You are on page 1of 15

Filipino 11

Filipino – Ikalabing-Isang Baitang


Ikalawang Markahan – Modyul 18: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik:
Paghahanda ng Iwinastong Balangkas, Pagsulat ng Borador, Pagwawasto at Pagrebisa ng
Borador at Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Charm Gladys S. Soriano
Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Tagasuri: Eva J. Ompoc
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Filipino 11
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-18
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating
Pananaliksik: Paghahanda ng
Iwinastong Balangkas, Pagsulat ng
Borador, Pagwawasto at Pagrebisa ng
Borador at Pagsulat ng Pinal na
Sulating Pananaliksik
Manunulat: Charm Gladys S. Soriano
Tagasuri: Eva J. Ompoc / Editor: Jennie Rose S. Evangelista
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyong at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino Baitang 11 ng Modyul para sa araling Mga Hakbang sa
Pagbuo ng Sulating Pananaliksik: Paghahanda ng Iwinastong Balangkas, Pagsulat
ng Borador, Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador at Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Isang maligayang pagbati sa inyong lahat aking mag-aaral! Kumusta ang
inyong araw? Nawa’y punong-puno ng kaalaman para sa masiglang pagkikita!
Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas ang
ating isipan sa mga pagbabagong naganap sa ating paraan ng pag-aaral. Ito ang
“new normal” kaya’t sa pamamagitan ng modyul na ito bilang estratehiya ng
pampagkatuto ay makatulong ito sa inyo. Inaasahan ko na magiging tapat kayo
sa pagsagot ng mga pagsubok at tatatak sa inyong isipan ang mga nakatala. Hiling
ko na magkaroon kayo ng sariling kwaderno para mga pagsasanay, aralin at
gawain para ikakabuti ng inyong pag-aaral.
Hiling ko ang inyong kaligtasan at Pagbutihin nyo!
Kasabay ng pangyayaring nagaganap sa ating bansa nawa’y bukas ating
bansa.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang Modyul ukol sa Iba pang Hakbang sa
Pagbuo ng Sulating Pananaliksik!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos talakayin ang modyul, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

a. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik;


b. naiuugnay ang mga konseptong natutuhan hinggil sa pananaliksik sa
sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan; at
c. naisusulat nang angkop ang bibliyograpiya gamit ang estilong APA.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Tukuyin kung ang bawat pahayag ay mabibilang sa: Paghahanda
ng Iwinastong Balangkas, Pagsulat ng Burador, Pagwawasto at
pagrerebisa ng Borador o Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, baybay


at bantas. __________________________________________________________

2. Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian.


_____________________________________________________________________

3. Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang
apelyido bilang basehan. ____________________________________________

4. Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas.


_____________________________________________________________________

5. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.


_____________________________________________________________________

BALIK-ARAL

Panuto: Ayusin ang mga gulo-gulong letra upang matukoy ang


mga hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

1. (AIPGLPI GN MABTNUIG PASKA)


_________________________________________________________________
2. (ABPUGO NG HAYPAAG GN TESSI)
_________________________________________________________________
3. (HAPAGHANDA NG SAMNGANPANTALA YLIOGRBIAPIYAB)
_________________________________________________________________
4. (HAHPAGANDA NG NTATTEIBONG LANBAGKAS)
_________________________________________________________________
5. (ANGPANGAPLA GN ATLA)
_________________________________________________________________

ARALIN
IBA PANG HAKBANG SA PAGBUO NG
SULATING PANANALIKSIK
Sa nakaraang aralin ay natalakay natin ang ilan sa mga hakbang sa
pagbuo ng sulating pananaliksik. Sa modyul naman na ito ay tatalakayin
natin ang ilan pa sa mga hakbang upang mabuo natin ang ating sulating
pananaliksik.

1. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline


Dito susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas
na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong borador.

