You are on page 1of 24

Komunikasyon at Pananaliksik

sa Wika at Kulturang Filipino

Unang Laguman

11
1|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Panimulang Pagtataya

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, at kapuwa tao.
a. Wikang b. Wika c. Wikang d. Wikang
pambansa Panturo Opisyal
2. Ayon sa kaysayan ng wika, anong panahon naging sapilitan ang paggamit ng Ingles.
a. Hapon b. Tagalog c. Amerikano d. Portugese
3. Ito ay ginagamit sa pamamahala at pakikipag – ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.
a. Wika b. Wikang Panturo c. Wikang d. Wikang
Pambansa Opisyal
4. Ito ay naghahanap ng mga impomarsyon o datos.
a. Heuristiko b. Representatibo c. Interaksiyon d. Personal
5. Ito ay ginagamit upang magtamo ng mataas na antas na edukasyon.
a. Wikang Opisyal b. Wika c. Wikang d. Wikang
Panturo Pambansa
6. Kailan nabuo ang Kapulungang Pansaligang Batas bilang paghahanda sa itatag na
Malasariling Pamahalaan.
a. Hulyo 9, 1934 b. Hulyo 10, 1934 c. Hulyo 11, d. Hulyo 12,
1934 1934
7. Ito ay ang wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika sa komersiyo at
industriya.
a. Wikang Panturo b. Wikang c. Wikang d. Wika
Pambansa Opisyal

8. Ano ang tanggapan na itinalaga upang magsagawa ng pag – aaral hinggil sa pag – aaral ng
wikang Pambansa.
a. Lupon ng b. Surian ng c. Samahan ng d. Asosasyon
Wikang Wikang Wikang ng Wikang
Pambansa Pambansa Pambansa Pambansa
e.
9. Ito ay nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal.
a. Personal b. Interaksiyon c. Heuristiko d. Instrumental
e.
10. Kailan pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag
sa Surian ng Wikang Pambansa.
a. Nobyembre 10, b. Nobyembre 11, c. Nobyembre d. Nobyembre
1936 1936 12, 1936 13. 1936

2|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

11. Ito ay kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.
a. Representatibo b. Heuristiko c. Regulatoryo d. Intrumental
e.
12. Ano ang taon pormal na nagkaroon ng pagbabanggit sa wikang pambansa sa Saligang
Batas ng Biak na Bato.
a. 1985 b. 1986 c. 1987 d. 1988

13. Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at

pag – uutos.
a. Interaksiyon b. Instrumental c. Regulatoryo d. Personal

14. Kailan ibinaba ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang
batayan ng Wikang Pambansa.
a. Disyembre 28, b. Disyembre 29, c. Disyembre d. Disyembre
1937 1937 30, 1937 31, 1937

15. Ito ay nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.

a. Representatibo b. Heuristiko c. Personal d. Interaksiyon

3|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Aralin 1.1 Mga Konseptong Pangwika

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga
L konseptong pangwika
A 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga
napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
Y radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa:
U Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng
N Winnie,Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com)
I 3. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling
N kaalaman, pananaw, at mga karanasan
4. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika

Pambungad na
Gawain
1. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tsek sa kolum ng mapipiling sagot.

Tanong Oo Hindi
a. Alam ko ba ang kahalagahan ng wika sa
araw- araw na takbo ng aking buhay?
b. Dapat bang may wikang pambansa ang
mamamayan?
c. Isa lang ba ang wikang dapat kong salitain?
d. Daan ba sa pag – unlad ang pagkakaroon
ng maraming wika?
e. Hindi ba kailangan ang wika sa
pagkikipagkomunikasyon?
f. Tatak ba ng isang lahi ang wika?

2. Mga pokus ng tanong

a. Paano matutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong wika?

____________________________________________________________________________

b. Paano maipapaliwanag ang kahulugan ng iba`t – ibang konseptong pangwika sa tulong ng

mga sitwasyonal na halimbawa?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

c. Hinuha o maaaring sagot sa mga pokus na tanong.

