You are on page 1of 10

PANIMULANG LINGGWISTIKA

MODYUL 2

PANANAW/INTRODUKSYON
Ang mga ispesipikong pamamaraan sa komunikasyon ay maaaring tawaging tekniko ng
pakikipagtalastasan. Tumutugon sa mga paraang ginagamit ng tao upang makamit ang kanilang
layunin sa pakikipagtalastasan. Karaniwan ding tumutugon sa mga pangunahin at pundamental
na pangangailangan ng sining ng pakikipagtalastasan. Nakasalalay ang mabisang
pakikipagtalastasan sa mainam na paggamit ng mga kinakailangang pakikipagtalastasan.

ANG MGA LAYUNIN

1. Mapalawak ang kaalaman sa paggamit ng tamang pakikipagtalastasan.


2. Magamit ang tamang konsepto sa pakikipagtalastasan.
3. Malaman ang tamang kasanayan sa pagkatuto.

BUOD/MAHALAGANNG KONSEPTO
ANG KOMUNIKASYONG PANTAO
Ang mga ispesipikong pamamaraan sa komunikasyon ay maaring tawaging tekniko ng
pakikipagtalastasan. Ito’y tumutugon sa mga paraang ginagamit ng tao upang makamit ang
kanilang layunin sa pakikipagkomunikasyon. Karaniwan ding tumutugon sa mga pangunahin at
pundamental na pangangailangan ng sining ng pakikipagtalastasan. Kung ganon, nakasalalay ang
mabisang pakikipagtalastasan sa mainam na paggamit ng mga kinakailangang
pakikipagtalastasan.
Bilang nakikipag komunikasyon, nararapat na batid natin kung para saaan ang
pakikipagkomunikasyon,paano ito nagaganap,paano nakikipag-ugnay at nakaaapekto ang iba sa
ating pakikipagtalastasan,ano-anong pagbabago at pakikibagay ang nararapat na gawin upang
mapanatili ang ugnayang pang komunikasyon at paano natin mapananatiling epektibo ang mga
teknikong kaalaman sa pakikipagtalastasan ay natutuhan at napapaunlad, tulad din ng iba nating
kakayahan sa ibang larangan.
Tandaan natin na ang komunikasyong paksa ng aklat na ito’y pantao sa prosesong
pantaong komunikasyon kailangang nakapaloob ang alinman sa mga sumusunod na sitwasyon:
a. Kailangan ang tao sa pakikipagtalastasan
Walang pantaong komunikasyong nagaganap kung wala kahit na isang taong sangkot.
Kapag dalawa ang pag-uugnayan, ito’y tinatawag na komunikasyong diyadiko (dyadic).

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Ang iba pang komunikasyong pantao ay maaaring maganap sa pagitan ng maliliit na
grupo o pangkat at tagapakinig o publiko. Walang nagaganap na komunikasyon pantao sa
pagitan ng mga halaman,mga hayop at s alinmang mga bagay na ating nakikita.

b. Pagbibigay ng kahulugan sa mensahe


Ang salitang mensahe ay maaaring tumukoy sa pangyayari,kilos,sitwasyon,mga bagay na
nakikita, kataga, tunog,larawan,mapa, sanaysay,tao o anumang aktibidades na binibigyan
ng kahulugan. Sa pagbibigay natin ng katuturan sa anumang pangyayari
(tao,galaw,bagay,kaganapan) ay pansarili at mula sa personal na karanasan. Nabubuo ang
kahulugan,sa isipan ng isang tao. Kung isang tao lamang ang nagpapakahulugan,ang
komunikasyong nagaganap ay intrapersonal – ang pagpapakahulugan ay ayon sa
pansariling karanasan.

c. Bawat isa’y nagsisilbing mensahe at nagpapakahulugan


Kapag may dalawa o higit pang tao ang nagkokomunikasyon at nagbibigay ng kahulugan
sa isang pangyayari ito’y tinatawag na komunikasyong interpersonal o transaksyonal. Sa
diyadikong ugnayan , dalawang tao lamang ang nakikipag komunikasyon sa bawat isa.
Sa ganitong sitwasyon, bawat isa sa kanila’y gumaganap na tagapaghatid at tagatanggap
ng mensahe. Sa transaksyonal na komunikasyon,bawat tao’y magkasabay na nakaaapekto
at naaapektuhan ng bawat isa.

