You are on page 1of 38

ANO ANG WIKA ?

Ang Wika
• Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong
pantao. ( Hutch)
• Sa pag-aaral ni Constantino (2007), ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
• Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at
damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o
anumang saloobin. ( Mendoza , 2007)
• Sinabi ni Gleason , ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang
tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama
upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
• Naniniwala naman si Dr. Fe Oranes (2002) na matutuhan ang wika
upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang
ginagalawan.
• Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, kaluluwa o
sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa isa't isa.
KALIKASAN NG WIKA
• Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.
• Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o
sagisag
• Ang lahat ng wika ay may estruktura.
• Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
• Ang lahat ng wika ay dinamiko.
• Ang lahat ng wika ay arbitraryo.
YUNIT 1
FILIPINO BILANG WIKA AT
LARANGAN
• Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, ng
kalayaan.
• Ito ang susi ng pagkakaisa at tagumpay ng isang bayan.
• Sa mga nakalipas na panahon, wika ang naging sandata
upang pag-isahin ang mga nag-aalab na puso ng
mamamayang Pilipino laban sa mga mapang-aping
dayuhan na gustong angkinin ang kariktan at kayamanan
nitong ating bayan.
• Ang wikang Filipino ay buháy o matatawag na
dinamiko. - KWF

• Ang wikang Filipino ay nagkaroon ng ebolusyon ng


iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang
saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan ng iskolarling pagpapahayag.
❖ Isinulat ni Gonzales na may apat na facets ang sistema ng
paglinang ng wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson
(1971). Ang paglinang na ito ay binubuo ng kodipikasyon, o
pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin,
istandardisasyon,diseminasyon o pagpapalaganap at
elaborasyon o pagpapayabong nito.

❖ Bahagi ngpagpapayabong ng wika ang paggamit nito bilang


isang wikang panturo at higit sa lahat ay Filipino bilang isang
disiplina o larangan.
❖ Maraming gampanin ang wikang Filipino bilang wika ng
pananaliksik sa agham/siyensya, medisina, komersyo, politika,
matematika, musika at sining.

❖ Bagama’t marami pang walang katumbas na wika sa Filipino,


patuloy pa rin ang pag-unlad sa larangang ito upang
mapagyaman at mapanatili ang ating wika tungo sa umuunlad
na panahon.
FILIPINO BILANG WIKANG
PAMBANSA
Disyembre 30,
1937
Ipinoroklama ang wikang Tagalog
bilang batayan ng Wikang
Pambansa. Ito ay ayon sa Saligang
Batas ng 1935.
Taong
1940
Ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat
ng pampubliko at pribadong paaralan sa
buong bansa.
Batas Komonwelt
Blg. 570
Hunyo 7, 1940 kung saan ang wikang
opisyal ng bansa ay tatawaging Wikang
Pambansang Pilipino.
Setyembre 23,
1955
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay
ang Proklama Blg. 186 nagsusog sa
Proklama nito’y inilipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taon-taon simula Agosto 13-19.
Agosto 13,
1959
ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
ay ibinaba ni Kalihim Jose B. Romero,
Kalihim ng Edukasyon, kung saan ito
ay nagsasaad na ang Wikang Pambansa
ay tatawaging Pilipino.
Oktubre 24,
1967
Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhanang ang lahat ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
pangangalanan na sa Pilipino.
Marso 27, 1968
Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael
M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172
na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga
tanggapan, kagawaran at sangay ng
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino
kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
Pebrero 2,
1987
• Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
tatawaging Filipino.
• Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng
Pilipinas. Sa artikulo XIV, Seksyon 6-7
nasasaad ang mga sumusunod.
❑ Artikulo XIV Konstitusyong 1987
Seksyon 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nalilinang, ito ay dapat na payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
❑ Artikulo XIV Konstitusyong 1987
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng
Wikang Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanatili.
Taong
1987
Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa
lahat ng antas ng mga paaralan kaalinsabay ng
Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong
bilinggwal.
Hunyo,
1997
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V.
Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na
ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging
Buwan ng Wikang Filipino.
Tagalog - katutubong wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas (1935).

Pilipino - unang tawag sa pambansnag wika ng Pilipinas.

