You are on page 1of 3

Ano nga ba ang sikolohiya?

Ang sikolohiya o dalubisipan ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Ito ang siyentipikong pag-aaral ng
kamalayan ng tao at tungkulin nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng
isang tao o pangkat. Ang mga Pilipino, sa kabilang bahagi, ay mayroon ding sariling sikolohiya kung kaya’t
natawag itong “Sikolohiyang Pilipino.”

Saan at paano nagmula ang Sikolohiyang Filipino?

Si Virgilio Enriquez ang tinaguriang “Ama ng Sikolohiyang Filipino”, nag-aral siya ng post graduate sa
Estados unidos" na umuwi sa pilipinas dahil sa mga sinasabi ng mga profesor nito na walang sariling
sikolohiya ang pilipinas". Kayat ang mga masasakit na salita na ng mga ito ang naghudyat kay Virgilio na
hanapin ang pagkatao ng mga pilipino. Na na syang naging dahilan upang itatag ang pambansang
samahan sa sikolohiyang pilipino o pssp noong 1975

Sa kanluraning sikolohiya pinagaaralan duon ang labas na kaanyuan o personalidad pero

Ang sikolohiyang pilipino ay mas malawak dahil pinagaaralan dito ang loob ng kaisipan at panlabas
naman para sa pakikipagkapwa nito.

Sikolohiya ng wikang Filipino

Pagaaral sa katangian ng wikang filipino

batay sa mga ibinigay na halimbawa, masasabi ko na mayroon talagang partikular na sikolohiya ang
wikang Filipino. Kahit na mangibang bansa pa ang isang Filipino at makatagpo ng kapwa niya Filipino
doon ay natitiyak ko na magkakaroon sila ng ugnayan at magkakaunawaan sila sapagkat tinataglay ng
wikang Filipino ang sikolohiya ng mga Filipino na tanging Filipino lamang ang makauunawa. Ang
partikular na sikolohiya ng wikang Filipino ay yaong wika na nagpapahalaga sa pakikipagkapwa-tao, may
katangiang malikhain, may pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa at pagpapahalaga maging sa
kalikasan. Nakapaloob din sa wika ang kultura at tradisyon ng mga Filipino na siyang nagdadala ng
partikular na sikolohiya ng mga Filipino na mamamalas sa wikang Filipino.

Berbal
isang katangian ng mga Filipino ang pagiging magalang, pagpapahalaga sa kapwa lalo na sa mga
nakakatanda. Makikita ito sa paggamit ng “po” at “opo” tulad ng Saan po ang lakad ninyo?, Ano po ang
kailangan ninyo?

Dahil mahalaga para sa mga Filipino ang paggalang, mayroon ding tinatawag na pasintabi bilang
pagpapaalam sa pagdaan sa lugar na pag-aari ng iba upang hindi makaperwisyo ng kapwa at ng di
masamain ang iyong pagdaan. Nagsasabi tayo ng “Makikiraan lang ho.” upang igalang ang karapatang ng
kapwa.

Di-Berbal

Pagmamano-ay isang kaugalian ng pagbibigay-galang sa mga nakatatanda

Ang mga "pagtapik" at "pag-akbay" sa mga Filipino ay isang mahalagang akto ng pakikipag-kapwa. Ang
simpleng gestures na ito ay tanda ng pagmamalasakit, pagdamay at pagsalo o pagsuporta sa naturang
indibidwal.

At Oral

Tunay na lutang na lutang na may sikolohiya ang wika nating mga Filipino sa mga oral na tradisyon at
panitikan. Makikita sa mga bugtong, salawikain, awit, tula, alamat at epiko ang mga pagpapahalaga ng
mga Filipino. Sa bugtong, salawikain at awit, makikita dito ang katangiang pagiging malikhain ng mga
Filipino kung saan ang isang bagay na nakikita niya sa kanyang paligid ay nagagawan niya ng talinghaga at
simbolismo upang maipakita ang katangian ng bagay na tinutukoy nito sa realidad na may layon na
mangaral sa buhay, magpasaya, o manlibang sa kanyang kapwa. Gayundin naman ang mga epiko at
alamat kung saan itinatanghal ang mga pagpapahalagang taglay ng mga Filipino tulad ng pagkakaroon ng
malapit na relasyon sa pamilya, matapang, pakikiisa, pagmamahal sa bayan at marami pang iba tulad ng
Biag ni Lam-ang, isang epiko. Bukod dito, sa mga katutubong panitikan, mababakas ang kultura ng mga
Filipino.
Sino si Zues Zalazar

Bakit mahalaga ang kasaysayan?

Magtatanong ako

Sagot ko- Mahalaga ang kasaysayan dahil ito ay sumasalamin sa kwento at kaisipan natin

At sa pamamagitan nito nakikilala natin ang ating sarili at ang ating bayan. Masasabi lang natin na
minamahal natin ang bayan kung kilala natin ito. Paano mo nga naman mamahalin ang sarili mong bayan
kung hindi mo sya kilala?

You might also like