You are on page 1of 8

Problemang Panlipunan, Mga Problema Sa Edukasyon Sa Bansang

Pilipinas [Pananaliksik]
KABANATA I: ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON
Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mgaestudyante at
kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito angtumutulong sa isang
bansa upang maging progresibo at maunlad. Ngunitkay raming problemang
panlipunan ang kinakaharap ng ating bansa at isana nga rito ang Edukasyon.
Isang problemang nais ng matuldukan ng atinggobyerno.Sa panahon ngayon,
kay rami nang kabataan ang hindinakakapagtapos ng pag-aaral at ang
pangunahing dahilan nito ay kahirapanna isa pang malaking problemang
kinakaharap ng bansang Pilipinas. Angpagkakaroon ng korupt na gobyerno ay
isang dahilan kung bakit naghihirapang ating bansa. Isa pang dahilan kung bakit
may mga kabataang hindinakakapagtapos dahil nagiging
rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiyasa mga kabataan ngayon. Mga
problemang pampamilya, pampinansiyal, atang ibay napapabarkada.Isa
pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ngpagtuturo. Dahil
nga sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mgakabataan, inaakala nito na
itoy tama. Ang isang epektibo at magandangkalidad ng pagtuturo ay hindi
napagtatagumpayan ng isang guro dahil ngakulang pa ito sa kaalaman tungkol
sa kanyang napiling asignatura.Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa
ating edukasyon, kahit nasapat ang badyet ng ating gobyerno kung hindi
maayos ang paggamit nito,hindi uunlad ang Edukasyon sa ating bansa.
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na itoy naglalayon na linangin ang mga kaisipan ngmga
mamamayan ng bansa tungkol sa tunay na kalagayan ng edukasyon saating
bansa. Itatalakay rin dito ang mga problema, dahilan at epektibongsolusyon sa
mga suliranin na tungkol sa Edukasyon. Ang mgaimpormasyong makukuha ay
tumutulong upang mas makagawa ng isangmas epektibong proposiyon at
impormasyon na magmumulat sa mga tao naang pag-aaral ng mabuti ang susi
sa isang masagang buhay at kinabukasan.
C. KAHALAGAHAN NGPAG-AARAL
Sa mga researcher .
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay paramakalikha pa siya ng mga
impormasyon at makagawa ang isang researcherng isang konklusyon na
puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao upang masmaging laganap ang
kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa mga kabataan.
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nilapara malaman ang mga problema
at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon.Ito rin ay tutulong sa kanila upang

kanilang makuro na may malakingkinakaharap na problema ang ating bansa


tungkol sa Edukasyon.
Sa mga magulang.
Ang pag-aaral na ito ay magiging batayan ngmga magulang upang kanilang
madalumat ang katotohanang malaki angproblema ng ating bansa lalong-lalo na
sa Edukasyon.

Sa pamahalaan.
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sapamahalaan upang mas mapalawig
pa nila ang kanilang kaisipan athanggang silay makagawa ng ibat ibang
solusyon at paraan upangmasolusyunan ang problema sa Edukasyon ng ating
bansa. Ang pag-aaral naitoy makakatulong sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng
Edukasyon sa atingbansa.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayanna maging bukas
ang kanilang mga isip at makagawa ng mga ibat ibangkurokuro para makatulong sa estado ng Edukasyon ng ating bansa.
D. SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay atpaggawa ng mga
kongkretong impormasyon at datos na ukol sa mgaProblema sa Edukasyon ng
Bansang Pilipinas lamang. Akoy mangangalap ngmga datos sa Flos
Carmeli Institution of Quezon City at sa Don Fabian,Commonwealth Ave. Q.C. na
makakatulong sa pagsasagawa ng pananaliksikna ito.
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa mga kinakaharap na Problema ngating bansa
tungkol sa Edukasyon.Sa pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga
sumusunod na mgatanong:1.Ano ang Edukasyon? Paano ito nakakatulong
sa isang bansa?2.Anu-ano ang mga nararanasan na mga Problema sa
Edukasyon ngating bansang pilipinas?3.Malaki ba ang nagiging epekto nito
sa ating bansa?4.Anu-ano ang mga epektibong solusyon sa mga
problemang ito?
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at ibapa, Ang
isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ngclassrooms at guro
sa public schools ay maraming mga estudyante saprivate schools ang lumilipat
sa public schools.Sa ngayon, halos 20 milyonang mga estudyante mula
elementary hanggang high school sa publicschool. Tumaas ng 11 porsiyento o
may dagdag na mga 2.2 milyon naestudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung

