You are on page 1of 7

The Sisters of Mary School – Adlas, Inc.

Filipino sa Piling Larangan –Finals

Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itiman ang bilog ng titik na katumbas ng iyong
tamang sagot sa iyong sagutang pape.

1. Isang sulating-teknikal na naglalayong magbigay ng instruksyon kung papaano gagawin o gagamitin ang
isang produkto.
A. Deskripsyon ng produkto C. Manwal
B. Dokumentasyon ng produkto D. Naratibong Ulat
2. Uri ng manwal na nakatuon sa konstruksiyon o pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration, testing, at
adjusting ng isang mekanismo.
A. Manwal na operasyunal C. Manwal sa pagsasanay
B. Manwal sa pagbuo D. Teknikal na manwal
3. Uri ng manwal na nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment at
pagbuo ng isang produkto.
A. Manwal na operasyunal C. Manwal sa pagsasanay
B. Manwal sa pagbuo D. Teknikal na manwal
4. Uri ng manwal na naglalaman ng mga routine maintenance ng mekanismo, troubleshooting, testing, pag-
aayos ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.
A. Manwal para sa gumagamit C. Manwal serbisyo
B. Manwal sa pagsasanay D. Teknikal na manwal
5. Alin sa mga sumusunod ang unang yugto sa pagsulat ng Deskripsyon ng produkto?
A. Bago sumulat C. Pagrebisa
B. Pagbasa D. Sa Pagsulat
6. Ito ay sulating-teknikal na tinitiyak ang katangian at benepisyong makukuha ng mga konsumer sa isang
produkto o serbisyo.
A. Deskripsyon ng produkto C. Feasibilty study
B. Dokumentasyon ng produkto D. Naratibong ulat
7. Ano ang anyo ng pamamaraan ng paglalahad ng impormasyon sa deskripsyon tungkol sa proyektong
produkto o serbisyo?
A. Anyong Maligoy C. Estrukturang Anyo
B. Anyong Pabaitang-baitang D. Naratibong Anyo
8. Ano ang unang isinisaalang-alang sa pagsulat ng isang deskripyon tungkol sa isang produkto?
A. Paggawa ng burador C. Pagpapakilala sa merkado
B. Pag-iisip ng disenyo D. Pagpalagay ng potensyal na kita
9. Ano ang unang dapat bigyang-pansin sa ikalawang yugto ng pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
A. Paggamit ng tamang tono
B. Pagsulat ng magandang pambungad
C. Pagsasa-isip ng haba ng pagsasalarawan
D. Pagpapakilala sa mismong produkto sa malinaw na paraan
10. Ito ang nagsisilbing patunay na may sinundang proseso o hakbang ang mga mananaliksik sa paggawa at
pagsasakatuparan ng isang produkto.
A. Deskrisyon ng isang produkto
B. Dokumentasyon ng isang produkto
C. Kagamitang pampromosyon ng produkto
D. Naratibong ulat sa isinagawang produkto
11. Isa sa mga bumubuo ng dokumentasyon ng produkto ay ang pangangailangan. Ano ang tinutukoy na
functional sa ilalim ng bahaging ito?
A. Magagawa ng produkto
B. Pangangailangang teknikal
C. Pagkamagagamit ng produkto
D. Pangangailangang Pangkapaligiran
12. Sa bahaging ito inilalahad ang mga taong kasangkot o bumubuo sa isang kompanya sa pagsasagawa at
pagsasakatuparan ng isang produkto.
A. Lawak at layunin
B. Pagkilala sa mga stakeholders
C. Pagkilala sa mga stock holders
D. Pagtataya sa merkado at target na mga mamimili
13. Ito ang bahaging tumatalakay sa sakop o saklaw ng isang kompanya patungkol sa naisakatuparang
produkto o serbisyo.
A. Lawak at layunin
B. Pagkilala sa mga stakeholders
C. Pagkilala sa mga stock holders
D. Pagtataya sa merkado at target na mga mamimili
14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng etika sa pagsulat ng isang dokumentasyon sa paggawa ng
isang produkto?
A. Paninira ng ibang produkto
B. Pagiging matapat sa paglalahad ng impormasyon
C. Pagkakaroon ng hayagang pangungumpara sa ibang produkto
D. Pangongopya ng mga “tagline” ng iba pang mga produkto o serbisyo
15. Ito ay isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo
ng tao. Isang sulatin na nagtatala ng mga nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa.
A. Deskripsyon ng produkto
B. Pagsulat ng isang Ulat pasalaysay
C. Paggawa ng kagamitang pampromosyon
D. Dokumentasyon sa paggawa ng produkto
16. Ano ang pinakalayunin ng pagsulat ng isang naratibong ulat bilang isang sulating-teknikal?
A. Maghatid ng isang ulat na hango sa pangyayaring bunga ng malawak na panghaharaya.
B. Maiugnay ang mga pangyayaring naganap batay sa sariling karanasan sa sariling emosyon.
C. Mailahad ang mga pangyayaring naganap batay sa sariling interes, opinyon at interpretasyon.
D. Magbigay ng maikli ngunit malamang paglalarawan sa pangunahing kontribusyon at mahahalagang
nakamit ng isang partikular na larangan.
17. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang Naratibong Ulat?
A. Nasusulat sa ikatlong panauhan
B. May limitasyon sa 500 na mga salita
C. Binibigyang diin ang benta ng produkto.
D. Nagpapakita ng kaugnayan sa mga pangyayaring hindi sangkot ang manunulat.
18. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paghanguan kapag magsusulat ng isang Naratibong Ulat?
A. Mga hinuhang pangyayari
B. Mga pangyayaring kagila-gilalas
C. Mga pangyayaring hango sa panghaharaya
D. Mga pangyayaring batay sa sariling karanasan
19. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa unang bahagi sa pagbuo ng isang manwal MALIBAN sa:
A. Gumawa ng angkop na pamagat at pabalat.
B. Kilalanin kung sino ang gagamit ng manwal.
C. Isulat ang mga kailangan ng mga mambabasa sa paraang madaling maunawaan.
D. Ipaliwanag ang mga problemang maaaring masalubong ng gagamit ng produkto at maaaring solusyo

20. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam gawin bilang isang manunulat ng manwal ng isang produkto?
A. Maglahad ng mga komplikadong paghahalimbawa.
B. Maglagay ng maraming larawan ng produktong itinatampok.
C. Gawing palakaibigan ang tono ng pananalita at umiwas sa mga salitang-teknikal kung maaari.
D. Ilahad ang mga impormasyon gamit ang mga jargon na salita ng isang partikular na larangan.
21. Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin sa pagsasagawa ng isang sulating-teknikal na manwal. Alin
ang HINDI kabilang?
A. Kumuha ng mahusay na manunulat.
B. Gawing bahagi sa pagdedisenyo ang ideyal na manunulat.
C. Subukan ang manwal sa mga taong katulad ng gagamit nito sa komunikasyon.
D. Gawing maikli at simple ang pagpapaliwanag at iwasan ang pagdaragdag ng mga larawan.
22. Alin sa mga piling hakbang ang mainam gawin upang makagawa ng isang mabisang Deskripsyon ng
isang produkto?
A. Gumawa ng burador.
B. Magsaliksk ukol sa mga potensyal na mamimili.
C. Magawa ng ubos-kaya ang pagbabasa o pagpapakita ng produkto.
D. Lahat ng nabanggit
23. Sa pagsasagawa ng isang deskripsyon ng produkto ay kinakailangang pag-isipan ang pagsasaalang-
alang sa isang magandang pambungad o paglalarawan. Sa anong yugto matatagpuan ang hakbang na
ito?
A. Unang Yugto
B. Ikalawang Yugto
C. Ikatlong Yugto
D. Wala sa nabanggit
24. Isa sa mga etika sa pagbuo ng sulating-teknikal partikular na ang Deskripsyon ng produkto ay ang
pangangailangan ng paggamit paminsan-minsan ng ilang impormal at palakaibang salita. Alin sa mga
sumusunod na dahilan ang angkop kung bakit ito isinasagawa?
A. Upang mapadali ang isang gawain
B. Upang mas maging kaaya-aya sa pandinig
C. Upang magkaroon ng koneksyon sa mga mambabasa
D. Upang mapadali ang pagpapaliwanag sa kahit sinong tagatangkilik
25. Bukod sa pagsasaalang-alang ng mga larawan sa paggawa ng isang Deskripsyon ng produkto, alin sa
mga sumusunod ang mas mainam gawin upang mas tangkilikin ang isang proyekto o serbisyo?
A. Gawing elegante ang disenyo nito
B. Magpokus sa negatibong dulot bilang babala
C. Ikumpara sa iba pang katulad na mga produkto
D. Gamitin ang mga tunay na karanasan at pagpapatotoo ng konsumer
26. Kung nais mong mapanatili ang kredibilidad at imahe ng iyong kompanya ay nararapat lamang na sundin
ang etika sa paggawa ng sulating-teknikal kaugnay ng isang produkto. Alin sa mga sumusunod ang
nararapat na gawin?
A. Ilahad ang bentahe sa kaparehong produkto
B. Maging matapat sa paglalahad ng bawat detalye
C. Ilahad ang positibo at negatibong epekto ng produkto
D. Siraan ang ibang kompanyang gugugawa ng parehong produkto.

