You are on page 1of 32

TALUMPATI

Reporter:
Robelyn Beltran
Ghender Tapec
Mga Layunin:
 Makatutukoy sa kahulugan, mga uri at anyo, at paraan sa paggawa
ng talumpati (kaalaman);
 Makapagbabahagi ng imbak-kaalaman at sipat-hinuha hinggil sa
talumpati (pandamdamin); at
 Makagagawa o makapagbabahagi ng sariling talumpati batay sa
piling uri at anyo nito (kasanayan).
Talumpati
Ang talumpati ay isang sining ng
pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng
isang tao tungkol sa isang paksa na
ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita
sa entablo.
Bahagi ng Talumpati
Ang isang talumpati ay binubuo
ng mahahalagang parte upang
masiguro na ang mensaheng nais
ipabatid sa harap ng madla ay
kongkreto, malinaw, at pulido.
Simula
Sa bahaging ito, inilalahad ang
layunin ng paksa kasabay ng
estratehiya upang makuha sa simula
pa lang ang atensiyon ng mga
tagapakinig.
Katawan o gitna
Dito nakasaad ang paksang
nilalaman at pagtalakay ng isang
mananalumpati.
Katapusan o wakas
Ito naman ang buod ng paksang
tinalakay ng mananalumpati.
Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan at
Pagbigkas

Daglian o impromptu

Maluwag o extremporaneous

Manuskripto

Isinaulo
Daglian o impromptu
Ito ang uri ng talumpati na
hindi pinaghahandaan.
Maluwag o extemporaneous
May panahon para maihanda at
magtipon ng datos ang mananalumpati
bago ang kanyang pagsasalita.
Manuskrito
Ang talumpating ito ay ginagamit
sa mga kumbensiyon, seminar, o
programa sa pagsasaliksik kaya pag-
aaralan ito nang mabuti ang kaniyang
sasabihin.
Isinaulo
Ito ay kagaya rin ng manuskrito
sapagkat ito ay mahusay ding pinag-
aaralan at hinabi nang maayos bago
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Uri ng Talumpati ayon sa Balangkas

Talumpating may paghahanda


Talumpating walang paghahandaan
Talumpating may paghahandaan
Isa itong uri ng talumpati ayon sa
kabalangkasan kung saan ang mananalumpati
ay naglalaan nang sapat at makabuluhang oras
hinggil sa paksa o diskursong kaniyang
itatalumpati upang mas mapalalim at maging
mas epektibo.
Talumpating walang paghahandaan
Isa itong uri ng talumpati ayon sa
kabalangkasan kung saan ang paksa ng
mananalumpati ay binibigay lamang sa oras
ng pagtatalumpati.
Uri ng Talumpati ayon sa Nilalaman

Pampalibang Nagbibigay-galang

Nagpapakilala Nagpaparangal

Pangkabatiran Pampasigla
1. Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kuwento. Kadalasan, ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salusalo.
2. Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at
karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay
kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga
tagapakinig at pukawin ang kanilang atensiyon sa husay ng
kanilang magiging tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkaabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at mga
pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko, at iba pang samahan
ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
4. Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay-galang at pagsalubong sa isang
panauhin, pagtanggap sa kasapi, o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.
5. Talumpating Nagpaparangal
Layunin nitong bigyan ng parangal ang isang tao o kaya
magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito.
6. Talumpating Pampasigla
Ang talumpating ito ang siyang pumupukaw ng damdamin at
impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas
ito ng; isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro,
isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro at
isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani.
Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati

Kronolohikal

Tropikal

Problema-solusiyon
Kronolohikal
Ang mga detalye o
nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkasunod-
sunod ng pangyayari sa
panahon.
Tropikal
Ang paghahanay ng
mga materyales ng
talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
Problema-solusiyon
Kalimitang nahahati sa
dalawang (2) bahagi ang
pagkakahabi ng talumpati, gamit
ang huwarang ito; ang
paglalahad ng suliranin at ang
pagtalakay sa solusiyon na
maaaring isagawa.
Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
 Tuon
Bakit ako magsusulat ng talumpati?
Ano ang paksa?
Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
Ano ang gusto kong mangyari sa aking mga tagapakinig?
Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?
Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
 Tagapakinig
Sino ang aking mga tagapakinig?
Bakit sila makikinig sa talumpati?
Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?
Gabay sa Pagsulat ng Talumpati
 Pagsulat
Paano ko pupukawin ang atensiyon ng tagapakinig?
Anong lengguwahe ang gagamitin ko?
Ano ang tono ng aking talumpati?
Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?
Pamamaraan sa Paggawa ng Pangnilalaman ng Talumpati
 Ang sekreto ng isang magandang talumpati ay nagsisimula sa
tagapagsalita nito. Dapat muna nitong alamin kung ano ang gusto
niyang sabihin sa mundo, at alam niya rin ang kuwentong gusto
niyang isalaysay.
 Ating pakatandaan na ang paggawa ng isang talumpati ay
nagsisimula sa tanong na, “Anong kuwento ang gusto nating
ipahayag sa madla?” Kaya naman, dapat nating intindihin kung
paano natin gagawin ang ating panimula.
 Dapat na maging kaakit-akit ang ating panimula. Ngunit, hindi natin
ito magagawa kung ito’y hindi nakaangat o nakaangkla sa paksang
gustong bigyan ng pansin.
Pamamaraan sa Paggawa ng Pangnilalaman ng Talumpati
 Kasunod nito ay ang pagsulat o pag-isip ng katawan ng nilalaman.
Sa loob nito, dito natin ilalagay ang mga pangunahing ideya na gusto
nating ipahiwatig.
 Pagkatapos nang paglagay ng mga ideya, ilagay ang tinatawag na
“call-for-action”. Ito ay sumasagot sa tanong na, “Ano ang gusto
mong gawin ng madla matapos ang iyong talumpati?”
 Kailangan nating magsulat o mag-isip ng makabuluhang pagtatapos
para sa ating talumpati. Isa sa pinakamabisa at pinakamalakas na
talumpati ay mayroong pagtatapos na may kaugnayan sa ating
panimula, kumbaga, “siklikal” dapat ang kabuoang bahagi.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like