You are on page 1of 15

MODYUL 2

ANG KOMUNIKASYON, KALIKASAN,


AT PAGPOPROSESO NG IBA’T IBANG MGA
IMPORMASYON

Cartoon image credit:


https://www.123rf.com/stphoto/communication_cartoon.html?sti=lz70d8edtj8np16fb8|&mediapopup=122416984

Simulan Natin:

Sa bagong normal na lipunan, mahalaga ang


pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayan upang
matamo ang tinatawag na #HealAsOne. Lugmok na ang ekonomiya
ng Pilipinas kaya kailangang bumangon ang mga Pilipino at muling
ibalik ang dating normal na kapaligiran. Matatamo lamang ito kung
may sapat na lakas ng loob ang mga Pilipino na ibangon ang
sumubsob na kabuhayan dahil sa pandemyang COVID-19.
Mahalagang maisabuhay ng bawat isa ang mga patakarang itinakda
ng gobyerno upang makaigpaw sa sobrang kahirapan. Lahat ng ito ay
magiging posible lamang kung may komunikasyon sa pagitan ng
gobyerno at mga mamamayan. Tungkulin ng gobyerno na protektahan
ang mga mamamayan at ganoon din ang mga mamamayan sa
gobyerno. Kailangang may simbayotikong relasyon ang bawat isa para
sa kumon na layunin. Ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa
mga patakarang pambansa ay manipestasyon na may sapat na
42 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at
ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
komunikasyong namamagitan sa bawat isa lalo na kung nakaugnay sa
kapakanan ng mga mamamayan.

Kaya bilang mga kabataang magsusulong sa anumang


naumpisahan ng gobyerno para sa kapakanan ng lahat, nararapat na
maproseso sa isipan ang mga impormasyong kailangan sa
pagtatanggol sa sarili at pag-iwas sa anumang sakuna.

Ang modyul na ito ay napakahalaga sapagkat nakapokus sa


dalawang paksa: Una, ang “Kalikasan ng Komunikasyon” kung saan
mapag-aaralan dito ang kalikasan, uri, elemento at mga modelong
pangkomunikasyon; at Pangalawa, “Pagpoproseso ng mga
Impormasyon para sa Komunikasyon” na kinapapalooban ng mga
aralin tulad ng pagpili ng batis ng impormasyon, pagbasa at
pananaliksik ng impormasyon, pagbubuo at pag-uugnay ng
impormasyon at pagbubuo ng pagsusuri batay sa impormasyon.

Tunguhin Natin

1. Naipaliliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang


mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga
komunidad at buong bansa
2. Natatalakay ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng
wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad,
at pambansang kaunlaran
3. Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino
4. Nakapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyunal at modernong midya na akma
sa kontekstong Pilipino
5. Nakagagawa ng malikhain at mapanghikayat na mga
presesntasyong impormasyon at analisis na akma sa iba’t
ibang konteksto
6. Natutukoy at nakapaglalahad ng mga pagpapahayag ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan
7. Naisasaalang-alang ang kultura at iba’t ibang aspektong
panlipunan sa pakikipagpalitang ideya
8. Natutukoy ang mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-
pakinabang na sanggunian sa pananaliksik

43 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Talakayin Natin

Aralin 3
BATAYANG KAALAMAN SA KOMUNIKASYON

Batid ko na natapos mo na ang dalawang aralin sa ilalim ng


modyul 1 hinggil sa “Wika, Wikang Pambansa sa Edukasyon, Papel Nito
Bilang Makabuluhang Diskurso at mga Samahang Tagapagtaguyod ng
Filipino”. Marami ka bang nakuha sa mga pagsusulit? Naisagawa mo
ba ang mga lagumang gawain at mga takdang-aralin? Siguradong oo
ang sagot mo kasi hindi mo naman pag-aaralan ang modyul na ito
kung hindi mo naisakatuparan ang lahat ng mga gawain sa unang
modyul. Ang modyul na hawak mo ngayon ay aakay sa iyo upang
matutuhang unawain ang mga impormasyong may kaugnayan sa
komunikasyon at mga gawaing pangkomunikasyon.

Komunikasyon at Kalikasan Nito

Sa kasalukuyang mahalaga ang bukas na komunikasyon para sa


lahat upang makabangon ang sumadsad na ekonomiya at
malagpasan ang pagsubok na kinakaharap. Panahon na rin siguro na
imulat ng mga kabataan ang kanilang puso at isipan upang
makaagapay sa new normal ng edukasyon. Tanging susi sa hakbang na
ito ay ang pagkakaroon ng sapat na kakayahan ang mga mag-aaral
na makipagtalastasan sa kapwa.