27. Ang isang mabisa at mahusay na dokumentasyon ng isang produkto ay binubuo ng mga bahagi ayon sa
pagkakasunod-sunod nito. Sa anong bahagi nito kinakailangang ilahad ng manunulat ang sakop at
hangarin ng produkto o ng mismong gumawa nito?
A. Impormasyon ukol sa pamagat at manunulat
B. Paglahad ng lawak at layuning-perspektibong teknikal at kalakal
C. Pagkilala sa mga sangkot na tao o kabuuan ng isang organisasyon
D. Pagplano sa ebalwasyon at pamantayan sa pagganap ng naisakatuparang produkto
28. May ilang mga bagay ang dapat nating tandaan sa paggawa ng isang sulating-teknikal. Bakit
kinakailangang maging payak lamang ang paglalahad ng mga impormasyon sa dokumentasyon sa
paggawa ng isang produkto?
A. Upang mas mapadali ang pagsasakatuparan nito
B. Upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga mambabasa nito
C. Upang mas maging simple lamang at kulang ang maging ideya nito
D. Upang hindi na lalong mag-isip pa ang manunulat ng sulating-teknikal na ito
29. Mahalagang panatiliin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay na inilalahad sa
isinulat na dokumentasyon sa paggawa ng produkto. Alin ang pinakamabisang dahilan kung bakit ito
dapat isaalang-alang?
A. Upang mapalitaw ang mismong ideya ng isang tekto
B. Upang maghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa
C. Upang mas maging kapanapanabik sa mga mambabasa ang bawat detalye nito
D. Upang ilayo ang pagkakaunawa ng mismong mambabasa sa interpretasyon nito
30. Isa sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang Naratibong Ulat ay ang paggawa ng kawili-wiling simula at
wakas nito. Ano ang implikasyon ng pagsasaalang-alang ng hakbang na ito?
A. Mas bibigyang pansin ng mambabasa ang simula nito
B. Mas maeenganyo ang mga mambabasa na hindi tapusin ito
C. Mahihikayat ang mambabasa at maikikintal ang bisa ng salaysalay na ito
D. Lahat ng nabanggit
31. Ang mga sumusulod ay ang mga etika sa pagbuo ng isang sulating teknikal tulad na lamang ng isang
ulat pasalaysay MALIBAN sa:
A. Maglahad ng pabungad na talata na maglalahad ng lagom ng aktibidad
B. Ilahad ang mga mahahalagang natamo sa isang pangyayari o kaganapan
C. Ilarawan ang naging kontribusyon ng isang partikular na larangan sa mismong sitwasyon
D. Wala sa nabanggit
32. Ang isang manwal ay nahahati sa tatlong bahagi kung susundin ang mga hakbangin sa paggawa nito.
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito batay sa mga detalye na nasa ibaba.
I. Kilalanin kung sino ang gagamit ng manwal.
II. Gumamit ng angkop na pabalat at pamagat.
III. Isulat ang kinakailangan ng mga mambabasa sa paraang madaling maunawaan.
IV. Ipaliwanag kung anong problema ang maaaring masalubong ng mga gagamit ng
produkto
V. Ilagay ang mga instruksyon o mga prosesong kailangang gawin at ang mga sanggunian
sa loob ng manwal.

