You are on page 1of 32

KABANATA I

INTRODUKSYON AT RASYONALE

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga suliranin at kaligirang

pangkasaysayan na kaugnay sa pagtalakay ukol sa pag-aanalisa ng teksto ng mga

mag-aaral na siyang pokus ng pag-aaral na ito na makatutulong sa mga mambabasa

upang higit na maunawaan ang isinagawang pag-aaral.

Panimula

Naitala ang ilang kaso ng pneumonia noong ika-31 ng Disyembre 2019 sa

Wuhan China, dahil dito maraming mga bansa ang nagsagawa ng unang hakbang

upang hindi mabilis na lumaganap ang virus. Kabilang ang Pilipinas sa nagpatupad ng

community lockdown na nagsimula noong Marso 2020. Dahil sa kautusang ito

maraming gawain ang hindi nagpatuloy sa kanilang normal na pamumuhay.

Naparalisa ang lahat ng sangay ng bansa. Nabahala ang bawat mga ahensya kung

paano maipagpapatuloy ang kanilang mga nabinbin na gawain.Naging malaking

suliranin ng Kagawaran ng Edukasyon ang darating na taong-aralan 20201-2021

sapagkat kailangan panatilihing ligtas ang mga mag-aaral at maging ang mga alagad

ng edukasyon tulad ng mga guro. Isa sa mga naging solusyon ng Kagawan ng

Edukasyon ay ang pagpapatupad ng Distance Learning set-up na pag-aaral. Marami na

ang mga unibersidad at mga pribadong paaralan ang nagsasagawa ng Distance

Learning na paraan ng pagkatuto, sa kabila nito ang ganitong sistema ng pagkatuto ay

i
bago pa rin sa mga publikong paaralan kabilang ang Bucal National Integraded

School,Cavite. Buhat ng agaran at malaking pagbabagong ito, malaking

responsibilidad rin ang nakaatang sa mga mag-aaral, mga magulang at mga guro.

Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang makalap ang mga kasagutan sa mga

suliranin at inihaing katanungan sa pananaliksik na may pamagat na “Kalagayan ng

Edukasyon batay sa Karanasan ng mga Guro sa Panahon ng Pandemya”.

Hinahangad ng mananaliksik sa katapusan ng pasusuring ito ang mga

sumusunod:

1 Ano ano ang istado ng Distance Learning set-up batay sa sumussunod:

a. mag-aaral

b. Halaga ng pagpapa-aral

c.Paggamit ng teknolohiya ng mga guro

d. Kaangkupan ng mga gawain

2. Ano anong tulong sa Distance Learning set-up ang natamo mula sa iba`t ibang

ahensya?

3. Ano anong suhesyon sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Panahon ng

Pandemya?

Saklaw at limitasyon

Isinagawa ang pag-aaral na ito upang alamin ang “Kalagayan ng Edukasyon

batay sa Karanasan ng mga Guro sa Panahon ng Pandemya” na gumamit ng

Distance Learning na paraan ng pagkatuto . Mga guro ng Bucal National Integrated


i
School sa Maragondon,Cavite sa taong-aralan 2021-2021. Gagamit ng talatanungan sa

pamamagitan ng google forms ang mananaliksik na ipadadala sa tagatugoN.

Sumasaklaw lang ang pag-aaral na malaman ang istado ng distance learning na

edukasyon sa panahon ng pandemya sa usaping (1) interes ng mag-aaral, (2) halaga ng

pagpaaral, (3) bilang ng nagpatala at huminto ng pag-aaral, (4) kahandaan ng mga

guro sa paggamit ng teknolohiya, at (5) kung gaano kalaki ang populasyon ng klase at

kasapatan ng bilang ng mga guro. Sisipatin rin ng pag-aaral ang mga ambag ng

module at mga ahensya upang mapadali at mahusay na maisagawa ang distance

learning na paraan ng pagkatuto. Kaalinsabay ng pag-aaral ay nagbigay ang mga guro

ng suhesyon sa Kagawaran ng Edukasyon para sa pagpapabuti ng distance learning

bilang paraan ng pagkatuto.

Balangkas Konseptuwal

I P O
Demograpikong Pagsasagawa “Kalagayan ng
kalagayan ng mga ng survey sa Edukasyon
guro upang mga guro ng batay sa
masagot ang BNIS Karanasan ng
suliranin ng pag- -paggamit ng mga Guro sa
aaral talatanungan Panahon ng
Pandemya”

Balangkas Teoretikal

Ayon sa pag-aaral nina Cidral et.al 2018, inaangkin ang kasiyahan ng gumagamit

ng at ang paggamit ng education learning System ay may malaking epekto sa

tagumpay. Ang nangangasiwa ay dapat magbigay sa guro ng pagsasanay at

i
paghahanda upang maiwasan ang hindi istrukturang tagubilin at samakatuwid ang uri

ng “trial at error” na tagubilin na maraming mga buwan ng pandemiko ang dapat

gawain, at samakatuwid ay dapat suriin ng administrasyon ng paaralan ang mga guro

tungkol sa propesyonal na kaunlaran at iba pang suporta na dapat nilang ipakita nang

epektibo sa loob ng naangkop na konteksto, at magbigay tulong sa gobyerno upang

kumpirmahin g ang bawat guro ay tumatanggap ng kinakailangang suporta at maabot

ang tinutukoy na layuninng pag-aaral para sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito na sa mga sumusunod:

Sa mga Guro. Mahalaga ang gampanin ng mga guro sa mahusay at

malikhaing paghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral. Dahil dito nararapat

lamang na mamulat ang kanilang kamalayan sa kalagayan ng edukasyon, mga

suliranin nito at mga solusyon upang ganap ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Bucal

National Integrated School.

Kagawaran ng Edukasyon. Responsibilidad ng kagawaran ang

pagpapanatili ng kalidad na edukasyon sa bansa. Makatutulong ang pananaliksik

na ito upang makita ang kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa panahon ng

pandemya, panahon na malawakang ipinagtibay ang distance learning.

