You are on page 1of 22

DIVISION OF NAVOTAS CITY

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan
(TekBok)
Ikalawang Markahan - Modyul 2
Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Produkto

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Tekbok) – Senior High School
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 2: Dokumenatsyon sa Paggawa ng Isang Produkto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BumuosaPagsusulat ng Modyul
Manunulat: Anna Liza A. Adier
Editor: Gina B. Valdez
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit: Anna Liza A. Adier
Tagalapat: Mary Jane V. Fetalver
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Rico C. Tarectecan EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel C. Eusebio, PDO II LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
12
Pagsulat sa
Filipino sa Piling
Larangan
(Tekbok)
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Dokumentasyon sa Paggawa ng
Isang Bagay
PaunangSalita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod napagtanggap sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larangan (Tekbok) 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
2: Dokumenatsyon sa Paggawa ng Isang Produkto

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ito'ynaglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyangmagagamitsapaggabaysa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Tekbok)


12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dokumentasyon sa Paggawa
ng Isang Produkto.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay nahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Isang mapagpalang araw sa iyo. Ikalawang linggo na ng ikalawang markahan
ngayon. Natitiyak kong sa unang linggo ay marami ka nang natutuhan.

Ngayon, panibago namang kaalaman ang iyong dapat matamo sa pag-aaral


sa ating asignatura.

Ang modyul na ito ay binuo upang maging madali para sa iyo ang pag-unawa
sa kahulugan at pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto.

Matapos ang araling ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang


halimbawang sulating teknikal-bokasyunal
(CS_FFV11/12PB-0g-i-106).

Kumusta! Naging malinaw ba ang mga nararapat na inaaasahan sa iyo?Lagi


mong isaisip ang mga layunin sa ating paglalayag. Ngayon, susubukin ko kung
hanggang saan ang iyong nalalaman tungkol sa dokumentasyon sa pamamagitan ng
pagsagot sa sumusunod na tanong.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at
isulat ang letra sa sagutang papel.

1. Ito ay maingat na pagkilala sa hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa


o mga tala, talang parentetikal, bibliograpiya at listahan ng mga
sanggunian.
a. Memorandum
b. Liham pangangalakal
c. Pagsulat ng Pananaliksik
d. Dokumentasyon sa paggawa ng produkto

2. Alin sa sumusunod ang nilalaman ng isang dokumentasyon sa paggawa ng


isang produkto?
a. Liham ng gumawa sa produkto
b. Larawan ng mga nabuong produkto
c. Paraan sa pagbuo/ paggawa sa produkto
d. Paalala o babala sa paggawa ng produkto

1
3. Alin sa mga sumusunod na babasahin ang naglalaman sa paraan ng
paggawa ng isang bagay?
a. Resipi b. Menu c. Flyers d. Leaflets

4. Ito ang tawag sa bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang bagay na


ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso.
a. Produkto b. Paninda c. Patalastas d. Pampamilihan

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng katotohanan


tungkol sa dokumentasyon sa paggawa?
a. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng dokumentasyon
b. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa nais gumawa ng produkto
c. Gumagamit ng kronolohiyang hakbang sa paggawa ng dokumentasyon
d. Gumagamit ng ilustrasyon sa pagsulat ng dokumentasyon

6. Sa pagsulat ng dokumentasyon ng produkto, mahalagang ito ay may


pagkakasunod-sunod. Alin sa mga sumusunod na salita ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Krokis b. Kategorya c. Kronikil d. Kronolohiya

7. Pormal na wika ang gamit sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng


produkto. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng pormal na salita?
a. Malinaw b. Payak c. Malalim d. Tiyak

8. Bakit mahalaga ang dokumentasyon ng produkto?


a. Upang bilhin ng mga mamimili ang produktong ibenebenta
b. Upang matiyak na ang produkto ay orihinal at kung sino ang gumawa
c. Upang mapagtibay na ang produkto ay matibay at maasahan
d. Upang mapagtibay ang mga impormasyong inilalahad sa produkto

9. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa


ng produkto na may pagkakasunod-sunod?
a. Upang maging maayos at wasto ang kalabasan ng produktong gagawin
b. Upang masunod ng tama ang panuto sa paggawa ng produkto
c. Upang magmukhang orihinal ang nabuong produkto
d. Upang maging tama ang paggawa sa produkto

10. Ang sumusunod ay mga nilalaman at katangian ng isang dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto. Alin ang HINDI kasama?
a. Gumagamit ng payak at direktang pananalita sa pag-iisa-isa ng mga
hakbang sa paggawa.
b. Naglalaman ng mga kakailanganin sa paggawa ng isang bagay o
produkto.
c. Naglalaman ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto
d. Walang ilustrasyon o larawan.

2
Para sa bilang 11-15

Panuto: Pagsunud-sunurin ang proseso sa Paggawa ng Mango Float Ice


Cream. Isulat ang bilang 1 hanggang 5.

_________ 11. Ihalo ang pinagsamang evaporated milk at condensed milk sa


krema. Batihin ito habang dahan-dahang isinasalin ang
evaporated milk at condensed milk sa krema.

_________ 12. Ihanda ang mga kakailanganing sangkap.

_________ 13. Beat cream until light and fluffy. Gawin ito sa isang stainless
steel na nakababad sa isang bath upang mag-freeze at lumamig
ang krema. Gumamit ng isang electric beater para sa isang mas
madaling proseso.

_________ 14. Maaaring itransfer ito sa mga lalagyanan o container nais bago
palamigin sa freezer at ihanda.

_________ 15. I-fold ang crashed graham crackers sa binating krema kasama
ang diced sweet mangoes. Ang pag-“fold” ay isang technique sa
baking o paggawa ng dessert kung saan gumagamit ng isang
flat na spatula upang maihalo ang ingredients sa isang pababa-
pataas na mosyon ng kamay.

Aralin
Dokumentasyon sa Paggawa ng
2 Isang Produkto

Nakakita ka na ba ng mga produktong may kalakip na sulatin kung paano ito


ginawa?

Naisip mo na ba ang dahilan bakit kailangang gawan ng dokumentasyon ang


paggawa ng isang produkto?

Ano nga ba ang dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

Ang dokumentasyon sa pagagawa ng isang produkto ay maingat na pagkilala


sa mga hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa o mga tala, talang parentetikal,
bibliograpiya at listahan ng mga sanggunian.

Bago natin palalimin ang pagtalakay nais kong bigyang katuturan ang
salitang kasangkot sa ating paksa.

Produkto: Isang bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang bagay ito na


ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso.

3
Bago ka magpatuloy sa ating paglalayag, magbalik tanaw ka muna sa
mahalagang tinalakay sa nakaraang modyul na iyong pinag-aralan. Huwag
kalimutang basahin at unawain ang mga panuto na nasa ibaba.

Gawain 1: FIXED ME UP
Panuto: Iayos ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng liham pangnegosyo.
Isaalang-alang wastong gamit ng malaking titik at mga bantas na ginamit. Isulat
ang liham sa hiwalay na papel.

A. Ginoo/Binibini
B. ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II
C. Nobyembre 16 2006
D. ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER INC
3 Anonas Road Potrero Lungsod Malabon
E. Lubos na sumasainyo
F. Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay
na nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F
Gusaling Watson, 1610 JP Laurel Street 1005 San Miguel maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng
pagtawad.
G. Lagda (Lgd.)

Mga Tala para sa Guro

Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Huwag kang mag-aalala at


gagabayan kita upang maging madali para sa iyong maunawaan ang
tungkol sa dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto.
Dito ay ganap mong mauunawan ang pagsulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang produkto.

Halika na’t maglayag at tuklasin ang mga bagong kaalaman para sa iyo.

4
Matapos na mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang alamin
naman ang iyong nalalaman kaugnay sa paksang tatalakayin.

