You are on page 1of 6

ARALIN 2:

MODYUL 8 FILIPINO SA PILING LARANGAN

(Tech-Voc):
Kahulugan at ilang konsiderasyon
sa pagbuo ng paunawa, babala at anunsiyo
I.LAYUNIN
a. Nabibigyang-kahulugan ang bawat isang paksa
b. Natutukoy ang kahalagahan at element ng naratibong ulat
c. Nakabubuo ng sariling paunawa, babala o anunsiyo mula sa pandemyang nararanasan sa
kasalukuyan

II.Panimulang Pagsusulit
Panuto: Tukuyin kung ito ay paunawa, babala o anunsiyo. Isulat ang sagot sa patlang.

1.___________________________ 2.___________________________

3._______________________________ 4.______________________
5.______________________________ 6.____________________________

7.______________________________ 8._____________________________

9.____________________________ 10.____________________________

III.TALAKAYAN
Paunawa, Babala at Anunsiyo
Katulad ng mga nauna nang nabanggit na mga sulatin, ang mga paunawa/babala at anunsiyo
ay nagbibigay-impormasyon din sa mga nakababasa nito. Nakatutulong ang mga babala upang
maiwasan ang mga sakuna, aksidente at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari para sa isang
indibidwal. Marapat lamang na sundin ang mensaheng ipinararating ng mga ito para sa
kaligtasan ng lahat. Karaniwang malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat ng mga paunawa
at babala at matatagpuan sa isang lugar na madaling makita. Inaasahan ding malinaw ang
pagkagawa at pagkapaskil sa mga ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay purong teksto lamang
ang bumubuo sa mga babala, kundi maging mga guhit o larawang madaling matukoy at
maunawaan ng mga nakakakita nito. Tiyak at direkta ang kadalasang paraan ng pagkakasulat
ng mga paunawa at babala, hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating na mensahe
upang mabilis na maalala. Kagaya ng mga paunawa at babala, nagpapaalala rin ang mga
anunsiyo. Nililikha ang mga ito upang magbigay ng mga tiyak na detalye hinggil sa isang
pangyayari, kagaya halimbawa ng mga gaganaping pagpupulong, panayam, talakayan, at iba
pang katulad na pagtitipon. Makikita sa mga anunsiyo ang nakatakdang petsa, oras, lugar na
pagdarausan, at iba pang batayang kaalaman hinggil sa paksang inaanunsiyo. Tiyak din ang
pagkakabuo nito kung kaya’t madaling matandaan.
Karapatan ng tao ang mabuhay. Kabilang sa karapatan ng mga ito ang pagsasabuhay sa
kanilang mga karapatan. Gayuman, may limitasyon ang lahat upang hindi abusuhin ng tao ang
kanyang karapatan. Dahil dito, may mga nabubuong batas upang sundin nng tao.
Sa kabilang banda, may mga pahayag na naririnig o nababasa ng tao na nagbibigay sa kanila
ng babala, anunsyo at paunawa. Ang mga ito ay nagtataglay ng mga impormasyon na
maaaring makaapekto sa gawi o kinikilos ng tao.
Pangkalahatang tinatawag na patalastas ang anumang paunawa, babala, o anunsiyo.
Nagsasaad ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa tao.

Paano nga ba nagkakatulad at nagkakaiba ang mga ito?

Ano-ano ang katangian ng mga ito?
Papaano isinusulat ang mga ito?

ANUNSIYO
 Ang mga sulating pag-aanunsiyo at ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan ng mga
kaisipan na nais iparating sa mga nakikinig, mambabasa o manonood. Layunin ng
sulating ito na ipabatid ang mahalagang kaganapan at ang mga detalyeng nakaugnay
rito.
 Karaniwang ginagamit ito sa pagpapabatid tungkol sa isang bagong tuklas na produto,
isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing kaganapan at
marami pang iba
 Kalimitang mababasa ang mga sulating ito sa mga magasin, flyer, dyaryo, pamphlet,
bulletin board. Naririnig din sa mga radyo at telebisyon.

Paunawa
Ang isang paunawa ay isang mensahe na nagsasaad ng mahalagang impormasyon at
mistula din itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin. Maari ding
pumaksa ang paunawa tungkol sa anumang pagbabago ng naunang nabanggit na
impormasyon.
BABALA

Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng

tao. Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisasaad ang babala.

Ilang konsiderasyon sa pagbuo ng mga paunawa, babala, at anunsiyo

1.Paggamit ng wika - Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa
paunawa, babala, at anunsiyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay simple at
mabilis na maiintindihan. Simple ang mga salitang gagamitin dahil dapat na direktang sinasabi
ng paunawa, babala, o anunsiyo ang mahalagang impormasyon na laman nito. Mahalaga rin na
mabilis na mauunawaan ng nagbabasa ang paunawa, babala, o, anunsiyo ang impormasyon na
inilalahad. Iwasan ang maligoy na salita o ang paglalarawan ng isang pangyayari.
Halimbawa, ang babalang “Mag-ingat sa aso” ay malinaw at simple. Pinag-iingat ang tao sa
aso dahil tiyak na may panganib na dala ang aso sa tao. Maaari itong makakagat ng tao o kaya
ang simpleng pagtahol nito ay magdulot ng katatakutan sa tao. Samantala, ang babalang “Mag-
ingat sa itim na aso” ay makapagbibigay ng kalituhan sa tao dahil iisipin ng tao na mapanganib
ang itim na aso ngunit ang kayumanggi o kaya’y puting aso naman ay hindi dapat kinatatakutan.
2. Paggamit ng imahen o simbolo - Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahen at/o simbolo,
kalakip ang mahahalagang impormasyon, ay tinatawag na infographics. Sa kasalukuyang
panahon, mas nakapupukaw sa mag-aaral ang paggamit nito dahil sa pagiging malikhain,
kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa, at nakaaakit sa mata dahil sa
kulay. Ang mga nabanggit sa itaas ay mga palatandaan na epektibo ang infographics. Maliban
sa usapin ng infographics, mahalagang ipaalala sa mag-aaral na ang mga imahen at/o simbolo
ay dapat na may kaugnayan sa ginagawang paunawa, babala, o anunsiyo. Kapag hindi malinaw
ang imahen at/o simbolong ginamit sa patalastas, makalilikha ito ng kaguluhan.
Halimbawa, malinaw sa imahen sa itaas na isa itong babala na kung saan ang sasakyan ay
maaaring mahulog mula sa isang bangin na tubig ang kaniyang babagsakan.

GAWAIN
PANUTO.Lumikha ng sariling paunawa, anunsiyo at babala. Isulat/ Iguhit ito sa likod na bahagi
ng modyul.
Pamantayan sa pagmamarka
Kategorya Deskripsyon Puntos
Pag-oorganisa Kalinawan ng mga impormasyon 10
Nilalaman Isinaalang-alang ang mga impormasyong nais ipabatid sa 25
mambabasa o tagapakinig
Presentasyon Malinis at may pagkamalikhain sa buo ng mga sulating ito 15
Kabuuan 50

IV.PAGLALAHAT
Ibuod ang iyong natutunan sa ginawang talakayan.

__________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
V.EBALWASYON
Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga patalastas na tinalakay?
_____________________________________________________________________________

VI. PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto.IDENTIPIKASYON. Tukuyin ang hinihinging sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.

________________1. Pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang

impormasyon sa tao
________________2. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong
magsasabi kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin
________________3. Nagsasaad ito ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao
_______________4. Mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa
sinumang tao.
_______________5. Katangian ng patalastas sa paggamit ng wika

You might also like