You are on page 1of 33

Posisyong

Papel
T. Kara
Pangkatang Gawain
Basahin ang mga posisyong papel na nakatakda sa inyong pangkat at
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong isyu ang tinatalakay sa posisyong papel?


2. Ano ang pahayag ng tesis ng posisyong papel?
3. Paano pinangatwiranan ng manunulat ang
posisyong kanilang pinapanigan?
4. Sang-ayon ba kayo rito? Ipaliwanag ang sagot.
Ayon kina Jocson et al (2005) sa pamamagitan
nina Baisa-Julian at Lontoc (2017), ang
pangangatwiran ay tinatawag ding
pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring
maiugnay sa sumusunod na mga paliwanag.
Ito ay isang:
• sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng
isang patunay na tinatanggap ng nakararami
• uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang
maipahayag ang katotohanan
• paraang ginagamit upang mabigyag-katarungan ang mga
opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang
mabisang pangangatwiran:

1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid


2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay
Narito ang mga dapat isaalang-alang para sa isang
mabisang pangangatwiran:

4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at


katwiran upang makapanghikayat
5. Pairalin ang pagsasaalng-alang, katarungan, at bukas
na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad
POSISYONG PAPEL
Gaya ng debate, naglalayon itong
maipakita ang katotohanan at katibayan
ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng
magkakaibang pananaw sa marami depende
sa persepsyon ng mga tao.

(Baisa-Julian at Lontoc, 2017)


POSISYONG PAPEL
Ayon kay Grace Fleming, sa pamamagitan
nina Baisa-Julian at Lontoc (2017), ito ay
pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng
isang kontrobersyal na isyu sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o
usapin para sa iyong pananaw o posisyon.
POSISYONG PAPEL
Kapag nailatag na ang kaso at ang posisyon hinggil
sa isyu, mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-
tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
ebidensyang kinapapalooban ng mga katotohanan,
opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa,
karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang
magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan.
POSISYONG PAPEL
Ayon kay Grace Fleming, sa pamamagitan nina Baisa-
Julian at Lontoc (2017), sa pagsulat ng posisyong papel,
mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at
magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang
kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu.
POSISYONG PAPEL
Maaaring ang paksa ay maging simple o komplikado
ngunit ang iyong gagawing argumento o pahayag ng
tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at
lohikal.
Ang layunin ng posisyong papel
ay mahikayat ang madlang ang
pinaniniwalaan ay katanggap
tanggap at may katotohanan
Mahalagang maipakita at
mapagtibay ang argumentong
ipinaglalaban gamit ang mga
ebidensyang magpapatotoo sa
posisiyong pinaniniwalaan o
pinaninindigan.
Ang pagsulat ng posisyong papel
ay hindi lamang sining ng
paglalahad ng mga argumento at
pangangatwiran kundi ito rin ay
isang agham na kinapapalooban ng
mga katibayang kinalap sa
pamamagitan ng pananaliksik.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa
napiling paksa
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis
Ayon kina Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (1997), sa
pamamagitan nina Baisa-Julian at Lontoc (2017),
ang pahayag ng tesis
ay naglalahad ng pangunahin o sentrong
ideya ng posisyong papel na iyong gagawin.
Pahayag ng Tesis

Isa itong matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang


posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na
handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng
mga datos o ebidensya.

Kadalasang ito ay maikli lamang na binubuo ng isa o dalawang


pangungusap.
Pahayag ng Tesis

Sa pamamagitan nito ay nalalaman ng mga mambabasa kung


kungkol saan ang posisyong papel.