Sa mga kapwa mananaliksik. Bago pa man magkaroon ng pandemya

marami na ang mga unibersidad at pribadong paaralan sa bansa at sa iba`t iba

pang mga bansa ang gumagamit ng distance learning na sistema ng pag-aaral.

Ngunit malawakan lamang itong naipatupad sa Pilipinas dahil sa naganap na

i
pandemya. Ang pag-aaral na ito ay nararapat pang mapalalim at mapalawak

upang makatulong sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Katuturan ng mga Salita (definitions of terms)

Ang pananaliksik na may paksang “Kalagayan ng Edukasyon batay sa

Karanasan ng mga Guro sa Panahon ng Pandemya” ay binigyang kahulugan ay

mga sumusunod na salita upang maunawaan ng mambabasa ang pananaliksik na ito:

Corona Virus (Covid 19) – virus na lumaganap at nagdulot ng pandaigdigang

pandemya.

Department of Education (DepEd)- kagawaran na nangangasiwa sa kalagayan

ng edukasyon sa Pilipinas

Distance Learning – Sistema ng pagkatuto na gumagamit ng teknolohiya at

internet. Sa pamamagitan ng teknolohiya at internet ay nakapagbabahagi ng kaalaman

at naisasagawa ang mga gawaing pampagkatuto nang hindi kinakailangang magkita ng

harapan ang guro at mga mag-aaral.

Module – kagamitang pampagkatuto na ibinahagi sa mga mag-aaral ng

pampublikong paaralan. Nilalaman nito ang mga aralin at gawain na kailangan ng mga

mag-aaral.

Pandemya – malawakang pagkalat ng isang sakit (Corona Virus).

KABANATA 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga kaugnay na pag-aaral at literaturang


magsisilbing batayan ng mga mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

i
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang pag-unawa sa COVID-19 ay maaring maging isang malaking tulong sa

pagbabawas ng mga resulta ng covid 19 at samakatuwid ang mga resulta ng mga

sistema ng edukasyon. Ang sinabi sa mga klase online ay kasing epektibo ng mga

klase ng personal, na may sukat sa pag-aaral ng mag-aaral sa mga tuntunin ng mga

marka, pananaw ng guro sa pag-aaral, at pananaw ng mag-aaral sa pag-aaral. (Swan,

2003). Gayunpaman, ang pagtanggap na ito ay hindi ipinaglaban bilang isang

halimabawa, sinusunod ni XU at Jaggars (2014) na ang mga natuklasan na ang

tagubilin sa online at pansariling tao ay nagbubunga ng katulad na kinalabasan sa pag-

aaral na karamihan ay mula sa mga pag-aaral na isinagawa sa mga piling institusyon at

mukhang hindi pangkalahatan sa mga kolehiyo sa pamayanan. Mukhang may

kaugnayan dahil ang kasalukuyang senaryo ay sumusubok na hingin ang mga kabataan

mula sa normal na pormal na sistema ng edukasyon at magbigay ng isang pagkakataon

na umunlad sa kanilang pag-usisa dahil sa dramatikong pagbabago ng kurikulum pasa

sa pandemya.

Ito ay madalas na totoo sa buong mundo at nakakaapekto sa lahat ng mag-aaral

bagaman sa iba’t ibang puntos na pagtutuos sa maraming mga kadahilanan kabilang

ang rehiyon na kinabibilangan,edad,pinagmulan ng pamilya at antas ng edukasyon , at

pag-access sa ilang “kapalit” na oportunidad sa edukasyon sa kasalukuyang sitwasyon

dahil sa pandemya.

i
Noong unang bahagi ng Marso, 2019, dahil ang pandemya ay tumama sa

pangunahing rurok sa China at umabot sa Asya particular sa loob ng Pilipinas, sanhi

ng virus na nagpahinto sa mga mag-aaral dahil sa paghihigpit ng LGU quarantine na

ordinansa para sa mga kabataan na wala pang edad 18 na kinakailangang manatili sa

mga tahanan.Habang hindi alam ang tumpak na mga epekto ukol sa pagganap na

pang-akademiko ng mga mag-aaral ay higit na lumala sa panahon ng pandemya,

kasama ang pag-unlad sa iba pang kasanayan ng mag-aaral. Binibigyan din ng iba’t

ibang mga paraan kung saan ang krisis ay nagpalala ng mga umiiral na pagkakaiba-iba

ng socioeconomic at kung paano ito nakakaapekto sa kinalabasan ng akademiko, hindi

pagkakapantay-pantay sa edukasyon (Rothstein,2004)

Batay sa resulta ng pag-aaral nina Garcia at Weiss, 2017 , maraming mga bata na

nagpupumilit na masabihan nang mabisa at umunlad sa paaralan sa ilalim ng normal

na mga pangyayari subalit ngayon ay nahihirapan.

Ang distance learning ay isang paraan ng pag-aaral kung saan ay binobroadcast

ang mga lektura o ang mga klase ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsusulatan o sa

internet. Sa ganitong paraan ay hindi na kinakailangang pumunta ng mag-aaral sa

isang paaralan o kolehiyo. (Stafford Global Org. 2020).

Isinusulong ng DepEd ang kasabihang “NO students left behind” at ang

pandemikong ito ay nagpapala ng kasong ito, sapagkat kumakalat ang pandemya.

Nagkaroon ng pagtaas ng paglipat patungo sa online na pagtuturo dahil sa kawalan ng

pasilidad, kolehiyo o unibersidad para sa isang hindi matukoy na panahon dahil sa ang

pagpipilian lamang ay ang tahanan. (Martinez, 2020)

i
Ayon sa pag-aaral ni Petter et al (2013) na ang service provider ay dapat

magpatibay ng mga bagong pagbabago at baguhin ang oras kung saan ang mga bata ay

maaring matuto ng mahusay sa online na pag-aaral kung hindi ito pipigilan ng

pagbagal ng internet connection na higit na makakaapekto sa pagtuturo ng guro at at

pag-aaral ng mga bata. May iba naman na gumagamit ng modular .