A. I, III, IV, II, V C. II, III,I, IV, V


B. I, II, IV, III, V D. I, III, II, IV, V
33. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang bumubuo sa ikalawang bahagi sa pagbuo ng isang manwal?
I. Gumawa ng taalaan ng nilalaman
II. Gumamit ng angkop na pamagat at pabalat
III. Pag-isipang mabuti ang gagamiting lay-out ng manwal.
IV. Isaalang-alang din kung paano iba-bind ang manwal.
V. Ilagay ang mga instruksyon o mga prosesong kailangang gawin at ang mga sanggunian
sa loob ng manwal.

A. I, II, III lamang C. I, II, V lamang


B. I, II, IV lamang D. I, IV, V lamang
34. Ang isang liham pangnegosyo o pangangalakal ay karaniwang ipinapadala sa isang tanggapan o bahay
kalakal. Alin sa ibaba ang mga kananiwang dahilan kung bakit ito isinasagawa?
I. Paghanap ng trabaho
II. Promosyon sa isang produkto
III. Pag-aanunsyo ng paparating na sakuna
IV. Pagrehistro ng mga kaukulang reklamo
V. Pagkalap ng pondo o kaukulang halaga sa proyekto

A. I, II, III at IV lamang C. I, II, IV at V lamang


B. I, II, III, At V lamang D. I, III, IV, V lamang
35. Ang mabalangkas na sulating-teknikal katulad ng isang liham pangangalakal ay binubuo ng mga angkop
na bahagi batay pagkakasunod-sunod nito. Alin sa mga nasa ibaba ang naglalahad ng isang maayos at
tamang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng isang liham pangnegosyo?
A. Pamuhatan, Patunguhan, Bating panimula, Katawan, Bating pangwakas, Lagda
B. Patunguhan, Pamuhatan, Bating panimula, Katawan, Bating pangwakas, Lagda
C. Patunguhan, Pamuhatan, Bating pambungad, Katawan, Pamitagang pangwakas, Lagda
D. Pamuhatan, Patunguhan, Bating pambungad, Katawan, Pamitagang pangwakas, Lagda
36. Maituturing na mabuti ang deskripsyon ng produkto kung natandaan ito ng mga mamimili. Anong
pamamaraan o hakbang ang kinakailangang gawin kung isasaalang- alang ang naunang pahayag?
A. Pagdagdag ng mga keywords
B. Pagrebisa ng ginawang deskripsyon ng produkto
C. Pagtingin kung walang kamalian sa gramatika at palabaybayan
D. Pagsasaisip ng haba ng pagsasalarawan ng isang produkto o kalakal
37. Matapos maisagawa ang isang pag-aaral ng isang manunulat ng isang dokumentasyon ay inilalahad niya
ang kinalabasan kung sino ang potensyal na mga mamimili na tatangkilik ng isang produkto at maging
ang pamilihan kung saan ito maaaring mabili. Aling hakbang sa pagsulat ng naturang sulatin ang
binabanggit sa unang pahayag?
A. Pagkilala sa mga stakeholders
B. Paglalarawan sa produkto at manunulat
C. Pagtataya sa merkado at target na mamimili
D. Paglahad sa naging plano sa pagsakatuparan ng isang produkto
38. Ang tagumpay ng isang negosyo ay nakasalalay sa kung papaanong ang pagplano sa bawat konsepto at
ideya ay maayos na naisakatuparan. Bilang manunulat ng isang dokumentasyon, alin ang binibigyang diin
sa mga bahagi nito kung nais mong ilahad ang paglalarawan sa produkto at mismong gumawa nito?
A. Pagkilala sa mga stakeholders
B. Paglalahad ng plano ng proyekto
C. Pagtataya sa merkado at target na mamimili
D. Paglahad ng impormasyon ukol sa pamagat at manunulat
39. Inatasan kang magsagawa ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto. Anong
pangangailangan ang dapat mong bigyang pansin kung ikaw ay nakatuon sa kung paano ginagamit o
gagamitin ang isang produkto o serbisyo?
