You are on page 1of 42

!"#$%&!

'()"%

!
ARALIN 4 (LINGGO 4)
KOMUNIKASYON
Mga Layunin
•Naipaliliwanag ang batayang konseptong nakapaloob sa
komunikasyon.
•Napahahalagahan ang komunikasyon bilang bahagi ng
buhay.
•Nakagagawa ng masusing reaksyong papel tungkol sa
katuturan at kahalagahan ng komunikasyon.
"
ARALIN 4 (LINGGO 4)
KOMUNIKASYON
Tatalakayin sa yunit na ito ang mga mahahalagang
impormasyon na may kinalaman sa komunikasyon upang
higit na mapaunlad at mapalakas ang kasanayang
pangkomunikasyong akademiko ng mga mag-aral. Matapos
na ito ay mabasa at mapag-aralan, inaasahan na magagamit
ng mga mag-aaral ang mabisang pakikipagtalastasan sa
lahat ng larangan at sa lahat ng pagkakataon.

#
Magbigay ng tatlong dahilan kung
bakit nakikipag-usap ang tao.

$
Naging mahirap ang pamumuhay ng sinaunang tao
dahil sa maraming pangangailangan sa mundo ang
dapat pa niyang tuklasin o hanapin. Unang tinuklas
ng tao ang pamamaraan kung paano niya tutugunan
ang pangangailangang pangkatawan; ang pagkain,
damit at tirahan.
Pangangailangan ang dahilan kung bakit
natuklasan ng tao ang apoy. Sa paglikha ng apoy
naipakita ng tao ang kanyang kalikasan. Sa apoy
naipakita ng tao ang kanyang pakikipag-ugnayan sa
hayop man o sa kapwa tao. Sa apoy naganap ang
malaking ugnayan o pakikipagkomunikasyon.
%
&
Ang Komunikasyon o
pakikipagtalastasan ay
isang proseso ng
pagpapalitan ng
impormasyon na
kadalasang ginagawa sa
pamamagitan na tiyak na
sistema ng mga simbolo.
www. Wikipedia.com

'
Ayon sa Webster Isang
Dictionary, ang pakikipag-
komunikasyon ay
pagpapahayag,
ugnayan,
pagpapabatid o pakikipagpala-
pagbibigay ng gayan o
impormasyon sa pakikipag-
mabisang paraan unawaan.

(
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

SA LIPUNAN
Sa isang samahan, mahalaga
ang komunikasyon dahil daan
ito upang magkaunawaan,
malaman ang pagkakatulad
maging ang pagkakaiba.
Pundasyon ng lipunan ang
pamilya.

)
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

SA PULITIKA
Nagsisilbing daan ang komunikasyon
upang mabatid at maunawaan ang
mga suliraning kinakaharap ng
bansa. Sinasabing puhunan ng isang
pulitiko ang kanyang kakayahang
mahimok ang mamamayan na
magtiwala at pamunuan ang lipunang
kanyang ginagalawan.

!*
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

SA PROPESYON
Ang tagumpay ng isang tao sa
kaniyang larangan ay nakasalalay
sa maayos na pakikipag-ugnayan
niya sa mga taong nakapaligid sa
kanya. Sa isang guro, mahalaga
ito dahil ito ang daan upang
mamulat ang isipan ng kanyang
mga mag-aaral.
!!
*+,-.+/0, ,-1!23+,0.4562,
PISIKAL NA PANGANGAILANGAN
Napakahalaga ng komunikasyon sapagkat kailangan
ito para sa pisikal na pangangailangan ng isang
tao. Ang kawalan ng nakapagbibigay-kasiyahang
ugnayan sa kapwa ay nagdudulot ng panganib sa
kalusugan ng isang tao. Nagiging matatag ang isang
indibidwal kung may suporta siyang makukuha mula
sa mga taong nakapaligid at nakasasalamuha niya.
!"
*+,-.+/0, ,-1!23+,0.4562,
IDENTIDAD NA PANGANGAILANGAN

Sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa kapwa, natututunang kilalanin
ang sarili. Ang diwa ng pansariling identidad
ay nagmumula sa kung paano
makipag-interaksiyon sa kapwa.

!#
*+,-.+/0, ,-1!23+,0.4562,
SOSYAL NA PANGANGAILANGAN
Bukod sa pagkilala sa sariling identidad,
nagdudulot ng mahalagang ugnayan sa
kapwa ang komunikasyon. Nabibigyang-
kasiyahan nito ang sosyal na pangangailangan
ng ibang tao tulad ng kaligayahan,
pagmamahal, magandang samahan, paglilibang
at control sa mga kilos.
!$
*+,-.+/0, ,-1!23+,0.4562,
PRAKTIKAL NA PANGANGAILANGAN
Ito ang mabisang paraang magagamit upang maiparating
ang mga praktikal na pangangailanagn ng tao sa araw-
araw. Gamit ito,nagagawang maipaliwanag sa doctor kung
aling bahagi ng katawan ang masakit, nasasabi ang
estilo ng buhok na nais ipagupit, nalalaman ng drayber
kung saang lugar bababa, nakahihingi ng perang
kailangan mula sa magulang at marami pang ibang
sitwasyong nangangailangan ng mabisang
pakikipagkomunikasyon.

