You are on page 1of 3

Las Piñas City National

Paaralan Senior High School- Baitang 11


Doña Josefa Campus

Komunikasyon at
Guro Louie C. del Mundo Asignatura pananaliksik sa wika
at kulturang Pilipino

DETAILED
Lesson Log Petsa at Oras HUNYO 13, 2019
(Pang-araw- Semestre Unang Semestre
ng Pagtuturo (HUWEBES)
araw na Tala
sa Pagtuturo)

A. BILANG NG SESYON IKAAPAT NA ARAW


B. KLASE  ICT 11 STEVE JOBS (9:20-10:20 A.M)

I. LAYUNIN
 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
C. Pamantayang Pangnilalaman gamit ng wika sa lipunang Pilipino
 Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at
D. Pamantayang Pagganap pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
 Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng nga konseptong pangwika
F11PT-Ia-85
E. Kasanayang Pampagkatuto  Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw,
at mga karanasan F11PS – Ib – 86

F. Detalyadong Kasanayang
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Pampagkatuto

II. NILALAMAN
*Dayag, A. at del Rosario, M. (2017).Pinagyamang Pluma: komunikasyon at
KAGAMITANG PANTURO pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc.
Quezon City.

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay
ng guro
2. Mga pahina sa
*Pahina 12-15
kagamitang pang-
mag-aaral / teksbuk
3. Karagdagang kagamitan
mula sa portal ng
Learning Resource
4. Iba pang Kagamitang
Panturo laptop, projector, whiteboard, and marker
III. MGA HAKBANGIN
A. Pang araw-araw na gawain bago
mag simula ang klase
1. Pag-darasal Bago magsimula ang klase ang guro at ang buong klase ay…
1.pagdarasal
2. Pag-kuha ng impormasyon
2. pagkuha ng impormasyon kung sino ang wala sa klase
kung ang mag-aaral ay wala sa 3. paglilinis sa loob ng silid aralan
klase 4. pagbati sa isa’t isa
3. Pag-aayos ng mga klima sa
loob ng silid aralan
Ang guro ay magsasagawa ng isang balik tanaw sa nakaraang tinalakay ng buong
B. Balik-aral sa nakaraang klase. Ito gagawin sa pamamagitan ng oral recitation gamit ang index card ng mga
aralin at/o pagsisimula ng mag-aaral.
bagong aralin Sa bawat oras na matapos ang guro sila ay bibigyan ng malugod na pagbati upang
mashigit pa silang makipagtalastasan.
C. Paghahabi sa layunin ng
aralin

Ang guro ay magpapakita ng isang larawan at ito ay kikilalanin ng mga mag-aaral


kung sino at ano ang naiambag niya sa wikang pambansa.
Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano sa palagay mo ang ating wikang pambansa?
2. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit ito an gating naging wikang pambansa.
D. Pag-uugnay ng mga Ang ating wikang pambansa ay nagsimula sa katawagang TAGALOG at ito ay
sinimulan bigyang pansin ng dating pangulo ng Pilipinas na si Manuel L. Quezon.
halimbawa sa bagong Ang pagkakaroon ngating wikang pambansa ay una nagkaroon ng pangkalahatang
aralin wika sa Pilipinas, pangalawa magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat
na wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika, at ikatlo
bigyang halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at
panitikang tinatanggap.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA AYON SA IBA’T IBANG TAON
1934-pagmungkahi na dapat isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas ang maging
wikang pambansa.
1935-nagkaroon ng isang probisyong pangwika ayon sa Saligang Batas ng 1935,
Artikulo XIV, Seksiyon 3.
1937-proklamasyon ng wika bilang TAGALOG ayon sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134.
1940-itinuro ang wikang pambansa sa mga paaralan.
1946-ipinahayag ang wikang Tagalog at Ingles ang siyang magiging wikang opisyal.
1959-Pinalitan ang katawagang Tagalog bilang wikang pambansa at ito ay naging
E. Pagtalakay ng Bagong
PILIPINO.
Konsepto at Paglalahad ng
1972-Nagkaroon ng maigting pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal at unang
mga Bagong Kasanayan
lumabas ang pagagmit ng salitang wikang Filiino bilang wikang pambansa subalit
hindi ito napagtibay.
1987-sa pagpapatibay ng dating pangulo ng Pilipinas na si Cory Aquino, Filipino ang
naging wikang pambansa ng Pilipinas.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO ito ay ayon sa Konstitusyon ng
1987, Artikulo XIV, SEKSIYON 6. (1987 Constitution, Article 14, Section 6). “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika.”

