You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education

Schools Division of Cebu City


NORTH DISTRICT 1
LUSARAN NATIONAL HIGH SCHOOL
FIRST SUMMATIVE TEST
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat sa papel ang titik ng
tamang sagot.
1.Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng
makabuluhang yunit ng tunog.
a. Wika b. ponema c. baybayin d. alibata
2. Ang salitang Latin na lingua ay nangahulugang:
a. wika at tunog b.titik at dila c. titik at tunog d. dila at wika
3. Saan ibinatay ang pagpili ng Wikang Pambansa?
a. ibinatay sa mga dayuhang wika b. ibinatay sa katutubong wika na umiiral sa bansa
c. ibinatay sa wikain ng mga mayayamang angkan ng bansa
d. ibinatay sa kung anong wika ang ginagamit sa panitikan
4. Siya ang pangulong ang nagmungkahi na ibabatay ang wikang Pambansa sa mga katutubong wika na
umiiral sa bansa.
a. Ramon Magsaysay b. Carlos P. Garcia c.Manuel L. Quezon d. Jose P. Laurel
5. Pinalitan ang tawag ng Wikang Pambansa mula Tagalog, ito ay ginawang ___________ sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg 7.
a. Filipino b. Pilipino c. Ingles d. Nihonggo
6. Ang maka-agham na pag-aaral ng mga sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita
upang bumuo ng pangungusap.
a. Ponolohiya b. Semantika c. Morpolohiya d. Sintaksis
6. Ang makaagham na pag-aaral ng mga pinakamaliit na yunit ng mga tunog ng isang wika at ng pagsasama-
sama ng mga ito upang makabuo ng salita
a. Ponolohiya b. Semantika c. Morpolohiya d. Sintaksis
7. Siyentipikong naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat wika raw ay kailangan
munang pag-aralan bago matutuhan.
a. Henrey Otley Beyer b. Charles Darwin c. Henrey Allan Gleason Jr. d. Paz Hernandez, at Peneyra
8. “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
a. Saligang Batas ng 1972 Artikulo XV,Seksiyon 3, c. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV,Seksiyon 3,
b. Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV,Seksiyon 6, d. Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV,Seksiyon 3,
9. “Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibababatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
a. Saligang Batas ng 1972 Artikulo XV,Seksiyon 3, c. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV,Seksiyon 3,
b. Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV,Seksiyon 6, d. Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV,Seksiyon 3,
10. “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika”.
a. Saligang Batas ng 1972 Artikulo XV,Seksiyon 3, c. Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV,Seksiyon 3,
b. Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV,Seksiyon 6, d. Saligang Batas ng 1935 Artikulo XIV,Seksiyon 3,
11. Ano ang ibig sabihin ng MTB-MLE?
A. Mother-Tongue Based – Multilinggual Education B. Mother-Tongue Based- Multilingguistic Education
C. Mother-Tongue Bilinggual- Multilinggual Education D. Wala sa lahat
12. Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika lamang bilang wika ng edukasyon, wika ng komersiyo, wika ng
negosyo, wika ng pakikipagtalastas, at ng pang-araw-araw na buhay sa isang bansa.
A. Bilingguwalismo B. Monolingguwalismo C. Multilingguwalismo D. Homolingguwalismo
13. Mahigit ilang wikain o wika ang ginagamit sa Pilipinas?
A. 115 B. 125 C. 125 D. 150
14. Isa ring lingguwista ang nagsabing “ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat
na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang
wika maliban sa kanyang unang wika”.
A. Leonard Bloomfield B. Cook at Singleton C. John Manamara D. Uriel Weinreich
15. Sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curiculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging
wikang panturo partikular sa?
A. kindergarten at sa grade 1 C. kindergarten at sa Grade 1-3
B. kindergarten at sa Grade 1-2 D. kindergarten at sa Grade 1-4
16. Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika o
lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo din bilang hiwalay
na asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod:
A. Tagalog, Batangueno ,Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon at Yakan,
B. Tagalog, Kapampangan,Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon at Waray,
C. Tagalog, Kapampangan,Pangasinense, Ilokano, Chavacano, Cebuano, Hiligaynon at Waray,
D. Tagalog, Kapampangan,Pangasinense, Ibanag, Bikol, Cebuano, Aklanon at Waray,
17.Alin ang hindi angkop sa bawat isa?
A. Ivatan para sa mga taga-Batanes; B. Hambal sa Zambales;
C. Aklanon sa Aklan, D. Kinaray-a sa Antique;
18. Ayon sa kanya (isang sociologist), nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook, ang mga
taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan, sila ay namumuhay, nakikisama, at
nakikipagtalastasan sa bawat isa.
A. Cook at Singleton( 2014), B. W.P. Robinson (1972) C. Durkheim (1985) D. Charles Darwin
19. Tinukoy ng lingguwistang si ________________ ang mga tungkulin ng wika sa aklat niyang Language and
Social Behavior. Ito ay ang sumusunod: (1) pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao, panlipunang
pagkakakilanlan, at ugnayan;at (2) pagtukoy sa antas ng buhay sa lipunan.
A. Cook at Singleton( 2014), B. W.P. Robinson (1972) C. Durkheim (1985) D. M.A.K Halliday (1975)
20. May partikular na tungkulin ang wika at nakabatay ito sa pangangailangan o paggagamitan ng tao. SA
pagsusuri sa mga tungkulin ng wika, ang pag-aaral ng lingguwistang si _____________________, ay may
pitong tungkulin o gamit ng wika.
A. Cook at Singleton( 2014), B. W.P. Robinson (1972) C. Durkheim (1985) D. M.A.K Halliday (1975)
21.Ito’y nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
A. Panrepresentatibo B. Pang-imahinasyon C.Pangheuristiko D. Pampersonal
22. Pagsulat ng talaarawan o journal para maibahagi ang iyong saloobin.
A. Pangheuristiko B. Pampersonal C. Pang-interaksyonal D. Panregulatori
23. Pagtatanong,Pananaliksik at Pakikipanayam,Sarbey,Pamanahong Papel, Tesis, at Disertasyon.
A. Pangheuristiko B. Pampersonal C. Pang-interaksyonal D. Panregulatori
24. Resipe, Direksyon sa isang lugar, Panuto sa Pagsusulit at Paggawa ng Isang Bagay o Tuntunin sa Batas na
Ipinatutupad.
A. Pangheuristiko B. Pampersonal C. Pang-interaksyonal D. Panregulatori
25. Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Simbolismo ng Isang Bagay o Paligid, Mga Anunsyo,
Patalastas at Paalala.
A. Panrepresentatibo B. Pang-imahinasyon C.Pangheuristiko D. Pampersonal
26. Ito ang gamit na lumilitaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o
batas.
A. Panghihikayat (Conative) B. Paggamit ng kuro-kuro (Metalinggual)
C. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) D. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)
27. Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at
pakiusap.
A. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan B. Paggamit ng kuro-kuro C. Pagpapahayag ng damdamin D. Panghihikayat
28. Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at impormasyon.
A. Pagpapahayag ng damdamin B. Panghihikayat
C. Paggamit bilang sanggunian D. Pagpapahayag ng damdamin
29. Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
A. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan B. Paggamit ng kuro-kuro
C. Pagpapahayag ng damdamin D. Panghihikayat
30.Saklaw nito ang pagpapahayag ng mgasaloobin, damdamin, at emosyon.
A. Panghihikayat B. Paggamit ng kuro-kuro C. Pagpapahayag ng damdamin D. Paggamit bilang
sanggunian

You might also like