!%
ELEMENTO AT PROSESO NG
KOMUNIKASYON
Kinasasangkutan ng mga elemento ang
proseso ng komunikasyon: ang
tagapaghatid, mensahe,
tsanel, tagatanggap, ingay,
pidbak o reaksyon.
!&
1. Proseso ng Pag-iisip—sa
prosesong ito sinusuri, ini-
ebalweyt at pinipili ang paksa
mula sa napakaraming ideyang
nasa kanyang isipan para sa
bubuoin niyang mensahe.
!'
Tagapaghatid—ang
pinanggagalingan ng mensahe
at magsisilbing mensahero
upang ang mensahe ay
maipaabot sa patutunguhan.

!(
Mensahe—ito ang produkto ng
prosesong ginagampanan ng
tagapaghatid na siyang kinalabasan ng
kanyang masusing pag-iisip. Ito rin ang
siyang tinutukoy na buhay ng
komunikasyon dahil ang konseptong
magiging batayan ng pag-uunawaan.
!)
Tsanel o Kasangkapan sa Paghahatid—
anumang mensahe ay hindi mabisang
maipaunawa sa tagatanggap o resiber kung
walang kasangkapang gagamitin sa paghahatid
nito. Maaari itong katawanin ng wika, o ng
anumang uri ng kasangkapang ginagamit sa
komunikasyong di-berbal tulad ng senyas ng
tao, mga bagay na kumakatawan sa isang
kaisipan, mga kulay at simbolo na
nagpapakahulugan sa isang ideya.
"*
Tagatanggap—ang siklo ng
komunikasyon ay hindi mabubuo kung
walang tagatanggap ng mensaheng
ibinibigay ng sender o tagapaghatid.
Tungkulin niya ang pagdedekowd o
pagbibigay-kahulugan sa mensaheng
ipinaaabot ng kanyang tagapaghatid..
"!
Pidbak—positibo man o
negatibo ang ibinigay na tugon
ng tagatanggap, palatandaan
pa rin ito na naging kumpleto
ang proseso ng komunikasyon.

""
"#
$7&1%8
!"#$%&!'()"%
"$
q Uri ng komunikasyon na
ginagamitan ng wika,
pasalita man o pasulat
q Ginagamit ang
makabuluhang tunog at sa
paraang pasalita.
"%
q Tumutukoy sa uri ng komunikasyon
na gumagamit ng pagkilos sa ilang
bahagi ng ating katawan tulad ng
pagkaway, pagtuturo ng direksiyon,
pagtango, pag-iling, pagkindat,
pagngiti, paggamit ng mga bagay at
mga kulay upang kumatawan sa
mga naiisip na nais nating ipahatid.
"&
1 PROXEMICS—distansya o
espasyo ang pinapahalagahan.

Halimbawa: employee at employer

"'
2
CHRONEMICS—oras
ang pinapahalagahan.
Halimbawa: oras na napagkasunduan

"(
3
HAPTICS—haplos ng
kamay.
Halimbawa: Paghaplos sa balikat
kung may problema

")
4
KINESICS—galaw
ng katawan
Halimbawa: pagkaway

#*
5
OBJECTICS—tumutukoy sa
bagay na maaaring
ipahalintulad sa tao

Halimbawa: Ang pagdadala ng ruler sa tuwing nagtuturo.


(Ruler: sumisimbolo sa guro)
(Palakol: sumisimbolo sa magsasaka)
#!
6
VOCALICS—may tunog
Halimbawa: igham, sut-sut (sit-
sit)

#"
7
COLORICS—di-berbal na
komunikasyon na tumutukoy
sa kulay.
Halimbawa: malalaman mo na may pulis
dahil sa kulay ng kanilang uniporme

##
8
OLFACTORICS—tumutukoy
sa amoy.
Halimbawa: amoy sa pabango

#$
9
PICTICS—galaw ng mukha

Halimbawa: masaya, in love, nagagalit,


natatakot

#%
10

OCULESICS—galaw ng
mata
Halimbawa: nagseselos, in love, beautiful
eyes.

#&
11

PARALANGUAGE—ungol
Halimbawa: pagroromansa

#'
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
INTRAPERSONAL
1 Ito ay intrapersonal kung ang komunikasyon
ay nagaganap sa sarili lamang. Kabilang
sa sitwasyong ito ang pagdedesisyon ng
isang tao sa isang paksa. Sa pagtungo sa
pamilihan, nagaganap ang komunikasyon
sa bahaging pipili ang mamimili kung ano
ang kanyang bibilhin.
#(
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
INTERPERSONAL
2 Interpersonal naman ang
komunikasyon
kinasasangkutan na ito
ng higit sa isang tao.
#)
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
3 Ito ay nagaganap sa dalawa o higit pang
tao. Maituturing na nasa anyong ito ang
isang mananalumpati na nagbibigay ng
kanyang masusing talumpati sa isang
bulwagan. Ang mga kakikitaan ng
ganitong uri ng komunikasyon ay ang mga
seminar, kombokasyon at ilang programa
pa. $*
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG NAGAGANAP SA MALIIT NA PANGKAT

4 Kabilang dito ang mga


pagpupulong na isinasagawa ng
isang organisasyon, talakayan
sa loob ng silid-aralan,
paghuhuntahan ng mga
magkakaibigan.
$!
URI NG KOMUNIKASYON BATAY SA KAUSAP
KOMUNIKASYONG PANGMASA
5 ang komunikasyong pampubliko ay nagiging
komunikasyong pangmasa kung sangkot na ang
midya sa paraan ng paghahatid ng mensahe. Ang
SONA ng pangulo ng bansa ay isang halimbawa ng
komunikasyong pampubliko, ngunit kapag ginamit na
ang telebisyon, radio at pahayagan mabibilang na ito
sa ilalim ng komunikasyong pangmasa dahil ang
SONA ay naipaabot na sa kalahatan.
$"

You might also like