F. Paglinang sa Kabihasaan UNANG PARTE NG AKTIBIDAD


I. Pumile ng kapareha dalawa hanggang tatlo LAMANG.
(tungo sa Formative II. Gumawa ng isang Time Line na nagpapakita ng ebolusyon ng wika simula taong
Assessment) 1934-1987.
IKALAWANG PARTE NG AKTIBIDAD
I. Ipaliwanag ang mga mga sumusunod na pahayag na may kinalaman sa wika
1. Ang wikang pambansa ay Filipino samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.
G. Paglalapat ng aralin sa 2. Dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
pang-araw-araw na buhay itaguyod ang paggamit ng wika ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
3. Walang pinakaahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan
tungkol sa pagkakaisa ng bansa at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na
kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.
Ilang piling mag-aaral ang magsasalaysay ng pinagdaanan ng wikang wikang
H. Paglalahat ng Aralin pambansa.

I. TAMA o MALI
1. Nagbigay ng lubos na suporta si dating pangulong Corazon Aquino sa paggamit
I. Pagtataya ng Aralin ng Filipino sa pamahalaan sa pamamagitan ng ATAS TAGPAGPAGANAP BLG. 335,
SERYE NG 1988. T
2. Pilipino ang opisyal na gagamitin sa lahat ng transaksiyon ng gobyerno. M
3. Noong taong 1936, ang kongreso ay gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika. T
4. Ang surian ng wikang pambansa ay may layunin pag-aralan ang mga opisyal na
wika na pangkalahatan. M
5. Taong 1959 ng unang lumabas ang salitang Pilipino bilang wikang pambansa. T

J. Karagdagang gawain para TAKDANG ARALIN


sa takdang-aralin at 1. Manood ng isang pinoy na palabas mula sa telebisyon at suriin kung ano-anong
remedyasyon wika ang kanilang ginamit.

IV. KOMENTARYO
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remedyasyon
C. Nakatulong ba ang _____ Oo _______Hindi
mga gawaing
remedyasyon?
(Lagyan ng tsek)
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nakaagapay sa aralin
E. Bilang ng mga mag-aaral na
kailangan pa ng remedyasyon
F. Alin sa aking mga istratehiya sa
____ Experiment _____ Role Play _____Collaborative Learning
pagtuturo ang naging epektibo?
_____ Differentiated Instruction _____ Lecture _____ Discovery
Bakit ito naging epektibo? (Lagyan
ng tsek kung aplikable) Bakit? ______________________________________ Complete IMs
____ Bullying sa pagitan ng mga mag-aaral
G. Anu-anong mga suliranin na aking ____ Atityud ng mga mag-aaral
kinaharap ang maaaring tulungang ____ Makulay na mga kagamitang panturo
solusyunan ng aking superbisor at/o ____ Kawalan ng modernong kagamitang panturo
punungguro? (technology equipment)
____ Kawalan ng laboratoryo (Science/Computer/Internet)
H. Anu-anong mga inobasyon o lokal ____ Localized videos
____ Paglikha ng big books mula sa pananaw ng lokalidad
na materyales ang aking ginamit o
____ Pagreresiklo ng mga plastik para sa kontemporaryong
natuklasan na maaari kong ibahagi sining
sa ibang guro? ____ Paglikha ng komposisyong musika
IPINASA KAY:

____________________________
MRS. MARIFE I. GAMATA PINAGTIBAY NI:
SHS-FILIPINO COORDINATOR
MASTER TEACHER I __________________________
MR. IGNACIO L. SON, JR.
____________________________ PUNONG GURO II
MR. RONALD L. ARANETA
SHS-OVER ALL COORDINATOR
MASTER TEACHER I

You might also like