You are on page 1of 11

Aralin 3 :

LAYUNIN
1. Naisasagawa nang
mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin
2. Nakasusunod sa istilo at
teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin
3. Nakasusulat ng isang
abstrak batay sa isang
pananaliksik
SIMULAN NATIN…
Ang LAGOM ay ang pinakasimple at
pinakamaikling bersiyon ng isang sulatin o akda .
Sa pamamagitan ng LAGOM nahuhubog sa mga
mag-aaral ang mga sumusunod na kasanayan:
❖ Pagtitimbang ng kaisipan
❖ Pagsusuri ng nilalaman
❖ Paghahabi ng pangungusap sa talata
❖ Pagpapayaman ng bokabularyo
SIMULAN NATIN…
DESKRIPTIBO IMPORMATIBO
• Inilalarawan sa mga • Binibigyang kaalaman ang
mambabasa ang mga mambabasa sa lahat
pangunahing ideya ng ng punto ng pananaliksik
pananaliksik • Nilalagom ang background
• Kabilang ang background , , layunin , pokus ,
layunin at pokus ng papel pamamaraan , resulta at
ngunit hindi na kabilang kongklusyon
ang metodolohiya , resulta
t kongklusyon
❖ Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga
report.
❖ Ito ay kadalasang makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat.
Ayon kay Philip Koopman ( 1997) sa kanyang
aklat na How to Write an Abstract , taglay ng
abstrak ang mga sumusunod na element:
INTRODUKSIYON
SAKLAW AT LIMITASYON
METODOLOHIYA
RESULTA
KONGKLUSYON
1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na
hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak
sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito
3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa
pagsulat ng abstrak
4. Dapat ito ay naka dobleng espasyo
5. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga
pangungusap.
6. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang
ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
7. Gawin itong maikli ngunit komprehensibo
kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang
8. Maaring maglaman ng 100- 200 na salita
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng
pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang
pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labinlimang
(15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ikaapat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa
pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang
instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na
taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa
ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa
pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa
pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan
na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na
kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.

KABUUANG BILANG NG SALITA : 197


GREEN INTRODUKSIYON

SKY METODOLOHIYA
BLUE
GRAY SAKLAW AT
LIMITASYON
YELLOW RESULTA AT
KONGKLUSYON
Malaki ang katugunan ng Abstrak sa mga tesis ,
disertasyon , at mga akademikong journal maging
sa mga pandaigdig na komperensya . Lubos itong
makatutulong sa kasanayan ng mag-aaral upang
maging armado sa pagbuo ng papel pananaliksik
lalo na sa kolehiyo at graduate school.

You might also like