Filipino - kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng


Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga
opisyal na wika sa Pilipinas kasama ang Ingles (1987).
Sa kasalukuyan , dahil sa K to 12, sa unang
mga taon sa elementarya , ang
namamayaning wika o inang wika ay ang
(mother tounge) sa bawat rehiyon ang
aktwal na ginagamit panturo , alinsunod sa
patakarang Mother Tounge -Based
Multilingual Education (MTB-MBLE)
primus inter pares o nangunguna sa
lahat ng magkakapantay ang wikang
Filipino bilang wikang pambansa sa
wikang pantulong o auxiliary
kontekstong multilinggwal at
languages
multikultural ng Pilipinas.
“Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” ( Almario, 2014)
na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa
pamamagitan ng pagbibigay diin sa papel ng wikang pambansa
sa mabilis na pagkakaunawaan at pagsibol ng “damdaming
pagkakaisa”.
• Ang Ingles ang pangalawang wika opisyal
lamang na maaaring alisin ng gayong status ng
Kongreso kung ito ay nanaisin nila.
• Subalit ang Filipino ay di maaaring alisin o
tibagin bilang wikang opisyal, ang Ingles ang
maaaring alisin anumang panahong naisin ng
Kongreso.
• Ang wikang Filipino ay susi sa mabisang komunikasyon
at daan sa pagkakaisa ng sambayanan. Sinasagisag nito
ang pagiging isang tunay na Pilipino at tatak ng
pagkamakabansa.

• Sa kabuuan, ang wikang pambansa ay wikang nag-uugnay


sa iba’t ibang pangkat ng mga Pilipino at ito rin ang wika
ng pananaliksik para sa pagyabong ng karunungan at
karanasan ng mga mamamayang gumagamit nito.
FILIPINO BILANG WIKA
NG BAYAN
AT / NG PANANALIKSIK
•Ang wika ay mabisang kasangkapan sa pagpapahayag
ng damdamin at opinyon gayundin sa pagtanggap at
pagbibigay ng impormasyon.

•Ang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat ay


mabisang daan ng komunikasyon, susi ng pagkatuto at
matibay na punyal na gagapi sa pang-aapi at pag-apak
sa ating pagkatao.
• Wikang pambansa ang daan para ang mga ordinaryong mamamayan
upang magkaroon ng kakayahan na makisangkot sa mga programa ng
gobyerno.

• Madaling maisasatinig ang mga ideyolohiyang magtatampok sa sarili,


sa kultura at sa bayan.

• Mas mapadadali ang kaunlaran at mapalalakas ang kapangyarihang


politikal kung mayroong nagkakaisang bayan na binibigkis ng iisang
mithiin at iisang wikang nauunawaan ng lahat.
“Ang wika ay may malaking papel na
ginagampanan sa Pilipinas, sa
kaayusan at sa pag-unlad ng
lipunan.

Dr. Pamela Constantino


Propesor sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas
“May tungkulin ang bawat isa na palaganapin ang
isang kulturang may malalim na pagkakaintindihan
sa isa’t isa gamit ang isang wikang pinagbubuklod
at pinagtitibay ng buong bansa., Wika ang dapat
pagbubuuin tayo, hindi tayo dapat paghihiwalayin.”

“Ano ang Saysay ng Wikang Filipino ”


Artikulo ni Vitangcol III (2019)
❖ Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon.

❖ Sa paglipas ng panahon, napatunayan na ang wika ang


siyang naging pinakamahalagang sandata upang matanto ng
bagong henerasyon ang mga pangyayari at kasaysayan na
naging daan sa inaangking kalayaan.
FILIPINO BILANG
LARANGAN AT FILIPINO SA
IBA'T IBANG LARANGAN
•Ayon kina Haugen (1972) at Ferguzon (1971), isang paraan
ng pagpapayabong ng wika ay ang elaborasyon o
pagpapayabong nito na tinatawag ding intelektwalisasyon.

•Ayon naman kay Constantino (2015) sa aklat ni San Juan et


al. (2019) ang kahalagahan ng intelektwalisasyon ay ang
paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larangan tungo sa
pagpapaunlad hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng
kaisipang Filipino.
• Mas magiging epektibo ang saliksik kung ito
ay nasa wikang Filipino.

• “Filipino, Wika ng Pananaliksik.” Ang


pagdiriwang na ito ay nakatuon sa paggamit ng
wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik.
Mas magiging epektibo ito kung ang bawat
unibersidad ay hihikayatin na gawin sa wikang
Filipino ang mga pananaliksik lalo na ang tesis
at disertasyon. Virgilio Almario
Pambansang Alagad ng Sining

You might also like