You are on page 1of 61

KOMUNIKASYON

Pangkatang gawain

- Magsasagawa ng telephone
Game o pass the message sa
klase .
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
- Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng
impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa
tao.
.

- Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na


communicare na ang ibig sabihin ay maibahagi. Ito ay
pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON
“Ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at
pagtatanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-
unawa. Walng nagaganap na komunikasyon kung walang
nagsasalita o kung may nagsasalita man subalit walang
nakikinig”

LORENZO ET.AL., (1994)


KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

“Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag


ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na
paraan.”

WEBSTER
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

“Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pasalita


o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o
dinarama sa isang paraang mabisa at kalugod-lugod.”

BUENSUCESO (1984)
Mga prinsipyo ng
komunikasyon
Mga prinsipyo ng KOMUNIKASYON
 Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili.
 Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang
tao
 Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensyon
 Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
 Ang komunikasyon ay nangangailangan ng
kahulugan
 Ang komunikasyon ay isang proseso
Komponent ng
komunikasyon
Komponent ng ng KOMUNIKASYON

Mga tao
Mensahe
Midyum/tsanel
Ingay
Koda
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
 Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may
hidwaan.
.

 Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga


at kailangan sa kanilang buhay.
.

 Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.


Tatlong paraan ng
komunikasyon
1. Komunikasyon bilang aksyon
Sa paraang ito ,ang pinagmulan ng mensahe
(sender)ay naghahatid ng mensahe na
maaaring natanggap ng
tagatanggap(receiver )
2. Komunikasyon bilang interaksyon
Sa paraang ito ,nagkaroon sa
pagpapalitan ng impormasyon sa
dalawang indibidwal .
3. Komunikasyon bilang transaksyon
Ito ay tipikal na ibinibigay na
kahulugan ng mga awtor sa
komunikasyon .
LAWAK NG
KOMUNIKASYON
LAWAK NG KOMUNIKASYON
 Ito ay tumutukoy sa dami ng bilang ng mga kalahok sa proseso ng
komunikasyon o lawak na sakop ng komunikasyon.
.

 Ilan sa mga uri nito:


(1) Intrapersonal na Komunikasyon
(2) Interpersonal na Komunikasyon
(3) Komunikasyong Panggrupo
(4) Komunikasyong Pampubliko
(5) Komunikasyong Pangmadla
LEBEL NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal na Komunikasyon
 Kilala rin bilang komunikasyong pansarili.
Madalas, hindi maikakailang ang ganitong
lebel ng komunikasyon ay nagpapatunay
na likas sa isang indibidwal ang maging
rasyonal. (panaginip, meditasyon,
kontemplasyon)
LEBEL NG KOMUNIKASYON
2. Interpersonal na Komunikasyon
 Tumutukoy sa dalawang indibidwal na
nagpapalitan ng mga ideya batay sa karanasan,
trabaho, at mga kaugnay nito. Kadalasan, ayon
kina Knapp at Daly (2000) ang mga sangkot dito
may malinaw na relasyon sa isa’t isa. Sa lebel na
ito mahalaga ang pakikinig at pagtugon upang
makabuo ng relasyon ayon kina Verderber.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
3. Komunikasyong Panggrupo
 Ayon kina Beeve at Masterson (2006),
ito ay lebel ng komunikasyon na
kinasasangkutan ng 3 hanggang 20 tao.
Kung saan ang proseso ng
komunikasyon ay pwedeng gawin sa
mediated o face to face na
pamamaraan.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
4. Pampublikong Komunikasyon
 Lebel ng komunikasyon na pormal
(planado ang pagdiriwang) na
maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng
mahigit 20 tagapakinig. Sa lebel na ito
ay inaasahang handa ang tagapagsalita.
LEBEL NG KOMUNIKASYON
5. Komunikasyong Pangmadla
 Ito ay lebel ng komunikasyon kung saan
hindi malinaw sa tagapaghatid ng mensahe
kung anong uri o saang pangkat kabilang
ang kanyang mga tagapakinig/manonood.
Ito ay isang uri ng mediated communication.
At itinuturing bilang pinakapormal at
pinakamagastos na lebel ng komunikayson.
KOMUNIKASYON ayon sa
intensyon
1. Tagumpay na Komunikasyon