d. Nagaganap ang pakikipagtalastasan ayon sa konstekto nito


Bawat pakikipagkomunikasyon ng tao ay maaring maganap sa isang lugar at panahon.
Ayon na rin sa unibersal na kasabihan, ang mga naroroong bagay, pangyayari, sitwasyon,
panahon, ang bumubuo sa konstekto ng pakikipagtalastasan. Na maaaring
makaimpluwensya sa mga taong nauugnayan. Ang masayang usapan ng dalawa o higit
pang tao ay maaaring biglang magbago kapag may dumating na istrangero
-nagbabago ang konstekto ng kanilang komunikasyon. Nagbabago rin ang takbo ng
isipan kung ang pag-uusapan ay paksang nakakalungkot o taong kinamumuhian,ganon
din ang pag-uusap sa loob ng isang tahimik o sagradong lugar kaysa sa magulo at
maingay na lugar, ganon din sap ag-uusap kung may namumuong galit at masakit na
paghihinala at iba naman kung naroroon ang tiwala at tapatan sa isa’t isa.

e. Patuloy ang pagbabago sa komunikasyon


Habang ang mundo’y patuloy sa kanyang pag-inog,ang tao sa kanyang pagtanda,at ang
konstekto sa kapaligiran, patuloy na nagbabago ang ating pakikipagkomunikasyon.
Walang taong nabuhay o nabubuhay ang makadarama ng isang karanasan lamang mula
ng kanyang pagsilang. Tulad din ng buhay at kung paano tayo nabubuhay,gayon din
nagbabago ang ating pakikipagtalastasan

Alinsunod na rin sa takbo ng mga halimbawang talakay sa itaas, masasabing ang


komunikasyon ay intensyonal na naglalayong maimpluwensiyahan ang isipan ,galaw at
kilos ng kausap o kaharap sa pamamagitan ng mga epektibong tekniko sa
pakikipagtalastasan. Maaaring sa mga pamamaraang ginamit sa pakikipagkomunikasyon

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
ay mahulaan ang reaksyon ng tao maging sa berbal o di-berbal na pakikipagtalastasan.
Tandaan natin na ang lahat ng nais na iparating sa kaharap o kausap ay binuo muna sa
isipan ng nagsasalita.

Sa madaling salita, ang komunikasyon ay pagbubuo at palitan ng mensahe. Bawat


mensahe’y binubuo ng mga simbolong sadyang nilikha ng nagpapahatid upang bigyang
hugis at kahulugan ang kanyang ideya at damdamin. Naihahatid ang mga ito sa paraang
berbal o di-berbal na pakikipagkomunikasyon. Sa kabilang dako ang tagatanggap naman
ang nagbibigay pakahulugan sa mga simbolo ayon sa abot sa kanyang sariling pag-unawa
at paniniwala. Ang ganitong mabilis at patuloy na daloy ng palitan ng mga mensahe ay
indikasyon lamang na ang komunikasyon ay dinamiko at transaksyonal na walang ibang
layon kundi higit pang mapaganda ang pag-uugnayan.

Bagamat magkaugnay ang komunikasyong berbal at di-berbal, madali naman


nating makilala ang kanilang pagkakaiba. Ang isang simpleng pakahulugan sa
komunikasyong berbal ay nakasalalay sa lahat ng uring nasusulat o sinasalita
samantalang ang di-berbal ay tumutugon sa lahat ng aspektong hindi ginagamitan ng
salita.

Sapagkat ang lahat ng talakay at gawain sa aklat na ito’y nasa anyong


pasulat,bigyan natin sa puntong ito ng kaunting pahiwatig ang komunikasyong di-berbal.
Maaaring hindi natin batid o di sinasadya subalit higit sa kalahati ng ating
pakikipagkomunikasyon ay naisasagawa natin sa paraang di-berbal at kung ating
pupunahin,nagagawa natin ito araw-araw.

Sa kabuuan ng sistemang pang komunikasyon maraming mahalagang bagay ang


nagagawa ng komunikasyong di-berbal. Maaari itong magbigay ng diin,magpuri,ulit-
ulitin, kontrolin at pagkaminsan maging pamalit sa mga simbolong pasulat. Ang lahat ng
ito’y naihahatid sa pamamagitan ng mga galaw at kilos ng ating katawan. Ilan sa mga
halimbawa nito ang mga sumusunod.:

a. Kilos ng katawan – kabilang ditto ang iba’t ibang ekspresyong ipinahihiwatig ng


mukha,ayos ng katawan at iba pang senyas o galaw ng ibang bahagi ng ating
katawan.