Panuto: Suriin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong

DIY: Bag na gawa sa tela ng payong


Pinaglumaang paying
• Rectangle/Parihabang pattern (maaaring malaking cartolina/ papel)
• Tali o lubid
• Narito ang mga kakailanganing materyales:
Perdible o hairpin
• Patches

Paraan ng paggawa:
1. Alisin ang tela mula sa sirang payong.
2. Gamit ang mga parihabang pattern bilang gabay, gumupit ng dalawang
rectangle sa inalis na tela ng payong.
3. Tiklupin at tahiin ang gilid ng mga tela.
4. Pagsamahin at tahiin ang dalawang tela nang magkabaligtad.
5. Mag-iwan ng dalawang maliit na puwang sa ibabang bahagi ng
magkabilang dulo ng bag para ilagay ang tali o lubid.
6. Gamit ang pardible o hairpin, ipasok sa kanang butas ng bag ang tali o
lubid paikot hanggang sa bumalik ito sa kabilang side ng bag.
7. Ulitin ito sa kaliwang butas.
8. Baligtarin ang bag.
9. Lagyan ng mga makukulay na patch bilang palamuti o disenyo ng bag.

Halaw mula sa ABS-CBN News


Inilathala noong May 31 2018 05:08 PM

Sagutin ang sumusunod:


1. Tungkol saan ang binasang teksto?____________________________________
_______________________________________________________________________
2. Mauuri bang isang halimbawa ng Dokumentasyon sa Paggawa ang
tekstong binasa? Bakit?_______________________________________________
_________________________________________________________________

3. Ano ang nilalaman ng dokumentasyon sa paggawa ng isang


produkto?________________________________________________________
__________________________________________________________________

5
4. Saan kadalasang ginagamit ang dokumentasyon sa paggawa ng isang
produkto?________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbuo o pagsulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Sa patuloy na paglalayag sa modyul na ito, mas palalalimin pa natin ang iyong


kaalaman tungkol sa dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto. Halika’t
basahin at unawain ang nilalaman ng bahaging ito.

Ang dokumentasyon sa paggawa ng produkto ay isang maingat na pagkilala


sa mga hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa o mga tala, talang parentetikal,
bibliograpiya at listahan ng mga sanggunian.

Ito ang nagpapatibay sa mga pagsusuri at lagom ng mga mananaliksik sa


paggawa ng isang bagay o produkto. Dito ipinapakita ng bawat mananaliksik ang
prosesong isinasagawa sa pamamagitan ng obhetibong pagsusuri.

Ang dokumentasyon ay magsisilbing patunay rin na may sinusundang


proseso o hakbang upang mapatunayan ang isang teorya o tesis.

Kalimitang naglalaman ang dokumentasyon ng mga proseso sa paggawa ng


isang bagay o produkto. Sa usaping proseso, napakahalagang isakatuparan sa
wastong kronolohiya o pagkakasunud-sunod ng bawat hakbang nang sa gayon ay
maging maayos at kapakipakinabang ang kalalabasan ng produktong gagawin.
Narito ang ilan sa mga katangian at nilalaman ng dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto:

1. Naglalaman ito ng mga kailangan sa paggawa ng isang bagay o produkto.


2. Isinasaad din dito ang mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o
produkto.
3. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw
sa mga mambabasa.
4. Kalimitang payak at direkta ang pagkakalahad ng mga hakbang upang
hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa.
5. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan upang makadagdag ng
kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa.

Ang wastong proseso ng dokumentasyon ay susi sa maayos at organisadong


pananaliksik na makatutulong sa mga taong gagamit upang magkaroon ng wastong
kaalaman kaugnay sa produktong tatangkilikin.

6
Ilan sa halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
ay ang “Do-It-Yourself” na gamit at cookbook recipe.

Suriin ang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng homemade na


disinfectant solution

Itinuturing na sandatang panlaban sa banta ng Coronavirus 2019 ang pag-


disinfect sa paligid.
Kung hindi makapunta sa supermarket o hindi makabili, maaaring gumawa
ng disinfectant gamit ang ilang sangkap sa bahay.

