You are on page 1of 5

“PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL NG NARSING

SA MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY


TUNGKOL SA SEXUAL PREFERENCE
NG MGA MIYEMBRO NG LGBTQ”

Isinumite nina:
BALAO, ALICE CLAIRE N.
BAUTISTA, JILL ANNE A.
MADRIAGA, DISIRIE NICOLE G.
PICHAY, ANGEL NHOWELL T.
TAYLAN, JOANNA ERLINDA V.
BSN II – A

Isinumite kay:

DR. ALMA A. SIERRA


Instraktor, Fil02

Isinumite sa ika-4 ng Mayo 2021


Introduksiyon

Isinaad sa Artikulo 1 ng pandaigdig na pagpapahayag ng mga karapatan ng tao na ang lahat


ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Sila'y
pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng
pagkakapatiran. Ngunit paano magpapalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagkakapatiran kung ang
iba ay hindi tanggap ang kanilang kapwa?

Isa pa ring suliraning panlipunan sa panahon ngayon ang diskriminasyon o hindi pagtanggap
sa sexual orientation ng mga miyembro ng LGBTQ. Ayon sa PilipinoMirror (2019), ang LGBTQ
ay isang acronym na nangangahulugan ng “lesbian, gay, bisexual, transgender at queer.” Ayon sa
nabanggit na artikulo, ang lesbian ay isang babaeng may emosyonal, sekswal, at romantikong
atraksiyon sa ibang babae. Ang gay naman ay isang taong may emosyonal, sekswal, at
romantikong atraksiyon sa mga taong kapareho niya ng kasarian. Ang bisexual naman ay isang
taong may emosyonal, sekswal, at romantikong atraksiyon sa higit sa isang kasarian (gender o
gender identity). Maaaring hindi sabay ang damdaming tinutukoy at maaaring hindi rin
magkapareho ang uri at lalim ng atraksiyon. Ang transgender naman ay ang malawak na
terminong tumutukoy sa mga taong mayroong gender identity/expression na hindi naaayon sa
inaasahan ng lipunan base sa kanilang kasarian nang sila ay ipinanganak. Ang pagiging
transgender ay hindi lamang tumutukoy sa sexual orientation at ang mga transgender ay
maaaring maging straight, lesbian, bisexual, gay, at iba pa. Queer naman ay isang terminong
tumutukoy sa sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba. Kung minsan ay
ginagamit ito bilang pamalit sa terminong LGBTQ. Bilang karagdagan, ang LGBTQ ay isa ring
kilusan na nabuo ng pakikipaglaban para sa mga karapatang pantay-pantay para sa mga minorya
na sekswal na komunidad (Y Salud, Cencia at Y Refranes, Dichos., 2021).

Hindi lingid sa kaalaman ng tao na nangyayari sa ilang sektor ng lipunan ang


diskriminasyon sa gender. Ayon sa mga datos, ilan sa mga ito ay dahil sa kultura na
kinabibilangan at maging ang relihiyon. Isa rin sa mga pinakaapektado sa diskriminasyon sa mga
miyembro ng LGBTQ ay ang mga estudyante. Ayon kay Ryan Thoreson, isang fellow sa
programang pangkarapatan ng LGBT sa Human Rights Watch, “Ang mga estudyanteng LGBT
sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati karahasan." Dumadanas ang mga
estudyante sa maraming lugar sa Pilipinas ng bullying at diskriminasyon sa eskuwelahan dahil sa
kanilang oryentasyong sexual at identidad sa kasarian, ayon sa ulat ng Human Rights Watch.

Ayon sa Kadlit Press (2018), maraming taliwas sa mga LGBT dahil naniwala pa rin ang
karamihan ng Pilipino na ang lalaki ay para sa babae lamang, dahil na rin sa turo ng iba’t ibang
simbahan (lalong lalo na ang simbahang Romano Katolika) Ang turo ay ayos lang na maging
parte ng LGBT basta huwag ka lang makipag-relasyon sa kaparehang kasarian. May mga
fundamentalista rin na ipinipilit na lifestyle lamang at phase ang pagging LGBT at mawawala
lamang ito pag isinuko mo ang iyong sarili sa Diyos. Pero may mga simbahan din naman na pro-
LGBT kung saan suportado sila at naniniwala na hindi pinili ng isang tao na maging LGBT.

