You are on page 1of 8

ARALIN 5: DESKRIPSYON NG PRODUKTO

I. LAGOM PANANAW

Ang aralin 5 ay tatalakay sa mga konsepto ng Pag gawa ng deskripsyon ng prdoukto. Iisa
isahin ang tamang pag bigay ng deskripsyon, paraan ng pagbigay nito, at ang
kahalagahan ng pagbigay nito.

II. Layunin
 Nabibigyang-kahulugan ang deskripsyon ng produkto.
 Natutukoy ang kahalagahan ng deskripyon ng produkto.
 Nakakagawa ng sariling poster tungkol sa deskripsyon ng napiling produkto.

III. Panimulang pagsusulit


Panuto: Isulat kung tama o mali.
__________1. Ang deskripyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa
pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo.
__________2. Ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto ay para mabigyang
impormasyon ang mamimili tungkol sa katangian, gamit, etc..
__________3. Hindi ganoon kahalaga ang pagbibigay ng deskripsyon pag dating sa negosyo.
__________4. Ang mga boutique o mga pisikal na estraktura lamang ang maaaring gumawa
ng deskripyon ng produkto.
__________5. Karaniwan ang deskripsyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.

IV. Tuklasin natin


Kung ikaw ay gagawa ng isang poster ng iyong ibebentang produkto, ano ano ang mga
kailangan ilagay upang mapukaw ang atensyon ng mga tao.

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

Larawan mula sa artflakes.com


V. Linanging natin

DESKRIPSYON NG PRODUKTO ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng


mga produkto para sa isang negosyo.
- Kinakailangan ang paglalalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta
sa target na market o mamimili.

ANO BA ANG KAHALAGAHAN NG PAG GAWA NG DESKRIPYON NG PRODUKTO?

 Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga:


o Benepisyo
o Katangian
o Gamit
o Estilo
o Presyo
 Mahalaga rin ang deskripyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang
produkto ay akma sa kanilang pangangailangan
 Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalakas ang
kompetensya ng iba’t ibang kompanya.
 Hindi lamang boutique o pisikal na istraktura na mga tindahan ang gumagawa ng
mga deskripsyon ng mga produkto na dati inilalagay sa mga magazines. Laganap na
rin ang mga online stores na totoong may mas mahigpit na kompetensiyon dahil sa
malawak ang maaring marating ng produkto at mas maraming potensyal na
kliyente.
 Karaniwan ang deskripyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.
 Maaaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat ng deskripsyon sa produkto lalo na
kung sa online stores.

MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG PRODUKTO

1. Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto


a. Kailangan masabi sa maikling talata ang mga kinakailangan ilarawan tungkol
sa produkto.
2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili
a. May iba’t ibang buyer persona ang bawat produkto. Ito ay kung para kanino
ibinebenta ang isang produkto. Kailangan malaman ang katanginan ng
target na mamimili sapagkat sa pagsulat ng produkto, sila ang nararapat na
direktang kausapin.
3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo
4. Iwasan ang gasgas na pahayag
5. Patunayan ang pag gamit ng superlatibo
6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
7. Magkwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.
8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama
9. Gumamit ng testimonya o patunay na mula ito sa social media
10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan
11. Gumamit ng kaakit-akit na larawang ng produkto.

Mga kaunting halimbawa ng pag lagay ng deskripsyon ng produkto sa pamamagitan ng pag gawa
ng poster.

Sa poster na ito, pinapakita na ang tomato sauce ay hindi


gawa sa pabrika lamang pero ito ay galing sa totoong
kamatis.

Larawan mula sa pinterest.com

Isa pang halimbawa ay sinasabi rito na ang kanilang bag ay


napaka-gaan dahil kaya syang buhatin ng iilang lobo lamang.

Larawan mula sa pinterest.com


VI. Subukin mo!
Panuto: Pag aralan ang poster sa ibaba, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Mga tanong:

1. Paano naipahayag ang deskripsyon ng kanilang produkto?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Tama ba ang paraan ng pag papahayag nila ng deskripsyon ng kanilang produkto? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Nakakapukaw ba ng tao ang ganitong klaseng deskripsyon ng produkto? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
VII. Kayang-kaya mo to!

A. Panuto: Kung ikaw ay gagawa ng deskripsyon sa iyong produkto, ano ano ang mga
hakbang upang makagawa ng isang deskripyon ng produkto? Gumawa ng isang fishbone
diagram.

B. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng pag gawa ng deskripsyon ng produkto base sa sarili
mong mga salita. Isulat sa loob ng bilog na nasa ibaba.
VIII. Sanib pwersa tayo!
Bumuo ng gruo na may 7 myembro at gumawa ng isang deskripsyon sa isang napiling
produkto sa pamamagitan ng isang patalastas na skit.

IX. Palalimin pa natin!


Gumawa ng isang deskripsyon ng isang napiling produkto sa pamamagitan ng pag gawa ng
sariling poster.
Criteria:

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang puntos


Nilalaman Wasto at 10
makatotohanan ang
mga impormasyon.
Kaangkupan Madaling maunawaan 5
ang ginagamit na
salita, mga larawan,
at simbolo sa
ginawang poster.
Pagkamalikhain Nakakapukaw ng 5
atensyon ang
ginawang poster dahil
ginamit ang mga
larawan at salita na
nakakahikayat sa
mamamayan na
nakakakita.
Kabuuan 20

HULING PAGSUSULIT!
Panuto: Isulat ang tamang sagot.

__________1. isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa
isang negosyo.

__________2. Karaniwan ang deskripyon ng produkto ay isang _______ talata lamang.

__________3. Isa sa paraan ng pag gawa ng deskripsyon ng produkto ay iwasan ang pag gamit

Ng _______ na pamamahayag.

__________4. Maaaring gumamit ng ________ sa pagsulat ng deskripsyon sa produkto lalo na


kung sa online stores.

__________5. Isang paraan ay gumamit ng larawan na __________ i-scan.

__________6. Mahalaga sa larangan ng kalakalan o negosyo dahil sa napakalakas ang _______


ng iba’t ibang kompanya.

__________7. Kinakailangan ang paglalalarawan sa produkto upang maging ________ at


maibenta sa target na market o mamimili.

__________8. Hindi lamang ________ o pisikal na istraktura na mga tindahan ang gumagawa ng
mga deskripsyon ng mga produkto na dati inilalagay sa mga magazines

__________9. Isa sa paraan ay ang Patunayan ang pag gamit ng _____________.


__________10. Kailangan Pukawin ang _________ ng mambabasa.

You might also like