You are on page 1of 2

ROSAL, EVANS CHRISTIAN 3/18/21

XI-STEM

(CLOTI) ISANG MULTI CLOTHING DEVICE


Panuto sa paggamit:
 Bago ang lahat siguraduhin munang mayroong
bluetooth connection ang iyong gagamiting
personal device (cellphones, pc, laptop, etc.)
1. Idownload at iinstall lamang ang app na “CLOTI your
number 1 dresser” sa playstore o sa google ng iyong
personal device.
2. Ngayon naman ay itap ang touchscreen monitor ng CLOTI
device ng isang beses kasunod ng isang 7 sigundong
pagtap upang maactivate at tuluyang bumukas ito, maririnig ang 3 beep na tunog na syang tanda na
ito nga ay bumukas na.
3. Sa pamamagitan ng bluetooth ng iyong napiling personal device ay pindutin lamang ang pair to my
device na makikita rito, upang tuluyang mahanap at makakonekta sa built in bluetooth ng CLOTI
device.
4. At kung nakakonekta na, ngayon naman ay mag download sa internet ng litrato ng anumang gustong
suotin na damit, at isave ito sa gallery ng iyong personal device.
5. Pagkatapos naman ay buksan ang CLOTI application na iyong nainstall. Sa pag bukas ng app
mayroong tatambad na apat na walang laman na square slot (na may numerong 1-4) sa home page ng
app na ito, at ang kailanagan mo lamang gawin ay pindutin ang isa sa mga ito, upang maidirect ka sa
gallery ng iyong personal device.
6. Ngayon naman ay, kinakailangan mo lamang piliin at pindutin ang nagustuhan mong litrato na
naglalaman ng iyong napiling kasuotan. Agad naman itong mag uupload sa iyong cloti na application.
7. Ikabit lamang ang kasama nitong garterized strap sa likod ng CLOTI device.
8. Pagkatapos ay isuot ito sa bandang dib dib.
9. Itap ito ng dalawang beses. Ngayon naman ay magtatanong ito kung aling susuotin ang gusto mo ,
ilalahad nito ang mga napagpiliang mga susuutin, eksakto sa order na iyong ginawa sa iyong CLOTI
application. Ito ay mayroong slot1 hanggang slot 5, siguro nga’y nagtataka ka kung bakit nga ba ito
may slot 5 kung sa application naman ay apat lamang. Ito ay sa kadahilanang ang panglima ay
bakante sapagkat ito ay nakalaan para sa pagdidiactivate at pagtatanggal ng iyong kasalukuyang
napiling kasuotan.
10. Upang makapagpili sa Limang slot na ito ay magswipe lamang (sa touchscreen monitor ng
CLOTI device) hanggang makita ang numero ng slot ng napiling kasuotan. Kung ika’y nakapili na, ay
itap lamang ito ng dalawang beses, upang tuluyang mapili ito.
11. Tumayo ng tuwid at itaas ng magkasabay ang parehong kamay at hintayin lamang na ito’y
bihisan ka.
12. Kung gusto mong palitan ang kasalukuyang damit, ay simple lamang ang iyong gagawin, i tap
ang CLOTI device ng mga 7 sigundo at pindutin ng dalawang magkasunod upang maactivate muli ang
voice control nito. Tatanungin ka ulit nito kung aling numero ng damit ang gusto mo, at sa parehong
proseso kailangan mo lamang mag swipe hanggang makita ang numero ng slot ng iyong ninanais, at
pagkatapos ay itap ito ng dalawang beses upang tuluyang mapili .

You might also like