Katuturan ng komunikasyon

Inilahad sa aklat ni Bernales (2009), ang sumusunod na


pagpapakahulugan sa komunikasyon:

Ayon kay Webster ang komunikasyon ay pagpapahayag ng


ideya sa pasalita o pasulat na paraan.

Ayon kina Grey at Wise kung walang metodo ng komunikasyon,


walang sangkatauhan

Inilahad din nina Greene at Petty na ang komunikasyon ay


intensyonal na paggamit ng anumang simbolong tunog.
44 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at
ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Ayon kina Krebs at Davies (1993), ang komunikasyon ay aksyon ng
paghahatid ng impormasyon na nagpapabago sa kilos at galaw ng
mga nag-uusap.

Ayon kay Kimura (1993), ang komunikasyon ay palitan ng


impormasyon ng mga tao.

Ayon kay Robert Anderson, ang komunikasyon ay


pakikipagpalitan ng opinyon, kaisipan at impormasyon gamit ang mga
simbolo sa pagsulat at pagsasalita

Ayon kay Hailman (1987), ang komunikasyon ay paggamit ng


daluyan sa paghahatid ng mga signal sa pagitan ng tagahatid at
tagatanggap ng impormasyon.

Ayon sa Oxford English Dictionary, ang komunikasyon ay


matagumpay na bahaginan ng ideya at damdamin

Ayon kay F.G. Meyer, ang komunikasyon ay pagsasanib ng mga


letra, salita at mensahe

Ayon kay G.G. Brown, ang komunikasyon ay nakadaragdag ng


kumpyansang pansarili kung sa pakikipagpalitan ng impormasyon ay
nauunawaan ng kausap ang sinasabi.

Ang komunikasyon ay isang prosesong resiprokal kung saan ang


mga indibidwal ay lumilikha at nagbabahaginan ng kahulugan.
(Rothfuss)

Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng kaalaman, impormasyon,


ideya, opinyon at damdamin ng mga kalahok sa usapan sa
pamamagitan ng mga salita o BERBAL at ng mga simbolong DI-BERBAL
tulad ng intonasyon, mga kilos, ekspresyon ng mukha, atbp. (Revell)

Ang komunikasyon ay prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at


transaksyunal. (Verderber)

45 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Kalikasan at Uri ng Komunikasyon Batay sa Pamamaraan

 Ang sumusunod ay katangian ng komunikasyon:


1. May proseso
2. Dinamiko
3. Komplikado
4. Mensahe ang ipinapadala at hindi kahulugan
5. Hindi maiiwasan
6. May dalawang mensahe sa proseso ng komunikasyon
a. mensaheng pangnilalaman o panlinggwistika
b. relasyunal o di-berbal

 Uri ng Prosesong Pang-Komunikasyon

1. Intrapersonal - pansarili, sangkot ang pag-iisip, pag-alala at


pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal na
katauhan, pinakabatayan ng interpersonal at pampubliko

2. Interpersonal - komunikasyong nagaganap sa pagitan ng


dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat,
komunikasyong humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa
ating kapwa (halimbawa ay usapan ng mag-asawa,
magkaibigan o magkasama sa trabaho)

3. Pampubliko - komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at


malaking pangkat ng mga tao (halimbawa ay ang
pagbibigay ni Pang. Aquino ng kanyang SONA sa
mamamayang Pilipino, ang paggamit ng midya)

Mga Salik na Bumubuo sa Proseso ng Komunikasyon

1. Komyunikeytor. Ang tagahatid/enkowder at tagatanggap/


dekowder. Magkakaiba ang personal na karanasan, damdamin,
motibasyon, ideya, kasarian, hanapbuhay, gulang, edukasyon,
istatus at iba pang mga bagay.

2. Layunin ng Komunikasyon. Inaasahang resulta ng pakikipag-usap


ng bawat komyunikeytor. Tuwing nakikipag-usap ang mga tao,
mayroon silang itinakdang layunin na maaari nilang matamo o
hindi – maaaring indibidwal na layunin o pangkatan. (Halimbawa
46 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at
ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
ay magbigay-impormasyon, mag-impluwensya, magbigay-aliw,
lumutas ng suliranin at magpanatili ng relasyon)

3. Tuntuning Pangkomunikasyon. Batayan sa pagsasagawa ng mga


komyunikeytor ng kanilang transaksyon. Idinidikta nito ang
naaangkop na paksa at beheyvyor ng mga komyunikeytor ayon
sa konteksto at sa kanilang relasyon. Nagbabago ang relasyon ng
mga komyunikeytor na humihingi rin ng pagbabago ng mga
tuntuning pangkomunikasyong dapat nilang sundin.