Kaalaman

Wika ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, ibang
tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, panlipunang realidad, politikal, ekonomik at kultural.
Ito rin ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at lipunan. Ibig sabihin nasa wika
ang tanging paraan upang maisalin ang kaalaman, karanasan, at alaala ng isang lahi o lipi at
lipunan sa iba.

Mga Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal)

Wikang Pambansa

Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ng wikaing pambansa na

ginagamit sa pamamahala at pakikipag – ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At kung
ang bansa ay multilinggwal na tulad ng Pilipinas, dapat lamang asahan na ang wikang
pambansa ang magiging tulay na sa wika sa pag – uugnayan ng iba`t ibang pangkat sa
kapuluan na may kani – kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod dito, ito rin ang
pambansang daluyan ng komunikasyong tulad ng telebisyon, radyo, at mga pahayagan, gayon
din naman ang mga kilalang politiko, komentarista, mga manunulat at makatang gustong
maabo ang buong bansa.

Wikang Panturo

Ang wikang mapipili bilang wikang pambansa ay magagamit bilang wikang panturo
hanggang sa unibersidad. Sa edukasyong pang – unibersidad, ang bilis ng pag – unawa ay
isang malaking bentahe sapagkat itoy nangangahulugan nang higit na mabilis na pag – unlad
sa akademiko. Ang pag – unawa ay bumabagal kundi man lubusang nahahadlangan kung ang
wikang panturo ay hindi kontrolado ng mga mag – aaral.

Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987,

Sek. 6 kaugnay ng wikang panturo na:

Sek. 6 – ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay

dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.

5|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Wikang Opisyal

Tinatawag na wikang opisyal ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa

pamahalaan at sa politika, komersiyo at industriya.

Ipinahayag naman sa Sek.7 ng Artikulo XIV ng Saligang batas 1987 na: “Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hanggat
walang itinatadhana ang batas Ingles.”

Mga Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal)

BILINGGUWALISMO MULTILINGGUWALISMO

Nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang Paggamit ng maraming wika ang

paraan ng pagtuturo sa mga asignatura ng multilingguwalismo. Nagiging laganap na ang
Agham at Matematika at wikang Filipino sa eskposyur ng isang indibidwal sa maraming
lahat ng iba pang asignatura sa mababa at wika. Sa paggamit ng maraming wika,
mataas na paaralan. marahil may positibong epekto ito sa utak ng
tao at isip. Nagkaroon ng isang bilang ang
Nagkaroon ng alinlangan nang ang mga internasyonal na pag – aaral na paksa,
Kautusang Pangkagawarang Blg. 107, s. at nagpapahiwatig na ang mga kakayahan
1989 na nagsasabi na gamitin pareho ang upang gamitin ang higit sa isang wika ay
Ingles o Filipino at kaalinsabay nito ay dapat nagdudulot sa isang indibidwal ng isang
ding pahalagahan ang wikang ginagamit ng munting bentahe.
bata pagpasok niya sa paaralan.

Mga Konseptong Pangwika (Register/Barayti ng Wika, Homogenous,

Heterogenous)

Register

Maraming naghahambing ng register sa diyalekto. Ang register ay baryasyon batay sa

gamit samantalang ang diyalekto batay sa taong gumagamit.

Tinatawag din estilo sa pananalita ang register. Ang isang tao ay maaaring gumagamit
ng iba`t ibang estilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang
kaniyang nadarama.

Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang punungguro, iba rin ang gamit niyang
register kapag kausap niya ang mga kasamahang guro at lalong naiiba ang mga register niya
kung kaharap ang kaniyang mga mag – aaral.

Isang pinaggagalingan ng mga baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa

mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga
sitwasyon ang kinakapalooban natin. Tradisyunal na nilalapitan ang tipong ito ng baryasyon sa
konsepto ng register.

Barayti

Ipinahayag ni Alonzo (2002) na ang barayti ng wika ay isang maliliit na grupo o pormal
o makabuluhang katangian na nag – uugnay sa partikular na uri ng katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo – sitwasyonal. Ayon kay Catford, may dalawang
malalaking uri ng barayti. Una ang humigit kumulang ay permanente para sa
tagapagsalita/tagabasa. Ikalawa, humigit – kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung
may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

Binubuo ng idyolek at diyalekto ang permanenteng barayti. Idyolek ang tawag sa

kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba`t ibang salik na nakapaloob dito

6|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at
istatus sa lipunan.