Sinasabing ang mukha ang pinakamadaling sukatan ng emosyon at nadarama ng


tao. Hindi man tayo magsalita, lungkot, pangungulila,kabiguan at tagumpay.
Nababasa rin ditto ang galit, pagkainis. Ang lahat ng ito’y naipahihiwatig ng ating
mga mata, kilay at ibabang bahagi ng ating mukha tulad ng bibig,labi,ilong,pisngi
at baba.

Ang ayos ng ating katawan maging nakatayo o nakaupo ay maaaring


magpahiwatig din ng iba’t ibang kahulugan. Kapagka raw ang balikat ay hukot,
nagpapahiwatig ito na ang mga tao’y isang bigo, may mabigat na problema o

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
sadyang walang kakayahang tumanggi samantalang kapagka ang balikat ay
matikas, nagpapakita ito ng kababaang-loob at pagtanggap.

Ang mga nabanggit na halimbawa sa itaas ay ilan lamang sa maraming


galaw ng katawan na naghahatid ng iba’t ibang mensahe na hindi kailangan ang
mga salita.

b. Tinig – kabilang dito ang tono,lakas,bilis, pag-uulit,ritmo at mga paghinto na


ginagamit ng nagsasalita sa paghahatid ng kanyang mensahe. Ayon sa mga
mananaliksik ang tawag sap ag-aaral nito’y paralinggwistiks kung saan ang
paglilipat ng mensahe ay madaling nauunawaan sa pamamagitan ng pagbabago-bago
ng tinig.

Ang mga paghina at paglakas ng tinig ay maaaring mangahulugan ng


katatagan,pagpapaseksi,kahinaan, pagmamakaawa o pagiging ganap ng kalooban
at isipan. Sinasabing ang mga taong palaging malaks ang boses sa pagsasalita ay
agresibo,mapagdomina, at pagkaminsa bastos. Samantala ang mga may
mahihinang tinig ay ipinapalagay na magalang, mahinahon at maunawain. Sa mga
nasabing halimbawa maaari nating mabatid ang ugali ng isang tao kahit hindi
natin nakikita sa pamamagitan lamang ng kanyang tinig sa pagsasalita. Gayun
din naman, malalaman natin kung siya ay nalulungkot,natatakot, masaya, istrikto
o nagmamalaki.

c. Panlabas na kaanyuan at kasuotan – madali tayong nakapagbibigay ng impresyon


hinggil sa katauhan sa pamamagitan lamang ng kanyang panlabas na kaanyuan at
kasuotan. Hindi man sabihin sa pamamagitan ng mga salita naikakabit agad natin ang
lipad,bakla, tomboy, kagalang-galang ayon sa kanilang particular na anyo at bihis.

d. Agwat at layo – ipinahihiwatig nito ang relasyon ng nagsasalita sa kaharap o kausap.


Kapag malapit na malapit o halos magkadikit napapahiwatig ito ng kapalagayang-
loob, kung halos abot lang ng kamay ay pangmagkaibigan,kung malayo-layo ay pang
sosyal at kapag talagang malayo hanaggang sa naaabot ng paningin ay pampubliko.

e. Pandama - kailangan ng tao mula ng kanyang pagsilang hanggang sa paglaki ang


damahin at dumama. Ang haplos ng ina sa bunso ay mensahe ng pagmamahal. Sa
kaibigan ang kaunting tapik sa balikat ay tanda ng pagkilala at pagtanggap. Subalit sa
ating paglaki ang mga paghipo-hipo ay napapalitan ng pagngiti ng mga mata at iba
pang mga senyas ng ating katawan.

