtuturo ay katamtaman lamang, hindi

lubos na epektibo at hindi rin lubos na hindi epektibo para sa mga nasabing mga estudyante.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inererekomenda ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Patuloy na ipayabong ang pamamaraan ng pagtuturo sa iba’t – ibang modalidad hindi lamang

sa tradisyunal na pormat na pupunta sa paaralan upang makakuha ng bagong impormasyon.

Dahil sa patuloy na pag - usbong ng ating teknolohiya at globalisasyon, dadating ang oras na

dapat na tayong matuto sa ating sarili sa iba’t ibang paraan na ating makakaya.

2. Makakakuha ng pananaw ang paaralang Immaculate Conception Academy of Bulan Inc. sa

akademikong pagganap ng isang baitang sa kanilang kurikulum kung kaya’t gawing gabay ito

upang pagtibayin pa ang pag-gawa ng mga modyuls upang magkaroon ang estudyante ng

“Higher Order of Thinking Skills” sa mga modyuls na kanilang ipapaabot sa mga mag – aaral.

43
3. Irinerekomenda naming itong papel na ito sa mga magulang upang makakuha ng hinuha kung

ano nga ba ang perporpans ng kanilang mga anak at kung gaano ka - epektibo ang lingo-linggong

modyuls na inihahaid ng paaralan sa pag-gabay sa kanilang mga anak.

4. Ang papel na ito ay napapanahon sa pandemya kung kaya’t ito ay ating magiging new normal,

hinihikayat naming pagtuunan ng pansin ang ganitong mga paksa ng mga mananaliksik sa

hinaharap upang makapagbigay ng impormasyon na naayon at napapanahon. Naniniwala ang

mga mananaliksik na sa pag – usbong ng panahon ay makakaranas pa nga iba’t ibang paghihirap

ang mga mag – aaral kaya hinikayat naming bigyan ito ng solusyon o rason gamit ang papel na

aming pinaghirapan.

Apendiks

44

You might also like