You are on page 1of 9

GNED 11

Modyul

Inihanda ni: G. Cyrel B. Rodriguez, LPT


Guro, CAS-DHum
KABANATA 3: MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON

pagtalakay
Hindi uunlad ang isang lipunan kung walang ugnayan sa pagitan ng kanyang mga
mamamayan. Bilang isang panlipunang nilalang, kailangan ng tao ang iba sa
kanyang natural na pag-iral. Likas na kolektibo ang pagkalalang sa tao. Kung gayon,
esensyal sa kanyang buhay na makipag-ugnayan sa iba upang maisakatuparan ang
layunin ng kanyang eksistens.

aralin 1:
Kahalagahan ng Komunikasyon

Sa lipunan, gabundok ang mga impormasyong patuloy na dumadaloy upang makarating sa iba't-ibang
mga grupo, sa mga ahensiya at sa mga mamamayan. Malay man o hindi, ang mga komunikasyong
nagaganap ay may epekto sa eksistens ng tao bilang mga mamamayan. Mahalaga kung gayon, na
nauunawaan ng bawat isa kung paanong ang mga komunikasyong ito ay nakaapekto sa bawat tao.

Ang mga sumusunod ay matutukoy bilang kontribusyon ng mahusay at masinop na proseso ng


komunikasyon sa lipunan:

1. Ang komunikasyon ay humuhubog sa ating pananaw at sa ating identidad


Ang ating mga pananaw ay nahuhubog sa pamamagitan ng ating mga
kinagisnan at pinagtitibay ng ating mga karanasan.
Dahil sa ating likas na talino na pinatatalas ng ating edukasyon, pormal man o
impormal, nabubuksan ang ating mga kaisipan at nababago din ang ating
pananaw at kalauna’y nababago din an gating identidad.
Iba pang pinagmulan ng pagkahubog ng ating pananaw at identidad: eksposyur
sa mga mahahalagang impormasyon, pakikipag-usap sa mga guro, public
servant, misyonaryo, mga karaniwang tao at mga manggagawa, panonood at
pakikinig sa mga programa sa radyo at telebisyon, at pakikisangkot sa iba’t
ibang plataporma ng social media at internet.

2. Ang komunikasyon ay nag-uudyok sa pagsisimula at pagpapatuloy ng


mga panlipunang ugnayan
Sa pamamagitan ng komunikasyon, nasisimulan ang relasyon sa
pagitan ng dalawang panig upang isulong ang isang hangaring para
sa kapakanan hindi lamang ng magkabilang panig kundi maging ng
pangkalahatang kapakanan ng bayan.
Ang pagpapatuloy ng ugnayan ay hindi nangangahulugan ng pagsuko
ng isang panig sa isa kundi ng mabuting relasyon na tumitiyak sa
kabutihang pangkalahatan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpaparami ng kopya sa modyul na ito ng walang pahintulot ng inyong
guro. Gayundin sa pag-upload nito sa iba't-ibang online websites. - C. Rodriguez
3. Ang komunikasyon ay behikulo ng pagpapalaganap ng kritikal na
impormasyon at kaalamang kultural
Makikita sa maraming pagkakataon na ang komunikasyon ay paraan
upang ang mga mahahalaga at kritikal na impormasyon ay maiparating
sa mamamayan.
Halimbawa ang mga impormasyon mula sa pamahalaan kung saan
magiging mulat ang mga mamamayan sa kalagayan ng bansa o di kaya sa
panahon ng epidemya, maagap ang gobyerno na ipaalam sa mga tao ang
mga nararapat gawin upang makaiwas sa epidemya.
Ang mga kampanya sa radyo at telebisyon at iba ang plataporma ay
nagpapaalala sa mga nakakalimutan ng mga tradisyon, sining at maging
panitik ng bayan.

