You are on page 1of 6

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t –

ibang Teksto tungo sa


Pananaliksik
Quarter 2 – Week 2
Gawaing Pagkatuto sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Name of Learner/Pangalan: ____________________________ Grade level: _________

Section/Seksiyon: ________________________Date/Petsa :______________

PANIMULA

TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Ang mga
impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng
pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa
Internet . Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga
bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon
upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa
o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at
may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

􀀀 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang
kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o
hayop at iba pang nabubuhay.
􀀀 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya
sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na
organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.
􀀀 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na
mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
􀀀 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyang-diin:

● Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon


Halimbawa :
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim ang pang-unawa
ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.

● Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto


Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin , nakahilis , nakasalungguhit o
paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
● Pagsulat ng mga Talasanggunian
Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang - sangguniang ginamit upang higit na
mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

􀀀 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang
panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat
tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring may
historical account.
􀀀 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying
􀀀 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay
o pangyayari.
Halimbawa :
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang uri ng teksto ( FIIPB-IIId-99 )


 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig) (F11PB-IIIa-98);
 Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Impormatibo (F11PU-IIIb-89)

GAWAIN 1

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa
bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa inilaang patlang.

A. Paglalahad ng totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


B. Pag-uulat Impormasyon
C. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit nagbabagong
anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng
Salagubang.”

_____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at napakalakas na
bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais niRodel na magkaroon ng mas maraming
impormasyon ukol dito kaya’t hawakniya ngayon ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global
Warming sa Kapaligiran.”
____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang dahilan sa
mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa
kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “51 st
International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya. Sinasabi
ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang
nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o
pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail ; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media ; pag-bash o pagpapaskil ng mga
nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang
isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari
nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang
ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang marka
sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying. Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo
kung saan may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang
Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating
bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa
cyberbullying . Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang
nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-
aaral sa Grade 9 hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

GAWAIN 2

Batay sa binasang tekstong pinamagatang “Cyberbullying”, pagnilayan ang sumusunod


na sitwasyon at iugnay ito sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid maging sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig. Isulat sa dyornal ang iyong mga kaisipan

1. May kasabihang walang mambu- bully kung walang magpapa- bully. Ano-
ano ang gagawin mo upang maiwasang maging biktima ng cyberbullying?
2. Kung sakaling ikaw o isa sa mga kapamilya o malapit na kaibigan mo ang
magiging biktima ng cyberbullying , ano-ano ang gagawin mo o ninyo upang
mapigilan ang ganitong uri ng pang-aabuso at mapanagot ang taong
gumagawa nito?
3. Bakit mahalaga ang pagiging responsible sa paggamit ng internet at laging
pagsasaalang-alang sa pahayag na “ Think before you click”?
GAWAIN 3

Ngayon ay ikaw naman ang sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong


impormatibo. Maari kang mag-isip ng sariling paksang susulatin na ihihingi mo ng
pahintulot sa iyong guro o maaari kang pumili sa mga paksang nakalahad sa ibaba:

􀀀 Mga paraan sa pagpapanatili ng malusog na pangangatawan


􀀀 Epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa
􀀀 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant
noodles at iba pa
􀀀 Sanhi at Bunga ng COVID-19

Rubriks sa Pagsulat ng Tekstong Impormatibo


Pamantayan Puntos Natamong Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto. 5
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin 5
Himay-himay na inilahad ang suportang idea. 5
Organisado ang mga ideya gamit ang isang angkop ng 5
hulwarang organisasyon.
Matibay na nailahad ang mga ideya na may sapat na 10
batayan/sanggunian at walang kinikilingan upang maipakita
ang kredibilidad ng impormasyong isinaad sa isinulat na
teksto.
Kabuuan 30
puntos

PANGHULING PAGTATAYA
Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

______1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ _2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay nakabatay sa
sariling opinyon ng may-akda
_____ _3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ _4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
_____ _5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong impormatibo.
_____ _6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay-diin sa
mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ _7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyong patungkol sa tao,
hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
______ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong isports.
_____ _9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit nagaganap ang
isang bagay o pangyayari.
______10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.

MGA AKLAT
Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya Publishing House,
2011.
Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila,
Philippines. REX Book Store
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc., 2016.
De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa ‘Pananaliksik. Manila: REX
Bookstore,
Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang TekstoTungo sa Pananaliksik. Manila,
Philippines. REX Book Store
INTERNET
https://www.slideshare.net/REGie3/tekstong-impormatibo-193940830
https://www.academia.edu/33824138/Tekstongimpormatibo_Para_sa_iyong_Kaalaman

Answer Key/Susi sa Pagwawasto


Gawain 1 Gawain 2 Panghuling Pagtataya
1.C Magakaiba ang sagot 1.Tama 6. Tama
2. B depende sa pananaw at ideya 2.Mali 7. Tama
3. A ng mag-aaral 3.Tama 8. Tama
4.A 4.Tama 9. Tama
5.A 5.Mali 10. Tama

Inihanda ni:
EMMA R. BERCERO

You might also like