You are on page 1of 5

Name: Year Level:

Track: Strand/Specialization:
Teacher: Date:

LEARNING ACTIVITY SHEET


PAGBASA AT PAGSURI NG IBAT-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Modyul 1:
Tekstong Impormatibo

Learning Competency (MELC)

1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang uri ng teksto (F11PB-IIIa-98);


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit sa tekstong
impormatibong binasa (F11PT-IIIa-88);
3. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong Impormatibo
(F11-PS-IIIb-91);
4. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong Impormatibo (F11PU-IIIb-89);
5. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
(F11EP-IIId-36);
6. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99);
7. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong impormatibong binasa
(F11PS-7-92);

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin
ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman
tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol
dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
ensiklopedya, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong
impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang
tekstong impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon upang
alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa
isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at
inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong
impormatibo: mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga
pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo,
o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang
nabubuhay.

 Pangunahing Ideya

pg. 1
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo
ang pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong
upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing
ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga
detalye. Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na


binibigyang-diin:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit
na mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga 6 estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita
ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.

 Pagsulat ng mga Talasanggunian


Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging
batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay
ay personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter
ng mga pahayagan o mga pangyayaring may historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay
gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

pg. 2
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang
layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na
paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
kailan, saan, sino at paano. Dahil layunin nitong maghatid ng tiyak na
impormasyon, dapat ito ay madaling unawain.

Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay


gumagamit ng iba’t-ibang pantulong upang magabayan ang mga mambabasa
para mas mabilis nilang maunawaan ang impormasyon. Ang ilan sa
halimbawa ng mga pantulong ay talaan ng nilalaman, index at glosaryo. Maari
ring gumamit ang mga manunulat ng mga larawan, ilustrasyon, titulo o
caption, grap at talahanayan at tinatawag din itong “ekspositori”.

Basahin ang halimbawa ng tesktong impormatibo.

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang


uri ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa
kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang
pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang
salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan,
larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga
nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may
layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang
sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa
pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya,
pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto ang ilan sa mga
epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng
mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema
sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan
may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay
ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang
pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika
ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng
mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at
2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9
hanggang 12 na nakaranas ng cyberbullying.

GAWAIN 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?


2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

pg. 3
3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng tekstong
binasa ang magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?
5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa
tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

GAWAIN 2

Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng


tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at
isulat ito sa inilaang patlang.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na
“Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel
na magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon
ang tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”

____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t
iba rin ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya
sa likod ng pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. 11 Makikita sa hawak niyang pahayagan ang
balitang ito: “51 International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong
st

Enero 24-31, 2016.”


____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang
hawak niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe
2015.”

PANGHULING PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung
tama ang pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay
nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay-diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyong patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at

pg. 4
mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at
sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop,
isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya,
13
kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng
encyclopedia at sa ibat’ ibang websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

References for learners

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik - Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Kwarter – Modyul 1: Tekstong Impormatibo
Unang Edisyon, 2020
Dexie P. Dilag, Maricar C. Ranara,
Bonifacio N.Gegato Jr, Marben A. Oco
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000

Answer Key

pg. 5

You might also like