You are on page 1of 13

Liceo De Victoria

Victoria, Laguna
Senior High School Department
S.Y.2021-2022

Learner’s Module
Filipino sa Piling Larangan Week 3

Aralin 3:
Mapanuring Pagsulat sa Akademiya:
Pagbuo ng Mapanuring Sanaysay

Pamantayang Pangnilalaman
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulating ginamit sap ag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap
 Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin.

MELCS
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, at
katangian ng iba't ibang anyo ng sulating akademiko.

Layunin
 Naipaliliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring
pagsulat sa akdemiya
 Natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat;at
 Nakasusulat ng piktoryal na sanaysay o sanaysay-palarawan.

Pangalan: ___________________________________________________
Taon/Pangkat: _______________________________________________
Tirahan: ____________________________________________________
Student’s/Parent’s Cellphone Number:
___________________________

1
Petsa ng Natanggap:
__________________________________________
Petsa ng Isauli/Ipasa: _________________________________________
GAOD-KAISIPAN

Mapanuring Pagsulat at Tekstong Akademiko

Malaking hamon sa isang mag-aaral na makasulat ng mapanuring teksto sa loob


ng akademiya. Ang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagsulat na maaga pa lang
ay natututuhan na ay salik sa matagumpay na pag-aaral sa mataas na edukasyon.

Kakailanganin sa mapanuring pagsulat ang isang mapanuring pag-iisip.


Natalakay na ito sa Aralin 1. Napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging
analitikal (napaghihiwahiwalay at napaggugrupo ang mga ideya sa loob ng teksto
upang maunawaan at gawan ng ebalwasyon) at kritikal (naiuugnay ang mga ideya sa
iba't ibang reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan ng pagsusuri ang nabubuong
mga relasyon kaugnay rito).

Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat. Bagama't naaayon sa


disiplina o kurso ang mga katangian ng akademikong pagsulat, may mga
pangkalahatang katangian ang mapanuring pagsulat sa akademiya.

1. Layunin - Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o


katuwiran.

Halimbawa:
Sa problema ng environmental pollution o pagdumi ng kapaligiran, ang
magagandang intensiyon sa isang larangan ay nagkakaroon ng masamang
epekto sa ibang larangan.
- Armando Kapauan, "Dalawang Mukha ng Siyensya." Nasa Binhi. 1990

Sapagkat malaki ang implikasyon ng modernong teknolohiya sa karaniwang tao,


kailangan niyang makisangkot sa mga diskursong publiko na tumatalakay sa
mga ito.
- Leonardo de Castro, "Etika Bilang Tagasaway, Etika Bilang Gabay sa Paglikha." nasa Pagkatao
at Teknolohiya. 1998

2. Tono - Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito emosyonal.

Halimbawa:
Impersonal:
Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng pagkamaawain,
pagkamakialam, pagkausyoso, pakikipagkapuwa, pakikisama, at marami pang
iba.

Personal:
Matulungin ka ba? Maawain? Pakialamero? Usisero? Di marunong
makipagkapuwa-tao? Di marunong makisama?
Ikatlong panauhan ang gamit dito - walang kontraksiyon (Di > hindi; ba't >
bakit, at iba pa)

3. Batayan ng datos - Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang patunayan


ang batayan ng katuwiran dito.

2
 Obhetibo ang posisyon - Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang
anomang pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa, organisasyon, at
mga detalye.

 Katotohanan (Fact) vs. Opinyon - Kailangan ang pruweba o ebidensiyang


mapagkakatiwalaan o talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa
lamang.
Opinyon - batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala

4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba - Ito ang piniling ideya o


kaisipan na gustong patunayan ng sumulat. Binibigyang pagkakataon dito ng
sumulat na ipokus ang atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon o
anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon. Ginagamit ng sumulat ang mga
datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.

Halimbawa:
Paggamit ng Teoryang Innateness ni Noam Chomsky para patunayang hindi
kailangang idikta sa bata ang mga salita para matuto; sa halip ay matututuhan
niya ito sa kaniyang normal na kapaligiran.

5. Perspektiba - Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na


problema.

Halimbawa:
Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali ang kasaysayan na
hindi na dapat maulit at mga krimen ng mga tao at gobyerno na hindi dapat
hayaang maganap muli.
- salin, Thomas Sowell, Race and Culture, 1994

Deduktibo o mula pangkalahatang ideya tungo sa mga detalye na magpapatunay


dito ang kayarian ng isang mapanuring pagsulat.

6. Target na mambabasa - Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa kaya


naman mga akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga
kadiskursong komunidad.

Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat


Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing
estruktura: introduksiyon, katawan, at kongklusyon. May proseso upang matamo ang
epektibong pagsulat sa bawat bahagi.

1. Introduksiyon
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang
paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan
sa pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap. Dito,
napakikitid ang isang malawak na paksa. Kailangan itong mapagdebatehan sa
dahilang kung wala namang problema, ano ang magiging tunguhin o
patutunayan sa paksa?

Halimbawa: Masama sakapaligiran ang polusyon (hindi na pagdedebatehan).


Narito ang ilang mahalagang puntos sapagsulat ng introduksiyon:

3
a. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
May iba't ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa. Narito ang ilang
anyo at halimbawa.
1. Fact o Opinyon
Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang-Asya.

2. Sanhi at Bunga
Halimbawa: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa
bansa.

3. Halaga
Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang wika
ng bata.

4. Solusyon at Patakaran
Halimbawa: Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat
pagkaabalahan ng gobyerno.

b. Paksang Pangungusap
Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na
pangungusap ang magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos.

Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng suliranin o problema,


mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.

c. Atensiyon sa Simula
Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng
estratehiya kung paano sisimulan ang introduksiyon. Narito ang ilang halimbawa:
1. Tanong
Halimbawa: Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa
kolehiyo sa ilalim ng Programang K to 12?

2. Impormasyon, Pigura
Halimbawa: Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon
sa buong bansa ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong
2012 kompara sa 2009. Pinakamataas dito ang CARAGA na bumaba
ng 14.2 porsiyento ang naranasang kahirapan. (www.neda.gov.ph)

3. Depinisyon
Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay
ang machismo (mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang
pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang
umiiral sa mga bansang Latino-Amerikano, lalo na sa Mexico.
- Salin, Geert Hofstede, Cultur?s Consequences, 2001, p. 309

4. Sipi
Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang
lalaki ang unang nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula
sa kaniyang tadyang, na naglalahad ng kultural na pagkiling sa
dominansya ng lalaki, sa mito ng Subanen, ang babae at lalaki ay
galing sa iisang pigurang putik, hinati sa dalawa, at magkapareho sa
simula pa.

4
- Salin, Florentino Hornedo, "Pagmamahal and Pagmumura," Essays. 1997

2. Katawan
a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang
tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:

1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.

Halimbawa:
Hindi ninyo mapaghihiwalay ang makatarungan sa di-makatarungan at
ang mabuti sa masama. Sapagkat magkasama silang nakatayo sa harap
ng mukha ng araw tulad din ng itim at puting sinulid na magkasamang
hinahabi.
- Kahlil Gibran, Ang Propeta. Salin ni F. Sagalongos- San Luis. 2005

2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata

Halimbawa:
Malaki rin sana ang potensiyal ng iba't ibang manipulasyon ng panahon
na kinasangkapan ng pelikula - gunita sa pagyao ng ina ni Ana, imahen
ng pista ng San Isidro, eksena ng pakikipag-usap ni Ana sa kaniyang ina.
Ang mga anakronismong ito, kung nagamit lang sana nang mabuti, ay
makapagpapalinaw sa mas masalimuot na pagpapakahulugan. Ngunit tila
hindi ito malinaw at napag-ugnay ng bisyon ng pelikula.
- Galileo S. Zafra, "Sidhi: Piping-Piping Pelikula", nasa Raya IV. 2009

b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis

Halimbawa:
Upang higit na maunawaan ang mayaman at matandang kultura ng
Pangasinan, isang "etnokultural na pagmamapa" ang isinagawa. Lumihis
man sa positibistang paaralan ng kartograpikong tradisyon ng pisikal at
politikal na pagmamapa, hindi lubusang tinalikuran ng "etnokultural na
pagmamapa" ang kahalagahan ng mga mapang pisikal at politikal, subalit
itinutulak nito ang pagpapahalaga sa artikulasyon kapwa ng "taga-labas"
(hindi Pangasinan) at "taga-loob" (Pangasinan) ukol sa kanikanilang pagtingin
at/o pagkaunawa ng pagka-Pangasinan. Higit sa lahat, pinahalagahan ang
asersyon ng mga tagarito at kanilang "ethnic pride," gayundin ang mga
taumbayan at kanilang industriya, buhay, at pagkatao bilang kanilang
etnisidad at identidad.
- Ma. Crisanta Nelmida-Flores, Pangasinan: Isang Pagmamapa. 2002

c. Kaayusan ng talata - Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos,


kahalagahan ng ideya, hakbang-hakbang, o serye.