Isa pa sa mga mabigat na suliranin ng mga miyembro ng LGBTQ sa bansa ay hindi pa


gaanong naituturo sa mga klasrum ang konsepto ng SOGIE o sexual orientation, gender indentity
and expression, ayon sa Kadlit Press (2018). Ang SOGIE paradigm ay tumutulong sa
paghihiwalay ng kasarian, kung kanino naa-attract, at kung ano ang iyong galaw at porma.

Bilang mamamayan, kailangan nating ipaintindi sa mga tao na hindi pinipili ng isang tao na
maging LGBTQ. Kailangan nating kilalanin at tanggapin ang ganitong mga bagong konsepto,
kahit may mga tao sa Pilipinas na taliwas sa paniniwala dahil na rin sa kultura na rin ng bansa.
Pero, kailangan nating ipaintindi nang mabuti sa mga tao ang SOGIE para mas lumawak pa ang
kanilang pananaw sa konsepto ng gender, identity at sex (Kadlit Press 2018).

Dito sa aming pag-aaral, nais namin malaman ang persepsyon ng mga piling mag-aaral ng
MMSU narsing ukol sa sexual preference ng mga miyembro ng LGBT na kung saan ang aming
nais ipakahulugan sa persepsyon ay ang pananaw ng mga tao ukol sa isang partikular na bagay o
sitwasyon na maaring pisikal o hindi pisikal, na nakadepende sa sariling pag-iisip at sa sariling
pagkakaintindi ng tao sa isang bagay, at sa pag-aaral na ito, ito ay ang sexual preference ng mga
LGBT.

Pangkalahatang Layunin:

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na mailahad ang mga pananaw ng mga mag-
aaral tungkol sa sexual preference ng mga miyembro Ng LGBT.
Mga Tiyak na Layunin:

Tiyakan ding sasagutin sa pananaliksik na ito ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pananaw ng mga respondente ukol sa pagiging bakla, tomboy, bisexual o
transgender?
2. Ano ang pananaw ng mga respondente ukol sa pakikipagrelasyon ng mga miyembro ng
LGBT sa kaparehong kasarian?
3. Tunay nga bang tanggap na ng karamihan ang mga miyembro ng LGBT?

Metodolohiya

Upang mapagtibay ang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay gumamit ng


deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik sa paglalahad at pag-iinterpret ng mga datos.
Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang
“Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (Survey Questionnaire)
para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito
para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming
respondente.

Mga sanggunian:

Human Rights Watch (2017). Pilipinas: Mga Estudyanteng LGBT Nakararanas ng


Bullying, Abuso. Retrieved from https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/22/304808 on April 29,
2021.

Kadlit Press (2018). KINADENANG BAHAGHARI: MGA HIRAP AT DANAS NG MGA


LGBT SA PILIPINAS. Retrieved from https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-
bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-mga-lgbt-sa-pilipinas-e230a0f7ee67 on April 29, 2021.
Y Salud, Cencia at Y Refranes, Dichos., (2021). KAHULUGAN NG LGBT (ANO ITO,
KONSEPTO AT KAHULUGAN) - MGA EKSPRESYON SA INGLES - 2021. (n.d.). Retrieved on
April 22, 2021 from https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-lgbt

Children and Armed Conflict. PANDAIGDIG NA PAGPAPAHAYAG NG MGA


KARAPATAN NG TAO. Retrieved from
https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html on April
29, 2021.

PilipinoMirror (2019). ANG KAHULUGAN NG LGBTQ. Retrieved from


http://pilipinomirror.com/ang-kahulugan-ng-lgbtq/ on April 21, 2021

You might also like