4. Ang komunikasyon ay nagpapatibay sa isang


kolektibong hangarin ng mamamayan
Kung walang komunikasyon, malabo ang
konsepto ng pagkakaisa. Sa lipunang
naghahangang ng pag-unlad at pagbabago, may
mga planong dapat maisakatuparan.
Mangyayari lamang ito kung naitutulay ng
bawat isa ang mga impormasyon patungo sa iba
pa upang sa gayo'y sila ay magkaunawaan.
Halimbawa nito sa konteksto ng Pilipinas ay ang matagumpay na EDSA Revolution noong 1986.
Naganap ang kolektibong hangarin na siyang nagpasimula sa demokrasyang tinatamasa ng bayan
sa kasalukuyan.

aralin 2:
Tipo ng Komunikasyon

Bilang partisipant sa proseso ng komunikasyon, mahalagang maging malay, kung gayon, sa mga uri o
tipong ito ng komunikasyon upang maiangkop ang pagganap sa prosesong kinasasangkutan. Mauuri
ang komunikasyon sa sumusunod na tipo:

1. Pormal at Impormal na Komunikasyon


Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring batay sa
ekspektasyon sa magaganap ng proseso at sa kung sino-sino at paano ito isasagawa.

Kapag impormal
a. Uri ng wikang gagamitin 1. Hindi kailangang maging mapili sa mga
Kapag pormal salitang bibitawan, subalit kailangan pa ring
1. Inaasahan na mas pino, matalino at ayon sa tumbok nito ang usapan.
rehistro ang wika ng partisipant 2. Hindi rin gaanong inaasahan ang seryosong
2. Inaasahan din na direkta o hindi maligoy at tono.
seryosong tono na pagpapahayag. 3. Higit na mas laya sa ligoy at pamamaraang
nais ang mga partisipant.

GNED 11: Kabanata 3 p.3


b. Balangkas ng Komunikasyon
Kapag pormal
1. Depinido ang balangkas. Hanggat maaari ay sinusunod ang balangkas sapagkat may ekspektasyon
ang mga partisipant sa tiyak na pagkakasunod sunod ng mga magaganap na pangyayari o sa tiyak
na daloy ng impormasyon.
Kapag impormal
2. Higit na may laya naman sa balangkas. Hindi depinido at maaaring mag-iiba-iba ang pagkakasunod
ng daloy ng impormasyon.

2. Berbal at 'Di Berbal na Komunikasyon


Sa pasalitang komunikasyon, kailangang maunawaan ang mga berbal at 'di
berbal na mga senyas. Ito ay mabisang kasangkapan sa paghahatid ng mga
mensahe na nais ipaabot sa madla at kinauukulan.

Berbal na komunikasyon Di-berbal na komunikasyon


1. Mga berbal na simbolo ang siyang 1. Di-berbal na simbolo ang mga hindi salitang
pangunahing nilalaman ng pasulat na ginagamit sa komunikasyon.
komunikasyon. 2. Ang mga ito ay nagbibigay ng higit na diwa
2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng salitang sa mga berbal na simbolo.
(pasulat o pasalita) ginagamit.
3. Maaaring ito ay literal ngunit minsan ay may Ano ang iyong pakahulugan sa katagang "We must
mga nakatagong kahulugan. read between and beyond the lines"?

4. Kinakailangang may kakayahan ang isang tao Ibahagi ito sa ating susunod na synchronous session.
na tumukoyng literal na kahulugan sa hindi.

aralin 3:
Antas ng Komunikasyon

Sa proseso ng komunikasyon, hindi lang ang uri nito ang kailangang


malaman ng mga partisipant. Katulad ng kontekstwalisadong ginagawa
sa mga tipo ng komunikasyon, isinasakonteksto rin ang pag-aantas sa
komunikasyon. Mauuri ang mga antas na ito sa sumusunod:

1. Intrapersonal na Komunikasyon
Likas sa tao na kausapin ang kanyang sarili. Minsan sa pabulong na
paraan, ngunit kadalasan ay sa isip lamang. Tinatawag din itong mental
na repleksyon.

Karaniwang ginagawa ang mga pangyayari sa kanyang buhay o


sitwasyong kanyang kinalalagyan.

Ang antas na ito ay anyo ng pakikipag-ugnayan sa inner self. Sa pamamagitan ng pagmumuning ito,
nalilinawan ang isip ng isang tao at doo'y nagsisimula siyang matauhan at kalauna'y kikilos hindi
lamang para sa kanyang indibidwalistikong layon kundi para sa isang mas malaki at kolektibong
hangarin.