Para sa mga tela


Mga sangkap:
• Spray bottle
•Tubig
•Suka
•5 Drops Essential Oils
Pamamaraan:
1. Ibuhos ang tubig at suka sa spray bottle. Ayon kay Datukan, dapat "equal
parts" o magkatumbas ang dami ng inilalagay na tubig at suka sa bote.
2. Lagyan ng essential oils. Alugin ang bote.
3. Maaari nang i-spray ang disinfectant.

Para sa tiles ng kusina at banyo


Mga sangkap:
• 4 tasang mainit na tubig • 1/2 tasang suka
• 1 tbsp baking soda • 1 hiwa lemon
Pamamaraan:
1. Paghaluin ang tubig, suka, baking soda, at lemon.
2. Ilagay sa spray bottle.

Kung gusto nang mas matapang na disinfectant, ayon kay Datukan,


maaaring lagyan ng hydrogen peroxide o agua oxinada at suka ang lilinising
bahagi ng bahay.
Una dapat inilalagay ang agua oxinada at maghintay ng 5 hanggang 10 minuto.
Pagkatapos, ilagay na ang suka at punasan ang lilinising bahagi ng bahay.
Paalala: Hindi maaaring ipagsabay ang dalawa – Hydrogine Peroxide at suka –
para maiwasan ang chemical reaction:
Halaw mula sa https://news.abs-cbn.com/life/03/11/20/alamin-paano-gumawa-ng-homemade-disinfectant

Gabay na tanong.

1. Tungkol saan ang nilalalaman ng binasang sulatin?


2. Naglalaman ba ang teksto ng mga katangian o nilalaman ng isang
dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto?Ipaliwanag.
3. Paano isinulat ang dokumentasyong binasa?

7
Alam kong handa ka nang sagutin ang mga pagsasanay sa bahaging ito dahil
tiyak na masusi mong pinag-aralan ang araling tinalakay sa Suriin.

Gawain 1: Tama Ba Ito?

Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang T kung ang pahayag
ay nagsasaad ng katotohanan tungkol sa dokumentasyon sa paggawa ng isang
produkto at M naman kung hindi makatotohanan.

_______1. Ang dokumentasyon sa paggawa ng produkto ay isang maingat na


pagkilala sa mga hiram na ideya.

_______2. Pormal ang wikang gamit sa pagsulat ng dokumentasyon upang mas


madaling maunawaan ito.

_______3. Ang dokumentasyon ay magsisilbing patunay na may sinusundang


proseso o hakbang ang mga mananaliksik.

_______4. May mga ilustrasyon o larawan ang dokumentasyon upang makadagdag


ng kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa.

_______5. Ang recipe cook book at Do-It-Yourself ay halimbawa ng isang


dokumentasyon ng isang produkto.

Gawain 2: CHECK ME UP

Panuto: Lagyan ng ang mga kahon na nagsasaad ng mga katangian at nilalaman


ng Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

May taglay
Payak at
Mga Malinaw at na
Mga direkta ang
kailangan detalyadong ilustrasyon
hakbang sa mga
sa paggawa inilahad upang
paggawa ng salitang
ng ang mga makadagdag
produkto gamit sa
produkto paraan sa kalinawan
pagsulat
7 paggawa sa paggawa
6
9
8 10

8
Gawain 3: FIX ME NOW!
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng parol. Isulat ang A-G.

3.
1.

2.

4 5

6 7

9
Binabati kita! Natapos mo ang mga gawain sa pagyamanin. Bilang paglalagom ng
iyong mga natutuhan ay iyong sagutin ang gawain sa ibaba.

ISAISIP MO!

Panuto: 3-2-1. Itala ang mga sumusunod na natutuhan sa modyul na ito.

