You are on page 1of 12

SANAYSAY

Ano ang Sanaysay?

• Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan


ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan,
naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa.
Isa rin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin ay maipabatid
ang iyong saloobin sa isang makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
2 Uri ng Sanaysay

• 1. Pormal
• Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na nagtataglay ng masusing
pananaliksik ng sumulat. Kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ang tono nito ay siryoso at
walang halong biro.
• Isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga pahayagan. Ito ay
tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na balita.
• 2. Di-pormal
• Ito naman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan, personal at pang
araw-araw na nagbibigay-lugod o mapang-aliw sa mga mambabasa.
Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng may akda sa
isang paksa kung saan mababakas ang kanyang personalidad na para bang
nakikipag-usap lamang siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling
maintindihan.
• Sa madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng may akda ang
paksa ng di-pormal na sanaysay.
Mga Bahagi ng Sanaysay
• Mayroon itong tatlong bahagi: ang simula o panimula, gitna o katawan, at
wakas.
• 1. Simula/Panimula
• Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito
nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang
kanyang binabasa. Sa simula pa lamang ay dapat
mapukaw na ng may-akda ang damdamin ng mga
mambabasa.
• 2. Gitna/Katawan
• Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos
tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.
Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag
ng mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-
uusapan.
• 3. Wakas
• Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa
gitna o katawan ng sanaysay. Dito rin nahahamon ang
pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga
tinalakay sa paksang pinag-usapan.

You might also like