Batay sa isinusulong ng Department of Education DepEd (2020), may

alternatibong paraan nang pag-aaral para sa mga estudyante dahil sa banta ng (Covid

19), magbabago na ang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Education Undersecretary Disdado san Antonio (2020) na

“magpapatupad naman ang kagawaran ng iba’t ibang paraan para maihatid sa mga

estudyante ang kanilang mga lesson sa darating na school year”. Ayon oar in sa

kanya :

“ depende sa sitwasyong pangkalusugan ng isang lugar kung aling “ Learning

delivery modality” ang ipapatupad ng paaralan doon. Isa sa mga delivery mode ay

ang distance learning kung saan ang pisikal na magkasama o magkaharap ang guro

at estudyante. Sa ilalim nito , maaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng

online platform, printed module na ibibigay sa paaralan, at lesson na mapapanood sa

telebisyon o mapakinggkan sa radio”.

Ang teknolohiya ay ginagamit na din sa pag-aaral sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Henry Thoreau (d. 1862) ang patuloy na paglawak ng teknolohiya ay

walang katapusan.

i
Ayon kay Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto

sa sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay

isa sa makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa.

Ayon naman kay M. Underwood (2009) ang patuloy na pag-unlad ng

makabagong teknolohiya ay may pakinabang para sa mga kabataan lalo ang mga mag-

aaral.Malaki ang maidudulot nito upang mapadali ang pag-aaral at maging epektibong

mamamayan ang mga estudyante.

Ang teknolohiya ay naghahatid ng pagbabago sa henerasyon ngayon. Ang mga

pagbabagong ito ay lubos na ding nakakaapekto sa paraan ng pagtuturo ng mga guro.

Ang teknolohiya ay isang malaking pagbabago sa edukasyon. Bago gumamit ng

teknolohiya, ang pisara at libro lamang ang kadalasang ginagamit ng mga guro. Ang

mga grado ay mano-manong kalkulahin at isinusulat sa class record. Sa paglipas ng

panahon ang teknolohiya at mga kagamitan na ginagamit sa edukasyon ay pabago-

bago ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. (Alarcon et.al, 2018).

Ayon sa pag-aaral nina Basilio at Bernacer (2007) ang guro ay may malaking

papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga mag-aaral. Subalit

sa pamamagitan ng Social Media, na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo

ng takbo ng kanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral.

Naitala ng Bulad Municipal College (2020) na ang modular learning ay

nakalimbag na material na maaring gamitin bilang alternatibo sa face-to-face na klase.

Ang module ay nakalimbag o printed material na katumbas ng isang aralin o leksyon

i
sa isang asignatura. Ibig sabihin, ang isang mag-aaral ay maaring matuto gamit lamang

ang module kahit hindi niya kaharap o kasama ang guro at kahit wala sila sa paaralan.

Ayon pa rin sa DepEd karamihan sa mga magulang ay mas pinili ang modular

kaysa sa online class dahil ito sa kawalan ng gadgets at internet. Sa pinakahuling

resulta ng Learner Enrollment and Survey Form lumabas na halos 9 milyong

magulang at estudyante ang gustong gumamit ng self-learning modules.

Ang modyular na pagkatuto o modular learning ayon kay manlangit et.al (2020)

“ is a form of distance learning that uses Self-Learning Modules (SLM) based on

the most essential learning competencies (MELCS) provided by DepEd”. Ito ay isang

sistemang ginawa ng DepEd upang makapag-aral parin ang mga estudyante kahit hindi

pumapasok sa paaralan.

Sa sistemang ito, pahihiramin ng paaralan ang mga mag-aaral ng modules para

matuto ng mga aralin. Para sa mga mag-aaral na may electronic gadget gaya ng

smartphone at laptop, maaring ibigay sa kanila ang softcopy ng mga module upang

magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral (Dalanon, 2020).

Dito sa Pilipinas, matagal na ring nagagamit ang sistemang modyular ngunit mga

piling paaralan o unibersidad lamang ang gumagamit nito.

i
KABANATA III
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sumalig ang pag-aaral na ito sa ginamit na metodolohiya o paraan ng

mananaliksik sa pangangalap ng datos na may kahalagahan at kaugnayan sa pag-aaral

na isinagawa.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Gumamit ang mga mananaliksik ng quantitative na disenyo ng pananaliksik sapagkat

ang kanilang ginamit na paraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon ay ang

paggamit ng questionnares para maisagawa ang survey.

Deskriptibong pamamaraan ng pag-aaral ang ginamit sa mga suliranin sa

pananaliksik na ““Kalagayan ng Edukasyon batay sa Karanasan ng mga Guro sa


Panahon ng Pandemya” na nakabatay sa kwantitatibong disenyo ng pananaliksik.

na naglalayong malaman ang “Kalagayan ng Edukasyon batay sa Karanasan ng


mga Guro sa Panahon ng Pandemya” sa usapin ng distance learning sa taong-
aralan 2020-2021. Gagamit ng mga talatanungan o survey questionnaire ang
mananaliksik sa mga kasalukuyang guro sa Bucal National Integrated School.

LUGAR NG PAG-AARAL

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob ng Bucal National High School

taong- aralan 2020-2021 sa mga guro sa Sekondarya.

MGA TAGATUGON

Magsasawa ng ramdom sampling sa 30 guro na kasalukuyang nagtuturo sa Bucal

National Integrated School sa taong aralan 2020-2021.

i
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Magsasagawa talatanungan na ipinamagi sa paraang Convenience Sampling.

Gumamit ng likert scale sa unang bahagi samantalang malayang pagsagot at may

pagpipiliang mga sagot naman sa ikalawang bahagi. Ginamit ng mananaliksik ang

Google form upang madaling mapamahagi ang talatanungan sa mga guro sa

sekondarya.