3 – Magbigay ng 3 nilalaman ng Dokumentasyon sa Paggawa ng isang Produkto

2 – Magbigay ng 2 katangian ng Dokumentasyon sa Paggawa ng isang Produkto

1 – Magbigay ng isang halimbawa ng Dokumentasyon sa Paggawa ng isang


Produkto

Binabati kita! Natapos mo ang bahagi ng paglalagom sa modyul na ito. Malapit


ka ng matapos sa iyong paglalakbay at matagumpay na makatatawid sa susunod na
modyul.
Gawain: IPASKIL MO !
Panuto: Gumawa ng isang pananaliksik hinggil sa mga dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho. Pumili ng
isa (1) mula sa mga nasa ibabang trabaho. Ipaskil sa wall ng inyong Facebook ang
nabuong awtput. Isaalang-alang ang rubrik sa pagbuo ng awtput.
1. Bartending 6. Massage Therapy
2. Catering 7. Barbering
3. Food Processing 8. Commercial Cooking
4. Beauty Care Services 9. Driving
5. Carpentry 10. Visual Graphics Design

10
Rubriks sa pag-iiskor ng gawain:
3 2 1
Krayterya
1. Nakapili ng isang trabaho ayon sa kagustuhan
2. Nakapagsaliksik tungkol sa dokumentasyon sa paggawa ng
isang bagay o produkto na ginagamit sa napiling trabaho
3. Nakapagtatala ng mga katangiang dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay
o produkto.

Sa bahaging ito nais kong tayahin ang iyong natutunan sa araling ito sa
pamamagitan ng maiksing pagsusulit. Naniniwala akong masasagot mo nang wasto
ang mga katanungan kaugnay ng paksang tinalakay.

Panuto: Basahin at unawaing Mabuti ang bawat isa. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ito ay maingat na pagkilala sa hiram na ideya sa pamamagitan ng talababa
o mga tala, talang parentetikal, bibliograpiya at listahan ng mga
sanggunian.
a. Memorandum
b. Liham pangangalakal
c. Pagsulat ng Pananaliksik
d. Dokumentasyon sa paggawa ng produkto

2. Ito ang tawag sa bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang bagay ito na
ginawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso.
a. Produkto b. Paninda c. Patalastas d. Pampamilihan

3. Alin sa sumusunod ang nilalaman ng isang dokumentasyon sa paggawa ng


isang produkto?
a. Liham sa gumawa ng produkto
b. Larawan ng mga nabuong produkto.
c. Paano binubuo / ginagawa ang isang bagay
d. Paalala paano mag-ingat sa paggawa ng isang bagay
4. Alin sa mga sumusunod na babasahin ang naglalaman kung paano ginawa
ang isang bagay?
a. Resipi b. Menu c. Flyers d. Leaflet

11
5. Sa pagsulat ng dokumentasyon ng produkto, mahalaga na ito ay may
pagkakasunod-sunod. Alin sa mga sumusunod na salita ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Krokis b. Kategorya c. Kronikil d. Kronolohiya

6. Pormal na wika ang gamit sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng


produkto. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng mga salita na dapat
gamitin sa pagsulat ng hakbang sa pagbuo ng produkto?
a. Malinaw b. Payak c. Malalim d. Tiyak

7. Bakit mahalaga ang Dokumentasyon sa paggawa ng produkto?


a. Upang bilhin ng mga mamimili ang produktong ibenebenta.
b. Upang matiyak na ang produkto ay orihinal kung sino ang gumawa nito.
c. Upang mapagtibay na ang ang isang produkto ay matibay at maasahan
d. Upang mapagtibay nito ang mga impormasyong inilalahad ng mga
mananaliksik sa pamamagitan ng pagkilala sa mga sanggunian o
awtoridad na pinaghanguan nito.

8. Sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng produkto bakit mahalaga na


ito ang ilalahad na proseso ay may maayos na pagkakasunud-sunod?
a. Upang maging maayos at wasto ang kalabasan ng produktong gagawin.
b. Upang masunod ng tama ang panuto sa paggawa ng produkto.
c. Upang magmukhang orihinal ang nabuong produkto.
d. Upang maging tama ang paggawa sa isang bagay.