2. Pagsulat ng Borador o Rough Draft


Maaari ka ng gumawa ng burador gamit ang iyong iwinastong
balangkas at mga card ng tala. Tandaan na ang isang sulating
pananaliksik ay kinakailangang magkaroon ng introduksiyon. Ito ay
kinakailangang naglalaman ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan
ng sulatin. Bukod dito, dapat ay mayroon itong katawan na kung saan
makikita ang pinalawak o nalamanang bahagi ng iyong balangkas. At
ang panghuli ay ang konklusyon. Ang konklusyon ang siyang
nagsasaad ng buod ng natuklasan sa pananaliksik. Sa pagsulat ng
lahat ng ito, bigyang-pansin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak
ngunit malinaw, tama ang baybay, bantas at kaayusang
panggramatika, pormal ang anyo at karaniwang nasa ikatlong
panauhan.

3. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

Basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto


o gawin ang tinatawag na proof read sa iyong burador. Pag-ukulan ng
pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas,
wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat at angkop na talababa o
footnote. Matapos ito ay maaari ka nang pumili ng tiyak na pamagat ng
iyong sulatin. Ihanda ang iyong paunang salita, talaan ng nilalaman at
pinal na bibliyograpiya.
Samantala, sa mga sanggunian na iyong nagamit, magbigay ng
pagkilala sa may-ari ng mga ito sa pamamagitan ng talababa at
bibliyograpiya.

Tandaan ang sumusunod:


Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-
samahin ang mga aklat, pahayagan, website atbp.
Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit
ang apelyido bilang basehan.
Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa at iba’t ibang estilo ng
pagsulat nito. Kung ang napiling estilo ay American Psychological
Association (APA), maaaring sundan ang sumusunod na pattern
para maisulat ang mga ginamit na sanggunian.
PARA SA MGA AKLAT

▪ Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor. (Taon ng paglilimbag) Pamagat.


Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
PARA SA MGA ARTIKULO SA PAHAYAGAN O MAGASIN

▪ Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor. (Taon ng paglilimbag) Pamagat


ng artikulo. Pamagat ng pahayagan o magasin, Paglilimbag #. (Isyu#),
pahina#.
PARA SA MGA KAGAMITANG MULA SA INTERNET

▪ Awtor. (Petsa ng publikasyon) “Pamagat ng artikulo o dokumento.”


Pamagat ng publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa
buong web address simula sa http://.

4. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Pagkatpos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang
walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na
sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng
guro.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay Blg.1
Panuto: Isulat ang tamang pormat ng bibliyograpiya ang mga sangguniang
nasa mga kahon gamit ang estilong APA.

1. Pangalan ng awtor o mga awtor: Virgilio S. Almario


Pamagat ng aklat: Filipino ng mga Filipino
Taon ng Pagkakalathala: 2009
Ang Tagapaglathala: Anvil Publishing, Inc.
Lugar kung saan inilimbag: Pasig City

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Nagmula sa: Agence France-Prese


Petsa ng Paglilimbag: Agosto 7, 2015
Pamagat ng Artikulo: To Create a World Without Nuke
Pamagat ng Publikasyon: Philippine Daily Inquirer
Paglilimbag #: 36
Isyu #: 279
Pahina #: 1

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Pangalan ng awtor o mga awtor: Paz, Consuelo J. et al.


Pamagat ng aklat: Ang Pag-aaral ng Wika
Taon ng Pagkakalathala: 2003
Ang Tagapaglathala: The University of the Philippines Press
Lugar kung saan inilimbag: Diliman, Quezon City

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSASANAY BILANG 2

Isulat ang salitang havey kung ang hakbang na ibinigay ay tama at waley kung ito
ay mali.

1. ________ Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador


2. ________ Pagtatala ng mga nilalaman
3. ________ Pagsulat ng Borador o Rough Draft
4. ________ Magbigay ng halimbawa ng mga papel pananaliksik.
5. ________ Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
PAGSASANAY BILANG 3