KOMPYUTASYONG ISTADISTIKAL

Upang tugunan ang mga suliranin sa pananaliksik mula sa mga nakalap na datos,

ang mga gagamiting pormula ay ang:

1. Mean

Mean = ∑fx
______________
N

Na ang: X – mean N – kabuoang bilang ng mga kalahok

f – dalas ng bilang ng mga ∑ - tumutukoy sa kabuoan kalahok na

sumasagot sa bawat aytem

Gagamitin ang pormula ng mean upang makuha ang pangkabuoang marka ng mga

datos na nakalap; gagamitin ito upang mapahalagahan ang mga magiging tugon gamit

ang iskalang inilahad o pinagpilian.

i
KABANATA IV
RESULTA AT PAGTALAKAY

Inilalarawan sa kabanatang ito ang pagsusuri ng mga datos kaalinsunod ng

pagpapaliwanag sa mga nakalap na impormasyon. Ang mga datos ay sinuri upang

malaman ang “Kalagayan ng Edukasyon batay sa Karanasan ng mga Guro sa

Panahon ng Pandemya”.

Talahanayan Blg. 1
Taon sa Pagtuturo

12

10

8
Series 4
6 Series 3
Series 2
4 Series 1

0
11-taon pataas 7-10 na taon 4-6 na taon 1-3 na taon
Pigura 1: Bilang ng taon ng pagtuturo ng mga respondente

Makikita sa talahanayan blg. 1 ang bilang ng taon ng pagtuturo ng mga

respondente: walo (8) o 26.67 % ang sumagot ng 11 na taon o higit pa ang taon ng

pagtuturo, lima (5) o 16.67% ang 7-10 taon, pito (7) o 23.33% ang sumagot ng 4-6 na

taon at sampu (10) o 33.33% ang nasa 1-3 taon ng pagtuturo.

Batay sa mga datos, makikita na nailatag ang bawat taon ng pagtuturo ng

mga respondente na ginamit sa pag-aaral.

i
Talahanayan Blg. 2
Istado ng Distance Learning Set-up sa Panahon ng Pandemya
(Mag-aaral)
25
20
15
10
5
0
la o r al al
ata int yula aar aar guro sumasang-ayon
p m d - - bahagyang-sumsang-ayon
nag hu mo mag mag g ng
a na g a a n hindi sumasang-ayon
al n ral al n mg mg bila
ar aa ar g g g
g-a ag- g-a a an k an t an
a m pa w ta pa
ng m ng sa una kon sa
g ng res ka ko
li an bila inte ma na
b a g g
s na as n may alin alin
aa ta a ad
d
at ma m m
m
Pigura 2; Istado ng Distance Learning Set-up ng mag-aaral

Makikita sa talahanayan blg. 2 ang istado ng mga mag-aaral sa distance

learning set up. Labing-lima (15) o 50% bahagdan ang sumagot ng bahagyang-

sumasang-ayon na mataas ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala, Sa mataas na

bilang naman ng mga huminto na mag-aaral, labing-apat (14) o 46.66% ang sumagot

ng bahagyang sumasang-ayon subalit di nalalayo ang bilang ng sumagot sa hindi

sumasang-ayon na may labing-dalawa (12) o 40%.Sa madaling makaunawa ang mga

mag-aaral sa panuto ay may pinakamaraming tumugon sa bahagyang sumasang-ayon

na may labing-walo (18) o 60% ang mga respondente. Sa interés naman sa pag-aaral,

nakakuha ng pinakamaraming tumugon ang hindi sumasang-ayon na may dalawampu

(20) o 60% ang ang tumugon. Sa istado naman kung madaling makontak ang mga

mag-aaral sa panahon ng pandemya, pinakamaraming tumugon ang hindi sumasang-


i
ayon na may bilang na labing-anim (16) o 53.33% na hindi nagkakalayo ang datos sa

bahagyang sumasang-ayon na may labing-dalawa (12) o 40% ang tumugon, at sa sapat

na bilang ng mga guro may pinakamaraming tumugon sa bahagyang sumasang-ayon

na may dalawampu’t dalawa (22) o 73.33% ang tumugon.

Batay sa resulta ng isinagawang pag-aaral, ang mataas na bilang ng mag-

aaral ay hindi naapektuhan ang bilang ng mag-aaral kahit na mayroong pandemya na

nagaganap.

Sa resulta ng bilang ng mga huminto na mag-aaral, makikita na hindi

nagkakalayo ang bilang ng bahagyang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon

pagpapakita lang nito na ang mga guro ay nagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-

aaral upang hindi huminto sa pag-aaral.

Sa resulta sa madaling makaunawa sa panuto ang mga mag-aaral ay

lumalabas na hindi pa sapat ang pagkaunawa ng mga mag-aaral kung walang guro na

magpapaliwanag dito.

Sa interés naman sa pag-aaral lumalabas na hindi sumasang-ayon ang mga

guro na interesado na mag-aral ang mga mag-aaral batay sa distance learning set-

up.Nagpapatunay lamang na kinakitaan ng mga respondente ang mag-aaral na higit na

sanay sa face-to-face ang mga mag-aaral.

Sa datos ng madaling makontak ang mga mag-aaral lumalabas na hindi

lahat ay may teknolohiya, signal o gadget ang mga mag-aaral upang tumugon sa guro.

i
Sa kasapatan naman ng mga guro sa kasalukuyang taon bahagyang-

sumasang-ayon ang mga respondente na nagpapakita ng kakulangan ng guro sa ibang

asignatura.

Ipinapakita na ang istado sa kasalukuyan ng mga mag-aaral ay hindi pa

tiyak. Sumasang-ayon sa pag-aaral ni Rothstein, 2004 kung saan habang hindi alam

ang tumpak na mga epekto ukol sa pagganap na pang-akademiko ng mga mag-aaral ay

higit na lumala sa panahon ng pandemya, kasama ang pag-unlad sa iba pang

kasanayan ng mag-aaral.

