Professional Documents
Culture Documents
MAJORSYIP: Filipino
Area: LINGGWISTIKA
LET Kompetensis:
Ang wikang pambansa ay nalinang at patuloy na pinauunlad ar isinusulong ayon na rin sa itinakda ng
Saligang Batas sa probisyong pangwika nito. Basahing mabuti at paghambingin ang mga ito.
Artikulo XIV, seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibinatay sa isa sa umiiral na katutubong wika. Hangga’t itinadhana
ng batas; ang Ingles at Kastila ay patuloy na magiging wikang opisyal.
ANG WIKA
Naniniwala ang mga Antropologo na ang wika ng mga kauna-unahang tao sa daigdig ay
masasabing katulad ng sa mga hayop. Nagsimula ang wika, tulad ng pagsisimula ng kultura, sa simpleng-
simpleng paraan, umunlad nang umunlad sa pagdaraan ng mga taon at naging masalimuot, kaalinsabay ng
pag-unlad at pagiging masalimuot ng kulturang kinatatamnan o kinabubuluhan nito. Iba’t iba ang paniniwala ng
mga palaaral tungkol dito kung kaya’t naniniwala sila na ang buong tao sa daigdig ay nagmumula sa iisang
angkan at ang iba’t ibang wika sa daigdig ay nagbubuhat din sa iisang angkan lamang. Ang Bibliya sa Gen.
11: 1-9 ang pagbabatayan tungkol sa kung papaano lumalaganap ang wika.
o Pagkatapos ng baha sa panahon ni Noah, iisang wika lang ang ginamit ng tao hanggang sa narating
nila ang Babilonia at doon nagtatag ng isang lungsod at nagtayo ng templong-tore na halos umabot
sa langit. Nagalit ang Panginoon dahil sa walang katapusang paghahangad ng tao na matumbasan
ang kapangyarihan ng Panginoon kaya’t binigyan ito ng iba’t ibang wika. Kaya nagsimulang
magkawatakwatak ang mga tao at ang Lunsod ng Babel at Tore ng Babel ay tinawag na City and
Tower of Confusion.
o Iba’t ibang teorya ang nabuo kung papaano nagsimula at lumalaganap ang wika:
Teoryang bowwow, teoryang dingdong, pooh-pooh, yoheho at iba pa
o Eksperimento ni Haring Psammiticus, hari ng Ehipto na nagpakuha ng dalawang bata at inilayo
sa mga tao na walang maririnig na usapan ng tao. Ang unang wikang nabuo nila ay bekos na ang
ibig sabihin ay tinapay. Nagbigay ng kongklusyon si Haring Psamiticus na ang wikang Phrygean ay
mas una at mas matanda sa wikang Egyptian.
Ang Wika - ang ginamit sa pagdukal ng karunungan, sa kanyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Sa wika
ipinahayag ng tao ang kanyang tuwa, lungkot, takot, galit, pag-ibig- ang halos lahat-lahat sa kanyang
buhay
Dalubwika o Linggwista ang tawag sa taong dalubhasa sa wika dahil nag-aangkin siya ng ng mga di-
karaniwang kaalaman at kakayahan hindi sa pagsasalita kundi sa pagsusuri ng wika.
Polyglot - isang taong maraming nalalamang wika ngunit hindi nagpakadalubhasa sa wika.
Agham-wika o dalubwika ang agham ng wika
Kultura - ang karunungan,sining,literatura, paniniwala at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
nananahanan sa isang pamayanan na lumilinang ng isang wikang angkop sa kanilang pangangailangan.
Dito nasasalamin ang mga mithiin at lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya,
kaalaman, at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.