Diyalekto naman ang barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay. Kaya`t
may tinatawag na diyelektong heograpiko, diyalektong temporal, at diyelektong sosyal. Ito ang
barayti ng wika na nakikita sa pormal o substantibong katangian kaugnay ng pinaggalingan sa
isa o tatlong dimensyon: espasyo, panahon at katayuang sosyal.

Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa kagyat na sitwasyon ng pahayag.

Nabibilang dito ang register, mode at estilo. Ang register ay barayting kaugnay ng higit na
malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.

Homogenous

Isa lang ang gamit ng wika. Isa lamang ang layunin, at ang gumagamit.

Heterogenous

Iba – iba ang gamit, layunin at gumagamit. Ang pagiging heterogenous ng wika ang
nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga barayti ng wika.

Mga Konseptong Pangwika (Lingguwistikong Komunidad, Unang Wika,

Pangalawang Wika)

Lingguwistikong Komunidad

May kaugnayan sa pagpapaunlad ng wika. Isinasaalang – alang din ang tungkol sa

idyolek, sosyolek, at diyelek ng pangkat ng tao sa isang komunidad.

Unang Wika

Wikang natutuhan ng isang tao mula nang kaniyang kapanganakan. Batayan para sa
pagkakakilanlang sosyolingguwistika ang unang wika ng isang tao. Tinatawag din itong
katutubong wika. May simbolong L1.

Pangalawang Wika

Ipa pang wikang pinag – aaralan o natutuhan maliban pa sa unang wika.

Halimbawa: Kung ang unang wika ay Tagalog at kapag pinag – aralan ang Ilocano o iba
pang wika, ito ang kaniyang pangalawang wika. Ang kasalukuyang wikang pambansa na
Filipino ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Simbolo nito ang L2.

7|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Tuklas - Dunong

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

A – PANUTO: Iugnay ang mga sumusunod na palabas sa mga konseptong

pangwika na tinalakay. Maaaring itong panuorin muli at kung mayroon pahayagan
patungkol dito ay maaaring basahin.

Palabas sa Telebisyon Kaugnayan sa Paliwanag

Konseptong Pangwika

Tonight with Arnold Clavio

State of the Nation

Mareng Winnie

Word of Lourd
http://lourddeveyra.blogspot.com

8|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

B – PANUTO: Iugnay sa iyong sariling karanasan ang mga konseptong
pangwika na ating tinalakay. Tukuyin kung ang lahat ba ng ito ay iyong sariling
naranasan, pananaw at kaalaman. Isulat sa mga grapikong pantulong ang iyong
kasagutan.

9|Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

C – PANUTO: Lumikha ng isang poster advertisement patungkol sa iyong
pananaw sa pagkakaisa ng iisang wika sa ating bansa. Maaaring lumikha ng
larawan sa pamamagitan ng kuharili (selfie). I – post sa facebook kung kakayanin
at maaaring ilagay na lang dito sa loob ng kahon na nasa ibaba para sa mga
modular.

10 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Aralin 1.2 Gamit ng Wika sa Lipunan

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng
L wika sa lipunan
A 2. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at
Y pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe,
U Ekstra, On The Job, Word of the
N Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com)
I 3. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan
N ng mga pagbibigay halimbawa
4. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na
=’
nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan

Pambungad na
Gawain
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa speech balloon ang maaaring
sabihin kaugnay nito. Suriin ang sitwasyon bago isulat ang angkop na pahayag.

1. May dumating na panauhin sa

inyong bahay, paano mo siya
kakausapin? Ano ang sasabihin
mo sa kaniya?

2. Hindi mo maabot ang inyong

bag dahil masikip ang lugar mo.
Daraan ang isa mong kaklase at
makikisuyo kang abutin ito para sa
iyo. Paano mo ito sasabihin?