4. Feedback/Tugon/Pidbak. Tugong mental o pisikal na mensahe.


Ang tatlong uri nito ay (1) Tuwirang Tugon (kapag ito’y ipinadala
at natanggap agad-agaran matapos ipadala at matanggap
ang mensahe), (2) Di-Tuwirang Tugon (ang sagot ay ipinahayag
sa pamamagitan ng anyong di-berbal), at (3) Naantalang Tugon
(nangangailangan pa na panahon upang maipadala at
matanggap).

5. Daluyan/Tsanel. Dinadaanan ng mensahe. May dalawang uri: (1)


Sensori (tuwirang paggamit ng limang pandama), at (2)
Institusyonal (nangangailangan ng isa o higit pang daluyang
sensori gaya ng sulat, email, kagamitang elektroniko).

6. Mensahe. Berbal at di-berbal na simbolong ginagamit ng mga


komyunikeytor, kumakatawan sa “ano” ng komunikasyon.
Mayroong tatlong mahahalagang salik na bumubuo sa mensahe
gaya ng: (1) Kahulugan (ideya at damdaming nais na
maipahayag ng komyunikeytor), (2) Simbolong Ginagamit (ito
ang berbal at di-berbal na may dalawang ginagamit na proseso:
Enkowding (pagpapalit ng ideya at damdamin sa mga simbolo)
at Dekowding (pagpapalit ng mga simbolong berbal at di-berbal
sa mga ideya at damdamin)), at Anyo at Paraan ng Paghahatid
ng Mensahe.

7. Konteksto. Kapaligiran at lugar na pinagyayarihan ng


komunikasyon, ang anumang usapan ay naiimpluwensyahan ng
pisikal na kapaligiran, panahon, temperatura, ayos ng
pagkakaupo, bilang ng mga nag-uusap, pormalidad ng okasyon,
mga itinakdang tuntuning naaangkop sa interaksyon, sa relasyon

47 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
ng mga komyunikeytor at iba pang salik na nakakaapekto sa
komunikasyon.

8. Kinalabasan o Resulta. Kailangang suriin ang bunga o resulta ng


pag-uusap, kung maganda, ito’y palatandaan na mabisa o
epektibo ang mga komyunikeytor dahil natamo nila ang kanilang
mga layunin.

9. Potensyal na Sagabal o communication noise o filter. Mayroong


apat na uri ng sagabal: (1) Semantikong Sagabal (matatagpuan
sa salita o pangungusap mismo), (2) Pisikal na Sagabal (ingay,
distraksyong biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound
system, hindi mahusay na pag-iilaw at hindi komportableng
upuan),(3) Pisyolohikal na Sagabal (matatagpuan sa katawan ng
nagpapadala o tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan
sa paningin, pandinig o pagsasalita, mga sakit), (4) Sikolohikal na
Sagabal ( biases, prejudices)

Modelo ng Komunikasyon

Modelo ng komunikasyon ay ang mga dayagram o


representasyon na naglalahad sa iba’t ibang teorya hinggil sa
pag-aaral ng komunikasyon. Inilalahad ng mga ito ang
komunikasyon sa isang biswal na paraan o paglalarawan.
Ginagamit ang mga ito upang higit na maipaliwanag at bigyang
linaw ang mga elemento at proseso ng komunikasyon.

1. David Berlo

Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon


kung saan binibigyang-diin dito ang direksyon ng proseso mula
sa pinanggalingan (S) tungo sa tagatanggap (R). Ang mensahe
(M) o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nakadepende
sa enkowding at dekowding.

48 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
S-ource M-essage C-hannel R-eceiver

a. Tagahatid (Source) ay dapat na may kakayahang


pangkomunikatibo, may sapat na kaalaman sa pinag-
uusapan at may manners sa pakikipag-usap-

b. Mensahe – gingamit ang tamang kayarian ng wika,


maayos ang nilalaman at struktura

c. Daluyan (Channel) – paggamit sa 5 senses (seeing,


hearing, touching, smelling, tasting)

d. Tagatanggap (Receiver) –may katulad na katangian sa


Tagahatid ng Mensahe

2. Aristotle
Binibigyang-diin dito ang maliliit na sub-proseso sa
enkowding. Ang anumang mensahe ay kailangang tuklasin,
isaayos at bihisan bago maihatid.

