You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
ASSEMBLYWOMEN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL
Lias, Marilao, Bulacan

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
IKAAPAT NA MARKAHAN
Activity Sheet 10
Agenda

PANGALAN: _____________________________________________________

TAON AT PANGKAT: ______________________________________________

PETSA NG PAGSUSUMITE: _________________________________________

0
I. LAYUNIN

A. Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin
. CS_FA11/12PU-0d-f-92

Pamantayan sa Pagganap

Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik

C. MELCs

Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa


piniling sulatin.

D. Tiyak na Layunin

1. Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko


2. Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

II. NILALAMAN

Aralin 1 – AGENDA/ADYENDA

1
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
Paunang Pagtataya:

Panuto: Basahin ang lahat ng mga pahayag bago ito sagutin. Gamitin ang bilang 1-5 sa
pagpapakita ng wastong pagkakasunod-sunod nito.

_____Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda
o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng
agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o
paksa,

_____ Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail
na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras at lugar.

______Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

______ Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang
pagdalo o kung email naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.
Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo ,mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng
adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na
kanilang kailangan upang pag-usapan ito. taong magpapaliwanang at oras kung gaano
katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda.

______Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago
ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailan.

2
Balik-aral:
Panuto: Gamit ang Concept Map Graphic Organizer ay ibigay ang hinihingi ng sumusunod:
(1) Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay (2) Hakbang
sa pagsulat ng replektibong sanaysay

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Mga dapat isa-alang-alang sa


pagsulat Mga hakbang sa pagsulat

3
B. Paglulunsad ng Bagong Aralin

Petsa: Enero 5, 2021


Oras: 9:00 – 11:00 n.u.
Lugar: Senior High School Grade 11 Faculty Room
Paksa/Layunin: Mga Dapat Gawin at Ihanda ng mga Guro sa HUMSS1B/1C (Senior High
School)
Mga Dadalo:

1. Danilo Del Mundo - Master Teacher II at 8. Rozel Luciano - SHS Teacher II


Subject Group Head 9. Sheth Sali - SHS Teacher II
HUMSS1B/IC 10. Ryan Futalan - SHS Teacher II
2. Edna Banawa - SHS Teacher II 11. Alyssa Jane Lazaro - SHS Teacher II

4
3. Kathleen Capiral - SHS Teacher II 12. Joshua Villanueva- SHS Teacher II
4. Basilisa Estrope - SHS Teacher II 13. Darius Cedric Buan - SHS Teacher II
5. Maricel Bagaporo - SHS Teacher III 14. Ariane Joy Peralta - SHS Teacher II
6. Diana Maṅez - SHS Teacher III
7. Catherine Laririt - SHS Teacher I

Mga Paksa o Adyenda Taong Tatalakay Oras

1, Pagririso ng Modyul Alyssa Jane Lazaro 15 minuto


2. Pag-aayos ng Modyul Ariane Joy Peralta 15 minuto
2. Paggawa ng Diana Maṅez 15 minuto
Sumatibong Pagsusulit
3. Paghahanda sa Danilo Del Mundo 20 minuto
Obserbasyon ng mga
Guro sa HUMSS1B/IC
4. Pagtalakay sa bagong Maricel Bagaporo 20 minuto
E-Class Record
5. Paggawa ng Weekly Edna Banawa 15 minuto
Home Learning Plan
6. Paggawa ng Individual Joshua Villanueva 15 minuto
Accomplishment Report

Pamprosesong Tanong:

1. Anong akademikong sulatin ang iyong nabasa?


2. Nakagawa ka na rin ba ng ganitong uri ng sulatin?
3. Mahalaga ba ang sulatin na ito sa isang pulong? Bakit?

Pagtalakay ng Paksa:
Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong
adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong .Napakahalagang maisagawa ito
nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.


1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat paksa

5
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod ng paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.

3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng
paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga
paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang


tatalakayin sa pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:

1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na


magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at
lugar.

2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o
kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din
sa memo nasa mga dadalo , mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang
kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kailangan
upang pag-usapan ito.

3.Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o
paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda
ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita and adyenda o paksa,
taong magpaliwanag at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang
gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting
agenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.

4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang
pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailan at saan ito
gaganapin.

5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

6
C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:

Panuto: Balikan muli ang Paglulunsad ng Bagong Aralin. At basahin, suriin muli ang
halimbawa ng Adyenda at sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Bakit magkaroon ng pagpupulong ang mga Guro sa HUMSS 1B at IC? Mahalaga ba at


napapanahon ito? Bakit??
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Pansinin ang nakatakdang oras/minutong gugugulin na nakabatay sa Adyenda. Ano ang


naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo nito?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________

3. Makabuluhan ba ang pagdalo ng lahat ng mga pinadalhan ng memo/memorandum? Bakit?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay A - Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Adyenda sa Hanay B -Paliwanag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa
sagutang papel.
A. Mga Dapat Tandaan B. Paliwanag
Sa Pagsulat ng Adyenda
1.___ Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay A.Tiyakin na nasusunod ang itinakdang oras
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. para sa mga adyenda o paksang tatalakayin.
2.___ Talakayin sa unang bahagi ng pulong B.Ang pagsunod sa oras ay
ang higit na mahahalagang paksa nagngangahulugan ng pagrespeto sa oras ng
iyong mga kasama .
3.___ Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit C.Ginagawa ito upang matiyak na kung
maging flexible kung kinakailangan. kulangin man ang oras para sa pagpupulong
ay natalakay na ang importanteng paksa.
4.___ Magsimula at magwakas sa itinakdang D.Makatutulong nang malaki kung nakahanda
oras na nakalagay sa sipin ng Adyenda. na rin kasama ng adyenda ang mga
kakailanganing dokumento para sa mga
paksang nangangailangan ng estadistika at
kompyutasyon upang mas madali itong
maunawaan ng lahat at walang masayang na

7
oras.
5.___ Handa ang mga kakailanganing E.Ginagawa ito upang matiyak na ang bawat
dokumento kasama ng adyenda . taong dadalo sa pulong ay may sapat na
kaalaman hinggil sa mga paksang pag-uusapan.

D. Paglalapat

IV. PAGTATASA

Panuto: Basahin ang mga katanungan at sagutin ito nang maayos at obhetibo.
1. Saan ginagamit ang adyenda? Sino ang dapat na gumagawa nito?
_______________________________________________________________________
___________________________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang adyenda?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit:
8
A. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ang pahayag ay Mali.
___1. Ang katitikan ng pulong ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
___2. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong.
___3. Ang adyenda ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c.oras ng pag-uwi.
___4. Ang adyenda ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na hindi
maging
handa sa mga paksang tatalakayin.
___5.Nakakatulong ang adyenda upang mapanatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin
sa pulong.
___6. Magdala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay e-mail na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa
ganitong araw, oras at lugar.
___7. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda
o paksa ay na padala na o nalikom na.
___8. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong hindi dadalo mga dalawa o isang araw
bago ang pulong.
___9. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at
mapanuri
kung ang mga isinumiteng adyenda ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.
___10. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng adyenda ng isang pulong mula sa internet o sa
aklat. Siguraduhin na may kopya kayo nito. Basahin, suriin at isulat nang mahusay ang mga
katangiang tinataglay nito batay sa aralin.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Sanggunian
Aklat

Baisca-Julian, Aileen, et.al. 2016. Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik). Phoenix Publishing.

Constantino, Pamela C., et.el. 2016. Filipino sa Piling Larangan (Akademik) .Rex Book Store

Module
DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

Susi sa Pagwawasto

10

You might also like