3. Naniniwala ka na malaki ang

magagawa ng mga kabataang
tulad mo sa pag –unlad ng ating
bansa. Paano mo ito ipapahayag?

11 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
B. Pokus na mga Tanong

1. Paano mapaghahambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang mapaghambing ang pasalita at pasulat ng gamit ng wika?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Kaalaman

Pasalita man o pasulat, may kani – kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang
nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon. Sa
pamamagitan ng Graphic clip, tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan.

INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong,
at pag – uutos.
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangangalakal, Pag – uutos Liham Pangangalakal

REGULATORYO
Katangian: Kumokontrol/Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksyon, Paalala Resipe, Direksiyon sa isang lugar, Panuto sa
pagsusulit at Paggawa ng Isang Bagay,
Tuntunin sa Batas ng Ipinatutupad

INTERAKSIYON
Katangian: Nakakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal..
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
 Pangangamusta, Pag – anyaya sa  Imbitasyon sa isang okasyon
Pagkain, Pagpapatuloy sa Bahay,
Pagpapalitan ng Biro at marami pang
iba.

12 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
PERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
Pasalita Pasulat
Pormal o di – pormal na talakayan, debate o Editoryal o Pangulong – Tudling, Liham sa
pagtatalo Patnugot, pagsulat ng Suring – Basa, Suring
Pelikula o Anumang Dulang Pagtatanghal

HEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, Pananaliksik, at Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at
Pakikipanayam Disertasyon

REPRESENTIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig Mga Anunsyo, Patalastas at Paalala

13 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Tuklas - Dunong

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

A - PANUTO: Sa pamamagitan ng mga halimbawang sitwasyon, ilapat ang

nauunawaang kahulugan ng mga gamit ng wika sa lipunan sa nasabing
sitwasyon. Isulat sa patlang kung anong gamit ito ng wika. Isulat sa kaukulang
patlang ang iyong kasagutan.

_________________ 1. Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento

_

_________________ 2. Pagsasarbey kung ano ang wikang Pambansang ng

_ Pilipinas.

_________________ 3. Pinauuwi ng ina nang maaga ang anak.

_

_________________ 4. Pag – uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang

_ pambansa.

_________________ 5. Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano

_ makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad/kolehiyo.

_________________ 6. Pagsasabi ng “po” at “opo” sa matandang babae habang

_ kinakausap.

_________________ 7. Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kuwarto.

_

_________________ 8. Binibigyan ng direksiyon ng guro ang mga mag – aaral kung

_ ano ang gagawin sa pagsusulit.

_________________ 9. Pagsusulat ng pananaliksik.

_

_________________ 10. Pakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinahati –

_ hati ang pag – aaral ng mga kurso.

14 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Suri - Lapat

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

Tukuyin ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng

napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My
Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com). Magtala lamang ng tigsampu.

Palabas sa Kinuhang linya/ Gamit ng Wika

Telebisyon/Pelikula dayologo

15 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Aralin 1.3 Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari /kaganapan
L tungo sa pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa
A 2. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga
Y napakinggang pagtalakay sa wikang pambansa
U 3. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular
N na yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa
I 4. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
N kaugnayan sa pag-unlad ng WikangPambansa
5. Nasusuri ang mga pananaw ng iba’t ibang awtor sa isinulat na
kasaysayan ng wika

Pambungad na
Gawain
A. Pagtapatin ang wika at taon kaugnay ng pagkakaroon ng wikang pambansa.

1. Tagalog  1958

2. Pilipino  1987

3. Filipino  1937

B. Mga Pokus na Tanong

1. Paano natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa pag –
unlad ng wikang Pambansa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Bakit kailangang matiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may kaugnayan sa
pag – unlad ng wikang pambansa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

16 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Kaalaman
Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika
at wikain sa bansa. Bagamat may pagkakaiba ang mga wika, malaki ang pagkakahawig nito sa
isa`t isa bunga ng pagkakabilang sa iisang pamilya ng wika, ang wikang Austronesian.
Matatagpuan mula sa Formosa sa hilaga hanggang sa New Zealand sa timog; mula sa Eastern
Island sa silangan hanggang sa Madagascar sa kanluran, ang wikang Austronesian. Ang
Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag – aaral ng ginawa noong 1934 ni
Otto Dempwolff, ay kabilang sa Indonesian subgroup ng Austronesian.

