You are on page 1of 53

ALAMIN NATIN!

Consept
Map:
Pagsulat
UNANG MARKAHAN: ARALIN 1

Teknikal-Bokasayunal na
Pagsulat: Kahulugan,
Katangian, Gamit at Anyo
LAYUNIN
 Pagkatapos ng araling ito inaasahang maisasagawa
ang sumusunod:

 1. Nabibigyang-kahulugan ang
teknikal at bokasyunal na sulatin
CS_FTV11/12PB-0a-c-105
LAYUNIN
 Pagkatapos ng araling ito inaasahang maisasagawa ang sumusunod:

2. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal na


sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo (e) Target na
gagamit
CS_FTV11/12PT-0a-c-93
Kahulugan at Kalikasan
ng Teknikal-Bokasyunal
na Pagsulat
Ano ang teknikal-
bokasyunal na
pagsulat?
 Ang teknikal-bokasyunal na
pagsulat ay komunikasyong pasulat
sa larangang may espesyalisadong
bokabularyo tulad ng agham,
inhenyera at teknolohiya.
 Ito ay isang espesyalisadong uri ng
pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa
at maging manunulat mismo.
 Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong
suliranin.
 Halimbawa nito ang pagsulat ng
feasibility study at mga
korespondensiyang
pampangangalakal. (Bernales et.
al, 2017)
 Ayon kay Smith (2011, sa Bernales et.
al, 2017), ito ay nagaganap sa lugar-
trabaho at kadalasang nagsasangkot ng
mga teknikal na paksa na mayroong
espesipikong layunin at mambabasa.
 Ito rin ang akdang isinusulat kaugnay sa
trabaho o gawain sa isang partikular na
larangan na nagmula sa karanasang
personal, natamong edukasyon at mga
teknikal na pagsasanay.
 (K12 Curriculum Guide, 2013).
 Ayon kina Martinez et. al, 2011),
ang sulating teknikal ay isa lamang
sa maraming anyo ng
komunikasyong teknikal na higit na
nagtataglay ng mataas na antas ng
kasanayan mula sa isang disiplina.
Layunin ng Teknikal-
Bokasyunal na Pagsulat
 Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 1. Magbigay ng impormasyon.

Ito ay nagpapaunawa o
nagpapagawa ng isang
bagay .
 Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 2. Mag-analisa o magsuri.
Ito ay may layuning magsuri ng
mga pangyayari at implikasyon nito.
Ipinapaliwanag rin nito kung paano
hindi naisakatiparan ang isang sistema o
gawain at ang epekto nito.
 Layunin ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 3. Manghikayat at mang-
impluwensiya.

Layunin nitong maganyak upang


tangkilikin ang isang serbisyo o
produkto.
Gamit ng Teknikal-
Bokasyunal na
Pagsulat
 Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 1. magbigay ng impormasyon;
 2. magbigay ng instruksiyon;
 3. magpaliwanag ng
pamamaraan at teknik;
 Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 4. magsuri ng mga suliranin;


 5. matiyak ang pangangailangan
ng disenyo at sistema;
 Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 6. maging batayan sa desisyon


ng namamahala;
 7. maging batayan sa
pampublikong ugnayan;
 Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 8. makabuo ng produkto;
 9. makapaglaan ng serbisyo;
 10. makalikha ng produkto at;
 11. makabuo ng proposal.
Katangian ng Teknikal-
Bokasyunal na
Pagsulat
 Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 1. Naglalahad at
nagpapaliwanag ito ng isang
paksa ayon sa mga sumusunod
na paraan: obhetibo,
malinaw,tama at maiksi;
 Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat
 2. Gumagamit ito ng mga sumusunod
na teknik sa pagsulat tulad ng
deskripsyon ng mekanismo,deskripsyon
ng proseso, klaripikasyon, sanhi at
bunga, paghahambig at pagkokontrast,
anolohiya at interpretasyon;
 Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 3. Gumagamit ito ng mga


jargon/register o teknikal na
bokabularyo;
 Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 4. Gumagamit ito ng mga


talahanayan, grap at pigura upang
linawin at suportahan ang mga
tekstuwal na pagtalakay at;
 Katangian ng Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat

 5. Sumusunod ito sa mga


kumbensiyon ng pagsulat.
Mga Anyo ng Sulating
Teknikal-Bokasyunal
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 1. Sulating Interpersonal o Inter-


Institusyunal.
 Mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal na
organisasyon o institusyon upang mabatid ang
mga hangarin, impormasyon o datos na
makatutulong sa pagtamo ng layunin ng
nagpadala.
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 1. Sulating Interpersonal o Inter-


Institusyunal.
 Halimbawa:
 a. liham pangnegosyo;
 b.naratibong ulat at
 c. feasibility study.
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 2. Sulating Ukol sa Isang Produkto.