Talahanayan Blg. 3
Istado ng Distance Learning Set-up sa Panahon ng Pandemya
(Halaga ng Pagpapa-aral)

Mas mura (less expensive) ang pagpapaaral sa


distance learning set-up.
18
12
6 Mas mura (less expensive)
ang pagpapaaral sa distance
0 learning set-up.
n n n
yo yo yo
g -a g-a g-a
n an an
sa as as
m m
su su um
g d is
an hi
n
agy
h
ba
Pigura 3; Istado ng Distance Learning Set-up halaga ngpagpapa-aral

Makikita sa talahanayan blg. 3 ang bilang ng tumugon sa halaga ng pag-

aaral, labing-dalawa (12) o 40% ang bahagyang sumang-ayon at labing-walo (18) o

60% ang hindi sumsang-ayon.

i
Base sa resulta, makikita na hindi matukoy kung mas mura ang

pagpapaaral sa distance learning set up. Sumasang-ayon ito na binibigyan din ang iba’t

ibang mga paraan kung saan ang krisis ay nagpalala ng mga umiiral na pagkakaiba-iba

ng socioeconomic at kung paano ito nakakaapekto sa kinalabasan ng akademiko, hindi

pagkakapantay-pantay sa edukasyon.(Rothstein, 2014)

Talahanayan Blg. 4
Istado ng Distance Learning Set-up sa Panahon ng Pandemya
(Paggamit ng Teknolohiya)

30
20
10
0
sumasang-ayon
bahagyang sumasang-
ayon
hindi sumasang-ayon

Pigura 4; Istado ng Distance Learning Set-up sa Paggamit ng Teknolohiya

Makikita sa talahanayan blg. 5 ang mga tumugon sa paggamit ng

teknolohiya. Dalawampu’t dalawa (22) o 77.33% ang sumsang-ayon na naihanda ang

mga guro sa matalino at epektinong paggamit ng teknolohiya; Dalawampu’t apat (24)

o 80% ang sumasang-ayon na nakaagapay o nakasunod ang mga respondente sa

paggamit ng teknolohiya; May pinakamataas na tumugon naman sa madaling

matutunan ang virtual na gawain, labing-walo (18) o 60% ang sumang-ayon na hindi

nalalayo sa sampu (10) o 33.33% na bahagyang sumasang-ayon; labing-anim (16) o


i
53.33% ang sumasang-ayon na sapat ang mga kagamitang panteknolohiya upang

makagawa ng gawain na hindi nalalayo sa bahagyang sumasang-ayon na may labing-

apat (14) o 46.67% ang tumugon.

Ipinapakita ng datos na ganap na handa ang mga respondente sa paggamit

ng teknolohiya. Sumasang-ayon ito sa pag-aaral nina Alarcon et. al na sa paglipas ng

panahon ang teknolohiya at mga kagamitan na ginagamit sa edukasyon ay pabago-

bago ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang mga pagbabagong ito ay lubos

na ding nakakaapekto sa paraan ng pagtuturo ng mga guro.

Talahanayan Blg. 5
Istado ng Distance Learning Set-up sa Panahon ng Pandemya
(Mga gawain )
30
25
20
15
10
5
0

sumasang-ayon
bahagyang sumasang-ayon
hindi sumasang-ayon

Pigura 5: Istado ng Distance Learning Set-up sa mga Gawain ng guro

i
Makikita sa talahanayan blg. 5 mga gawain sa distance learning set-up,

dalawampu’t walo (28) o 93.33% ang sumasang-ayon na sapat ang mga nadaluhang

webinar sa pagkatuto sa paggawa ng leap at iba pang gawain. Labing-anim (16) o

53.33% naman ang sumasang-ayon na madaming gawain ang ipinagawa sa mag-aaral

na hindi nalalayo sa datos na sampu (10) o 33.33% ang tumugon na bahagyang-

sumasang-ayon. Dalawampu’t dalawa (22) o 73.33% ang tumugon na bahagyang

sumasang-ayon na naisagawa ng mga mag-aaral ang layunin ng guro sa mga gawain.

Base sa resulta ng pag-aaral, na nakatutulong ang teknolohiya at mga

kaalaman na natutunan ng guro upang maisagawa ng mga mag-aaral ang layunin ng

mga gawain na sumasang-ayon sa pag-aaral nina Basilio at Bernacer (2007) ang guro

ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga

mag-aaral.

Talahanayan Blg. 6
Ahensya na Tumulong

ahensya
30
20
10
0
ahensya

Pigura 6: Mga Ahensya na tumulong

i
Makikita sa talahanayan blg. 6 ang mga ahensya na tumulong sa paaralan

sa panahon ng pandemya. Nanguna sa mga ahensya ang DepEd Cavite/ SDO Cavite

province, Tatlumpu (30) o 100% ,ikalawa ang Bucal National Integrated School na

may tumugon na dalawampu’t walo (28) o 93.33%, ikatlo ang LGU/City Government

of Cavite na may tumugon na labing-anim (16) o 53.33% at ang Private Sector na may

tumugon na anim (6) o 20%.

Base sa resulta ay maagap na nagtutulungan ang mga ahensya ng gobyerno

sa ika-uunlad ng edukasyon sa bansa sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa.

Sumasang-ayon ito sa isinusulong ng Department of Education DepEd

(2020), may alternatibong paraan nang pag-aaral para sa mga estudyante dahil sa banta

ng (Covid 19), magbabago na ang paraan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante.

Talahanayan Blg. 7
Tulong na natanggap

tulong na natanggap
35
30
25
20
15
10 tulong na natanggap
5
0
ce ce et l s
an an bl d yu plie
w w ta o p
all
o
all
o p/ am l su
la k d to gn oo
lo
a lap ba sc
h
ch
Lim
Pigura 7: Tulong na natanggap

i
Makikita sa talahanayan blg. 7 ang ibat’t ibang tulong na natanggap mula

sa ibang ibang ahensay, tatlumpu (30) o 100% ang tumugon na ang chalk at load

allowance ang una sa lahat, ikalawa, ang laptop o Tablet, dalawampu’t apat (24) o

80%, ikatlo, limbag na modyul na may dalawampu (20) o 66.67% ang tumugon at ang

school supplies na may labing-walo (18) o 60% ang tumugon.