Tagapagsalita ang lilikha ng mensahe at babalangkasin


nito sa kongkreto at malinaw na paraan upang maunawaan ng
tagapakinig ang inilalahad o nais iparating.

3. Wilber Lang Schramm


Pinanggalingang – encoder – signal – decoder – destinasyon

Binibigyang-diin dito na bawat taong sangkot sa isang


sitwasyong pangkomunikasyon ay may kani-kanyang field of
experience na maaaring makaapekto sa bisa ng komunikasyon.
Kung nagkakaroon ng pagkakapareho ang karanasan ng mga
komyunikeytor, magiging epektibo ang kanilang komunikasyon.

4. Claude Shannon at Warren Weaver


Mensahe – signal – transmitter – tsanel – tumatanggap – destinasyon

Matematikal ang ginawang lapit sa paglalarawan ng


komunikasyon. Ang bisa ng isang aktong pangkomunikasyon ay
nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na
nakakaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at
noise.

49 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
5. Frank Dance
Gamit ang helix, inilarawan ang impluwensya ng mga
nagaganap na pagbabago, partikular sa isang tao, sa
komunikasyon. Ang nakaraan ang pinag-uugatan ng mga
pagbabago sa komunikasyon sa kasalukuyan, samantalang
ang komunikasyon ang batayan ng komunikasyon sa infinite na
hinaharap.

6. Ruesch at Bateson
Binibigyang-diin dito ang function o tungkulin ng mga tao
sa komunikasyon. Mailalarawan ang tungkulin ng komunikasyon
sa apat na antas : intrapersonal (level 1), interpersonal (level 2),
pangkatan (level 3), at kultural (level 4). Mas dumarami ang
taong sangkot sa apat na gawain: pagsusuri, pagpapadala,
pagtsatsanel at pagrerekord habang tumataas ang level.

Ang Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon

May dalawang uri ang komunikasyon: Ang berbal at di-


berbal. Berbal ang maituturing na pinakaepektibong araan ng
pakikipagtalasasan. Malinaw na naipapahayag ang damdamin at
kaisipan gamit ang pamaraang ito. Isang anyo ito ng paghahatid
ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na
kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Nakapaloob dito ang
pagsulat, pagbasa, pagsasalita at pakikinig.

Mga Dahilan ng Paggamit ng Berbal na Komunikasyon

1. kung may sunud-sunod na datos na kailangang lutasin


(gamit ang pakikinig sa mensahe)
2. kapag ang dekowder ay abala sa ibang gawain o
kondisyon, ang kanyang alertness ay nababawasan, mas
epektibong gamitin ang berbal kaysa di-berbal
3. kapag ang mensahe ay mahahalaga, maiikli o madadali,
mas madaling matatandaan
4. kapag mahalaga ang pleksibiliti ng transmisyon ng
mensahe, mahalaga ang paggamit ng tinig sa pagbibigay
ng emphasis o diin

50 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
5. kapag nais maglahad ng impormasyong kaugnay ng
isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit ng berbal na
paraan ay napakabisa
6. kapag ang resepsyong biswal ay hindi mabisa sa
kadahilanang maiuugnay sa kondisyong pangkapaligiran,
mas angkop ang paggamit ng berbal na paraan

Mga Maaaring Pagmulan ng Kahulugan

1. Referent. Tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng


isang salita (kung ano ang kinakatawan ng salitang
masa sa masang Pilipino)

2. Common Reference. Parehong kahulugang ibinibigay


ng mga komyunikeytor (kung ano ang kahulugan ng
love mula sa mga manlalaro ng badminton at tennis)

3. Contextual Clues. Nakukuha ang kahulugan ng isang


salita batay sa ugnayan nito sa iba pang salita (kung
ano ang kahulugan ng salitang pagdadalumat,
maiintindihan ito kung gagamitin sa loob ng
pangungusap)

4. Manner of Utterance. Sa di-berbal, ang tawag dito ay


Paralanguage. Ang kahulugan ng salita ay naiiba
depende sa paraan ng pagbigkas (kung paano ang
pagbigkas sa salitang patira-tira sa linyang “Ilang
kababaihan sa ngayon ang patira-tira na lang sa ilalim
ng tulay.”)