9. Ang sumusunod ay mga nilalaman at katangian ng isang


dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Alin ang HINDI
kasama?
a. Gumagamit ng payak at direktang pananalita sa pag-iisa-isa ng mga
hakbang sa paggawa.
b. Naglalaman ng mga kakailanganin sa paggawa ng isang bagay o produkto.
c. Naglalaman ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto
d. Walang ilustrasyon o larawan.

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagsasaad ng katotohanan


tungkol sa dokumentasyon sa paggawa?
a. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng dokumentasyon sa
paggawa ng produkto.

b. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng


isang bagay o produkto.

c. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa


dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto.

d. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa


paggawa ng isang bagay o produkto.

12
Para sa bilang 11-15.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang proseso sa Paggawa ng Mango Float Ice Cream.
Isulat ang bilang 1 hanggang 5.
_________ 11. Ihalo ang pinagsamang evaporated milk at condensed milk sa
krema. Batihin ito habang dahang-dahang isinasalin ang
evaporated milk at condensed milk sa krema.
_________ 12. Ihanda ang mga kakailanganing sangkap.
_________ 13. Beat cream until light and fluffy. Gawin ito sa isang stainless
steel na nakababad sa isang bath upang mag-freeze at lumamig
ang krema. Gumamit ng isang electric beater para sa isang mas
madaling proseso.
_________ 14. Maaari ng itransfer ito sa mga lalagyanang nais bago palamigin
sa freezer at ihanda.
_________ 15. I-fold ang crashed graham crackers sa binating krema kasama
ang diced sweet mangoes. Ang pag-“fold” ay isang technique sa
baking o paggawa ng dessert kung saan gumagamit ng isang flat
na spatula upang maihalo ang ingredients sa isang pababa-
pataas na mosyon ng kamay.

Panghuling gawain na ang bahaging ito. Alam kong kayang-kaya mong iaplay
ang mga natutuhan mo at iugnay sa ibang asignatura. Kaya, batid kong kakayanin
mong gawin ang gawaing ito.
Gawain: ISULAT MO !
Panuto: Mag-isip at manaliksik tungkol sa isang produktong nais mong ibenta. Ang
produktong ibebenta ay may kaugnayan sa strand na iyong kinukuha. Sumulat ng
isang dokumentasyon para sa produktong nais mong ibenta.
Pamantayan sa paggrado:
Pamantayan Puntos Iskor
1. Nakapili ng isang produktong ibebenta na akma sa strand na kinukuha.
10
2. Nakapagsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa produktong nais ibenta 20
3. Naitala ang mga kailangang materyales sa paggawa ng produktong ibebenta 20
4. Wasto at maayos ang pagkakasunod-sunod ng proseso sa paggawa ng produkto. 30
5. Gumamit ng payak, malinaw at tiyak na mga salita sa pagsulat ng dokumenatsyon sa 20
paggawa ng produkto.
Kabuuan 100

13
14
Sanggunian

Abs-cbn.com/life/05/31/18/diy-bag-na-gawa-sa-tela-ng-payong. (2018, may 31).


Retrieved from https://news.abs-cbn.com/life/05/31/18/diy-bag-na-gawa-sa-tela-
ng-payong:
Ang paggawa ng parol. (n.d.). Retrieved from http://www.seasite.niu.edu/tagalog/:
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/Intermediate_Them
atic_Lesson/Lessons/Libangan/culture.htm

BAHAYBUKO. (2012, DECEMBER 12). wordpress.com. Retrieved from


https://butilngkaalaman.wordpress.:
https://butilngkaalaman.wordpress.com/2014/12/12/simpleng-paraan-
kung-pano-lilinisin-ang-mga-salamin-glass-o-mirror-sa-bahay/

Corazon L. Santos, Schedar D. Jocson, April J. Perez. (2016). Filipino sa Piling Larang
Tech-Voc. Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.

15
Para sa mgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., SipacAlmacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like