GNED 11: Kabanata 3 p.4


2. Interpersonal na Komunikasyon
Ito ay kinasasangkutan ng dalawa o higit pang tao sa proseso ng
komunikasyon. Ang pinakapayak na anyo nito ay ang pagpapalitan ng
mensahe sa pagitan ng dalawang indibidwal. Maaaring sa pagitan ito ng
magkaklase, magkatrabaho, magkaibigan, mag-asawa, magkapatid o
dalawang estranghero.

Ang ganitong antas ay maaaring nag-umpisa sa mga mababaw na hangarin ngunit napapalalim naman
habang natututo sa mga layong kolektibo at para sa kapakanan ng nakararami.

3. Pangkatang Komunikasyon
Interpersonal din ang kalikasan ng pangkatang komunikasyon. Higit
sa pagiging interpersonal nito, ang ganitong antas ng
komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng isang grupo o pangkat
na kadalasan ay para sa isang komong layon. Kadalasang binubuo
ito ng tatlo hanggang 15 miyembro.

Sa pamamagitan ng ganitong antas ng komunikasyon, maayos na maitutulay ang mga hinaing ng mga
pangkat sa kinauukulan.

4. Pampublikong Komunikasyon
Higit na malaki ang bilang ng mga partisipant ng isang pampublikong
komunikasyon. Dinadaluhan madalas ito ng tinatawag na general public
o mga piling awdyens at may mga tagapagsalita o tagabahagi na
nagmumula din sa iba't-ibang sektor o pangkat.

Ilan sa mga halimbawa nito ay ang padalo sa mga forum o di kaya ay


mga information campaign.

5. Pangmadlang Komunikasyon
Ito ang uri ng komunikasyong may pinakamalawak na nararating. Ito rin
ang pinaka-'di-personal sapagkat may tsanel sa pagitan ng
tagapagpadala ng mensage at tagatanggap nito.

Karaniwang anyo ng daluyan ng impormasyon nito ang telebisyon,


pahayagan o radyo. Sa ngayon, ang internet broadcast ay panguhain na
ring midyum sa ganitong antas ng komunikasyon.

Ang mga ganitong komunikasyon, lalo na kung sala at napili ng tama ay tunay na nakapaghuhubog sa
isip at pananaw ng mga taong tumatangkilik nito at inaasahan mula sa kanila ang kritikal na
pakikisangkot para sa kabutihan ng bansa.

Paano magagamit ang bawat antas ng komunikasyon sa pagmumungkahi ng mga solusyon sa


mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa?

GNED 11: Kabanata 3 p.5


aralin 4:
Sitwasyong Pangkomunikasyon

Maliban sa ating pang-araw-araw na anyo ng ating pakikipag-ugnayan tulad ng


ating pakikipag-usap sa ating mga kapamilya, pag-cha-chat sa Messenger,
pagtawag sa telepono at mga katulad na sitwasyon, nagaganap ang
komunikasyon sa mas malaking espasyo upang maabot ang mga pangkatan,
organisasyonal o mga panlipunang tunguhin ng mga tao.

Sitwasyong pangkomunikasyon ang tawag dito. Ilan sa mga ito


ay ang sumusunod:

LEKTYUR, SEMINAR AT WORKSYAP


Lektyur. Ito ay panayam ng isang taong eksperto sa larangang kaniyang
tinatalakay sa harap ng mga tagapanood. Sa Pilpinas, ito ay iniuugnay sa
akademikong pagkakataon tulad sa pagsasalita ng isang propesor para sa
isang klase sa unibersidad. Ang lektyur ay mas akademiko ang tunguhin.
Ang lektyur ay ginagawa sa mga unibersidad upang mas lalo pa
pagyamanin ang kaalaman ng mga studyante ukol sa isang karaniwang
paksa sa akademiko.

Seminar. Bagama’t walang masyadong pinagkaiba ang seminar sa lektyur, ito ay mas nakatuon sa
paksang pampropesyonal o teknikal. Ang seminar ay mas nakatuon sa pag-unlad na teknikal o
propesyonal.

Worksyap. Ito ang tawag sa isang gawaing pagsasanay sa isang tiyak na kasanayan na isinasagawa
matapos ang isang seminar. Madalas itong tawagin na seminar-worksyap ngunit kung walang
kasamang pagsasanay, itinuturing lamang itong simpleng seminar.

