You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Silay City
District IX
DOÑA ANGELES J. MONTINOLA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Silay

FIL 101
KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

MGA PANUTO: I-shade ng buo ang kahon mula sa sagutang papel. Ballpen ang gamitin.
Istriktong WALANG ERASURES
Dalawang ulit sa pagsita lamang ay HUWAG NG ITULOY ANG EXAM.

I. PAGPILI. Piliin ang tamang sagot.


1. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa parang arbitraryo.
a. Finnochiaro b. Wardhaugh c. Gleason d. Bernales
2. Ito ay barayti ng wikang ginagamit ng partikyular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikyular na lugar.
a. Register b. Idyolek c. Dayalekto d. Istilo
3. Sinabi niya na ang wika ay tulay na ginamit upang maipahayag ang anumang minimithi.
a. Paz Hernandez b. Charles Darwin c. Lorenzo d. Gleason
4. Antas ng wika na tinatawag din itong salitang pankalye o pangkanto.
a. Panlalawigan b. Kolokyal c. Pambansa d. Balbal
5. Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang _______.
a. telepono b. Wika c. Sulat d. Behikulo
6. Teorya ng Wika na nagsasabing ang wika ay nagsisimula sa panggagaya ng tunog ng kalikasan.
a. Yo-he-ho b. Ding-dong c. Pooh-pooh d. Bow-wow
7. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d. Waray
8. Ano ang tawag natin sa wikang itinadhana ng batas.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wika
9. Ano naman ang tawag natin sa wikang itinakda upang gamitin sa buong bansa.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wika
10. Ang mother Tongue ay kilala rin sa tawag na _____.
a. Language b. ikalawang Wika c. Lingua Franca d. Lingua
11. Ito’y gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang
salita.
a. Di-Verbal b. Paguhit c. Verbal d. Pagpinta
12. Ang antas ng wika na ginagamit ng mga tao sa isang particular na pook.
a. Kolokyal b. Idyolek c. Panlalawigan d. Balbal
13. Teorya ng wika na nagsasabing ginagaya ang mga tunog ng wika sa kalikasan.
a. Pooh-Pooh b. Ding-dong c. Yo-he-ho d. Bow-wow
14. Gagamitin ang katutubong wika na panturo sa primary sa kasalukuyan.
a. MLE-MTB b. MTRCB c. MMRRC d. MTB-MLE
15. Gamit ng wika sa lipunan na kung saan ito ay tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-ugnayan sa iba.
a. Instrumental b. Interpersonal c. Impormatibo d.Hueristiko
16. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao.
a. Regulatory b. Instrumental c. Impormatibo d. Hueristiko
17. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang.
a. Unang wika b. ikalawang Wika c. ikatlong wika d. ikaapat na wika.
18.19. Ano ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa na itinadhana ng ating Saligang Batas 1973.
A. Filipino & Ingles b. Filipino & Español c. Filipino & Chinese d. Filipino at Mother Tongue

20. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilang sikretong wika subalit kalauna’y
ginagamit na rin ng nakararami.
a. sosyolek b. etnolek c. dayalek d. idyolek
II. PANUTO: Piliin sa kahon ang sagot na hinihingi ng bawat pahayag.

Manuel L. Quezon Tagalog 19 pangalawang wika

Ikatlong wika etnolek idyolek personal

Bilingwalismo Pooh- Pooh Bow -wow

21. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibatay ang wikang pambansa sa isa sa mga
umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
22. Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumugma sa mga pamantayan binuo
ng sangya na nagsuri sa iba’t ibang wika o diyalekto sa bansa.
23. Ito ang bilang ng mgwa wika at diyalektong pinangalanan ng DepEd upang gamitin sa pagtuturo ng
mga mag-aaral mula sa kindergarten hanggang Grade 3 noong 2013.
24. Ito ang wikang may simbolong L3 na natutuhan ng isang tao habang lumalawak ang kanyang
ginagalawang mundo dahil ito’y isa ring wikang nagagamit sa maraming pagkakataon sa lipunan.
25. Ito ang wikang kasunod ng unang wika.Ito kasi ang karaniwang wiakng nagagamit sa kapaligiran ng
sariling tahanan.
26. Ito ang patakaran kung saan dalawang opisyal na wika ang gagamitin sa pagtuturo ng mga
asignatura sa paaralan.
27. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakanyahang natatangi
ng taong nagsasalita.
28. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi na ng pagkakailanlan ng isang pangkat-etniko.
29. Ang tumgkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang
pinag-uusapan.
30. Teorya ng wikang na namumutawi sa bibig ng tao kapag nakakaramdam ng mga matitinding
damdamin.

III. PANUTO: IPALIWANAG ANG SUMUSUNOD NA PAHAYAG NA HINDI BABABA SA 8


PANGUNGUSAP. (10PTS EACH)
1. Bakit mahalaga ang wika sa isang lipunan? Patunayan ito.
2. Bilang isang indibidwal paano makakatulong sa iyong buhay ang pagiging isang multilingwal?
Magbigay ng ilang patunay.

You might also like