Nauukol sa Gramatika:
1. ‘Arte y Vocabularyo de la Lengua Tagala’ ni Pari Juan de Quiñones -
kaunaunahang pananaliksik na isinagawa ng mga prayle ukol sa wikang Tagalog. 1581
2. ‘Arte y Reglas de la Lengua Tagala’ ni Pari Francisco Blancas de San Jose-
nilimbag ni Tomas Pinpin ( Ama ng Palimbagang Pilipino ) 1610
3. ‘Arte de la Lengua Tagala’ ni Pari Gaspar de San Agustin. 1787
4. ‘Nueva Gramatica Tagalog’ ni Pari Juan Coria. 1872
5. ‘Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala ni Pari Toribio Minguella. 1878
6. Pari Juan de Plasencia, sumulat ng isang Gramatika sa Tagalog, at isang
katesismo sa Tagalog na pinagtibay ng Ecclesiastical Junta noong 1582.
Nauukol sa Talasalitaan:
1. ‘Vade-Mecum o Manual de la Conversacion Familiar Español-Tagalog, Seguido
de un Curioso Vocabulario de Modismos Manileños’ ni T.M. Abella (walang petsa)
2. Vocabulario de la Lengua Tagala’ nina Pari de San Buenaventura - sinasabing ito
ang kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog.
3. ‘Vocabulario de la Lengua Tagala’ nina Pari Juan de Noceda at Pari Pedro de
San Lucar 1754 – pinakamakapal sa mga naisulat noong Panahon ng Kastila.
4. ‘Nuevo Diccionario Manual Español-Tagala ni Rosalio Serrano (walang petsa)
5. ‘Diccionario de Terminos Communes Tagalo-Castellano’ ni Pari Juan Coria 1869
6. ‘Diccionario Hispano-Tagalog’ ni Pedro Serrano Laktaw 1889
Iba pang Pag-aaral:
1. ‘Memorial de la Vida Christiana en Lengua Tagala’ ni Pari Blancas de San Jose
1605
2. ‘Compendio del Arte de la Lengua Tagala’ ni Gaspar de San Agustin 1703
3. ‘Arte de la Lengua Tagala y Manual Tagalog’ ni Sebastian de Totanes 1745
4. ‘Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala’ ni Dr. Jose Rizal 1889
2. PANAHON NG MGA AMERIKANO - Ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging
sanhi ng panibagong pagtingin sa pag-aaral sa mga wikang laganap sa kapuluan. Mga
sundalong Amerikano naman ang naghasik ng ideolohiyang demokratiko. Naging suliranin din
ng mga Amerikano kung papaano mapadali ang ang pagpalaganap at maisakatuparan ang
kanilang mga layunin. Tulad ng mga Kastila, iniisip ng mga Amerikano na sila ang mag-aaral
sa mga wika sa kapuluan kaysa kanilang hintaying matuto ng kanilang wika ang mga Filipino.
Hindi lubhang lumawig ang pagsusuring-wika na isinagawa ng mga dalubwikang sundalong
Amerikano dahil sa pagkakapalit ng pamahalaang militar sa pamahalaang sibil. Pumalit sa mga
sundalong Amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa
pagsusuring-wika dahil karamihan sa mga ito ay propesor sa mga unibersidad sa Estados
Unidos at sa Unibersidad ng Pilipinas na itinatag noong 1908.
CONANT - 1903-1936
o Isa siya sa mga unang nagsagawa ng pag-aaral sa pagpapangkat-pangkat ng wika sa buong
kapuluan.
o Una niyang artikulo sa linggwistika ay tungkol sa mga tunog na f / v sa mga wika sa Pilipinas.
Sinabi niyang karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay walang f / v, mga tunog na karaniwan sa
mga wikang Malay.
o Pinakakilala sa kanyang pananaliksik ay ang kanyang RGH Law in Philippine Languages
1910 at Pepet Law in Philippine Languages 1912 na tumatalakay sa naganap na
pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang wika sa kapuluan.
