You are on page 1of 5

Teacher JOHN MARK C.

ALVERO Grade Level 11


Date JUNE 17, 2022 Learning Area Pagbasa at Pagsusuri
sa Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik
Time 10:15-11:15 AM Quarter IKALAWANG
SEMESTRE

Semi-Detailed Lesson Plan


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan
Pangnilalaman nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig Nakasusulat ng
isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa
B. Pamantayan sa Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
Pagganap kultural at panlipunan sa bansa

C. Mga Kasanayan sa I. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong


Pagkatuto binasa. F11PS – IIIb – 91
1.1 Nakapagpapahayag ng opinyon, panunuri, at mungkahi
batay sa napakinggang komentaryo sa radio/telebisyon
1.2 Naiisa -isa ang mga katangian at uri ng maling
pangangatwiran
1.3 Nasusuri at natutukoy ang mga maling pangangatwiran
mula sa mga sitwsyong binasa

1. NILALAMAN
a. Paksa: Tekstong Argumentatib/Argumentatibo

2. KAGAMITAN
A. Sanggunian Learning Activity Sheet, Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik, Pluma ni Mary Grace Del Rosario et. al.,
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik ni Rolando Bernales
et.al.
1. Mga Pahina sa mp. 8-9,95-98, 67-77
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa mp. 8-9,
Kagamitan Pang-
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa mp. 95-98, 67-77
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo Laptop,Video Recorder ( Screen Recorder) ,

3. Procedures
A. Balik-aral sa Pagpapakinig ng isang Komentaryong Panradyo (online class)/ Iskrip
nakaraang aralin ng isang komentaryong panradyo
at/o pagsisimula ng
bagong aralin.
 Ang iskrip nito ay matatagpuan sa kanilang modyul

B. Paglalahad 1. Ano ang paksa o isyu na tinalakay ng mga komentarista?


2. Ano ang inyong napansin sa kanilang paraan ng pagpalalahad
ng mga ideya sa pagpapahayag tungkol sa paksa?
3.Sa kanilang pagpapahayag, ano ano ang mga pantulong na salita
na ginamit bilang paraan ng kanilang paninindigan?
(Halimbawa ng sagot ng mag-aaral : ekspresyong nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw o point of view mga pang ukol na salita -
batay sa, ayon sa/kay,ganoon din sa paniniwala/pananaw atbp).

C. Pag-uugnay ng mga 4. Mula sa inyong napakinggan sa mga komentarista ano kaya ang
halimbawa sa isang salita na maaari ninyong maiugnay sa ating araling tatalakayin
bagong aralin ngayon?

(posibleng sagot ng mag-aaral: debate, pagpapahayag, pananaw,


argumento,)
D. Pagtalakay ng Sa pamamagitan ng concept map ay bibigyan ng sariling kahulugan
bagong konsepto at ng mga mag-aaral ang salitang Tekstong Argumentatibo
paglalahad ng
bagong kasanayan
#1

E. Pagtalakay ng Depinasyon ng Tekstong Argumentatib/argumentatibo


bagong konsepto at Ang argumentasyon o pagmamatuwid ang mapapansing nasa
paglalahad ng dakong huli ng teksto. May konkretong dahilan ito sa pag-aaral
bagong kasanayan sa kadahilanang hindi magkakaroon ng sapat ,malinaw at
#2 mabisang argumento.

Katangian ng tekstong Katangian ng tekstong


Argumentatibo Persweysib
 Nangungumbinsi batay  Nangungumbinsi batay
sa datos impormasyon sa opinyon
 Nakahihikayat dahil sa  Nakahihikayat sa
merito ng ebidensiya pamamagitan ng
 obhetibo pagpukaw ng emosyon
ng mambabasa at
pagpokus sa
kredibilidad ng may-
akda
 subhetibo
Mga uri ng Maling pangangatwiran
1. Agumentum ad homlnem- isang nakahihiyang pag-atake sa
personal na katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan.
2. Argumentum ad baculum- puwersa o awtoridad ang gamit upang
maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo.
3. Argumentum ad misericordlam- upang makamit ang awa at
pagkampi ng mga nakikinig/ bumabasa, ginagamit ito sa paraang
pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa
kaisipan.
4. Non sequitur- sa ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow.
Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayan
batayan.
5. Ignorado elenchi- gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga
usapang barberya, wika nga. Ito ang tinatawag sa ingles na circular
reasoning o paligoy -ligoy