Paano magagamit ang wikang Filipino sa iba't-ibang tiyak na sitwasong


pangkomunikasyon?

Paano makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pananagitan ng


tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino?

FORUM, SIMPOSYUM, KUMPERENSYA AT KONGRESO


Forum. Lugar kung saan puwede pag-usapan at talakayin ng masinsinan ang isang paksa o isyu.
Samakatuwid, ano mang anyo ng talakayan na may layunin na pag- usapan ang isang napapanahong
isyu o paksa upang mas maunawaan ng mga kalahok ay puwedeng maituring na forum.
Simposyum. Ito ay pagtitipon ng hindi kalakihang bilang ng tagapakinig upang making at
makipagtalakayan ukol sa natatanging paksa mula sa iba’t-ibang tagapagsalita. Ang mga
tagapagsalita sa isang simposyum ay kadalasang tumatalakay sa iba’t-ibang perspektiba sa isang
pangkalahatang tema.
Kumperensya.

Ito ay pormal na pagtitipon ng mga tao upang
talakayin ang mga paksa o suliranin at kadalasang nagtatagal
ng ilang araw. Karaniwan ay iisa ang tema ngunit iba-ibang
paksa ang tinatalakay sa isang kumperensya.
Kongreso. Dito may tiyak na isang paksa kaya nagtitipon-
tipon ang mga kalahok ng kongreso.

GNED 11: Kabanata 3 p.6


ROUNDTABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION
Ang mga maliliit na talakayang karaniwang sinasalihan ng
hanggang sampung kalahok at pinamumunuan ng isa
hanggang dalawang facilitator o discussion leader ay
maikakategorya bilang roundtable o small group discussions.

Karaniwan itong isinasagawa na nakaayos na pabilog ang mga


kalahok. Ginagawa ito upang mas manyutralisa ang ideya ng
kapangyarihan sa mga kalahok at higit silang maging
komportable at malaya sa pagpapahayag.

PULONG AT ASEMBLIYA
Pulong. Ito ay regular na pagkikita ng mga opisyal ng
isang grupo. Ito ay kadalasang isinasagawa sa regular
na interbal. Dito pinag-uusapan ang mga isyung
kinakaharap ng organisasyon o kaya upang pag-
usapan ang mga napapanahong plano para sa
ikauunlad ng organisasyon.
Asembliya. Ito ay malakihang pulong na nilalahukan
ng mga miyembro ng isang organisasyon. Ito ay
karaniwang ginagawa minsan sa isang taon.

PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON


Ito ay naging kasangkapan upang higit na mas maraming
mamamayan ang maabot ng mga mahahalagang balita, isyu at
impormasyon na maaaring maging daan ng kanilang
pagkamulat.
Ang pagkamulat na ito ay may kaakibat ding pagpapatalas sa
pag-iisip na mahalaga upang maging aktibo ang bawat isa sa
pakikilahok at pakikisangkot sa mga isyung kinakaharap ng
bayan at lipunan.

Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga programa sa radyo at telebisyon:


i-Witness, Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, Reporter's Notebook, G Diaries,
The Correspondents, Investigative Documentaries, Failon Ngayon, Buhay OFW,
Lingkod Bayan, DZRH Operation Tulong at iba pa.

VIDEOCONFERENCING
Sa video conferencing hindi na lamang boses ang maririnig kundi magkakakitaan pa ang mga nag-
uusap sa pamamagitan ng video.
Ito ay paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga kalahok na
nasa magkalayong lugar.
Bukod sa napapadali ang proseso ng komunikasyon nagagawa din
nito na gawing posible ang mga komunikasyon na hinahadlagan
ng pisikal na espasyo.
Halimbawa nito ay ang Zoom, Microsoft Teams, Google Meet,
Cisco Webex, Discord, at iba pa.

GNED 11: Kabanata 3 p.7


KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA
Sa kasalukuyan ito ang itinuturing na pinakamabilis at pinakamalawak
na paraan ng komunikasyon.
Ito ay isang anyo ng multimidyang plataporma sapagkat ito ay
gumagamit ng mga teksto, video, tunog, larawan at iba pang simbolo sa
pagpapahayag ng mga mensahe.
Sa Pilipinas na binansagang social media capital of the world,
pangunahing nagagamit ang tatlong anyo nito, Facebook, Twitter at
Instagram.