A. Pangangailangang Teknikal
B. Pangangailangan sa Suporta
C. Pangangailangang Interaksyon
D. Pangangailangang Pagkamagagamit
40. Bilang isang mag-aaral ng ika-11 baitang at kumukuha ng asignaturang Filipino sa Piling Larangan, alin
sa mga pahayag sa ibaba ang nararapat na gawin at tandaan kung ika’y naatasang gumawa ng isang
dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto o kalakal?
A. Umiwas sa paggamit ng mga balbal na salita
B. Gawing katawa-tawa ang pahayag para manghikayat
C. Iklian lamang ang bawat pagpapaliwanag sa mga bahagi
D. Laging ilahad ang bentahe sa iba pang katulad na produkto
41. Katatapos lamang ng isang intramurals sa isang paaralan, kung kaya naman ang mga mag-aaral ay
naatasang sumulat ng isang naratibong ulat batay sa kung ano ang mga naging kaganapan sa isang
partikular na paligsahan sa sports o pampalakasan. Bilang manunulat, anong mahalagang detalye ang
hindi mo dapat makalimutan?
A. Paglahad ng hindi pa naisasakatuparang n paligsahan
B. Pagtalakay sa naging pagsasanay o mentorship sa isang larangan
C. Pagsantabi sa naging kontribusyon ng gawain sa iba pang kaganapan
D. Paglalagom sa kung anong naganap batay sa sariling interpretasyon at paliwanag
42. Sa pagsusulat ng isang ulat pasalaysay, kinakailangang maging matapat at direkta ang paglalahad ng
mga kaganapan batay sa kung ano lang ang nangyari. Ano ang pinakamainam at sapat na dahilan kung
bakit ito kailangang isaalang-alang?
A. Dahil ito ang pagbabatayan ng mga mambabasa
B. Dahil ito ay may layunin at hindi kailangang mabahiran ng opinyon
C. Dahil maaari itong makadagdag sa pag-iisip ng mga piling mambabasa
D. Dahil iniiwasan nating magdulot ng kalituhan sa pag unawa ng mga kaganapan
43. Ang ulat pasalaysay ay isa sa mga proyektong hinihingi sa isang partikular na asignatura matapos na may
nangyaring kaganapan na sangkot ang mismong manunulat sa pagtitipon man o isang pagpupulong.
Batay sa katangian ng nito, ano ang kinakailangan mong tandaan sa paglahad ng mga nangyari sa
halimbawang sitwasyon?
A. Gawing maikli lamang ang mga pahayag
B. Gumamit ng larawan sa bawat detalyeng isasalaysay
C. Isulat sa unang panauhan at limitahan lamang sa 500 na salita
D. Isulat ito sa ikatlong panauhan at limitahan lamang sa 500 na salita
44. Isa sa mga etika ng pagsasalaysay ng pangyayari ay kung ang pangunahing dahilan ng pag uusap /
pagpupulong / gawain ay para magkaroon ng paglilinaw, desisyon, o rekomendasyon, mahalaga na
maitala ang resolusyong ito sa pinakamatapat na pamamaraan. Sa paanong paraan mo ito
maipapahayag?
A. Ilahad batay sa kung ano ang opinyon
B. Ilahad ito sa paraang madaling maunawaan
C. Ilahahad ito sa pamamaraang verbatim lamang
D. Ilahad ito batay sa sariling pagkakaunawa lamang
45. Bago magsagawa ng isang plano sa pagsasakatuparan ng proyekto ay kinakailangan munang
magsagawa ng isang pananaliksik at ito ay tinatawag na Feasibility study. Alin sa mga sumusunod ang
isinasaalang-alang sa pagsulat nito?
I. Solusyon sa problema
II. Salik pantao at ekonomiko
III. Maikling dokumentasyon produkto
IV. Ang sinusuring bahagi ng produkto
V. Suhestiyon sa mga naging suliranin

A. I, II at IV lamang C. I, IV at V lamang
B. I, III, At V lamang D. I, III, IV, lamang

You might also like