You are on page 1of 8

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino upang

lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man ang mga katangi-
tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio
Enriquez , Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng Wikang Filipino bilang
instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan sa ating
katauhan, buhay at lipunan. Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri ang limang pangunahing
konsepto sa ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng
panimulang introdruksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin
ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Mga susing termino: Pagpapaunlad ng wika; Intelektwalisasyon; Konsepto sa ekonomiks;


diwang Pilipino; Problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.
INTRODUKSYON
Dapat sanang sinulat at binasa ang sanaysay na ito noong ako’y parangalan ng pamantasang ito bilang Don
Santiago Syjuco Gawad Propesor sa Ekonomiks. Ngunit, noon hindi pa gaanong mulat ang aking isipan sa
kahalagahan at pangangailangang ipagpaunlad ang ating wika. May kaunting takot at pangamba rin ako sa paggamit
ng Filipino bilang wikang pangdiskurso lalo’t higit sa larangan ng ekonomiks.
Ngayon ay nagkalakas-loob akong gamitin ang ating wika sa isang pormal na panayam at sa pagsuri ng isang
aralin na may kahirapang unawain kahit sa wikang Ingles. Ang intensyon ko ay makapag-ambag sa pagpapaunlad
ng ating wika upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon sa wikang Filipino. Marapat lamang sundin, hamak
man ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson,
Virgilio Enriquez , Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng Wikang Filipino bilang
instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan sa ating katauhan, buhay at
lipunan.
Hindi ko hangad ang lituhin ang sinuman sa aking paggamit ng Filipino sa pagtalakay ng
diwa ng ekonomiks. Bagkus, isa rin sa aking layunin ang liwanagin ang mga konseptong
ginagamit sa aming propesyon upang maunawaan ito ng publiko at bigyan na esoteriko na
nakapaligid at bumabalot sa pagtuturo ng ekonomiks, kung kaya’t ito ay madalas na hindi
maunawaan at binabali-wala ng karaniwang estudyante.
Ngunit sa aking palagay, madaling maunawaan ang ekonomiks dahil ito ay isang pag-
aaral na naglalarawan at nakatuon sa ating kabuhayan. Ito ay isang pagsusuri ng ating lipunan
na tugma sa ating mga karanasan. Kaya’t ako ay naniniwala na lalong makakatulong ang
paggamit ng ating wika sa pag-unawa ng mga konsepto at teoriya na naglalarawan ng ating
mga pang-araw-araw na karanasang pangkabuhayan.
Bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw tungkol sa ekonomiks. Kadalasan
kapag naririnig natin ang mga salitang ito: ang diwa ng kalakalan, pera, pagtaas ng presyo,
pambansang produkto, bilihan ng stock, pamumuhunan at kawalang trabaho ang siyang
pumapasok sa ating isipan.
Marami rin sa atin ang nakasaulo ng isang depinisyon na ipukpok sa ating mga ulo
noong tayo’y nasa mataas na paaralan. Ayon dito, ang ekonomiks ay isang pag-aaral tungkol
sa paggawa at paggamit ng kayamanan.
May iilang ekonomista namang naglalarawan sa ekonomiks bilang anumang gawaing
pinagkakaabalahan ng mga ekonomista. May kayabangan ang depinisyong ito sapagkat
sinasakop na ito ang halos lahat ng bahagi ng araling panlipunan. Marami sa ating mga
ekonomista ay nasa kalakalan, pamahalaan, unibersidad, surian at iba pang sektor na kung
anu-ano ang pinagkakaabalahan. Sila ay tinatawag upang tumulong sa paglutas ng sari-saring
problemang panlipunan, ngunit marami rin ang nagsasabi na sila ang nagpapagulo ng mga
problemang ito. Hindi lamang may kayabangan ang depinisyong ito kundi mahirap ding
gamitin bilang isang pamantayang depinisyon.
Ang pagiging tanyag ni Samuelson bilang isang mahusay na ekonomista at awtor ng mga aklat sa
ekonomiks ang siyang nagpatanyag ng isang pamantayang depinisyon ng ekonomiks na ginagamit ay
isang sangay ng agham panlipunan na natutungkol sa pamamahagi ng iba’t iba, ngunit limitadong yaman
upang tugunan ang paparami at halos walang hangganang hilig ng tao.

May limang pangunahing konsepto na bumubuo sa depinisyong ito ng ekonomiks. Ito ay ang:
1. Agham Panlipunan
2. Kayamanan
3. Hilig ng tao
4. Kagahupan
5. Pamamahagi

Ang layunin ay upang ipakita ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng bawat
mamamayang Pilipino.
Maraming
Salamat sa
Pakikinig ! 

You might also like