You are on page 1of 14

UNIVERSITY OF BOHOL

Propesyunal na Pag-aaral

PhD Fil 305


IKAANIM NA LINGGO
Mga Paksa:

Ipinasa ni:

JESON J. GALGO
Doctorate
Ipinasa kay:

DR. MARIA LUISA CLET


Propesor
A. ANG PAGSASALIN NG MGA TELENOBELA SA
FILIPINO (Sining N. Lumbera)
Ang Wika Bilang Kapangyarihan sa Mass Media

Madaling maisagawa ang anumang uri ng komunikasyon sa tulong ng mass


media.
Ang mga kabatirang pangkaunlaran ay kinakailangang nasa wikang Filipino.
Sinusunod ngayon sa National Media Production Center ang patakarang kailangang
isipin at isagawa sa wikang Filipino ang mga kagamitang pangkabatiran. Ang masang
manonood ay bihasa sa Filipino. Nakaragdag sa kanilang kahusayan sa wika ang
pagkakaroon mass media at ng sumusuporta sa pambansang wika. Sa radyo at
telebisyon, patuloy na nangunguna ang mga programang nasa wikang Filipino. Maging
sa larangan ng pelikula, kadalasang dinudumog ang mga pelikulang Filipino.

May malaking kaugnayan sa ating minimithing kaunlaran ang pagkakaroon ng


isang malaganap na mass media. Bukod sa pagbibigay ng aliw, may mas malaking
tungkulin pang ginagampanan ang mass media sa ating lipunan.

Ang katangian ng wika na maging instrumento ng control ay isang realidad sa loob


ng lipunang ginagalawan. Sa usaping kontrol, kadikit nito ang pagpapaliwanag sa papel
ng kapangyariahan (Rubin 1998, 6-7). Hawak ng mass media ang control sa lipunan dahil
ito ang tumitiyak kung ano ang balitang ihahatid sa taumbayan. Sabi nga, “kung ano
sabihin ng grupong makapangyarihan ay may tendensiyang maging tama dahil ito’y
sinabi ng isang makapangyarihan” (Kress 122)

Ayon sa Social Learning Theory, ang tao ay natuto mula sa tuwirang karanasan
tulad ng pag-oobserba o pagmomodelo. Ipinaliliwanag ng teorya na ang pagsisimula ng
pagkatuto ay isang karanasan ng pag-oobserba nang tuwiran o di-tuwiran ng isang
indibidwal. At dahil limitado lamang ang maaring obserbahan sa araw-araw na buhay ng
tao, maari rin nitong makuha ang pagkatuto o paggaya sa kaniyang napapanood sa
telebisyon dahil sa ito ay biswal.
Ang pagbababad sa harap ng telebisyon ay makakapagpaunlad at
makakapagpayaman sa ating pagkatuto sa Wikang Filipino. Nakasalalay ang tagumpay
ng isang wika sa atityud ng mga taong gumagamit nito.

MGA BANYAGANG PROGRAMA NA SALIN SA FILIPINAS

Ang sistemang broadcasting sa Filipinas ay hango at base sa sistemang


“commercial sponsorship.” Isa itong Sistemang karaniwan ginagawa sa radio o telebisyon
upang mamalagi sa himpapawid ang isang programang umaasa sa anunsiyo o
advertiser.

Ang soap opera o telenobela ay isang uri ng dugtungang drama sa telebisyon na


ipinalalabas araw-araw, kadalasan ang target na manonood ay ang masa. Mauugat ang
simula ng soap opera sa pagpapalawak at lumalawak na relasyon ng industriya ng
telebisyon sa kaniyang manonood (Moore, 1993).