Ang mga nabanggit na paliwanag ay patunay lamang na maraming bagay at


mensahe ang naihahatid sa pamamagitan ng mga di-berbal na komunikasyon at
may mga mensaheng higit na nauunawaan nang hindi kailangan ang mga salita.
Magkagayun man, hindi parin natin maihihiwalay sa pangkalahatang sistema ng
pakikipagtalastasan ang di-berbal sa komunikasyon.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO.
Lahat ng kasanayan sa pagkatuto ay nakapaloob sa pakikinig,pagsasalita, pagbasa at
pagsulat. Kailangan sa isang epektibo at mabisang pakikipagtalastasan sa lahat ng nabanggit na
kasanayan. Magkakaugnay ang bawat isa tungo sa pananatili ng makataong unawaan. Kapag
wala ang una, magiging mabuway ang ang ugnayan. Kailangan ang mga kasanayang ito sa
anumang disiplina.
a. Pakikinig – may nagpapalagay na higit na mabilis ang pakikinig kaysa sa pagbasa sa
paghahanap ng mga kinakailangang impormasyon. Kapag kailangan mo ang isang
mahalagang kabatiran o sagot sa iyong suliranin, humanap ka lang ng eksperto dito at
magtanong at making. At kung sakali hindi ka kontento o may hindi ka naunawaan,
magtanong ka uli at making.

Ang pakikinig ay ang kakayahang kumilala at umunawa ng sinasabi ng iba (Yayang


1993). Pakikinig pa rin ang pinakamadaling paraan sa pagpapaunlad ng kaalaman sa
lenggwahe. Kabilang sa mabuting pakikinig ang pagkilala sa gramatika, bokabularyo at
diin sa pananalita.

Narito ang ilan sa ating mga kinagawiang asal sa pakikinig:


1. Madaling mairita. Kapag nakarinig ng mga salitang hindi ayon sa kanilang
panlasa,naghahanda agad sila ng kaukulang tugon o tuwirang hindi makikinig sa
nagsasalita. May mga tao rin talagang hindi nakikinig sa nagsasalitang hindi nila
gusto o sa paksang taliwas sa kanilang nais.

2. Pag-iwas sa malalim na diskusyon. May mga taong sadyang umiiwas sa pakikinig


kung ang paksa ay mahirap unawain. Nagbubunga ito ng pagkainis sa nagsasalita.

3. Maagang paghusga. Hindi pa man nagsisimula ang pagsasalita, may mga taong
naghuhusga kaagad na hindi kapakipakinabang ang paksa para makaiwas lang sa
pakikinig.

4. Mapaghanap ng mali sa nagsasalita o sa kanyang kasuotan. Ugali na ng karamihan


sa atin na humanap ng mali sa nagsasalita o pintasan ang kanyang kasuotan kaysa
pahalagahan ang kanyang mga sinasabi ito at ano ang kanyang kasuotan.

Kailangan din ng pagsasanay sa pakikinig. Huwag agad mainis. Hayaang makatapos


ang nagsasalita at piliin ang dapat pakinabangan. Pinakamahalaga sa pakikinig ang
unawain ang sinasabi ito at ano ang kanyang kasuotan.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Narito naman ang ilang puntos ng mabuting pakikinig:
1. Pasibong pakikinig. May sapat na unawa ssa himig ng nagsasalita bagamat naka-fokus
ang atensyon sa ibang bagay.
2. Aktibong pakikinig. Buo ang pakikinig sa nagsasalita at sa lahat ng kanyang sinasabi para
sa mabisang pag-unawa ng nilalaman.
3. Masusing pakikinig. Pakikinig na naglalayong makilala ang mga ideyang taglay,
unawain ang tunay sa kathang isip lamang, ang haka-haka sa pangyayari at damahin ang
katayuan at emosyon ng nagsasalita.
4. Pagpapahalagang pakikinig. May pagkalugod na pakikinig sa mga kuwento,
dula,tula,awit,aliterasyon, rima at iba pang sangkap at element ng literature.

Ayon naman kay Rondall Rockey (1983) Malaki ang maitutulong ng Barett para sa higit
pang mabuting pakikinig tulad ng mga sumusunod:
1. Literal na pagkilala o rekol –
1.1 pagkilala o rekol ng mga detalye
1.2 pagkilala o rekol ng mga pagkakasunod
1.3 pagkilala o rekol ng mga pangunahing ideya
1.4 pagkilala o rekol ng mga paghahambing
1.5 pagkilala o rekol ng ugnayan ng sanhi at epekto
1.6 pagkilala o rekol ng kaugalian ng tauhan
2. Paghahaka—
2.1 paghahaka sa mga pantulong na detalye
2.2 paghahaka sa mga pangunahing ideya
2.3 paghahaka sa pagkakasunod-sunod
2.4 paghahaka sa mga paghahambinng
2.5 paghahaka sa sanhi at epekto
2.6 paghahaka sa kaugalian ng mga tauhan
2.7 paghahaka sa kalalabasan (konklusyon)
2.8 paghahaka sa kahulugan ng mga pahiwatig o tayutay
3. Ebalwasyon--
3.1 paghuhusga sa katotohanan at pantasiya
3.2 paghuhusga sa pangyayari at opinyon
3.3 paghuhusga sa kasapatan at katumpakan
3.4 paghuhusga sa kahalagahan
4. Pagpapahalaga—
4.1 pagpapahayag ng damdamin sa balangkas o tema
4.2 paghahalintulad sa mga tauhan at pangyayari
4.3 reaksyon sa ginamit na lenggwahe ng nagsalita
4.4 imahinasyon o paglalarawan