Base sa resulta ng pag-aaral makikita na patuloy na sinusuportahan ng mga

ahensya ang mga guro at mag-aaral sa ikasusulong ng edukasyon sa bansa.

Sumasang-ayon ito sa pag-aaral ni Dalanon,(2020) na pahihiramin ng

paaralan ang mga mag-aaral ng modules para matuto ng mga aralin. Para sa mga mag-

aaral na may electronic gadget gaya ng smartphone at laptop, maaring ibigay sa kanila

ang softcopy ng mga module upang magkaroon sila ng ibang opsyon sa pag-aaral

Talahanayan Blg. 8
Suhesyon sa Kagawaran ng Edukasyon
Suhesyon ukol sa: Tugon
modyul -maingat at wasto ang mga nakalimbag na salita
- maagang oras ng pagbibigay ng modyul sa mga
paaralan
- bawasan ang mga gawain
-siguraduhin na angkop ang mga gawain sa
modyul
-kada kwarter ang bigayan ng modyul upang
makatipid sa oras
kagamitan panturo -laptop o tablet sa mga mag-aaral na walang
kakayahan na bumili nito
-harddrive bilang imbakan ng mga datos
-sapat na load o internet allowance
-sa usaping teknikal hindi lahat ay mayroong
kagamitan panturo hindi man mabigyan isa isa
kahit kada departamento man lang

palihan (webinar) -tumutok sa mga paksa na may kinalaman sa


paggamit ng teknolohiya

i
-iwasan ang sunod-sunod o sabay sabay na
palihan
-iwasan ang pagkonsumo ng mahabang oras sa
palihan

gawain ng guro -sapat na panahon o deadline


-bawasan ang mga paper works o gawain na
dapat ipasa dahil hindi ito akma sa panahon ng
new normal
parateacher -bigyan din ng proteksyon upang mas maging
produktibo at mahusay pa.
-bigyan ng dagdag na palugit na panahon upang
makapagturo pa hanggat wala pang takda araw
ng prc examination
-bigyan ng trabaho na mas malapit sa kanila.

Makikita sa talahanayan blg. 8 ang mga suhesyon sa Kagawaran ng

edukasyon: Suhesyon sa modyul; maingat at wasto ang mga nakalimbag na salita,

maagang oras ng pagbibigay ng modyul sa mga paaralan, bawasan ang mga gawain ng

mag-aaral, siguraduhin na angkop ang mga gawain sa modyul, at kada kwarter ang

bigayan ng modyul upang makatipid sa oras. Suhesyon sa kagamitang panturo; laptop

o tablet sa mga mag-aaral na walang kakayahan na bumili nito, harddrive bilang

imbakan ng mga datos, sapat na load o internet allowance, at sa usaping teknikal hindi

lahat ay mayroong kagamitan panturo hindi man mabigyan isa isa kahit kada

departamento man lang. Suhesyon sa Palihan; tumutok sa mga paksa na may

kinalaman sa paggamit ng teknolohiya, iwasan ang sunod-sunod o sabay sabay na

palihan at iwasan ang pagkonsumo ng mahabang oras sa palihan. Suhesyon sa gawain

ng mga guro; sapat na panahon o deadline, at bawasan ang mga paper works o gawain

na dapat ipasa dahil hindi ito akma sa panahon ng new normal. Suhesyon sa

parateacher; bigyan din ng proteksyon upang mas maging produktibo at mahusay pa,

i
bigyan ng dagdag na palugit na panahon upang makapagturo pa hanggat wala pang

takda araw ng prc examination at bigyan ng trabaho na mas malapit sa kanila.

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod ng resulta, ang konklusyon na
nakuha mula sa ito at rekomendasyon upang pagalingin ang puwang na nanaig sa pag-
aaral. Nakapaloob sa mga talahanayan at diskusyon sa ibaba ang mga resultang
nakalap.

Lagom

Ang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay ginawa upang matukoy ang “Kalagayan

ng Edukasyon batay sa Karanasan ng mga Guro sa Panahon ng Pandemya”.

Mula sa pag-aaral, natukoy ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. istado ng Distance Learning set-up ukol sa :

A. mga mag-aaral; Labing-lima (15) o 50% bahagdan ang tumugon ng bahagyang-

sumasang-ayon mataas ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala. Sa mataas na

bilang naman ng mga huminto na mag-aaral, labing-apat (14) o 46.66% ang

sumagot ng bahagyang sumasang-ayon subalit di nalalayo ang bilang ng sumagot

sa hindi sumasang-ayon na may labing-dalawa (12) o 40%.Sa madaling

makaunawa ang mga mag-aaral sa panuto ay may pinakamaraming tumugon sa

bahagyang sumasang-ayon na may labing-walo (18) o 60% ang mga respondente.

Sa interés naman sa pag-aaral, nakakuha ng pinakamaraming tumugon ang hindi

i
sumasang-ayon na may dalawampu (20) o 60% ang ang tumugon. Sa istado naman

kung madaling makontak ang mga mag-aaral sa panahon ng pandemya,

pinakamaraming tumugon ang hindi sumasang-ayon na may bilang na labing-anim

(16) o 53.33% na hindi nagkakalayo ang datos sa bahagyang sumasang-ayon na

may labing-dalawa (12) o 40% ang tumugon, at sa sapat na bilang ng mga guro

may pinakamaraming tumugon sa bahagyang sumasang-ayon na may dalawampu’t

dalawa (22) o 73.33% ang tumugon.

b. ang bilang ng tumugon sa halaga ng pag-aaral, labing-dalawa (12) o 40% ang

bahagyang sumang-ayon at labing-walo (18) o 60% ang hindi sumsang-ayon.