Dahil nasanay tayo na tingnan ang telebisyon bilang iskrin lamang, hindi natin
namamalayang binabasa na pala nito ang ating isipan. Habang nakatunganga tayo sa
mga larawang nagdaraan sa iskrin sa ating harapan, nakabilad ang ating kaluluwa at
kinakalkal ng palabras ang ating mga sekretong mithiin. Akala natin ay gawa-gawang
buhay lamang ang nasa iskrin, iyon pala ay may dambuhalang matang nakamsid sa atin,
at inaalam kung ano ang mga kahinaan at kaukulang puwedeng samantalahin upang
mapanood tayo ng palabras ng tusong prodyuser (Lumbera 2000)
Ang mga sumunod na mga banyagang telenobela ay sumikat din gaya ng:

Sa pagkakitang malakas ang hatak ng ganitong programa sa mga manonood,


isinunod isalin ang mga Japanese cartoon gaya ng:
Sa nakalipas na mga taon, dahil sa naging napakataas na rating ng ganitong mga
programa, ang mga Chinese Telenobela gaya ng Meteor Garden at Korea telenobela
gaya ng West Side ay pumasok na rin sa industriya.

Sa ngayon, ang 80% ng mga programa sa telebisyon ay nasa wikang Filipino na


(Tauro 2000). Isang bagay na ipinagpapalagay na nakabuti sa popularisasyon ng ating
wikang pambansa. Dito napapatunayang napakalaking impluwensiya ng mass media,
partikular ang telebisyon, sa ating lipunan.Naging katanggap-tanggap ang wikang Filipino
sa mga manonood nang hindi sapilitan.

BAKIT NAGSASALIN?

Dahil wikang Filipino ang wika ng masang Filipino, ang mga programang
pantelibisyon ay dapat nasa Filipino rin. Kailangan ng mga T. V network na gumamit ng
wika na angkop sa pangangailangan ng naghaharing-uri upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan. Ibig sabihin kailangang suyuin ng mga TV network ang masang
manonood, dahil ito ang bumubuhay sa kanila o naghahatid ng kita.

Ang pagpili ng isang wikang gagamitin ng isang partikular na lingguwistik norm na


nakatutulong sa pagpapanatili ng pagiging lehitimo ng isang itinuturing na opisyal na wika
(Rubin 1998).

Isinasalin ang mga programang pangtelebisyon upang maging kaakit-akit sa


masa. Iyon bang hindi na kailangang pag-isipan o pahirapan ang mga manonood na mula
sa uri ng D at E na karaniwang hindi nakapagtapos ng pag-aaral kung kaya’t mahina o
hirap sa pag-intindi ng ingles.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang wikang ginagamit sa mga programang pantelebisyon ay siyang panukat sa


kaunlarang natamo ng bansa. Makikita sa uri at estilo ng wika sa mga telenobelang ito
ang nangingibabaw na pag-unlad ng Filipino bilang wikang Pambansa.

Dahil sa paniniwalang ang mass media ay isang mabisa’t napakaimpluwensiyal


na bahagi ng lipunan, itinatagubilin ang mga sumusunod:

1. Nararapat na mapagtibay ng batas ang pamahalaan na nagsasaad na lahat ng


gagamiting wika sa telebisyon ay nasa wikang Filipino, lalo na kung ito’y mga
programang pang-aliw. Ang mga balita ay dapat na nasa wikang Filipino rin,
maglagay na lang ng mga subtitle sa Ingles kung talagang kailangan.
2. Ang pagkakaroon ng estandardisasyon sa gamit, baybay, panghihiram ng wikang
banyaga sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
3. Kinakailangan ang pagtataas ng uri ng wikang ginagamit sa telebisyon dahil malaki
ang impluwensiya nito sa manonood.
4. Ang pagtatatag sa isang board na siyang sinusuri sa wikang ginagamit ng mass
media.
5. Ang pagbibigay ng insentibo, pagsasanay, pagdaraos ng mga seminar work-shop
para sa mga tagasalin ng mga TV network upang lalong mapaghusay ang sining
ng pagsasalin.
6. Gawing espesyalisasyon ang pagsasalin ng mga akademya upang ang wikang
Filipino na ginamit sa media ay maiangat at ma-intellectualize.
7. Magkaroon ng tuwirang paraan upang higit pang mapalaganap at mapayaman ang
wikang pambansa kung patuloy na magpapalabas ng ganitong mga programang
pantelebisyon kung ito’y inaayon sa estandardisadong wikang ginagamit.