Maayos na naipadala at
nabigyang kahulugan ang
mensahe ayon sa inaasahang
kahulugan o layunin nito
2. MisKomunikasyon

Intensyonal na naipadala ang


mensahe sa tagatanggap
subalit nagkaroon ng suliranin
o problema sa pagkakaunawa
3. Aksidental na Komunikasyon

Walang intensyong ipadala ang


mensahe ng tagapagpadala subalit
nabigyang interpretasyon ito ayon
sa nararamdaman
3. Tinangkang Komunikasyon

Intensyonal na ipinadala ang mensahe


subalit hindi ito nabigyang kahulugan
ng tagataggap
4. Walang Tinangkang Komunikasyon

Isa itong pinakadelikadong uri ng


komunikasyon ang sitwasyong hindi
intensyonal na naipadala ang mensahe
subalit nabigyang kahulugan ito ng hindi
wasto .
Ang kakayahang
KOMUNIKAtibo
Ang kakayahang komunikatibo ayon sa
sosyolingguwista na si Dell Hymes
(1976,1972)ay isang aspeto na nabibigay sa
atin ng abilidad upang ihatid at bigyang
kahulugan ang mga mensahe at
mauunawaan ang kahulugang interpersonal
sa loob ng ispesipikong konteksto.
Hinati ng manunulat na si james Cummin ang
kakayahang kommunikatibo bilang
CALP(Congnitive Academic Language
Proficiency ) at BASICS(Basic interpersonal
Communicative skills )CALP ay isang
dimensyon ng kakayahang na kung saan ang
magaaral ay kayang imanipula at magbigay
repleksyon sa mababaw na mukha /antas ng
wika .
 BICS(Basic interpersonal Communicative
skills )isang kakayahang na natatamo mula
pa lamang sa pagkabata upang maisagawa
ang pagpapalitang interpersonal o
komunikatibong pagpapalitan tulad ng
kwentuhan ng barkada o usapan ng pamilya
habang namamasyal .
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan

Si Martin Joos (1967)sa aklat ni Brown


(2000)na principles of teaching and
learning ay naghahanda ng mga payak na
klasipikasyon ng mga estilong pagsasalita
na ginagamit bilang pamantayan ng
formality o pormalidad.
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan
1. ORATORICAL O FROZEN STYLE
 kadalasang ginagamit sa pagsasalita sa harap ng
publiko na may malaking bilang ng awdyens.
 Mahusay na pagpapalano kaugnay sa mga
salitang gagamitin,intonasyon, gayundin sa iba
pang mga mapanghikayat na paraan ng
pagsasalita, ang mga kailangan sa estilong ito.
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan

2. DELIBERATIVE STYLE
 Ginagamit naman ang estilong ito sa tiyak
na bilang ng awdyens na hindi
kinakailangan ng mataas na antas na
pormalidad gaya ng nauna.
 Kadalasan itong isinasagawa sa loob ng
klasrum o mga forum.
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan

3. CONSULTATIVE STYLE
 Ito ang tipikal na pakikipagdiyalogo.
 Kailangan dito ang ang pormalidad sa
pananalita sa pamamagitan ng pagiging
mapili sa mga salitang gagamitin.
 Kadalasan itong masasaksihan sa opisina at
mga miting.
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan
4. CASUAL STYLE
 Ang estilong ito ay higit na makikita sa
usapan sa dalawang magkaibigan o kaya
naman ay usapan sa pagitan ng
magkakapamilya.
 Hindi gaanong binibigyang – pansin dito
ang pormalidad ng pakikipagtalastasan.
Antas ng pormalidad sa pakikipagtalastsan
5. INTIMATE STYLE
 Tinataya sa estilong ito ang pagkawala ng
anumang uri ng mga inhibisyon sa
pakikipagsalitaan.
 Nagaganap naman ito sa pagitan ng malapit
na kaibigan, kapamilya, o karelasyon kung
saan inihahayag ang sarili sa iba.
URI NG KOMUNIKASYON
II. Di berbal na Komunikasyon
 Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon
ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o
galaw.
.

 Ito rin ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan


ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi
ginagamitan ng salita, titik o tunog.
.

 Isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat


ngunit nauunawaan ng lahat.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
1. Kinesika (Kinesics)
o Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw
na iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
o Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay
naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba.
(kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos,
kumpas ng kamay)
a. Ekspresyon ng Mukha
 Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay
naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot
kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o
nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may
mga kahulugang ipinapahayag.

b. Galaw ng Mata
 Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba
ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas
.

 Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming


bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng
pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng
kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin
o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang
pisikal, emosyonal at marami pang iba.
.

 Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na


may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang
paghahatid ng mensahe.
d. Tindig o Postura
.

 Tindig pa lamang ng isang tao ay


nakapagbibigay na ng hinuha kung anong
klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
2. Proksemika (Proxemics)
.

o Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo o distansya, isang


katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
3. Pandama o Paghawak (Haptics)
.

o Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay


nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong
malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-
loob. Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
4. Paralanguage
.

o Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.


.

o Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga


salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot,
buntung- hininga, ungol at paghinto.
.

o Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay


kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik
.

o Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa


tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang
sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang
mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
o May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba.
o Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin
ng isang tao sa ibang tao.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
6. Kapaligiran
.

o Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao


upang maganap ang interaktibo at komunikatibong gawain sa buhay.
o Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya,
seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
o Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang
magaganap na pulong, kumperensya o seminar.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
7. Bagay (objectics)
.

o Paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng


pagbibigay ng isang partikular na bagay nailalahad ang intensyon at
mensahe na nais iparating ng isang tao.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
8. Kulay (Chromatics)
.

o Maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon ang kulay ng


isang bagay na suot o ibinibigay ng nais magparating ng mensahe.
ANYO NG DI- VERBAL NA KOMUNIKASYON
9. Simbulo (Iconics)
.

o Mga simbolo sa building, lansangan, botelya, reseta atbp. Na may


mensaheng nais iparating sa mga makakakita nito.
PROSESO NG KOMUNIKASYON
 Encoding
- ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano
isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng
tatanggap.

 Decoding
- ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa
kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
ELEMENTO NG
KOMUNIKASYON
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
1. Kalahok/Partisipante
 Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon.
Ito ay maaaring tagapagpadala ng mensahe (sender/source) o tagatanggap
ng mensahe (receiver).

2. Mensahe
 Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng
tagatanggap ng mensahe. Maaari itong berbal at di- berbal na mensahe.
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
3. Tsanel/Daluyan
 Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula
sa tagapaghatid ng mensahe. Maaari itong sensory organs at mediated channels.
Ilan sa mga halimbawa ng sensoring daluyan ay ang pandinig, paningin, at
pandama. Samantala, ang pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet ay
itunuturing bilang mediated na daluyan.

4. Tagatanggap ng Mensahe
 Ito ang nagbibigay kahulugan o mag-dedecode sa mensaheng kanyang
natanggap.
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
5. Ingay o Interference
 Ang isang o interference ay elemento ng komunikasyon na
nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na
hindi lamang ito nakapaloob sa tunog.
 Sa katunayan, sakop nito ang pisikal/teknikal na sagabal,
semantikong sagabal, pisyolohikal na sagabal, at sikolohikal na
sagabal.
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
 Ang mga inagy sa paligid, mga distraksyong biswal, suliraning
teknikal na kaugnay ng sound system, hindi mahusay na pag-
iilaw at hindi komportableng upuan ay mga halimbawa ng
pisikal na sagabal.
 Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o
pangungusap mismo. Halimbawa nito ay mga salita o
pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan.
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
 Ang mga pisyolohikal na sagabal ay iyong matatagpuan sa
katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng mensahe tulad ng
kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita. Ang pagkakasakit
ay isa ring halimbawa ng pisyolohikal na sagabal.
 Ang mga halimbawa naman ng mga sikolohikal na sagabal ay ang
mga: pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba
ng mga nakagawiang kultur ana maaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON
6. Tugon o Feedback
.

 Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng


ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal
(pasalita/pasulat) at di- berbal (simbolo).
1. Relasyunal
o di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa
kausap.
2. Panlinggwistika
o pasalita, gamit ang wika. Uri ng FeedbackUri ng Feedback

You might also like