c. ang mga tumugon sa paggamit ng teknolohiya. Dalawampu’t dalawa (22) o

77.33% ang sumsang-ayon na naihanda ang mga guro sa matalino at epektinong

paggamit ng teknolohiya; Dalawampu’t apat (24) o 80% ang sumasang-ayon na

nakaagapay o nakasunod ang mga respondente sa paggamit ng teknolohiya; May

pinakamataas na tumugon naman sa madaling matutunan ang virtual na gawain,

labing-walo (18) o 60% ang sumang-ayon na hindi nalalayo sa sampu (10) o

33.33% na bahagyang sumasang-ayon; labing-anim (16) o 53.33% ang sumasang-

ayon na sapat ang mga kagamitang panteknolohiya upang makagawa ng gawain na

hindi nalalayo sa bahagyang sumasang-ayon na may labing-apat (14) o 46.67% ang

tumugon.

d. mga gawain sa distance learning set-up, dalawampu’t walo (28) o 93.33% ang

sumasang-ayon na sapat ang mga nadaluhang webinar sa pagkatuto sa paggawa ng

leap at iba pang gawain. Labing-anim (16) o 53.33% naman ang sumasang-ayon na

i
madaming gawain ang ipinagawa sa mag-aaral na hindi nalalayo sa datos na sampu

(10) o 33.33% ang tumugon na bahagyang-sumasang-ayon. Dalawampu’t dalawa

(22) o 73.33% ang tumugon na bahagyang sumasang-ayon na naisagawa ng mga

mag-aaral ang layunin ng guro sa mga gawain.

2. a. ang mga ahensya na tumulong sa paaralan sa panahon ng pandemya. Nanguna

sa mga ahensya ang DepEd Cavite/ SDO Cavite province, Tatlumpu (30) o 100%

,ikalawa ang Bucal National Integrated School na may tumugon na dalawampu’t

walo (28) o 93.33%, ikatlo ang LGU/City Government of Cavite na may tumugon na

labing-anim (16) o 53.33% at ang Private Sector na may tumugon na anim (6) o

20%.

b. ang ibat’t ibang tulong na natanggap mula sa ibang ibang ahensay, tatlumpu (30)

o 100% ang tumugon na ang chalk at load allowance ang una sa lahat, ikalawa, ang

laptop o Tablet, dalawampu’t apat (24) o 80%, ikatlo, limbag na modyul na may

dalawampu (20) o 66.67% ang tumugon at ang school supplies na may labing-walo

(18) o 60% ang tumugon.

3. mga suhesyon sa Kagawaran ng edukasyon: Suhesyon sa modyul; maingat at

wasto ang mga nakalimbag na salita, maagang oras ng pagbibigay ng modyul sa mga

paaralan, bawasan ang mga gawain ng mag-aaral, siguraduhin na angkop ang mga

gawain sa modyul, at kada kwarter ang bigayan ng modyul upang makatipid sa oras.

Suhesyon sa kagamitang panturo; laptop o tablet sa mga mag-aaral na walang

kakayahan na bumili nito, harddrive bilang imbakan ng mga datos, sapat na load o

internet allowance, at sa usaping teknikal hindi lahat ay mayroong kagamitan


i
panturo hindi man mabigyan isa isa kahit kada departamento man lang. Suhesyon sa

Palihan; tumutok sa mga paksa na may kinalaman sa paggamit ng teknolohiya,

iwasan ang sunod-sunod o sabay sabay na palihan at iwasan ang pagkonsumo ng

mahabang oras sa palihan. Suhesyon sa gawain ng mga guro; sapat na panahon o

deadline, at bawasan ang mga paper works o gawain na dapat ipasa dahil hindi ito

akma sa panahon ng new normal. Suhesyon sa parateacher; bigyan din ng

proteksyon upang mas maging produktibo at mahusay pa, bigyan ng dagdag na

palugit na panahon upang makapagturo pa hanggat wala pang takda araw ng prc

examination at bigyan ng trabaho na mas malapit sa kanila.

Konklusyon

Batay sa mga resulta ng pagtatasa ng datos at talakayan sa naunang kabanata,

ang mga mananaliksik ay gumuhit ng mga sumusunod na konklusyon:

1. Nabatid na ang istado ng mga mag-aaral sa Distance Learning Set-up ay

hindi naapektuhan ang bilang ng mag-aara na nagpatala maging ang bilang

ng mga mag-aaral huminto kahit na mayroong pandemya na nagaganap

bagamat walang face-to-face na naganap sa kasalukuyang sitwasyon ay

nauunawaan pa rin ng mag-aaral ang mga layunin ng guro ngunit hindi

maiiwasan na mawalan ng interes ang mga mag-aaral na tumutok sa pag-

aaral dahil sa iba’t ibang kadahilanan kung saan hindi pa tiyak ang istado ng

mga mag-aaral pagdating sa Distance Learning Set-up.

i
2. Natukoy na malaki ang gampanin ng mga ahensya sa pagtulong at paggabay

sa mga guro ukol sa pagbabagong nagaganap sa edukasyon.

3. Nalaman na maraming mga suhesyon sa kagawaran ng edukasyon na higit na

makakapagpaganda ng sistema at daloy ng edukasyon sa bansa sa kabila ng

hamon na kinakaharap ukol sa patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na

edukasyon sa mga mag-aaral.

Rekomendasyon

Matapos makuha ang lagom at konklusyon ng mga resulta, nais ipanukala ng

mga mananaliksik ang ilang mga rekomendasyon sa mga sumusunod:

1. sa mga guro – panatilihin ang pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabila

ng mga pagbabagong nagagaganap. Yakapin ang mga pagbabagong ito at umisip

ng iba pang mga pamamaraan upang mas mapagaan ang ginagawa.