Sanggunian:

Rosuelo, A. (2014). Ang Pagsasalin ng mga Telenobela sa Filipino.


https://prezi.com/pvywsszxcfbh/ang-pagsasalin-ng-mga-telenobela-sa-filipino/
B. PAGPAPLANONG PANGWIKA AT
INTELEKTUWALISASYON

Language planning is deliberate language change; that is changes in the systems


of language code or speaking or both that are planned by organizations that are
established for such purposes or given a mandate to fulfill such purposes. As such,
language planning is focused on problem solving and is characterized by the formulation
and evaluation of alternatives for solving problems to find the best decision. In all cases,
it is future-oriented.

Wikang Filipino

Ang wikang Filipino bilang akademik ng wika ay isang barayti ng Filipino na


ginagamit sa larangan ng domeyn ng edukasyon, ito ay ginagamit bilang wika ng
karunungan sa edukasyon.

Pagpapalanong Pangwika

• isang suliraning kailangang hanapan ng lunas


• hindi ito kailangang iasa sa panahon. Sinasadya ito.

Elaborasyon ng Wika

Proseso ng pagunlad at pagbabago ng istraktura at gamit ng wika.


• ang pagbabago ng ispeling o pagbabaybay. Ang tuluyang paggamit ng wikang
Filipino sa larangan ay unti unting nagreresulta sa pagmodernisa at
pagiintelektwalisa dito.

Ayon kay Fishma (1974), ang pagpapalano ng wika ay nakadepende ng malaki sa


elaborasyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng intelektwalisasyon ng mga
terminolohiya.

Tungo sa Mabisang Paggamit ng Filipino sa Akademya

Panghihiram sa wikang dayuhan (ingles).


• Ponetik (tunog)
• Morpenik (pantig o salita)
• Sintaktik (pangungusap)

Intelektwalisasyon – Pagpapayaman sa bokabularyo ng wikang Filipino upang


magamit ito sa kasangkapan sa talakayang intelekwal.
• Pagsasalin (east-silangan)
• lubusang panghihiram (xerox-xerox)
• transliterasyon (computer-kompyuter)

Sanggunian:

Barromn, J. (2014). Pagpaplanong Pangwika, Elaborasyon at intelektwalisasyon.


https://prezi.com/2wygmgcmdbqw/pagpaplanong-pangwika-elaborasyon-at-
intelektwalisasyon/
C. TUNGO SA PAGBUO NG FILIPINONG
DISKURSONG PANGKALINANGAN (Rosario
Torres-Yu)
Kasalukuyang inaabala ang mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino ng “Problema
ng Intelektuwalisasyon ng Filipino”. Kunektado ang pamomroblemang ito sa mga hakang:
1. Ang intelektuwalisasyon ay mas mataas ng antas ng pag-unlad ng isang wika paris
ng naabot na ng wikang Ingles, ang wikang kakumpitensiya ng wikang Filipino;
2. Hindi pa intelektuwalisado ang wikang Filipino ngunit kaya nitong marating ang
antas ng pag-unlad na ito;
3. Ang malaganap na paggamit ng wikang Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad ay
susunod sa pangyayaring intelektuwalisado na ang wikang Filipino (o ang
kabaligtaran nito).

Mahahango sa kasalukuyang literature tungkol dito ang salitang intelektwalisasyon sa