o RGH Law in Philippine Languages - Karamihan sa mga wika sa Pilipinas ay may tunog
na g sa RGH na katinig, na ang ibig sabihin ay nagiging g sa karamihan ng mga wika sa
Pilipinas ang PMP *R bagama’t ang ilan ay nagiging r, l, o kaya’y y kaya’t ang ginawa ni
Conant ay pinangkat niya ang wika ayon sa kinauwian ng RGH na katinig. Mga wikang G
- Tagalog,Bisaya, Bikol, Ibanag, Magindanao,Sulu Bagobo ( hal. Gamot, ugat,
ikog ) Mga wikang R - Iloco at Tirurai ( ramut, urat, bibir –lip ) Mga wikang L -
Pangasinan, Kankanai, Inibaloi at Bontoc ( lamot, ulat, darala-dalaga, bibil –lip)
Mga Wikang Y - Pampango, Ivatan, Sambal ( yamut, yabi-night, uyat, buyas )
BLOOMFIELD - Higit na kilala ang pagsusuring ginawa niya hanggang sa kasalukuyan ang
pagsususring ginawa niya sa Tagalog.
PAGLALAGOM
Noong panahon ng mga Amerikano anim o pitong linggwista lamang ang nagsagawa ng
totohanang pagsusuri sa mga wika at mga wikain sa Pilipinas. Ang mga linggwistang ito ay
mapapangkat sa dalawa: Ang nasa Pilipinas at ang mga nasa Estados Unidos. Ang
unang mga pangkat ay binubuo nina Conant, Scheerer, Costenoble,Vanoverbergh
at Lopez. Ang ikalawang pangkat ay binubuo nina Blake at Bloomfield.
Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makahulugang tunog o ponema.
Makahulugang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salita sakaling ito ay alisin o palitan.
Kinukulong ang ponema ng virgules o dalawang pahilis na guhit. /a/, / /, /m/. /p/…
Ang Filipino ay may 21 ponema – 16 na katinig at 5 patinig
Ponemang segmental na katinig /p,t,k,b,d,g,m,n, ,s,h,l,r,w,y, /
Ponemang segmental na patinig /i,e,u,o,a/
Ang wikang Filipino ay mayaman sa mga sawikain at salitang patambis . Kung ginagamit
mga ito, ang pahayag ay nagkakaroon ng higit na bisa na kung minsan ay hindi tuwirang masabiang mga
ito.
Ang sawikain (idioms) ay mga salita o pagpapahayg na karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ang mga
pahayag na ito’y nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawat salita, hindi ng ibang kahulugan.
Ang ating lahi, bilang bahagi ng mga taga-Silangan, ay mahilig sa pagsasalita at pagsulat nang
patalinghaga. Ang ating wika, gayon din ang ating panitikan,ay mayamang-mayaman sa mga salitang
ginagamit na patalinghaga na tinatawag nating mga tayutay.
Ang mga karaniwang tayutay ay:
1. Pgtutulad (simile) hal. Ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay para ng walang katapusang araw at gabi.
2. Paghahalintulad (analogy) hal. Ang panghalina ni Anita kay Ben ay katulad ng pang-akit ng bulaklak
sa paru-paro.
3. Pagwawangis (metaphor) hal. Ang panginoon ay aking pastol ngayon at kailan man.
4. Pagmamalabis (hyperbole) hal. Painawi ng nagdaang bagyo ang buong nayon ng Malanday.
5. Pagbibigay-katauhan (parsonification) hal. Kamatayan, nasaan ang bangis mo?
6. Pagpapalit-tawag (metonymy) hal. Bininyagan ng mga Kastila ang buong Kapuluan. (ang kapuluan
ay ipinapalit sa mga Pilipino)
7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) hal. Hiningi ng binata ang kamay ng dalaga. (ang kamay ay
sumasaklaw sa kabuuan ng dalaga)
Mga Sanggunian:
A. Mga Aklat
Abad, Marieta A. at Pricilla C. Ruedas.. Filipino Bilang Tanging Gamit. Mandaluyong City.
National Book Store. 2001
Bevez, Paz M. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo.PNC MEPCO, Fortunato, Teresita F.
Pulitika ng Wika. De La Salle University Press Inc. Malate, Manila. 1991.
Guamen, Pructusa C. et.al. Tanging Gamit ng Filipino. Rex Printing Company, Inc. Quezon
City 1988.