5. Denotative. Mga tiyak at maliwanag na kahulugan ng


salita (kung ano ang kahulugan ng bulaklak sa
diksyunaryo)

6. Connotative. May kaugnayan sa sangkap na pang-


emosyon at karanasan ng kahulugan ng salita (kung
ano sa iyo ang salitang bulaklak)

51 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Ang komunikasyong di-berbal ay ang paggamit ng aksiyon,
senyas, kumpas at kilos ng kamay at katawan sa pagpapahayag.
Kalimitang ginagamit ang mga ito kaakibat ng berbal na komunikasyon.
Higit na nagiging malinaw at mabisa ang paghahatid ng mensahe
gamit ang berbal at di-berbal nang sabay. Magkagayun, man,
kailangan pa ring kontrolin ng nagsasalita ang paggamit sa mga di-
berbal upang hindi malito ang kausap. Narito ang ilang uri ng di-berbal
na komunikasyon:

1. Chronemics o ang paggamit ng oras


2. Proxemics o ang paggamit ng espasyo. Mayroong tatlong uri:
(1) Intimate, up to 1 & ½ ft, (2) Personal, 1 ½ ft, (3) Social, 4-
12 ft, at (4) Public, 12 ft or more.
3. Kinesics o paggamit ng kilos ng katawan ( body language).
Kaugnay nito ang ekspresyon ng mukha, pananamit at
kaanyuan, tindig at kilos at kumpas ng kamay. Maaaring ang
kumpas ay Regulative (kumpas ng pulis at guro), Descriptive
(kumpas sa paglalarawan sa laki, haba, layo, taas at hugis ng
isang bagay), at Emphatic (pakikipagkamay, pagkuyom ng
palad, paghampas ng kamay sa mesa)
4. Haptics o ang paggamit ng sense of touch. May kahulugan
ang hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
5. Iconics o ang paggamit ng simbolo o icons.
6. Kulay nagpapahiwatig ng damdamin at oryentasyon
7. Paralanguage o ang paraan ng pagbigkas ng salita (ang
pagbigkas sa salitang “Oh” sa iba’t ibang paraan ay
nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan)

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Ang pagsaalang-alang sa akronim ng speaking ni Dell


Hymes ay higit na makatutulong sa lalong mabisang
pakikipagtalastasan. Narito ang kahulugan ng salitang ito ayon
kay Hymes na binanggit ni Bernales at Tumangan (2000):

1. Setting (Saan nag-uusap?)


2. Participants (Sino ang Kausap?)
3. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?)
4. Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?)

52 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
5. Keys (Pormal ba o Impormal ang usapan?)
6. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?)
7. Norms (Ano ang paksa ng usapan)
8. Genre(Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo/Nagmamatuwid?
Naglalarawan? o Nagpapaliwanag/Naglalahad?

Aralin 4
PAGPOPROSESO NG IBA-IBANG IMPORMASYON

Ang pagpoproseso ng iba-ibang impormasyon ay napakahalaga.


Isinasagawa ito upang higit na malinaw na maunawaan ang mga
makakalap na impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman.
Nakatutulong din ito sa lubusang pag-unawa ng mga nakalap na
impormasyon upang makapagbigay ng mahusay na
pagpapakahulugan tungo sa malinaw na konklusyon.

Matalinong Pagpili Mula sa Iba-ibang Batis

Ang salitang batis sa wikang Filipino ay may katumbas na brook


sa Ingles. Ito ay tubig na nanggagaling mismo sa bukal o ang munting
ilog na nabubuo dito.

Halimbawa, tinatawag na batis ng kasaysayan kung ito ay pinag-


ugatan mismo ng kasaysayan. Sa pagkukuwento naman, ang
kaalamang-batis ay dumadaloy sa kuwento. Hitik sa kuwentong ito ang
mga katotohanan. Maaaring matanto lamang ang pahatid nito kung
papaloob ang tao sa kuwentuhan (www.tagaloglang.com)

Mula sa aklat nina San Juan et al. (2017), ang batis ng


impormasyon ay ang pinanggalingan ng mga katunayan na kailangan
para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu,
penomeno o panlipunang realidad. Ito ay maaaring maikategorya sa
dalawang pangunahing uri: ang primaryang batis at sekundaryang
batis. Tinatawag na primaryang batis kung direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba o
nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno tulad ng orihinal na
pahayag, obserbasyon at teksto.