bakit lumilipat ang mgaestudyante sa private sa public schools ay kahirapan.


Pataas na pataas naang tuition ngayon sa private schools dahil sa pagtaas na rin
ng lahat nabilihin (Ellen Tordesillas, journalist).
Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sabawat 100
estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong nghayskul at 14
lamang sa mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datosna ito, di maitatago
ang katotohanan na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa
kahirapan, hindi natatamasa ng kabataangPilipino ang karapatan nila sa
edukasyon. Nakasaad mismo sa Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng 1986
Konstitusyon na dapat pangalagaan ngEstado ang karapatan ng lahat ng
mamamayan sa mahusay na edukasyonsa lahat ng antas at dapat magsagawa
ng angkop na mga hakbang upangmatamo ng lahat ang gayong edukasyon.
Dapat ay bigyan din ngpinakamataas na prayoridad ng pamahalaan ang
edukasyon (MylenePadua).
Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan aymayroong
34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko atpribadong
paaralan edad anim hanggang dalawamput apat. Sa kabuuangito, mas malaki
ang porsyento sa ilalim ng pampublikong paaralan. Mgapaaralang
sinusubaybayan ng pamahalaan at ng gobyerno. At sa loob ngsilid, ang
ratio ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa apatnaputdalawang
estudyante (cyndi18).
Malinaw na masasakripisyo rin ang kalidad ng edukasyon dahil sasinasabing
subject integration. Samantalang ang Filipino ay itinuturing na basic tool
subject katulad na lamang ng pagkatuto ng alpabeto, pagbasa,at pagsulat nito,
ang Sibika at Kultura naman ay nagtuturo ng kasaysayan,pag-ibig sa bayan, at
tamang pagtingin ng mag-aaral sa sarili at bansabilang Pilipino. Sa kalaunan, ito
ang magbibigay sa kanila ng giya upangmaging mabubuting mamamayang
Pilipino -- sa loob at labas ng bansa.Ngunit kung short cut ang gagawin nating
pagtuturo nito sa kanila, hindimalayong bansot din ang magiging pagkilala nila
sa kanilang mgasarili.Bukod pa rito, kailangan ding ma-retrain ang mga guro
dahil sasinasabing pagsasama-sama ng mga aralin. Kailangan ding maglabas
ngbagong babasahin at educational aides na aakma sa tinaguriang
revisedsubject nomenclature.Itoy ilan lamang sa kagyat na makikitang
problemasa solusyong ipinipilit sa higit na malaking problema ng kakulangan sa
badyet para sa edukasyon at malinaw na hindi pagbibigay-prayoridad
ngpamahalaan dito(Bro. Eddie Villanueva,2009).
Hindi solusyon sa pagpapaangat sa kalidad ng edukasyon sa bansaang tig-isang
taong dagdag sa elementarya at high school kundi angpagdagdag ng silid-aralan
at mga guro. Hindi rin umano natututukan ngisang guro ang kanilang mga
estudyante dahil umaabot sa 65 mag-aaral saisang silid-aralan gayung 30
hanggang 35 lamang ang dapat. Dahil dito,kailangang matutukan umano ng
susunod na gobyerno lalo na angmamumuno sa Department of Education
(DepEd) ang pagdagdag sa silid-aralan at mga guro (Bernard Taguinod, 2010)

Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad


ng edukasyon sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ngedukasyon ng
Tanzania at Zambia, dalawang bansa sa Africa na masmahirap pa sa ating
bansa.Malubha na talaga ang kalagayan ng edukasyonsa bansa natin kung
nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyonng mga bansang may
sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng66,881 na classroom ang ating
bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyoay para lamang makapagtayo ng
5,538 na classrooms. Ibig sabihin, kulangpa din ng 61,343 na classrooms ang
ating bansa. Kulang din ng 816,291 nasilya para sa mga estudyante. Kung kaya
naman kung hindi standing roomonly o SRO sa maraming klasrum ay nakaupo sa
sahig ang maramingestudyante. Kulang din ang bansa ng 64,060 na guro ngunit
ang hiningi niMrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa 10,000 guro. Kung
kayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang
ngestudyante, para bang sinasabi ng administrayon na kailangang turuan
ngmahigit dalawang milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro
ay makunat si Mrs. Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa2,000
punong-guro. Ngunit ang pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538na punongguro (Jejomar Binay).
Out of School Youth - Ang populasyon ng kabataan sa edad 7-24 na
hindi nakakapag-aral,walang trabaho at hindi nakapag-gradweyt ng kolehiyo ay
tumaas ng852,000 mula 3 milyon noong 1989 naging 3.8 milyon noong 1994
(NSO,1994)

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saaninilalahad ang
mga sanhi at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon.Pang-edukasyon na
pananaliksik na sinasakupan kung paano natututo angmga tao.
B. MGA RESPONDENT
Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mgakalalakihan at mga
kababaihan na edad 12-42 na may sapat na kaalaman samga nangyayaring
problema sa Edukasyon sa ating bansa ngayon.
C.INSTRUMENTO NG PAMPANANALIKSIK
Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalapng mga
impormasyon sa pamamagitan ng mga aklat, diyaryo, dokumento,at ng internet.
D.TRITMENT NG MGA DATOS
Ang pamanahong papel ay bumabase lamang sa mga kuwestiyoner
naipinamigay na naglalaman ng tanong, at mga interbyu ukol sa nasabingpaksa.

Ang pagkuha ng porsiyento at bahagdan ay batay at ang basehan ayang mga


sagot ng aking mga respondente sa aking mga nagawangkwestyoner.
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NGMGA DATOS
MGA KATANUNGANG NAKAPALOOB SA SARBEY NG PANANALIKSIK.ANANALIKSIK
Ano ang pinakamalaking sanhi ng problema sa edukasyon?
a. Kahirapan
b.Kakulangan ng pondo
c.Hindi ginagawang prayoridad ang edukasyon ng ating pamahalaan.
d . Wa l a s a n a b a n g g i t / I b a p a

Sa labing-siyam na aking nasarbey Anim ang sumagot ng titik A.Siyam ang


sumagot ng titik B .Lima naman sa titik C at dalawa sa D. Ayonsa mga datos na
ito karamihan sa kanila ay naniniwala na ang problema saEdukasyon ay ang
lubhang kahirapan ng bansa. Dahil nga maramingnagsisipaglipat na mga
estudyante na nag-aaral sa pribadong paaralan samga pampublikong paaralan
(ayon na rin kay Ellen Tordesillas).

Sa tingin niyo ba may ginagawang proyekto o programa ang


atingpamahalaan sa ganitong isyu?
a. Meron
b. Wala

Ayon sa aking sarbey sa labing siyam, labing-isa ang sumagot ng titikA na kung
saan ang pamahalaan ay mayroong isinasagawang mgaprogramat proyekto na
nakakatulong sa bansa at walo ang sumagot sa titikB na kung saan walang
programang isinasagawa ang pamahalaan. Ayon sagrap ipinapakita na mas

nakakalamang ang titik A. Sa katotohanan itoytotoo kay raming mga proyektong


isinasagawa ng pamahalaan tulad ngpagpapagawa ng mga silid-aralan at mga
pampublikong paaralan ayon narin sa mga sagot ng aking mga nasarbey.
Bakit sa tingin niyo may mga estudyante o kabataang
hindinakakapagtapos ng pag-aaral?
a.Dulot na rin ng kahirapan
b.Dahil sa Pagrerebelde
c.Natututong Magbisyo dahil sa barkada
d . I b a p a .