Dagliang komentaryo hinggil sa paksa ( 15 minuto)

Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo (online class) kung modular


naman ay maaaring mamili ang isang mag-aaral ng panig sa
dalawang paksa sa ibaba:

Mga Paksa:

Online Class
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 10 minuto upang pag-usapan
ang napuntang paksa sa kani-kanilang pangkat bibigyan sila ng
link /break out session ang bawat grupo.

Unang Pangkat vs Ikalawang Pangkat:

Pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

Ikatlong pangkat vs Ikaapat na pangkat : Dinastiyang Politikal


nakakaalarma nga ba?

Mga katanungan o feedback mula sa ginawang komentaryo sa


mga usapin natapat sa bawat grupo
1. Ano ang inyong masasabi sa paglalahad ng inyong mga
panig ng hindi naisasagawa ang maling pangangatwiran o
Fallacies of Reasoning?
2. Bakit kailangan na manindigan ka sa panig na iyong
napuntahan? Ipaliwanag.
3. Paano mo ngayon ito maiaaplay sa pagsulat ng halimbawa
ng isang teksto argumentatibo?
F. Paglalapat ng aralin Paglalapat:
sa pang-araw-araw Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa Inyong Dyornal
na buhay Notebook:

“Huwag na matakot magsalita at manindigan para sa katapatan at


katotohanan laban sa kawalan ng hustisya, kasinungalingan at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito,
mababago ang mundo” WILLIAM FAULKNER “Huwag na matakot
magsalita at manindigan para sa katapatan at katotohanan laban sa
kawalan ng hustisya, kasinungalingan at kasakiman. Kung lahat ng
tao sa buong daigdig ay gagawa nito, mababago ang mundo”
WILLIAM FAULKNER

G. Paglalahat ng Aralin Paglalahat:

Magbigay ng katangian ng tekstong argumentatibo gamit ang

Boses ko, Isusulat ko!


Panuto: Iisa-isahin ng mga mag-aaral ang mga katangian at uri ng
maling pangangatwiran ng isang tekstong argumentatibo.

Mirror Me!
(para sa online class)
Ang Lahat ay inaanyayahang buksan ang Camera upang
sabaysabay nating isa-isahin ang mga katangian uri ng maling
pangangatwiran ng isang tekstong argumentatibo ( maaaring
gumamit ng pantulong na salita sa pagpapahayag ng mga
ito/keywords)

H. Pagtataya ng Aralin Suriin ang mga sitwasyon o pahayag. Tukuyin ito batay sa mga
maling pangangatwiran.
1. Iboto nyo ako, dahil bilang isang miyembro ng PWD ay sa
palagay ko magagampanan ko nang maayos ang aking
tungkulin.
2. “Sabi nga kung anong puno ay siya rin bunga huwag nating
iboto sapagkat anak siya ng magnanakaw”, ang pahayag ng
isang botante mula sa katunggaling panig ng isang kandidato
3. Si ana ay namili ng tinapay sa tindahan ngunit nang suklian
siya ng tindera ay sobra ang sukli nito nag-isip siya kalaunan
at hindi niya ito sinauli dahil sa palagay niya ito ay
pagkakamali ng tindera.
4. Ang iyong katwiran ay hindi katanggap-tanggap sapagkat
hindi ka nakatapos ng pag-aaral.
5. Ang mundo ay bilog dahil ito ay umiikot.
I. Karagdagang Kasunduan:
gawain
Online
Ipagpapalagay mong isa kang komentarista sa isang radyo.Sumulat
ng isang iskrip ng dokumentaryong panradyo mula sa isang
napapanahong isyu sa paligid.Maghanda para bukas sa mabubunot
sa klase.kayo ay binigyan ko ng bilang upang tawagin ko bukas.

Modular
Maaring irecord ng mag-aaral ang iskrip na isinulat at ipasa sa
messager.

4. MGA TALA

Inihanda ni :

________________________
Signature over Printed Name

You might also like