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Malaking tulong sa pakikinig ang pagkuha ng mahahalagang tala. Kadalasang
nakakalimot ang mga estudyante o sadyang tinatamad lamang sila sa pagsusulat habang
mayroong nagsasalita. Kung magsusulat naman ay naiiwan sila ng nagsasalita at nawawala sa
daloy ng paksa. Ang kanilang konsentrasyon ay nakatuon na basta sa pagsusulat ng mga sinasabi
ng nagsasalita at hindi sa pakikinig at pag-iisip.
Kailangan sa pagkuha ng tala ang pagsasanay.Bilang panimula,subukan na magkaroon ng
mga espasyo sa bawat pangungusap sa pagkuha ng tala at pagkatapos ng pakikinig,gumawa ng
isang lagom. Sa ganitong paraan, hindi makakaabala ang pagkuha ng tala sa pakikinig.

b. Pagsasalita – Sa pang-araw-araw na takbo ng pamumuhay,marami ang nagbabalewala sa


kahalagahan ng pagsasalita at pagsulat. Hindi napapansin na kung wala ang dalawang ito
sa pakikipagtalastasan, ang pinakamadaling gawin ay magiging mahirap o imposibleng
magawa, marami rin ang nagsasabi na ang pagsasalita at pagsulat ang mismong tinatawag
na lenggwahe.
Sa mga linggwista, ang pinakasimpleng pakahulugan sa lenggwahe ay mga tunog sa
pagsasalita na ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kapwa. Sa maikling salita, ang
lenggwahe ay pagsasalita.
Ang katatapos na paliwanag sa itaas ang nagpapatotoo sa kahigitan ng pagsasalita
(primacy of language) sa Sistema ng komunikasyon. Walang makapagpapatunay kung kalian
unang ginamit ng tao ang pagsasalita bilang paraan ng komunikasyon at wala ring tala sa
kasaysayan ng anumang subilisasyon sa mundo na naunang gumamit ng pagsulat kaysa sa
pagsasalita bilang paraan ng pakikipag komunikasyon libo-libong taon ang nakaraan
samantalang ang pagsulat ay naimbento, may mga limang libong taon pa lang ang nakaraan.
Ang kahigitan ng pagsasalita sa pagsulat ay makikita pa rin sa katotohanang ang huli ay
nakasalig lamang sa lenggwaheng ginagamit sa pagsasalita. Lahat ng tao maliban lamang kung
may kapansanang pisikal ay makapagsasalita subalit hindi lahat ng tao ay marunong magsulat.
Sa mga linngwistika ang kahigpitan ng pagsasalita ay dumating sa tao sa paraang unti-
unti at natural ang kanyang pagbigkas ay halos awtomatiko at hindi kailangang isipan pa.
Nakapagsasalita ang tao sa madali at natural na paraan tulad ng kanyang nakagawian sa
paglalakad, pag upo, at pagkain.
Ano ng aba ang nangyayari kapag ang tao ay nagsasalita? Ano ba ang kailangan sa mga
sitwasyon ng pagsasalita? Kapag ang tao ay nagsalita, nagpapahatid siya ng mensahe sa
pamamagitan ng lenggwahe. Sa mga sitwasyon ng salitaan, kailangan ang dalawang panig –
isang nagsasalita at isang nakikinig. Isang naghahatid ng mensahe at isang tagatanggap nito. Sa
bawat sitwasyon ng pagsasalita, ang magkabilang panig ay patuloy na nagpapalitan ng papel na
ginaganapan. Minsan ay tagapagsalita, minsan naman ay tagatanggap ng mensahe. Nagkakaroon
ng patuloy na palitan ng mensahe sa pamamagitan ng lenggwahe ng batid ng bawat isa. Ang
reaksyon ng tagapakinig ang nagpapakahulugan ng tagapakinig. Sa mga ganitong sitwasyon
hindi pinaghandaan ang mga sasabihin, ito’y kaswal lamang na namumutawi, basta na lamang
nangyayari.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Iba naman ang sitwasyon kung ang isang tao ay binigyan ng pagkakataong makapagsalita