Makipagtulungan sa instutusyon at sa kagawaran upang matiyak na patuloy na

matuto ang mga mag-aaral ng maragondon

2. sa Kagawaran ng Edukasyon – mag-organisa ng maaga nang mas konkretong

plataporma upang maisulong ang Distance learning Set-up at malinaw na

maibahagi sa lahat ng kaguruan upang sa muling pagbubukas ng klase ay maayos

na maihahatid ang mga gawain sa mga mag-aaral.

3. At ang huli, sa kapwa mananaliksik, subukang magsagawa ng iba pang

pag-aaral na makatutulong sa institusyon upang maging handa tayo sa susunod na

hamon na darating sa akademya at sa bansa

i
TALASANGGUNIAN

Bermudez, Alex. Pagtugon ng mag-aaral at Guro sa Senior High School sa


Paggamit ng Cellphone sa Bamban National High School.” Oct. 2016. Accessed
July 28, 2020. https://www.academia.edu/28885174/THESIS_TEKNOLOHIYA

Calaor, et. Al “ epekto ng Online Learning Mode sa Aspektong Sikolohikal ng mga


Mag-aaral ng Kursong accountancy sa pamantasang teknikal ng Rizal.” 2020.
Accessed Pebreo, 2021. https://www.studocu.com/ph/document/rizal-technological-
university/bs-accountancy/practical/epekto-ng-online-learning-mode-sa-aspektong-
sikolohikal-ng-mga-mag-aaral-sa-kursong-accountancy-sa-pamantasang-
teknolohikal-ng-rizal-pasig-campus/11295308/view

E. Picardal Jr,. ‘Ang mga Epekto ng pag-aaral sa online na edukasyon sa pagganap


ng mga mag-aaral dahil sa covid 19 Pandemic.” Accessed Enero,22, 2021.
https://www.academia.edu/45008712/Ang_mga_epekto_ng_pag_aaral_sa_online_n
a_edukasyon_sa_pagganap_ng_mga_mag_aaral_dahil_ng_covid_19_pandemic

J. Gutierrez et. Al “ Epektibo ng Implementasyon ng online at Distance learning


bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa Edukasyon ng New
Normal.”. Accessed Enero 16, 2021. https://pdfcoffee.com/epektibo-ng-
implementasyon-ng-online-and-distance-learning-1-1-5-pdf-free.html

Madio, et.al. ‘Negatibong epekto ng moular learning ngayong Pandemya sa mga


mag-aaral ng Highschool sa saint Augustine’s School.” Mayo, 2021. Accessed
Hunyo 5, 2021. https://www.studocu.com/ph/document/saint-louis-
college/filipino/other/research-filipino-negatibong-epekto-ng-modular-
learning/15024342/view

“Ang Teknolohiya bilang Gamit sa Pagtuturo at Pagkatuto.” Accessed June 10,


2020. https://www.coursehero.com/file/63486325/Teknolohiyadocx/

“Effective ba ang Modular Learning para sa Distance education?.” Accessed


Pebrero, 2021. https://hoshilandia.com/2020/07/effective-ba-ang-modular-learning-
sa-distance-learning/

i
“Learning while staying at home: teacher’s parents support DepEd.” March 20,
2020. Accessed June 08, 2020. https://www.deped.gov.ph/2020/03/21/learning-
while-staying-at-home-teachers-parents-support-deped-distance-learning-platform/
“Mga Datos at Tool .” Hunyo 29, 2021 Accessed Agosto 2, 2020.
https://covid19.ca.gov/tl/data-and-tools/

https://www.academia.edu/45008712/Ang_mga_epekto_ng_pag_aaral_sa_online_n
a_edukasyon_sa_pagganap_ng_mga_mag_aaral_dahil_ng_covid_19_pandemic

i
APPENDICES

TALATANUNGAN

PANGALAN

TAON SA SERBISYO

TANONG SUMASANG- BAHAGYANG HINDI


Sa kasalukuyang AYON SUMASANG-AYON SUMASANG-
taon-aralan AYON
2020-2021,
distance
learning set-up:
1. Bilang ng
nagpatala na
mag-aaral at
huminto sa pag-
aaral
2. Marami ang
bilang ng mga
mag-aaral ang
huminto sa pag-
aaral

3. may interes sa
pag-aaral sa
Distance
learning Set-up

4. madaling
makontak ang
mga mag-aaral

5. Sapat ang
bilang ng mga
guro para sa
bilang ng mga
mag-aaral na
nagpatala
6. Mas mura

i
(less expensive)
ang pagpapaaral
sa distance
learning set-up.
7. Naisasagawa
ng mga mag-
aaral ang
layunin ng guro
sa bawat aralin
8. Nakaagapay
ang mga guro sa
paggamit ng
teknolohiya.
9. Naihanda ang
mga guro sa
matalino at
epektibong
paggamit ng
teknolohiya.
10. madaling B
natutunan ang
mga virtual na
gawain
11. Nakaagapay
ang mga guro sa
paggamit ng
teknolohiya.

II. Lagyan ng tsek ang mga kagamitan panturo na natanggap ng mga guro mula sa iba’t
ibang opisina o ahensya.

o Laptop o Pocket Wifi at sim card na

o chalk allowance o OTG (Flashdrive)

o Bond papers, bag, o Load Allowance buwan-buwan

notebook IBA PA ________________________________

LAGYAN NG TSEK ANG Mga tao o ahensiyang nagbigay tulong sa inyong mga guro:

o Opisina ng alkalde ng Maragondon o DepEd-cavite/ SDO Cavite Province/

i
o Regional Office o Paaralan

o LGU/ City Government of Cavite o SDO Marikina

IBA PA __________________

III. Magbigay ng suhestiyon sa mga nabanggit na maaring makatulong sa Kagawaran ng


Edukasyon sa Panahon ng Pandemya

Suhesyon sa Modyul
_____________________________________________________________

Suhesyon sa Kagamitan ng guro


___________________________________________________________

Suhesyon sa Palihan sa mga guro


__________________________________________________________

Suhesyon sa gawain ng mga guro


_________________________________________________________

Suhesyon sa mga Parateacher


___________________________________________________________

You might also like