You are on page 1of 5

MANUAL AT LIHAM PANGNEGOSYO

1. Ano ang kahulugan ng manual?


 Ang manual o manual sa ingles ay isang babasahin na aklat na kalimitang
pinagkakalooban ng mag hakbang upang gawin ng tama ang isang bagay.
halimbawa: magasin,manwal ng bilihing gamit,manwal ng telebisyon,manual ng
pagluluto

2.ano ang kagamitan na kinakailangan sa pagbuo ng manwal?


 pamagat - nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng
manwal.
 talaan ng nilalaman -nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa
loob ng manwal at ang pahina kung saan ito tinatalakay.
 pambungad- naglalaman ng paunang salita tungksa manwal gayundin ng
mensahe o pagpapaliwanag tungk sa nilalaman mula sa akda o sa isang tao
may kaugnayan sa kompanyang may nag mamay-ari ng manwal
 Nilalaman - Tumatalakay sa latawan ng manwal,sa mismong pagpapaliwanag
ng mga gabay,pamamaraan at/o alituntunin.
 Apendise -matatagpuan dito ang mga kalahip na impormasyon hinggil sa
manwal katulad ng mga impormasyon pagkontak,mga tala,atbp.

3.ano ang nilalaman ng manwal?


KOPREHENSIBO
• Koprehensibo o malawak ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon
itong magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang
bagay o paksa.
NAKAAYOS NANG PABALANGKAS
• Nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng manwal na makikita sa
talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
MAY LARAWAN O TSART
• Nagtataglay ng mga larawan o di kaya'y tsart ang isang manwal upang higit na
maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang
teknikal kung hinihingi ng pangangailangan.
APENDISE O INDEKS
• Karaniwang may apendise o indeks ang manual upang madaling hanapin ang
mga paksa nito.

Ang liham pang-negosyo o "business letter" sa english ay ang liham na nagmumula


sa mga kompanya tungo sa iba, o sa pagitan ng .ga umiiral na mga organisasyon sa
kanilang mga kliente. Ito kadalasan ay naglalaman ng isang kahilingan sa isang
serbisyo, suay, produkto at maramj pang iba. Kung minsan ay linaparating din dito
ang mga hinaing at at reklamo sa isang organisasyon na maaring may malaking
banta o epekto sa takbo ng kanilang negosyo. Pero mayroon ding pagkakataon na
nag sulat ay paghingi ng tawad dahil sa nga apektado nh kanilang negosyo o
pagpapatakbo ng kanilang mga serbisyo.
Mahalaga ang mga sulat na ito sapagkat ito ay magsisilbing reperensiya o batayan
sa isang sitwasyon, at magiging bahagi ito ng permanteng ulat. Mas pinaniniwalaan
din ito kaysa sa texts o mga berbal na usapan lang
Tulad ng ibang liham, ang liham pang-negosyo ay may parehong bahagi rin ng
sulat.

Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng
organisasyon o kompanya. May ibat ibang sinasaklaw ang liham pangnegosyo:
1. Paghahanap ng trabaho
2. Paghingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa mga tanong o piglinaw
4. Promosyon ng mga ibinibenta at/o serbisyo;
5. Paglakap ng pondo;
6. Pagrehistro ng mga reklamo;
7. Pagbibigay ng mga tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon;
atbp.

Bahagi ng Liham Pangalakal


• Pamuhatan - isinusulat ang tirahan ng sumulat at petsa ng pagkakasulat.
• Patunguhan - binubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan, tanggapan, o
opisina ng direksyon ng sulat. Dinadaglat ang pamagat-tawag tulad ng Ginoo -
G, Miss - Ms.
• Bating Panimula - maikli at magalang na pagbating nagtatapos sa bantas na
tutuldok.
• Katawan ng Liham - tiyak at tuwiran ang nilalaman.
• Bating Pangwakas - maikli at magalang na pamamaalam.
• Lagda - dito sinusulat ang buong pangalan ng sumulat at pirma sa ibabaw
nito.
Deskripsiyon ng isang produkto
DESKRIPSYON NG PRODUKTO
• Ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo.
• Mahalaga ito upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga benepisyo,
katangian, gamit, estilo, presyo ng isang produkto o serbisyo.
Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga
target na awdiyens o mamiili.

Ang isang mahusay na paglalarawan ng produkto ay pantay mahalaga upang mapalakas ang
iyong mga rate ng conversion. Mahalaga na kumuha ng sapat na oras upang isulat ang mga
paglalarawan ng kalidad ng produkto para sa iyong site ng ecommerce. Laging tiyakin na
mayroon kang epektibo, dynamic na mga paglalarawan ng produkto upang makisali sa mga
customer at gawing mas malamang na bilhin ang iyong produkto.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripyson ng Produkto:

• Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto.


• Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili.
• Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo.
• Iwasan ang mga gasgas na pahayag.
• Patunayan ang paggamit ng superlatibo.
• Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
• Magkwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.
• Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama.
• Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media.
• Gumamit ng pormat na madaling i-scan.
• Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto.

Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto


1. Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga
a. benepisyo,
b. katangian
c. gamit
d. estilo
e. presyo

2. Mahalaga rin angdeskripsiyon ng produktoupang maipakita samamimili na angprodukto ay


akma sakanilang mgapangangailangan.
3. Mahalaga sa laranganng kalakalan o negosyodahil sa napakalas angkompetensiya ng iba’t ibang
kompanya

Dokumentasiyon sa paggawa ng isang produkto


Panimula
Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng indibidwal sa patuloy na pagkatuto, kung
kaya’t lagi tayong bukas sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Mas madaling
matutunan ang iba’t ibang bagay kung may akses sa mga materyales na nagtuturo
kung paano ito magagawa. Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa
paggawa ng isang bagay. Nakalagay rin ang mga espesipikong gamit na
kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa
paggawa.
Maaari ding maglagay ng mga larawan para sa bawat hakbang upang makita nang
mambabasa ang dapat na kalabasan sa bawat proseso. Marapat lamang na sundin
ang mga ito upang hindi magkamali at maging angkop ang kinalabasan ng isang
gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga ito upang higit na maging
madali para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang na nakasaad dito.

Kalimitang naglalaman ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto


ng mga proseso kung paano binubuo ang isang bagay. Dahil usapin ito ng proseso,
napakahalaga ng kronolohiya o pagkakasunud-sunod ng bawat hakbang sa paggawa
nang sa gayon ay maging maayos at wasto ang kalalabasan ng produktong gagawin.

UNANG BAHAGI
Mga kalimitang nilalaman at katangian ng isang dokumentasyon sa paggawa
ng isang bagay o produkto.
1. Mga kailanganin sa paggawa ng isang bagay o produkto
2. Mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto.
3. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw ito sa
mga mambabasa.
4. Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap na nagsasaad
ng mga hakbang upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa.
5. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan ang dokumentasyon na
nagdadagdag ng kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa.

PANGALAWANG BAHAGI
Mga punto:
1. Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay nagtataglay ng
mga kailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito
upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuuin ang isang bagay o
produkto.
2. Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang
bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
3. Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo
ng produktong ginagawa.
4. Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng pagsunod
sa mga hakbang na nasa dokumentasyon.
5. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng
isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng
mga hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.

PAGLALAGOM/PAGBUBUOD
Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
◦ Sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay, mahalaga ang
paglalahad ng mga kailanganin sa paggawa nito, gayundin ng kronolohikal na
pagkakaayos ng proseso ng paggawa nito. Nakatutulong ang mga ito upang
maging wasto at angkop ang kalalabasang produkto matapos sundin ang mga
impormasyong nakalahad sa dokumentasyon.

You might also like