sa harapan ng publiko o sa isang pagtitipon o isang okasyon. Kailangan ditto ang paghahanda at
ang bawat paliwanag ay naaayon sa paksa. Sakaling may mga punto na malabo sa pandinig, ang
tagapakinig ay maaring magtanong ta ang tagapagsalita naman ay magbibigay ng mga pahabol o
karagdagang paliwanang. Sakali naming may nabigkas na salita o kataga na walang katuturan,
ang nagsasalita ay maaaring huminto ng sumandali at palitan ang mga ito nang di namamalayan
ng tagapakinig. Ang mga pagkakamaling ito ay madaling mabura di tulad ng komunikasyong
pasulat.
c. Pagbasa – Mahirap paghiwalayin ang pagbasa t pagsulat bilang mga aspekto ng
komunikasyon. Kapag epektibo ang pagkakasulat, mabisang naipararating ang taglay na
kaisipan at damdamin; kapag epektibo ang pagkakabasa, mabisa ring nababatid ang
kaisipan at damdamin ng iba. Sapagkat tuwina’y magkaagapay ang pagbasa at pagsulat,
mahalaga sa mabuting sa pagsulat ang mabuting sa pagbasa.
Marami ang nagpapalagay na halos lahat ng dakilang manunulat ay pawing nahilig sa
mabuting pagbasa bago natutong sumulat sa kanilang mga obra. Sina Rizal, Bonifacio, Jacinto at
del Pilar ay pawing nagbuhos ng di mabilang na gabi sa pagbasa ng mga aklat at artukulo mula
sa mga kanluranin sa pagpapayaman ng damdaming makabsa at isipang malaya. Bagamat
walang tuwirang batayang mag-uugnay sa mabuting pagbasa at mabuting pagsulat sapat nang
malaman natin na sa mabuting pagbasa nagsisimula ang binhi ng pagkatoto sa maraming bagay
at larawan.
Hindi madaling matutuhan ang mabisa at epektibong pagbasa. Kilangan ditto ang mahaba at
mahirap na proseso. Dapat nga lang siguro ito sapagkat nasa ating mga kamay ang pagpili at
paggamit ng mga kaisipang laon nang nasulat.
Kailangan sa mabuting pagbasa ang kakayanang makapag konsentrasyon, matalinong
pagtatanong, bigyang buhay ang mga mungkahing larawan at magdugtong ng karagdagang
talakay. Sa dakong huli, kailangan sa mabuting pagbasa na makapag-iwan ng tala at buuin ang
mga ideyang natutunan mula sa mga binasa.
d. Pagsulat – Tulad ng nabanggit sa mga naunang talakayan, ang pagsasalita at pagsulat ay
naghahatid ng mensahe mula sa isang tao tungo sa kapwa subalit malaki ang kanilang
pakakaiba sa mga sa mga kaparaanan. Sa pagsasalita kailangan mol ang na ibuka ang
bibig at bumigkas. Sa pasalitang komunikasyon ang mensahe’y inihahatid sa
pamamagitan ng mga simbolong naririnig. Sa pagsulat ay nakadepende ka sa labas ng
iyong sarili kailangan mo ng panulat, lapis, bolpen. Tayprayter o kompyuter at papel
kung saan inilalagay ang mga nakasulat na simbolo.
Sa pagbigkas ng mensahe ang mga simbolo’y daliang naglalaho sa hangin samantalang sa
pagsulat na paraan ang mga simbolo’y nanatili sa kanilang kinalalagyan. Kung ang pagsasalita at
natutuhan sa natural na paraan, pagsulat ay nangangailangan ng panahon at maingat na pagtuturo
ng tamang paraan sa pagsulat.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon naroon ang magkabilang panig -tagapagsalita at
pagapakinig na patuloy na nagpapalitan ng papel na ginagampanan . Maaaring ulitin, dagdagan o
baguhin ng nagsasalita ang kanyang paliwanag kung hinihingi ng tagapakinig.
Samantala ang sitwasyon sa komunikasyong pasulat ay nakahinto, pagkaminsan,
permanente. Wala dirto ang lantarang palitan ng kuro at salita. Sa sitwasyong pasalita, maaaring