Tukuyin ang hinihingi ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot

1. Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong


hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng guro.
a. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
b. Pagsulat ng Gitnang Sulatin
c. Pagsulat ng sulating pormal at di-pormal
d. Pagsulat at pagbasa ng sulatin
2. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat at angkop na
talababa o footnote.
a. Pagbasa ng mga sulating pananaliksik
b. Paghihimay ng mga baybay sa pangungusap.
c. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
d. Pagwawasto ng footnote at outline
3. Ito ay kinakailangang naglalaman ng mga ideyang matatagpuan sa
kabuoan ng sulatin. Bukod dito, dapat ay mayroon itong katawan na
kung saan makikita ang pinalawak o nalamanang bahagi ng iyong
balangkas.
a. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
b. Pagsulat ng Gitnang Sulatin
c. Pagsulat ng sulating pormal at di-pormal
d. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
4. Sa hakbang na ito ay susuriing mabuti ang inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang
baguhin o ayusin.
a. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
b. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
c. Pagwawasto ng footnote at outline
d. Pagsulat ng Borador o Rough Draft

5. Tukuyin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga hakbang sa


paggawa ng Sulating Pananaliksik.
a. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
b. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
c. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
d. Pagsulat ng sulating di-pormal

PAGLALAHAT

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang


sulating pananaliksik. Isulat sa mga kahon ang tamang
pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

2. 3.
1. 4.

Mga Hakbang sa pagbuo ng Makabuluhang 5.


Sulating Pananaliksik

9. 8. 7. 6.

PAGPAPAHALAGA
“Kung kayang isipin ay kayang gawin.” Mula sa kaisipang ito, isagawa mo
ang sumusunod:
▪ Bumuo ka ng mensahe o liham para sa iyong sarili na mag-iisa-isa sa
iyong mga taglay na kakayahan at galing upang mapagtibay mo sa
iyong sarili na kaya mong bumuo ng isang matagumpay na sulating
pananaliksik.

____________________
_________________________,
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________,
___________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay
tama, isulat ang salitang TAMA at ang MALI kung hindi wasto ang
pahayag.
_________ 1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay
ng direksiyon sa pagsasaayos ng mga ideya at sa pagsulat.
_________ 2. Burador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro.
_________ 3. Hawig ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga
pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
_________ 4. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating
pananaliksik.

_________ 5. Isa sa mahahalagang bagay na dapat ikonsidera sa pagbuo ng sulating


pananaliksik ay ang pagpili sa paksang magiging interesado at
kakayanin ng susulat.

_________ 6. Kailangang mabigyang kredit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng


mga ginamit na sanggunian sa pamamagitan ng talababa at
bibliyograpiya.

_________ 7. Kapag gumamit ang manunulat ng tuwirang sinipi sa pangangalap ng


tala ay pinaiikli lamang niya ang bersiyon ng isang mas mahabang
teksto.

_________ 8. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang


pagsulat.

_________ 9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng


mahusay na introduksiyon at katawan subalit hindi na mahalaga ang
konklusyon.

_________10. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o


inaasahang mambabasa ng isusulat.
Paunang Pagsubok
1. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
2. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
3. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
4. Pagsulat ng Burador
5. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
Balik – Aral
1. Pagpili ng mabuting paksa
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
5. Pangangalap ng Tala
Pagsasanay Blg. 1
1. Almario, Virgilio S. (2009) Filipino ng mga Filipino. Pasig City: Anvil Publishing, Inc.
2. Prese, Agence France. (2015) To Create a World Without Nuke. Philippine Daily Inquirer,
36. (279), pahina 1.
3. Paz, Consuelo J. et al. (2003) Ang Pag-aaral ng Wika. Diliman, Quezon City: The
University of the Philippines Press.
Pagsasanay 2 Panapos na Pagsusulit
1. Havey 1. tama
2. Waley 2. mali
3. Havey 3. tama
4. Waley 4. mali
5. Havey 5. tama
Pagsasanay 3 6. tama
1. A 7. mali
2. C 8. tama
3. D 9. mali
4. A 10. mali
5. D
Paglalahat
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
5. Pangangalap ng Tala o Note Taking
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
7. Pagsulat ng Burador o Rough Draft
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Anastacio, Heide, Rita Morales at et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Mutya Publishing House Inc, 2013.
Batnag, Aurora at Crizel Sicat-De Laza. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Tekstto Tungo sa Pananaliksik. Rex Printing Company Inc, 2016.
Dayag, Alma at Mary Grace Del Rosario. Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House Inc, 2017.

You might also like