You are on page 1of 11

TALINGHAGA

Inihanda ni:
ROGER D. SALVADOR, LPT
TALINGHA
•Talinghaga ang mga pahayag na
kung saan may nakatagong
kahulugan.
• Ang talinghaga ay kalipunan ng mga salita na
nagpapatungkol sa isang bagay o pangyayari sa
paraang hindi direkta. Gumagamit ang isa ng
malalalim na mga pananalita o paglalarawan upang
patingkarin ang katangian ng paksa.
• Sa mga tula ay madalas gamitin ang talinghaga
anupat kinakailangang suriin ang katangian ng  mga
gagamiting salita at halimbawa upang magbigay ng
kaakit-akit na kahulugan. 
Para kay L.K. Santos, may dalawang uri ng talinghaga: una, ang mababaw;
at ikalawa, ang malalim. Ang una’y tumutukoy sa madaling maunawaan ng
nagbabasa o nakikinig; samantalang ang ikalawa ay nangangailangan ng
malalim na pag-iisip at tuon upang maunawaan ang kahulugan. Ipinanukala
naman ni Virgilio S. Almario na sinupin “ang mga butil ng halagahan,
paraan ng pahayag, at tayutay na ginagamit noon ng mga makatang
Tagalog.” Sa pamamagitan nito’y mauunawaan ang talinghaga, malilinang
ang anumang maituturing na katutubo at mapauunlad ang anumang
kabaguhan. Ang paliwanag ni Almario hinggil sa talinghaga ay nakapaloob
sa aklat na Taludtod at Talinghaga (1991). Ipinaliwanag niya roon ang
pakahulugan at ang mga mekanismo ng talinghaga sang-ayon sa naging
gamit nito sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan.
• Ang “talinghaga,” ani Almario, ay ang “buod ng pagtula. Ito ang utak
ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng
salita habang isinasagawa ang tula. Sa gayon, napaghaharian nito ang
pagbukal at pagdaloy ng diwa gayundin ang kislap ng tayutay at
sayusay na isinasangkap sa pagpapahayag.” Mabigat pa rin ang
paliwanag ni Almario, at para masuhayan ang gayong pahayag ay
gagamitin niya ang “panloob at panlabas na puwersa” na pawang
kaugnay sa paglalarawan o pagsasalaysay ng tula, at nakaaapekto sa
pagsagap sa isang bagay, pangyayari, o persona. Ang panloob na
puwersa ay mahihinuhang may kaugnayan sa mga salita o sagisag na
ginagamit sa loob ng tula, samantalang ang panlabas na puwersa ay
may kaugnayan umano sa anumang umaantig o nakaaantig sa diwa o
guniguni.
HALIMBAWA NG TALINGHAGA

• Pusong Mamon- mabait, may


ginintuang puso
• Magsunong ng kilay-
magsumikap/mag-aral nang mabuti
SUKAT
- Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod /linya.

Halimbawa:
Na/sa Di/yos ang/ a/awa- 7 pantig
Na/sa ta/o ang/ ga/wa/- 7 pantig
Ang Pakpak ng Buhay
ni: Jose G. Katindig
I
Sa pugad ng isang pag-ibig na wagas,
Nila kung inakay na buto at balat,
Ikaw’y inaruga’t minahal nang ganap,
Isip mo’y nilinang, buto’y pinatigas,
Kaya’t nagging ibong matibay ang pakpak
II
Nang maging ibon ka’t ang pakpak na angkin,
Ay nalilipad na ang ibig liparin,
Sa mga tagumpay ay lubos kang nalasing;
Pugad na nilikha’t tinangkang gibain,
Ang nagpalang kamay, ibig nang tukain.
III
Sa ganang gawa mo’y dapat matalastas,
Na di naman laging iyo ang itaas;
Bagwis, pag nasira’t nabali sa lipad,
Ikaw at ang madlang papuri’t palakpak,
Sa lupa’y pasubsob na magsisilagpak.
IV
Sa pagkahibang mo sa lakas na angkin,
Nagbigay ng lakas, dinusta’t inuring,
Nilimot mong ganap ang salawikaing;
“Sa pinanggalingan, ang hindi tumingin,
Sa paroroona’y di makararating
(Halaw mula sa Book I ni C. S Canonigo)

You might also like