 Mga sulating may kinalaman sa isang produkto.
Kasama ang mga sumusunod:
 a. dokumentasyon sa paggawa ng produkto;
 b. deskripsyon ng isang produkto at
 c. manwal sa paggamit ng produkto.
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 3. Sulating Pabatid-Publiko at
Sulating Promosyonal.
 Mga sulating naglalayong magpabatid ng
impormasyon sa publiko at sa mga layuning
itanyag ang isang produkto, serbisyo o
kaganapan.
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 3. Sulating Pabatid-Publiko at
Sulating Promosyonal.
 Halimbawa:
 a. anunsyo, paunawa, babala
 b. flyers, leaflets
 c. promo material
 Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Bernales et al.,2017)

 4. Sulating Ukol sa Pagkain.

 Mga sulating may kinalaman sa


pagkain. Kasama rito ang;
 a. recipe at menu
GAWAIN
 Panuto:
 PAGHAHAMBING AT IKONTRAST ANG
TEKNIKAL NA PAGSULAT SA IBA PANG
URI NG PAGSULAT
 Gamitin ang venn diagram sa pagsagot.
 Gawin sa isang buong papel.
Iba’t Ibang Uri ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin
Liham Pangnegosyo
• Sulating isinusulat nang pormal,
kadalasang ginagamit sa pasulat na anyo
mula sa isang organisasyong pangnegosyo
patungo sa isa, o korespondensiya sa
pagitan ng mga organisasyon at kanilang
mga kliyente at iba pa.
Liham Pangnegosyo
• Ito ay isang pormal na sulatin
na karaniwang ginagamit sa
taong nasa labas ng
organisasyon o kompanya.
Karaniwang isinusulat ang liham pangnegosyo para sa
mga tao na nasa labas ng organisasyon o kompanya.

Iba’t ibang saklaw nito:

1. Paghahanap ng trabaho
2. Paghingi ng impormasyon
3. Pagtugon sa mga tanong o paglilinaw
Iba’t ibang saklaw nito:

4. Promosyon ng mga ibenebenta at/o serbisyo


5. Pagkalap ng pondo
6. Pagrehistro ng mga reklamo
7. Pagbibigay ng mga tulong para sa
pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon.
Naratibong Ulat
• Isang organisado at obhetibong
komunikasyon ng mga makatotohanang
impormasyon na magagamit para sa isang
tiyak na layunin.
Anunsiyo
• Sulating nagbibigay ng mahalagang
impormasyon ukol sa isang bagay o
pangyayaring magaganap pa lamang.
Paunawa
• Pabatid na humihingi ng pag-unawa
dahil sa hindi kombinyenteng kondisyong
dala ng sitwasyon.
Babala
• Pabatid na nagpapaalala sa mga taong
pinatutungkulan nito na kung hindi
susundin ang nakasaad ay posibleng
mapahamak.
Leaflet
• Ito ay tulad din ng flyer na uri din ng
promosyonal na material at kadalasang
kalahati o isang kapat
lamang ng flyer.
Flyer
• Ito ay promosyong nasa papel hinggil sa
isang produkto o serbisyo.
Recipe
• Ito ay set ng mga hakbangin para sa
paghahanda ng tiyak na pagkain, putahe o
inumin.
Menu
• Ito ay listahan ng mga pagkaing
inihahain sa isang partikular na kainan.
Dokyumentasyon at
Deskripsiyon ng
Produkto
• Maikling
sulatin sa label o lakip na leaflet
nito na nagpapaliwanag sa katangian,
component o gamit ng produkto.
Manwal ng Produkto

• Babasahing nagbibigay ng instruksiyon.


Feasibility Study
• Isang ebalwasyon ng mga inihaing
proposal o aksiyon kaugnay sa mga
proyekto ng pagpapaunlad sa mga bagay
sa trabaho o pag-aaral at pagtataya sa
target na mamimili at kompetisyon ng
itatayong negosyo.

You might also like