Ayon sa aking nakalap na datos, sa labing siyam na aking nasarbey,walo ang


sumagot ng titik A. Walang pumili sa titik B. Anim naman angsumagot ng titik C.
Lima naman ang pumili sa titik D. Lahat ng nasapagpipilian ay nagiging
dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindinakakapagtapos. At ayon sa
aking datos pareho ang bilang ng pumili sa titimTitik A at C.
Sa tingin mo, sino ang dapat sisihin kung bakit nagkakaroon
ngproblema sa Edukasyon?
[
[
[
[
[

]
]
]
]
]

Mag-aaral
Guro
Gobyerno
Lahat ng ito
Iba pa.

Sa labing- siyam na aking nasarbey tatlo ang nagsasabingmag-aaral ang dapat


sisihin sa mga problema ng edukasyon. Tatlo namanang sumagot ng titik B. Anim
ang sumang-ayon at pinili at titik C. Samantalaang lima ang nagsasabing dapat
mag-aaral, guro at gobyerno ang dapatsisihin sa mga problema ng edukasyon.
Batay na rin sa aking pananaliksiklahat ng ito ay nagiging dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mga problemasa ating bansa sa larangan Edukasyon.

Sa tingin mo, maganda ba ang kalidad ng pagtuturo sa kasalukuyan?


[ ] Oo
[ ] Hindi

Sa labing siyam na aking nasarbey, Sampu ang sumagot ng Oo atsumasangayon na maganda pa rin ang kalidad ng pagtutro sa panahonngayon. Walo ang
sumagot na hindi maganda ang kalidad ng pagtuturo atmay nag-iisang nagsabi
na depende ito sa eskuwelahan. Sa problemang itonaman ang guro an gating
problema dahil sa kanilang pagtuturo o dahil sakurikulum ng isang eskuwelahan.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. LAGOM
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-edukasyon
ng ating bansa, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakitnagkakaroon nito at
mga epekto kung itoy nakakabuti o nakakaganda saisang bansa. Para sa
pananaliksik na ito akoy gumamit ng mga tanong namagbibigay at maglalahad
ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kurona nanggaling sa aking nasarbey.
A.KONKLUSYON
Maraming problemang pang-edukasyon an gating bansa isa na rito angmga magaaral na di nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,problema sa
pamilya, pagbibisyo, o kayay napupunta sa masamang landas.May mga
kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyonat hindi na
naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ngkagamitan at
pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyonng ating bansa
nagkukulang ang mga kagamitang ito tulad ng mga libro, kwaderno, bolpen
maging silid-aralan o kayay paaralan. Kung nagkukulangang kagamitan ng ating
bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.Mababang kalidad ng pagtuturo
sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ngmaling pagkatuto nito.
Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ngmga guro na nagbibigay ng
kaalaman sa kanilang mga Estudyante ngunit sapanahon ngayon tayoy
nahihirapan kung maganda ba ang natuturo ng mgaito sa kanilang mag-aaral.
Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyonsa mga liblib na lugar dahil sa
kalayuan na rin ng pook at kakulangan ngmga titser na nais magboluntaryo dahil
nga kaunti lng ang mga suweldonito.
B.REKOMENDASYON

Nirerekumenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ngisang mas


epektibong pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ngating bansa
upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mgatao tungkol na rin
sa Problemang Pang-edukasyon na nararanasan ng atingbansang Pilipinas.
BIBLIOGRAPIYABIBLIOGRAPIYA
http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm
http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/Edukasyong_Pilipino_Binabaliw ala_Mi
sedukasyon.
http://www.ellentordesillas.com/?p=279
http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.htm http://www.abante.com.p
h/issue/jan2410/op_jb.htm

You might also like