gumamit ang tagapagsalita ng mga di-berbal na lenggwahe sa paghahatid ng damdamin at isipan.
Maaaring gamitin ang mga kamay sa pagtuturo, ekspresyon ng mukha sa paghahatid ng
kasiyahan, pagtango ng ulo bilang pagsang-ayon at pag iling bilang tanda ng pagtanggi. Maaari
pa ring baguhin ang tinig upang ipakita ang galit, tuwa o pagkalungkot. Sa pagsulat, wala ang
lahat na ito. Nakatuon ang konsentrasyon ng manunulat sa mga simbolong nasusulat at wala ng
iba.
Sa halip ng mga nabanggit sa itaas, kailangan sa pagsulat ang kahusayan sa paggamit ng
palabantasa, sining sa pagsasaayos ng mga salita sa pangungusap at pangungusap sa talata.
Kailangan matutuhan ng manunulat ang lahat ng ito para sa epektibong paghahatid ng mensahe.
Ito ring ang mahihirap na hamon sa pagsulat, subalit hindi imposible at maaaring matutuhan.
Kung ang komunikasyong pasalita ay madali at mahirap ang pagsulat, bakit kailangan pang
maging mahusay tayo sa pagsulat? Ano ang kahalagahan ng pagsulat? Dito’y walang isang
katugunan. Narito ang ilan at siguro’y maaari pa nating dagdagan.
Kung walang pagsulat, imposible ang pag-aaral ng kasaysayan. Walang mag-uugnay sa
atin sa nakaraan. Ang mga natipong kaalaman ng sangkatauhan ay mawawala. Napananatili ng
pagsulat ang mga pakikipagsapalaran, kaisipan, at damdamin ng mga dakilang taong patay na.
Sa pagsulat, nalalagpasan ng tao ang kanyang limitasyon sa memorya (memory).
Nakahuhulagpos siya sa imposibling gawaing ingatan sa kanyang isipan ang lahat ng dapat
tandaan. Sa pamamagitan ng pagsulat, naitatala ang mga mahahalagang bagay at maaaring
balikan anumang oras kailangan.
Sa pamamagitan ng pagsulat nagagawa ng tao na makalikha ng masining na komposisyon
at makapagpahayag maging ng pinakamasakit na damdamin o sukdol ng katuwaan. Kung
magkakaganito ang pagsulat ay nakapagpapakilos, nakapagpapatatag, nakaaaliw, o
nakapagbibigay ng inspirasyon. Alinsunod na rin sa mga unang nabanggit, ang pagsulat ang
maituturing na pinakadakila at pinaka mahalagang nagawa ng tao.
Bagamat walang isang tiyak na daan patungo sa wasto at mabuting pagsulat sapat nang
matutuhan natin ang mga kailangan sa paglikha ng isang sulatin. Una, dapat ay mayroon kang
interes o kaalaman sa mga materyales nan ais mong iparating. Ikalawa mayroon kang tiyak na
layunin sa pagsulat. Hindi dapat maging maligoy o haluan ng mga samu’t saring pabulaklak
namaglalayo lamang sa paksa. At nararapat na maging maliwanag ang paksa o tema sa
bumabasa. Kung paksa o tema ay mahirap maunawaan, sa pamamagitan ng mga mumunti subalit
konkretong detalye ang sulatin ay lalabas na maliwanang at di nakakabagot para sa mambabasa.
Tandaan natin ang anumang sulatin ay nararapat na mayroong malinaw na layunin, kaisahan ng
direksyon at kainaman sa sustansya.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!
PANGHULING PAGTATAYA

1. Bakit kailangan ng tao na makipagtalastasan?


2. Ibigay ang apat (4) na puntos na dapat gamitin sa pakikinig.
3. Ano ng aba ang nangyayari kapag ang tao ay nagsasalita?
4. Ano ba ang kailangan sa mga sitwasyon ng pagsasalita?
5.

ANG MGA SUSUNOD NA GAWAIN

Ipaliwanag ang sumusunod na modyul sa mga mag-aaral.

MGA SANGGUNIAN

-Panimulang Lingguistika (Binagong Edisyon 1998)


Ni Veneranda S. Lachica, Ph. D.

OSMEÑA COLLEGES College of Teacher Education


Aspire…Achieve…Advance!

You might also like