Lorenzo, Carmelita S. et. Al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. National
Bookstore 2002.
Santiago, Alfonso O. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store1994.
B. Journal
Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon. Pambansang Komite sa Wika at
Salin , Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining.
.
1. Dito nabuo ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o mga batas
na nabuo.
A. paglalahat B. pagberipika at pagrebisa* C. pagklasipika D. pagtatanong
5. Ang mga sumusunod ay mga wikang kasama sa pangkat Scandinavian, alin ditto ang di kasali?
A. Welsh ng Wales* B. Danish ng Denmark
C. Icelandic ng Iceland D. Riksmal at Landsmal ng Norway
7. Tawag sa mga tunog na napagkasunduang gamitin ng mga tao sa kahulugang kapwa nila
naunawaan.
A. wika B. idyolek C. dayalek D. arbitraryo *
9. Sa panahong ito kikilalaning Filipino ang bubuuin, idedevelop at pagtibayin batay sa mga umiiral
na katutubong wika at dayalek na may asimilasyon ng mga salitang banyaga.
A. kasalukuyang panahon B. 1987 C. 1973 * D. 1935
10. Alin sa mga wikang ito ng daigdig ang di-nahahaluan ng ibang wika?
A. Korean * B. Niponggo C. Hamitic D. Semetic
11. Proseso ng pagiging magkaanyo, magkakahawig o uniporme ng isang wika para higit na
malawakang pagtanggap at paggamit.
A. ortograpiya B. istandardisasyon * C. Filipino D. lingua franca
12. Alin sa pahayg ang di-kasali sa mga ginawa ng mga lupon para sumuri ng wikang katutubo
bilang batayan ng Wikang Pambansa?
A. mayaman sa talasalitaan B. maraming hiram *
C. maraming gumamit D. wikang ginamit sa paaralan
17. Ang mga sumusunod ay mga batayan sa paggawa ng pagtutulad at pag-iiba ng wika sa daigdig na
maituring na magkaangkan, alin ang di-kasali rito?
A. eksperimento * B. palatunugan C. pagkakahawig D. leksikon
.
1. Dito nabuo ang anumang paglalahat, hipotesis, teorya at prinsipyo, mga tuntunin o mga batas
na nabuo.
A. paglalahat B. pagberipika at pagrebisa * C. pagklasipika D. pagtatanong
5. Ang mga sumusunod ay mga wikang kasama sa pangkat Scandinavian, alin ditto ang di kasali?
A. Welsh ng Wales * B. Danish ng Denmark
C. Icelandic ng Iceland D. Riksmal at Landsmal ng Norway
7. Tawag sa mga tunog na napagkasunduang gamitin ng mga tao sa kahulugang kapwa nila
naunawaan.
A. wika B. idyolek C. dayalek D. arbitraryo *
9. Sa panahong ito kikilalaning Filipino ang bubuuin, idedevelop at pagtibayin batay sa mga umiiral
na katutubong wika at dayalek na may asimilasyon ng mga salitang banyaga.
A. kasalukuyang panahon B. 1987 C. 1973 * D. 1935
10. Alin sa mga wikang ito ng daigdig ang di-nahahaluan ng ibang wika?
A. Korean B. Niponggo* C. Hamitic D. Semetic
12. Proseso ng pagiging magkaanyo, magkakahawig o uniporme ng isang wika para higit na
malawakang pagtanggap at paggamit.
A. ortograpiya B. istandardisasyon * C. Filipino D. lingua franca
12. Alin sa pahayg ang di-kasali sa mga ginawa ng mga lupon para sumuri ng wikang katutubo
bilang batayan ng Wikang Pambansa?
A. mayaman sa talasalitaan B. maraming hiram *
C. maraming gumamit D. wikang ginamit sa paaralan
17. Ang mga sumusunod ay mga batayan sa paggawa ng pagtutulad at pag-iiba ng wika sa daigdig na
maituring na magkaangkan, alin ang di-kasali rito?
A. eksperimento * B. palatunugan C. pagkakahawig D. leksikon