Maraming patunay na nabibilang sa Austonesian ang mga wika sa Pilipinas. Ilan dito
ang paggamit ng panghalip na panao tulad ng tayo at kami; mga malapanghalip o pronominal
system tulad ng ito, nito at dito; sistemang berbal na may pokus at aspekto; sintaks o
palaugnayan; kabilang ang paggamit ng pantukoy na ang at si; pang – angkop; sistemang
numerikal na batay sa sistemang desimal; at mga leksikal o pantalastasan.

Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o

pagkakapangkat – pangkat ng mga Pilipino, dagdag pa ang kalagayang kapuluan ng bansa, na
itinuturing na pisikal na sagabal sa pagkakaroon ng isang wikang bubuklod sa sambayanang
Pilipino sa kabila ng pagkakaiba – iba ng mga ito.

Nang sakupin ng mga Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino. Ang
pananakop sa pamamagitan ng pagbubukod – bukod ang ginamit ng mga Espanyol upang
magkalayo – layo ang mga Pilipino. Walang isang wikang pinairal noon sapagkat sa halip ituro
ang wikang Espanyol, ang mga paring dayuhan ang nag – aral ng mga katutubong wika.

Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon na ng pagtatangkang

itaguyod ang Tagalog bilang wikang Pambansa. Ang wikang ayon sa Paring Heswita na si
Padre Pedro Chirino ay tinataglay ang talinghaga ng wikang Hebreo, ang katangi – katanging
katawagan ng Griyego, ang kaganapan at kinis ng Latin; at ang pagkamagalang at pagiging
romantiko ng mga Espanyol.

Ang kilusang Propaganda ay nagsimula sa paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang

isinulat nila. Sinundan ito ng Katipunan na Tagalog din ang ginamit sa pagbuo nila ng mga
kautusan, gayundin sa pahayagan ng inilathala nila. Pormal na nagkaroon ng pagbanggit sa
wikang pambansa sa Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1987. Dito pinagtibay ang Tagalog
na opisyal na wika ng pamahalaan. Hindi ito nagkaroon ng kaganapan sapagkat bukod sa mga
ilustrado ang namayani noon sa Kapulungang Pansaligang Batas , na ayaw sa wikang Tagalog,
hindi nagtagal ito ang itinuturing na Unang Republika ng Pilipinas. Sinakop ang bansa ng
bagong manlulupig, ang mga Amerikano.

Sa panahon ng mga Amerikano sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo
at ipinagbawal ang paggamit ng bernakular. Ngunit batay sa pag – aaral na ginawa ng Monroe
Education Survey Commission, napatunayan na makaraan ng 25 taon ng pagtuturo ng Ingles
hindi ito nakatulong sa pagkatuto ng mga mag – aaral ng Pilipino. Sa kabilang dako, patuloy
ang pagsusumikap ng ilang makabayang lider na Pilipino na magkaroon ng wikang pambansa.
Naging maliwanag ang landas sa hangaring ito nang magkaroon ng Kapulungan Pansaligang
Batas noong 1934.

Hulyo 10, 1934 binuo ang Kapulungan Pansaligang Batas bilang paghahanda sa
itatatag na Malasariling Pamahalaan. Ang kapulungang ito ang umugit sa Saligang Batas ng
1935. Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang Batas na ito, inatasan ang Pambansang Asemblea
na magsagawa ng kaukulang hakbang sa paglinang ng isang wikang pambansa na ibabatay sa

17 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
isa sa umiiral na wika sa Pilipinas. Ang pangulo ng Komonwelt noon na si Manuel L. Quezon,
ang naging masugid na tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.

Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas

Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang tanggapang ito
ang magsasasagawa ng pag – aaral hinggil sa pagpili ng wikang pambansa. Ginamit na
batayan sa pagpili ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo, literatura at ginagamit ng
nakararaming Pilipino.

Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang unang mga kagawad ng tanggapang ito.

