You are on page 1of 2

Ano ang 

Sanaysay?
Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay
naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan,
naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa. Isa rin
itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid ang iyong
saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.

2 Uri ng Sanaysay
Ito ay may dalawang uri: ang pormal at di-pormal.

1. Pormal

Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing


pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at walang halong
biro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay tungkol
sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.

2. Di-pormal

Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang araw-


araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa. Binibigyan diin
nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa isang paksa kung saan
mababakas ang kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang siya
sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling maintindihan.

Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang paksa ng


di-pormal na sanaysay.

Mga Bahagi ng Sanaysay


Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at wakas.
1. Simula/Panimula

Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy
ng mambabasa ang kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat mapukaw
na ng may-akda ang damdamin ng mga mambabasa.

2. Gitna/Katawan

Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng


may-akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang
paksang tinatalakay o pinag-uusapan.

3. Wakas

Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng


sanaysay. Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan
ang mga tinalakay sa paksang pinag-usapan.

Mga Halimbawa ng Sanaysay


 Tungkol sa Pag-ibig
 Tungkol sa Pamilya
 Tungkol sa Kahirapan
 Tungkol sa Kaibigan
 Tungkol sa Wika
 Tungkol sa Kalikasan

You might also like