You are on page 1of 2

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

Deskripsiyon ng Produkto
Modyul 10
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Isa sa pinakapayak na anyo ng dokumentasyon ng produkto ang deskripsyon ng produkto. Ayon kina Bernales,
Ravina at Cordero (2017), ang deskripsyon ng produkto ay maikling sulatin sa label o lakip na leaflet na nagpapaliwanag
sa katangian, komponent o gamit ng produkto. Ito ay ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta sa mga target na mamimili
(Francisco at Gonzales, 2016).

Mahalaga ang deskripsyon ng produkto sapagkat:

1. Maipababatid sa mga mamimili ang benipisyo, katangian, gamit, estilo, presyo at iba pang produktong nais
ibenta.

2. Maipakikita na akma sa pangangailangan ng mga mamimili ang produkto.

3. Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan dahil nagpapalakas ito ng kompetisyon ng mga kompanya lalo na’t
marami na ang pinapasok ang online selling.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto


1. Simple at maikli lamang ang deskripsyon ng produkto.
Tanggapin ang katotohanan na walang panahon sa pagbabasa ng mahahabang deskripsyon ang mga
mamimili. Kinakailangang mabanggit sa maikling talata ang paglalarawan sa isang produkto. Tiyaking madaling
mabasa ang deskripsyon ng isang produkto.

2. Magtuon sa Buyer Persona.


Ang buyer persona ang siyang ideyal na mamimili ng isang produkto. Mahalagang isaalang-alang ang
katangian ng target na mamimili sapagkat sa pagsulat ng deskripsyon sila ang direktang kinakausap nito.

3. Manghikayat gamit ang benipisyo at patunay ng produkto.


Bigyang-diin sa paglalarawan ang benipisyong makukuha ng mga mamimili sa isang produkto. Mahalaga
rin ang mga testimonya o patotoo sa social media kung gaano kahusay ang produktong inilalarawan

4. Buhayin ang imahinasyon ng mga mambabasa.

Maging malikhain sa paglalarawan ng produkto. Maaaring maglagay ng mga senaryong pamilyar o di


kaya’y malapit sa mambabasa. Tandaan na sa kaakit-akit na paraan ay dapat na mailarawan ang isang produkto.

5. Huwag gumamit ng mga gasgas na pahayag sa deskripsyon ng produkto.


Gumamit ng deskripsyong magbibigay sa kalidad ng produkto.

6. Patunayan paggamit ng superlatibo.

Kung gagamit ng salitang “pinaka-“ sa paglalarawan ng bisa ng isang produkto ay sundan ito ng patunay.

7. Magkwento sa maikling kasaysayan ng produkto.


Isa sa mahuhusay na estratehiya sa paglalarawan ng produkto ay sa pamamagitan ng pagkukwento ng
pinagmulan nito. Maaaring malaman ng mga mamimili kung gaano na katagal, paano at kung saan ginagawa ang
produkto. Maaari itong makatulong sa pagbebenta at magandang reputasyon ng isang produkto.
8. Gumamit ng mga larawan o dayagram sa paglalagay ng deskripsyon.
Makatutulong ang larawan o diagram upang makapanghikayat ng mimimili. Larawan pa lamang
kailangang makapupukaw agad ng atensyon ng mga target na mamimili.

9. Paglalagay ng presyo.

Tiyakin na sa paglalagay ng presyo ay makatwiran ito. May mga produkto na mahal ngunit de-kalidad.

Gawain 1
Panuto: Suriin ang advertisement sa ibaba na mula sa isang kilalang gumagawa ng gamot sa bansa. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong na kasunod nito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

“PAG BIBILI NG GAMOT,


DAPAT SUBOK. DAPAT TRUSTED.
DAPAT DEKALIDAD.
‘PAG BIBILI NG GAMOT, SIGURADUHIN MO NA. UNILAB ‘YAN.”
Sagutin:

1. Ano-anong patunay at benipisyo ang ginamit sa pagbuo ng deskripsyon ng produkto?


2. Naging simple at maikli lamang ba ang paglalarawan sa produkto? Patunayan.
3. Ano-anong mga salita ang ginamit upang makapanghikayat ng mamimili? Sapat ba ito?
4. Nakatulong ba ang paglalagay ng patunay sa deskripsyon ng produkto upang makahikayat ng mamimili?

Gawain 2
Panuto: Gumupit o gumuhit ng limang produkto na madalas gamitin sa inyong piniling senior high school strand at idikit
sa isang maikling bond paper. Bumuo ng sariling deskripsyon sa mga produktong napili. Isaalang-alang ang mga tinalakay
na mga paraan sa pagbuo nito. Sikaping magkaroon ng orihinalidad sa pagsulat ng deskrip- syon

You might also like