Isa sa mga kilalang personalidad ay ang ikatlong Miss Universe ng Pilipinas na si Pia
Wurtzbach na nanalo noong 2015. Matatandaang sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas
2015, binigyang-diin niya ang tama at responsableng paggamit ng social media at nag-iwan
ng isa sa mga hindi malilimutang kataga ngayon: "Always think before you click."

aralin 5:
Sipat sa Kakayahang Komunikatibo

Ang epektibong pakikibahagi sa mga natalakay na sitwasyong komunikatibo ay maisasakatuparan


lamang kung ang partisipant ay nagtataglay ng mga inaasahang kakayahang komunikatibo. Ang mga ito
ang kanyang pundasyon nang sa gayon ay mahusay niyang maibahagi ang kanyang mga opinyon at
mensahe na inaasahang mag-aambag sa tagumpay ng komunikasyon.

Kabilang sa mga kakayahang komunikatibong ito ay ang kakayahang linggwistik, kakayahang diskoral,
kakayang sosyolinggwistik, at kakayahang estratehiko.

1. KAKAYAHANG LINGGWISTIK
Ayon kay Savignon (1997; sa Bernales, et al., 2016), ito ay tumutukoy sa
kakayahan sa tunog ng wika, pagbuo ng salita at sa gramatika ng wikang ito.
Dapat anila, mahusay na nagagamit ng tao sa antas ng mga pangungusap ang
mga bokabularyo at gramar ng wika. Sa gayon, maihahayag niya nang malinaw
ang kanyang mga iniisip at nararamdaman.

2. KAKAYAHANG DISKORAL
Ito ay ang abilidad na maunawaan at makalikha ng mga anyo ng wika sa
mas malawig kaysa sa mga pangungusap. Ayon kay Saez at Martin (2010;
sa Bernales, et al., 2016), ito ay koneksyon ng isang pangungusap patungo
sa isa pa upang makabuo ng higit na mahabang pahayag.
Kabilang dito ang paggawa ng kuwento, argumentasyon, mga sanaysay,
mahahabang pangungusap, tuluyang pagpapahayag, pag-uulat at mga
katulad na sitwasyon.

Paano at kailan natin masasabi na ang isang tagapagsalita ay epektibo?

GNED 11: Kabanata 3 p.8


3. KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK
Ito ay tumutukoy asa kakayahang maunawaan ang konteksto
ng lipunan kung saan nangyayari ang komunikasyon.
Ito rin ay tumutukoy sa abilidad na ipabatid angmensahe na
may sensibilidad sa kontekstong sosyo-kultural at sa abilidad
na mabigyang-kahulugan ang mga mensaheng nagmumula sa
iba pang kasangkot sa komunikasyon (Fraser, 2010; sa
Bernales, et al., 2016).

Sa kakayahang ito ng komunikasyon, mahalagang tandaan ang


mga prisipyo ng kooperasyon. Ito ay ayon kay Herbert Paul
Grice isang tanyag na philosopher sa larangan ng wika (Grice,
1975; sa Clark, 2007). Ito ay ang sumusinod:

Prinsipyo ng kantidad - tumutukoy sa dami ng imporasmyong kailangang ibigay.


Prinsipyo ng kalidad - tumutukoy sa katotohanan ng ibinibigay na impormasyon.
Prinsipyo ng relasyon - tumutukoy sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.
Prinsipyo ng pamamaraan - tumutukoy sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon.

4. KAKAYAHANG ESTRATEHIKO
Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao na ibalik sa makinis na
pagdaloy ang komunikasyon kapag ito ay nagiging problematiko na.
Mahalaga ito sapagkat hindi maiiwasan sa proseso ng komunikasyon
ang pagkabasag ng maayos na daloy ng impormasyon na nagmumula
sa mga internal at eksternal na hadlang ng komunikasyon.

Kung ikaw ay masasangkot sa isang problematikong daloy ng komunikasyon,


paano mo ito maibabalik sa maayos na daloy?

Sanggunian:
Bernales, R. et al. (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpaparami ng kopya sa modyul na ito ng walang pahintulot ng inyong
guro. Gayundin sa pag-upload nito sa iba't-ibang online websites. - C. Rodriguez

You might also like