You are on page 1of 2

Christ Jeffersone S.

Fernandez
11 STEM Fronda
Halimbawa ng Posisyong Papel

Libreng Matrikula sa Kolehiyo

Edukasyon ang daan tungo sa kaunlaran, ngunit sa hirap ng buhay ng ating mga
kapwa Pilipino wala silang pag-asang makapagtapos ng pag-aaral. Libreng matrikula
ang maaaring maging paraan upang makatulong sa kapwa pilipino. Mahalagang
isulong ang libreng matrikula upang wala nang dahilan ang mga Pilipino na hindi
ipagpatuloy ang pagaaral sa kolehiyo, dahil sa kawalan ng kakayahan upang
masolusyonan ang gastos dito. Kung kaya ay dapat na maipatupad ang libreng
matrikula sa kolehiyo.

Sa panahong ito, marami pa rin ang mga unibersidad na humihingi ng bayad kapalit
ang karapat-dapat na edukasyon para sa mamamayan. Upang masolusyonan ang
isyung ito, dapat ay magsapatupad ukol sa libreng matrikula. Hindi makatarungan na
bigyang bayad ang kolehiyo lalo na sa mahihirap. Mali ito sapagkat madaming
kabataan ang pinipiling hindi na lamang magpatuloy ng kolehiyo. Ayon sa Republic
Act. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Educational Act marapat na
magkaroon ng libreng matrikula para sa kolehiyo.

Marapat na magkaroon ng libreng matrikula sa kolehiyo dahil ito ang magiging


paraan sa pag unlad ng isang tao. Lalo na at ang isyung ito ay nasa Republic Act
10931 ng isang tao. Pangalawa, hindi lahat ng mga Pilipino ay may kakayahang
pinansyal kaya marapat na maisatupad ito at huli ay malaking tulong ito sa bawat
mamamayan.

Nawa ay maisulong ang libreng matrikula sa kolehiyo upang makatulong ito sa


pagresolba o pasolusyon na isyu ukol sa edukasyon. Makakatulong din ito at
magiging daan tungo sa kaunlaran ng bawat isa.
Angelo M. Hidalgo Bb. Abigail M. Detruz
11- HUMSS Francisco

Halimbawa ng isang Posisyong papel

PAGPAPATUPAD MULI NG DEATH PENALTY SA ATING


BANSA

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapatupad ng Parusang kamatayan o Death Penalty


hindilamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi
lamang ng mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan.

Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States,
kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng
kamatayan kung ito'ymapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang
parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng
iyong buhay ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay
Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupadng parusang kamatayan ay hindi
pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Samantalang may mga
opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ngCHR,
sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang
pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.

Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma- daming
mgakriminal, rapist, drug, traffickers, mga magnanakaw, mga teroristang walang takot na
pumapatay atgumagawa ng lagim, kidnappers, at carjackers, at ang riding in tandern kung
saan walang awang pumapatay, Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga
pulis.

Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina
ng aktres na si Cherry Pie Picache Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil
napakarami pangiba. Nakikita at naririnig nating mga pahayagan araw-araw na kung minsan
pay sa ating mismong lugar nagaganap Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death
Penalty, ayon sa kanya palubhang palbansa ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang
na ito'y ibalik ang bitay.

Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin
ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at
nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na
henerasyon ay maisalba mula sa hindi kanais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa
pagkakaroon ng patas na batas Sa mga ibang bansa.

Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga
dayuhang bansa subalit ang iba'y na naaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan.
Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen
maging pinoy, dayuhan o torestaay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang batas
ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay
makamit. Kaya't ibalik ang Death Penalty sa ating bansa upang mabawasan ang krimen na
nagaganap saating bansa.

Pinagtibay ngayong Nobyembre 15,2021.

You might also like