Halimbawa:
Ngunit ang literatura ng Pilipinas ay mabubuhay at yayabong lamang kung
dalawang malawak na kondisyon ang masisiguro: isa, kung ang manunulat
ay may kalayaang sumulat, at dalawa, kung ang isusulat niya ay may
kaugnayan sa pakikibaka ng tao para mabuhay at umunlad. Idinedeklara ng
isa ang kalayaan ng manunulat; tinitiyak ng ikalawa ang layunin na pinag-
uukulan ng kalayaang ito.
-Salvador P.Lopez, Ang medium ng Manunulat na Pilipino.1974

5
d. Pagpapaunlad magpapatunay sa ng isinasaad talata ng - talata Maliban ang
ebidensiya sa malakas batay na sa argumentonopananaliksik

1. Ebidensiya - May dalawang uri ang ebidensiya: pangunahin at di-


pangunahin.
Pangunahin - interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento
Di-pangunahin - mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website

Mahalaga ring ang ebidensiya ay mapagkakatiwalaan, may katotohanan,


at wasto. Sino ang may-akda? Kailan ito isinulat o isinagawa? Ano ang
layunin ng may-akda? Pinondohan ba ito? Sino ang nagpondo? Ginawan
ba ito ng ebalwasyon o rebyu ng mga iskolar o awtoridad sa larangan?

2. Argumento - Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang datos


sa gustong patunayan o tesis. Sapat at angkop ba ang datos o ebidensiya
para pangatuwiranan ang paksa? Lohikal ba ito?
Ang argumento ay mapalalawak at mapalalakas pa sa pamamagitan ng
sumusunod:

Halimbawa at ilustrasyon
Datos - estadistika, detalye, impormasyon
Mga testimonya - sipi, anekdota
Depinisyon, pagkokompara, sanhi at bunga, at iba pa

3. Pagbubuo - llang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyangdiin


gaya ng:
 Pagsisimula ng bagong talata
Isinasagawa ito:
- kapag may bagong ideya o punto;
- kapag magkokompara ng impormasyon o ideya;
- bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba
na ang talata; at kapag tatapusin ang introduksiyon o sisimulan
ang kongklusyon.

 Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata - Nagsisilbi


itong tulay upang maipakita ang daloy ng ideya at pagtutuloytuloy
ng mga ideya sa pagitan ng mga talata at pangungusap sa loob ng
talata.

Halimbawa:
sa kabilang dako, gayumpaman, gayundin, isa pa, taliwas dito,
bagamat

 Haba ng talata - Karaniwang may tatlo hanggang limang


pangungusap ang isang talata. Binabalanse din ito upang hindi
sobrang haba ng iba at sobrang ikli naman ng ilan. Inaayos din ito
sa sukat ng papel. Gayundin, mas maikli ang introduksiyon at
kongklusyon kaysa katawan. Halimbawa ng sukat:

Introduksyon - 5 pangungusap
Katawan - 5 + 5 + 5 pangungusap sa bawat talata
Konklusyon - 5 pangungusap
6
e. Pagbuo ng Pangungusap
llang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangungusap upang maging higit
na malinaw, tiyak, at mauunawaan ang teksto:

1. Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang ideya


at hindi maging kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda. Maaaring
gawin ito sa pamamagitan ng sumusunod:
 Pagsalit-salitin ang maikli at mahabang pangungusap.
 Maglagay ng biglang maigsing pangungusap.
 Iba-ibahin ang simula ng mga pangungusap.

2. Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan, hugnayan,


at iba pa).
 Iwasan ang maraming maiikli at putol-putol na pangungusap.
Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakabit ng dalawang
pangungusap gamit ang mga pantukoy (pero, at, o ngunit, subalit,
kaya, kung kaya, para, dahil, ni, at iba pa).

Halimbawa: Natapos na ang bagyong Yolanda ngunit wala pa ring


bahay ang mga nasalanta.

 Iwasang paulit-ulit ang pagtukoy sa paksa o tao. Magagawa ito sa


paggamit ng panghalip (siya, sinoman, alinman, iyong, na siyang,
at iba pa).

 Iwasan ang pare-parehong pattern o ritmo ng pangungusap sa


pamamagitan ng paggamit ng mga marker (dahil, noon, dati, para,
sa halip, habang, maliban sa, parang) at transisyon (sa totoo,
gayunman, gayundin, ano't anoman).

f. Paggamit ng angkop na salita


Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay
sumusunod sa ilang pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:

1. Lebel ng pormalidad - Pormal ang wikang ginagamit sa mga akademikong


teksto, kung kaya't iniiwasan dito ang balbal na salita o kataga gaya ng
pare, todits, yosi, kiyeme, at iba pa.
2. Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita. Halimbawa: 'di >
hindi; eto > heto; ala > wala; ba't > bakit
3. Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang kalagayan ng kapuwagayang lahi,
bayan, bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho,
pinag-aralan, pamilya, at iba pa.
4. Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa,hinding isang
partikular na grupo lamang.
5. Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang
katotohanan.
Halimbawa: Collateral damage (pagpatay sa mga inosenteng sibilyan sa
mga sagupaan ng mga grupo o sa panahon ng giyera)

7
3. Kongklusyon
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod,
pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya'y paghamon,
pagmungkahi, o resolusyon.