Matapos maisagawa ang SWP ang iniaatas ng batas, ipinahayag ni Pangulong Manuel
L. Queon noong Disyembre 30, 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda
sa Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.

Alaala ng Lumipas

Panahon ng Hapon

Sapilitang ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles. Naging masigla ang mga Pilipino
sa paggamit ng sariling wika. Sumigla ang panitikang Pilipino gaya ng nobela, ng maikling
kuwento.

Panahon ng Pagsasarili

Pagkaraan ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang pagtuturo nagwikang

pambansa na tinawag na Pililpino sa isang kautusang nilagdaan ng naging kalihim Jose
Romero ng Pagtuturo. Dala ng malaking pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo
ng Pilipino, naragdagan ang bilang ng tagamasid sa Punong Tanggapan ng dalawa. Ang
Maynila ay nagkaroon naman ng isa bagama`t wala ang mga nasa lalawigang Tagalog at di –
Tagalog.

Naging Opisyal na wika ang Tagalog na wika ang Tagalog at Ingles. Naging midyum sa
mga paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon na ng aklat na ginagamit sa
Filipino ng mga Pilipino. Marami ang pag – aaral na isinagawa sa wika upang magamit itong
panturo.

Panahon sa Kasalukuyan

Nagpatupad ng Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon at sinimulang

ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekundarya, at tersarya sa lahat ng
paaralan sa bansa. Lalong pinagtibay ang implementasyon ng Patakarang Bilinguwal noong
1987. Bilang pagpapatuloy ng pagpapaunlad sa Filipino upang magamit mula elementarya
hanggang sekundarya. Nagtatag ng maraming samahang nagpasigla sa panitikan na ang gamit
na wika ay Filipino. Higit na lumaganap ang paggamit ng wika, pag – aaral sa wika at
nagkaroon ng intelektuwalisasyon, estandardisasyon at elaborasyon ng Filipino.

18 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Tuklas - Dunong

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

Batay sa iyong nabasang maikling kasaysayan ng Wikang Pambansa. Itala ang

mga sanhi ng pagkakaroon ng batas, kautusang tagapagganap, proklamasyon,
kautusang pangkagawaran, memorandum sirkular at iba pa kaugnay ng wika at ano ang
naging bunga nito. Magtala ng tiglima bawat kolumn.

Sanhi bakit dapat Bunga ng nasabing Sanhi ng pagbuo ng Bunga ng nasabing

magkaroon ng sanhi batas, kautusang sanhi
wikang pambansa pangkagawaran at
iba pang kaugnay
ng wika

19 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Suri - Lapat

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

A – PANUTO: Sumulat ng isang maikling komposisyon na maglalahad kung

paano makatutulong ang mga mag – aaral na kabataan ng ating bansa sa
pagpapalaganap ng gamit ng wikang pambansa. Isaalang alang ang gamit ng
mga salita o pahayag na nagpapakita ng pagkakaroon ng konseptong sanhi at
bunga. Lagyan ng sariling pamagat.

__________________________________________________
Pamagat

20 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B - Basahin ang sumusunod na pananaw ng mga Pangulo bansa tungkol

sa wika at kaugnay ng kasaysayan nito. Mula sa ilang panayam sa kanila. Suriin
ang pananaw ng bawat pangulo.

1. “…Maari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ng ibang bayan, ngunit hindi tayo
tunay na makapag – angkin ng isang pambansang wika maliban sa pamamagitan ng
pagpapatibay, pagpapaunlad at paggamit ng isang wika na sariling atin.”
- Pangulong Manuel L. Quezon
Pagsusuri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. “…Kailangang gumawa ng mahigpit na mga pagsisikap upang mapadali ang

pagpapalaganap ng ating wika. Bilang isang Republika, dapat tayo magkaroon, hindi lamang ng
isang watawat kundi gayundin ng isang wika.”
- Pangulong Elpidio Quirino

Pagsusuri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. “Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat iyan ang diwa ng ating bansa.”
- Pangulong Ramon Magsaysay