mga kahulugang;
1. Ginagamit na ang wikang Filipino ng mga intelektuwal at dalubhasa sa kanilang
diskurso;
2. May sapat na terminong teknikal na maitatapat sa mga hihiram sa wikang Ingles
o iba pang wikang dayuhan;
3. May sapat na bokabularyong magagamit sa pagpapahayag ng abstraktong
kaisipan;
4. May modernong alpabetong makakaangkop sa pagpasok ng mga salitang
hihiramin sa ibang wika.
Filipino na nga ba ang wika ng dalubhasa?
Walang dudang gumigiling na ang proseso ng intelektuwalisasyon sapul pa noong
gamitin ang wiknag Filipino sa iba’t ibang disiplina ng agham at Agham Panlipunan kung
ang mga binanggit ang pagbabantayan. May modern nang alpabeto ang wikang Filipino
na inaasahang sasagot sa pagbabagong magaganap dito. Ginagamit na rin ito ng mga
dalubhasa at iskor. Isaalang-alang ang katunayan na sa Unibersidad ng Pilipinas, mula
pa noong 1974 ay may tatlo hanggang limang tesis na pangmaster ang isinulat sa wikang
Filipino sa bawat taon (Abueva 1992). Ginagamit na rin ang wikang Filipino sa mga
pagtalakay ng mga abstraktong kaisipan sa Agham Panlipunan na ginagamit ang wikang
Filipino sa pagpapaliwanag ng mga konseptong banyaga paris ng need achievement,
personality, autarcby, absolutism, langue, parole at marami pang iba. Maging sap ag-
aaral ng panitikan at wika ay nangyayari na rin ang paggamit ng pamamaraan sa
semyotika, hermenyutika at pag-aaral ng ideolohiya. Halimbawa ang Seminar sa mga
Teorya ng Panitikan: Tradisyunal at Makabago na isinagawa ng Literary League of the
Philippines, Pebrero 5-12, 1989).
Isaalang-alang pa rin ang sarbey ng Sentro ng WIkang Filipino ng UP. Sinasabi
nitong malaganap na nga ang paggamit ng wikang Filipino sa Agham Panlipunan sa
pangunahing kampus ng UP Diliman (Daluyan, Nobyembre-Disyembre 1990). Sanayon
dito:
Sa Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP), nangunguna
na ang mga Departamento ng Linggwistiks, Ksaysayan, Sikolohiya at Sosyolohiya.
Sa Kasaysayan, parehong 96 porsyento ang ginagamitan ng Filipino sa mga
seksyon ng Ksaysayan 1 at Sibilisasyong Asyano, pati na rin sa mataas na antas.
Sa gradwadong kurso, sandaang porsyento ang gumagamit ng Filipino. Sa
Sikolohiya, sandaang porsyento sa kaguruan ang nagtuturo sa 59 porsyento ng
mga kurso; sa Sosyolohiya naman, parehong 78 porsyento sa kurso at kaguruan
ang ginagamitan ng Filipino (Daluyan, 1990, p. 13).

Nalaman din sa sarbey na ito na “43 porsyento ang may wordlise 20 porsyento
ang may batayang aklat sa Filipino, 43 porsyento ang may orihinal na gamit panturo, at
50 porsyento ang may komite ng wika.” (Daluyan, 1990, p. 13)

Sinasabi ng mga pangyayaring nabanggit na tila hindi na problema at lalong hindi


na alamat ang intelektuwalisayon ng Wikang Filipino. Nangyayari na ang iba’t ibang
bahagi ng prosesong ito. At kung nangyayari na ito sa UP na nangahas na magpatupad
ng Palisi sa Wikang Filipino, sa pamumuno ni Pangulong Jose V. Abueva, maalamng sa
sumusunod na rin ang iba pang nangungunang institusyon ng edukasyon sa bansa. Ito
naman ay kung totoong sumusunod lamang ang iba sa UP. Mainam ding malaman sa
tulong ng masinop nap ag-aaral ang nangyayari sa iba pang institusyon ng mataas na
antas ng edukasyon.

Sanggunian:

Cristyl (2020). Filipinong Diskursong Pangkalinangan.


https://www.scribd.com/document/443247072/Filipinong-Diskursong-
Pangkalinangan-ni-Rosario-Torres-Yu
D. ANG ESTANDARDISASYON NG WIKA AT
ANG PAGSUSULONG NG FILIPINO SA
AKADEMYA
Sanggunian:

Uichangco, M.F. (2014). Pagpaplanong Pangwika sa Pilipinas at Ibang Bansa.


https://www.coursehero.com/u/file/63531999/written-Fil-
205docx/#question

You might also like