You are on page 1of 39

Panitikan

Pinaghanguan ng Panitikan
• Titik – Litera
• Pang” Titik”an
• Pan”itik”an – ( d,l,r,s,t )
• Panitikan
Ang Panitikan sa Mga Manunulat
• “ Ang Panitikan ay nagpapahayag ng
damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang
bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan
ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha

( G. Azarias )
• “ Ang Panitikan ay nasusulat na mga
tala ng pinakamabuting kaiisipan at
damdamin. “
( W.J.Long )
• “ Ang Panitikan ay Bungang-isip na
isinatitik.”
( G. Abadilla )
• Ayon naman kay Salazar ito ay isang
lakas na nagpapagalaw sa lipunan at
maaaring magpalaya ng isang ideya
nagpupumiglas makawala.
• Batay naman sa Webster Dictionary
ito ay ang anumang anyo nasusulat
sa anyo mang patula/tuluyan sa
isang partikular na panahon. 
Kahalagahan ng Panitikan
1. Upang ang magagandang kaugalian, kultura’t
tradisyon na ikinaiiba natin sa ibang lahi at mas
makilala ang ating sarili bilang pilipino.
2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo
ay may mga mahuhusay na manunulat na
hindi papahuli sa mga manunulat ng ibang
bansa o lahi.
3. Upang mabatid ang sariling kahusayan sa
panitikan gayundin ang ating mga kapintasan at
kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng
mga tao.
4. Upang mabatid natin ang magaganda at
mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa
gayon ay matutuhan nating pahalagahan at
pagmalasakitan ang mga ito.
5. Upang tuklasin ang ating aydentidad bilang mga
Pilipino. 
6. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal
sa sariling kultura at pagmamalasakit sa sariling
panitikan.
Ang panitikan ay maaaring
nakasulat at di – nakasulat.
Anyo ng
Panitikan
Dalawang Anyo
ng Panitikan

Tuluyan Patula
Anyong Tuluyan
 ito ang anyo ng panitikan
napatalata o karaniwang takbo
ng pangungusap at gumagamit
ng payak at direktang paglalahad
ng isipan.
Mga Uri ng
Anyong Tuluyan
Mitolohiya
 kwento hinggil sa
pinagmulan ng sansinubukan,
diyos at diyosa at iba pang
mga mahiwagang nilikha.
Alamat
 kwento na nagpasalin-salin
sa bibig ng mga tao at
karaniwang tungkol
pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
Anekdota
 kwento na ang pangyayari
ay hango sa tunay na
karanasan, nakawiwili at
kapupulutan ng aral.
Sanaysay
 akdang tumatalakay sa isang
paksa at naglalayong
maglahad ng opinyon o
pananaw. Maaring pormal o
di-pormal ang paglalahad
Talambuhay
 akda sa
kasaysayan ng
buhay ng isang tao.
Pabula
 kwentong may aral
at hayop ang
pangunahing bida.
Parabula
 kwento hango sa banal na
kasulatan na naglalayong
mailarawan ang isang
katotohanang moral o ispiritwal sa
isang matalinghagang paraan.
Dula
 kwento na isinulat para
itanghal sa entablado may
mga tauhang gumaganap na
naglalarawan ng buhay o
ugali ng tao.
“ Kahapon, Ngayon, at
Bukas”
ni Aurelio Tolento
Maikling
 Kwento
kwento na nag-iiwan
ng isang impresyon o
kakintalan sa
mambabasa.
Nobela
 kwento na mahaba,
maraming tauhan, at
tagpuan na nahahati
sa mga kabanata.
“ Banaag at Sikat”
ni Lope K. Santos
Talumpati
 salaysay na sinulat upang
bigkasin sa harap ng maraming
tao na may layuning umakit,
humikayat, at magpaliwanag.
Balita
 paglalahad ng mga pang-
araw-araw na pangyayari
sa lipunan at maging sa
ibang bansa.
Ulat
 nasusulat bunga ng
isinasagawang pananaliksik
, pagsusuri, at pag-aaral.
Anyong Patula
 ito ang anyo ng panitikan na
pataludtod, may sukat at tugma
o malayang taludturan at
gumagamit ng masining at
matalinghagang salita.
TULANG PASALAYSAY
Isang uri ng tula na
nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng
mga taludtod. Naglalahad ito ng
mga tagpo o pangyayari.
Ang ilang uri ng pasalaysay:

• Epiko - tulang pangkabayanihan sa isang lugar.


• Balada - uri ng tulang pasalaysay na malunkot ang
namamayaning damdamin sa mga pangyayari.
• Awit- nagsasalaysay pa rin na may lalabindalawahing
sukat.halimbawa Florante at Laura.
• Korido- tulang pasalaysay na may wawaluhing sukat.
Halimbawa Ibong Adarna
TULANG LIRIKO
-ito ay ang tula ng damdamin na
nagpapakita ng matinding emosyon ng tao.
Katulad ng pag-ibig, kabiguan,tagumpay,
kalungkutan, kaligayahan. Ito ay isang uri
ng tula na payak at maikli lamang.
• Awiting Bayan
-tinatawag ring kantahing-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong
ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Halimbawa
ng mga awiting ito ay Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay
Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Manang Biday at Paruparong Bukid.
• Soneto
Ito ay ang tulang tungkol sa damdamin at kaisipan ito ay may
14 na taludtod, dito ay may mapupulot na aral ang mga
mambabasa
• Elehiya
ang tulang ito ay tungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati
 lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang buhay
• Dalit
Ang tulang ito ay kilala bilang awit sa pagsamba sa anito,
Ito ay awit ng papuri sa DOyos o di kaya naman ay sa
Birheng Maria na ina ng Diyos o a Relihiyon.
• Pastoral
Ito ay ang tulang tungkol sa bukid.
• Oda
Ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin, ito ay walang tiyak na bilang ang pantig at
taludtod.
TULANG PATNIGAN
Isang uri ng tula na
nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng
mga taludtod. Naglalahad ito ng
mga tagpo o pangyayari.
• a. Balagtasan

Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang


pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa
karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan 

Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na


kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang
taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng
singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo

Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa


pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang
pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga
kasabihan. 
TULANG PANTANGHALAN O
PADULA
Karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay
patulang ibinibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula na maaaring makatulad
ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa
pang-araw-araw na buhay.
• Komedya
• moro- moro
• Senakulo
• Trahedya
• Tibag
• Panunulayan

You might also like