Dito rin nakasalig ang gagawin pangangalap ng mga


ebidensyang magpapatunay sa kanyang argumento.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag ng tesis o posisyon
- Kailangang mabatid ang mga posibleng hamong maaaring
harapin sa gagawing pagdepensa sa napiling tesis o posisyon
hinggil sa isyu
- Ilatag din ang mga kahinaan ng pinasusubaliang posisyon sa
pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga argumentong maaaring
iharap dito upang mapagtibay ang kahinaan at kakulangan nito
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag ng tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing
ebidensya
Uri ng Sangguniang
Uri ng Impormasyon
Maaaring Gamitin
panimulang impormasyon at talatinigan, ensayklopedya,
pangkalahatang kaalaman tungkol sa handbooks
paksa
mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu aklat, ulat ng pamahalaan
mapagkakatiwalaang artikulo dyornal na pang-akademiko
napapanahong isyu pahayagan, magasin
estadistika sangay ng pamahalaan at
mga organisasyon/samahan
Sanggunian: Baisa-Julian at Lontoc (2017). Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino sa Piling Larang (Akademik).
Phoenix Publishing House, Inc., pp. 80 – 81
Ayon kina Constantino at Zafra (1997), sa
pamamagitan nina Baisa-Julian at Lontoc (2017),
nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa
pangangatwiran:

1. Mga Katunayan (facts)


2. Mga Opinyon
Mga Katunayan (facts)

- tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga


katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy,
nalasahan, at nadama
- hindi kinakailangang ang mananaliksik mismo ang nakaranas o
nakakita para magamit na katibayan dahil maaaring ibang tao
ang nakasaksi o nakaranas nito
- tiyaking reliable o mapagkakatiwalaan dahil hindi lahat ay
unibersal o panghabampanahon
Mga Opinyon

- tumutukoy sa mga pananaw ng tao, mga ideyang nakasalig


hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo
- hindi katunayan kundi pagsusuri o judgment ng katunayan
- kailangang manggaling sa taong may awtoridad na magsalita
hinggil sa isyu o paksa
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
pahayag ng tesis o posisyon
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing
ebidensya
6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel
I. Panimula
a. Ilahad ang paksa
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at
kung bakit mahalaga itong pag-usapan
c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o
posisyon tungkol sa isyu
II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o
Kumokontra sa Iyong Tesis
a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis
b. Ilahad ang mga kinakailanang impormasyon para mapasubalian
ang binanggit na counterargument
c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga
counterargument na iyong inilahad
d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong
ginawang panunuligsa
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu
a. Ipahayag o ilahad ang una/ikalawa/ikatlong punto ng iyong
posisyon o paliwanag
b. Maglahad ng mga patunay at ebidensyang hinango sa
mapagkakatiwalaang sanggunian
IV. Kongklusyon
a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis
b. Magbigay ng mga plano ng mga gawain o plan of action na
makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu
Mga Paksang Maaaring Gamitin sa Posisyong Papel
• Maharlika wealth fund: makabubuti o makasasama sa ekonomiya at
lipunan?
• Pagkakaroon ng diborsyo sa Pilipinas
• Ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa kolehiyo
• Pagiging legal ng aborsyon
• Pagiging legal ng paggamit ng marijuana
Mga Paksang Maaaring Gamitin sa Posisyong Papel
• Pag-convert ng mga agrikultural na lupain sa Lungsod ng Hen. Santos
upang gawing mga subdivision
• Legal na pagsasama ng mga magkakaparehang miyembro ng
LGBTQA+
• Karapatan ng mga may-ari ng negosyo na magtanggal ng mga
manggagawang hindi bakunado laban sa COVID-19
• Patuloy na pagsusuot ng facemask sa mga pampublikong lugar
Mga Paksang Maaaring Gamitin sa Posisyong Papel
• Ang mga miyembro ng LGBTQA+ ay maaaring gumamit ng pampublikong
palikurang pambabae o panlalaki kung saan sa palagay nila sila ay kabilang
• Pagkuha ng lihim na video ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan sa
kanilang guro at pag-a-upload nito sa social media o gamitin ito sa
pagsusumbong sa midya kung sila ay napagalitan
• Pagsusuot ng hikaw ng mga lalaking mag-aaral sa loob ng paaralan mapa-
straight man o miyembro ng LGBTQA+
• Pagkakaroon ng lubos na kalayaang makagamit ng cellphone ng mga mag-
aaral sa loob ng silid-aralan

You might also like