You are on page 1of 16

FILIPINO SA PILING

LARANG
INIHANDA NI:
Merie Grace N. Rante
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
 Napakahalaga sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na
pagsulat tulad ng ulat panlaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga
dayagram.
 Mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng mahalagang
dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat
industriya.
 Malaking tulong sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa
kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente, at
produktibo
 May pokus sa introduksyon ng mag-aaral sa iba’t ibang uri ng pagsulat na
kailangan sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon
Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal (Francisco 2017)
1. Awdiyens – nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at
maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood, o mambabasa.
2. Layunin – ito ang dahilan kung bakit kinakailangang
maganap ang pagpapadala ng mensahe.
3. Estilo – kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba
pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang
mensahe.
4. Pormat – tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng
mensaheng ipadadala.
5. Sitwasyon – pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning
nais iparating ng mensahe.
6. Nilalaman – dito nakasaad ang daloy ng ideya na
kabuuang mensahe ng komunikasyon.
7. Gamit – ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit
kinakailangan na maipadala ang mensahe.
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal
1. Magbigay alam. Isinusulat ito upang mapaunawa o magpagawa
ng isang bagay.
2. Mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
Susubukan nitong ipaliwanag kung paano ang sistema ay
nabigo. Ang sistema ay maaaring kabilangan ng edukasyon, sosyo-
ekonomiks, politika at ang kinakailangang pagbabago.
3. Manghikayat at mang-impluwensiya ng desisyon.
Susubukan nitong ipakita kung paano ang kalakal o industriya
ay nagtagumpay.
Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-
Bokasyonal

1. Pag-unawa sa mambabasa
2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
3. Pag-alam sa paksang-aralin
4. Obhetibong pagsulat
5. Paggamit ng tamang estruktura
6. Paggamit ng etikal na pamantayan
Katangian ng Isang Mahusay na Manunulat
ng Sulating Teknikal-Bokasyunal

1. Matatas sa wika
2. Analitikal
3. Obhetibo
4. Mataas ang kaalaman sa paksa
5. Mahusay sa kumbensyon ng pagsulat
6. Sumusunod sa etikal na pamantayan
Manunulat ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin

 • tinitiyak na ang dokumento ay malinaw


 • iiwasan ang masyadong paggamit ng mga
teknikal na parirala
 • tinitiyak na ang dokumento ay madaling basahin
 • pumipili ng tamang disenyo tulad ng paggamit
ng bullet points, font size, bold text, images,
diagrams, at videos
Mga Bahagi ng Pagsulat
1. Panimula
2. Katawan
3. Kongklusyon
4. Rekomendasyon
Mga Hakbang sa Teknikal na Pagsulat

1. Pagplaplano- Planuhin kung sino ang mambabasa at ano ang mithiin ng aklat.
2. Nilalaman- Tiyakin ang nilalaman ng mga kabanata kung saan mo kukunin ang
impormasyon.
3. Pagsulat-Gawin ang unang burador, irebyu, gawin ang ikalawang burador at
ituloy-tuloy lamang ito.
4. Internalisasyon/Lokalisasyon- Bigyang pokus at tukuyin kung
nangangailangan ng pagsasalin ang sulatin.
5. Rebyu-Tingnan ang mga naging kamalian at kahinaan at ayusin pa kung
kinakailangan.
Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
1. Sulating Interpersonal o Inter-Institusyonal – tumutukoy ang mga
ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o
institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos
na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng nagpapadala.
Halimbawa: Liham Pangnegosyo
2. Sulating ukol sa isang Produkto – tumutukoy ang mga ito sa mga
sulating may kinalaman sa isang produkto.
Halimbawa:
Deskripsyon ng Produkto, Manwal sa Paggamit ng Produkto
3. Sulating Pabatid-Publiko at Sulating Promosyunal – tumutukoy
ang mga ito sa mga sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon
sa publiko at sa mga layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o
kaganapan.
Halimbawa:
Flyers, Leaflets, Promo Materials, Anunsyo, Paunawa at Babala
4. Sulating ukol sa Pagkain – tumutukoy ito sa mga sulating may
kinalaman sa pagkain.

Halimbawa:
Recipe at Menu
Mga Anyo ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
(Francisco 2017)
Naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa
isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o
Manwal samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa
proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng
nagsisilbing gabay sa mga magbabasa
nito.
Layunin Nagbibigay-gabay kung paano gamitin at gawin ang
isang produkto
Gamit Bilang gabay

Katangian May pagkakasunod-sunod na mga hakbang


Target Mga mamimili ng appliances, operator ng makina
THANK YOU

You might also like