Halimbawa ng mga primaryang batis ay maaaring mula sa


harapang ugnayan sa kapwa-tao tulad ng pagtatanong,

53 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
pakikipagkuwentuhan at panayam o interbyu. Maaari ring magmula sa
mga nakaimprentang materyal sa papel na kadalasan ay may
kopyang elektroniko tulad ng talaarawan, tesis o disertasyon, sulat sa
koreo, balita sa telebisyon, radyo at pahayagan, larawan at talumpati.
Nabibilang din sa bahaging ito ang mga nakarekord na audio at video,
mga likhang sining tulad ng pelikula, musika at painting, mga blogs sa
internet at online survey.

Tinatawag namang sekurdaryang batis kung ito ay pahayag ng


interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa mga indibidwal, grupo o
institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa
isang paksa o penomeno. Kasama rito ang mga account o
interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas nito o
pagtalakay sa gawa ng iba (Hinampas, 2016 na binanggit sa aklat ni
San Juan, et al. 2017, pahina 30).

Halimbawa ng sekundaryang batis ay teksbuk, artikulo sa diyaryo


at magasin tulad ng editorial, komentaryo, sanaysay, manwal at gabay
sa pagtuturo, abstrak ng mga pananaliksik, powerpoint presentation na
ginagamit sa pagtuturo at maging ang mga sabi-sabi o kritisismo.

Tandaan, alinman sa mga sekondaryang batis ay pwedeng


maging primaryang batis kung ito mismo ang paksa ng pananaliksik. Sa
pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng
isang mananaliksik ang primarya kaysa sekondaryang batis sapagkat
ang una ay nanggaling sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisiyasat ngunit kailangan pa ring pahalagahan ang mga
sekundaryang batis dahil maaaring maghain ito ng alternatibong
kabatiran sa kaalamang binubuo ng mananaliksik kung ito ay mula sa
kinikilalang eksperto.

Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon


Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng mga Impormasyon
Pagbubuo ng Pagsusuri Batay sa Impormasyon

54 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Tumbasan Natin

Narito ang katumbas ng iyong iskor. Batid ko kung gaano


ang pagpupursiging ginawa mo upang matapos ang modyul na
ito kung kaya’t narito sina:

KUPIDO, niyayaya ka niyang umangkas sa


kanyang likuran upang ilipad ka papunta sa
susunod na modyul dahil nakakuha ka ng 41-50.
Binabati kita, napagwagian mo ang unang
pagsubok. Hanggang sa muli!

NGITING-TALA na bagamat tuwang-tuwa dahil


nakakuha ka ng 21-40 ay nagmamagandang-loob
pa ring iniaaalok ang kanyang tungkod upang
maging gabay mo sa pagbabalik aral sa mga
aralin na sa palagay mo ay hindi mo
naintindihan.

SUNOG-KILAY na nalulungkot dahil nakakuha ka


ng 0-20 kaya kailangang mag-aral ka pa at
balikan muli ang modyul na ito mula sa simula
bago mo gawin ang susunod na modyul.

Pinaghanguan Natin

55 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon
Bilang karagdagan, nais kong iwan sa iyo ang ilang sanggunian
na makatutulong sa iyong pag-aaral.

Bernales, R.; Tumangan Sr. A.P.; Lim,D. at Mangonon, I. (2000). Sining


ng pakikipagtalastasan (Pandalubhasaan). Valenzuela City: Mutya
Publishing House.

Garcia, L. C., et al. (2008). Komunikasyon sa akademikong Filipino.


Cbanatuan City: JIMCY Publishing House.

Infantado, R.V. et al. 2006. Tuklas III, Aklat sa Wika at Panitikan.


Manila: Magallanes Publishing House

Lachica, V. S. (1998). Literaturang Filipino. Makati City: Grandwater


Publications and Research Corporation.

_____________(1988). Panday II. Manual sa pagsasanay ng pagtuturo


ng Filipino (Wika). Manila: Philippine Normal University.

Ulit, et.al. (2009). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Manila:


Grandwater Publication and Research Corporation.

Pinaghanguan ng mga larawan/imahe:

https://www.123rf.com/stphoto/communication_cartoon.html?sti=lz70d8edtj8n
p16fb8|&mediapopup=122416984
https://www.google.com/search?q=cartoon+image+for+college+students&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=tGf9rPYlP1WBuM%252Cu-
_DaEB5ruWXGM%252C_&vet=1&usg=AI4_-k
hhtp://www.123rf.com/photo_14504701_kid-reading-open-book.html
https://.gettyimages.com
www.irreverentgent.com
www.huffingtonpost.com
affordassisst.com
ncccelearning.com

56 | Modyul 2: Ang Komunikasyon, Kalikasan, at


ang Pagpoproseso ng Iba’t
Ibang Impormasyon

You might also like