Pagsusuri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. “…Ang wikang Pilipino ay siyang tagapagpahayag ng ating pagkabansa at kaisahang

panloob.”
- Pangulong Carlos P. Garcia
Pagsusuri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. “Tayo`y mayroon nang kalayaan pampolitika. Ngayon naman ay kailangan nating magkaroon
mg kalayaang pagkabuhayan. Dapat na ring lumaya sa pag – iisip. Isakatuparan natin ng
Wikang Pambansang Pilipino, sa lalong madaling panahon.”
- Pangulong Manuel A. Roxas
Pagsusuri:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

21 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Lagumang Pagsusulit

PANGALAN: PETSA:
SEKSYON/BAITANG: GURO:

Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.

a. Representatibo b. Heuristiko c. Personal d. Interaksiyon

2. Kailan ibinaba ang Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang
batayan ng Wikang Pambansa.
a. Disyembre 28, b. Disyembre 29, c. Disyembre d. Disyembre
1937 1937 30, 1937 31, 1937

3. Ito ay tumutugon sa mga pangangailan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at pag –

uutos.
a. Interaksiyon b. Instrumental c. Regulatoryo d. Personal
e.
4. Ano ang taon pormal na nagkaroon ng pagbabanggit sa wikang pambansa sa Saligang
Batas ng Biak na Bato.
a. 1985 b. 1986 c. 1987 d. 1988

5. Ito ay kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.

a. Representatibo b. Heuristiko c. Regulatoryo d. Intrumental
6. Kailan pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag
sa Surian ng Wikang Pambansa.
a. Nobyembre 10. b. Nobyembre 11, c. Nobyembre d. Nobyembre
1936 1936 12, 1936 13. 1936
7. Ito ay nakakapagpanatili o nakakapagpatatag ng relasyong sosyal.
a. Personal b. Interaksiyon c. Heuristiko d. Instrumental
8. Ano ang tanggapan na itinalaga upang magsagawa ng pag – aaral hinggil sa pag – aaral ng
wikag Pambansa.
a. Lupon ng b. Surian ng c. Samahan ng d. Asosasyon
Wikang Wikang Wikang ng Wikang
Pambansa Pambansa Pambansa Pambansa
9. Ito ay ang wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan at sa politika sa komersiyo at
industriya.
a. Wikang Panturo b. Wikang c. Wikang d. Wika
Pambansa Opisyal

22 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
10. Kailan nabuo ang Kapulungang Pansaligang Batas bilang paghahanda sa itatag na
Malasariling Pamahalaan.
a. Hulyo 9, 1934 b. Hulyo 10, 1934 c. Hulyo 11, d. Hulyo 12,
1934 1934

11. Ito ay ginagamit upang magtamo ng mataas na antas na edukasyon.

a. Wikang Opisyal b. Wika c. Wikang d. Wikang
Panturo Pambansa
12. Ito ay naghahanap ng mga impomarsyon o datos.
a. Heuristiko b. Representatibo c. Interaksiyon d. Personal
13. Ito ay ginagamit sa pamamahala at pakikipag – ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop.
a. Wika b. Wikang Panturo c. Wikang d. Wikang
Pambansa Opisyal
14. Ayon sa kaysayan ng wika, anong ng panahon naging sapilitan ang paggamit ng Ingles.
a. Hapon b. Tagalog c. Amerikano d. Portugese
15. Ito ang namamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, at kapuwa tao.
a. Wikang b. Wika c. Wikang d. Wikang
pambansa Panturo Opisyal

23 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o
Mga Sanggunian

Mga Aklat

 Magdalena Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino,

Vibal Group Inc., Quezon City, 2016
 Dolores R. Taylan, Jayson D. Petreas, Jonathan V. Geronimo at Crizel Sicat –
De Laza, Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino, Rex
Bookstone Inc., Manila City, 2016

Mga Url
 file:///C:/Users/Sir %20Mikko/Desktop/MODULE/
SHS/FILIPINO%20SA%20PILING-%20SIR%20MIKO/Filipino.pdf

24 | K o m u n i k a s y o n a t P a n a n a l i k s i k s a W i k a a t K u l t u r a n g P i l i p i n o

You might also like