Halimbawa: Sa pangkalahatan, sinikap na maging matapat sa orihinal na pagbaybay


ang mga bibliographie na datos. Totoo ito lalo na sa mga entri sa panahon ng Kastila.
Sa pamamagitan nito, inaasahang higit na natala rin ng bibliographya ang karakter ng
mga akdang isinalin.
- Lilia F. Antonio, Apat na Siglo ng Pagsasalin, 1989

Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Manunulat


Mula sa mapanuring pag-iisip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

1. Aktibong nag-iisip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa kaniyang


buhay, pamilya, komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig batay sa dati
niyang kaalaman at karanasan.
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na mapagkakatiwalaan
at hindi ayon sa haka-haka o pamamalagay lamang.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analisa ng mga datos,
ebalwasyon nito, pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba't ibang
salik at datos.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba't ibang lente o perspektiba at hindi
lamang sa iisang takbo ng isip.
6. Sinusuportahan ang iba't ibang perspektiba ng katuwiran at ebidensiya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado, malinaw, at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohikal, mental,
pangkasarian, kinabibilangang lahi, uri, grupo, at etnisidad nito sa pamamagitan
ng maingat na paggamit ng wika.

Day 2
Activity 1
A. Subukin ang natutuhan.
1. Ipaliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring pagsulat
sa akademiya.
Upang madagdagan ang pag-unawa ng mambabasa tungkol dito ang layunin
ng pagsulat ng isang kritika ay upang suriin ang gawain ng isang tao (isang
book, isang sanaysay, isang pelikula, isang pagpipinta). Ang isang kritikal na
pagsusuri ay paksang pagsusulat sapagkat ito ay nagpapahiwatig ng opinyon
o pagsusuri ng manunulat ng isang teksto sapagkat ito ay nagpapahiwatig ng
opinyon o pagsusuri ng manunulat.
2. Bumuo ng tatlong pangungusap na magsisilbing panimula ng isang
mapanuring pagsulat.
1. Halimbawa ay sa tono, kailangan pagtuunan ng pansin ng mga
mamamayang pilipino ang kalinisan ng paligid.
2. Kailangan mong pagtuunan ng pansin ang kalinisan ng iyong paligid.

8
3. Halimbawa ang po at opo, kapag ikaw ay tinawag o inutusan ng
nakakatanda sayo ito ay dapat mong galangin at mag gumamit dapat ng po at
opo.

3. Magbigay ng tatlong ideya o patunay na magbibigay suporta sa isinulat na


panimula.
1 totoong
2 tunay
4. Bumuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na maaaring maging
kongklusyon ng isinulat sa bilang 2 at 3.
1. sila ay nagtagumpay sa digmaan.
2. sila ay nakikipag digma.
3. konti nalamang sila dahil maraming namatay sa digmaan.
4. Sila ay Masaya dahil sila ay nagtagumpay.
B. Gawan ng balangkas ang estruktura at proseso ng mapanuring pagsulat na
tinalakay sa Gaod-Kaisipan. Gumamit ng mga paksa o salita lamang, hindi ng
mga pangungusap sa bawat bahagi.
Introduksiyon
A. Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral
1. Fact o Opinyon
2. Sanhi at Bunga
3. Halaga
4. Solusyon at patakaran
B. Paksang Pangungusap
C. Atensiyon sa Simula
1. Tanong
2. Impormasyon, Pigura
3. Depinisyon
4. Sipi
Katawan
A. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang
tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:
1. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata
B. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis
C. Kaayusan ng talata - Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos, kahalagahan
ng ideya, hakbang-hakbang, o serye.
D. Pagpapaunlad magpapatunay sa ng isinasaad talata ng - talata Maliban ang
ebidensiya sa malakas batay na sa argumentonopananaliksik
1.Ebidensiya
2.Argumento
3.Pagbubuo
E. Pagbuo ng Pangungusap
1.Iba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang
ideya at hindi maging kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
2. Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan,
hugnayan, at iba pa).
F.Paggamit ng angkop na salita
1. Lebel ng pormalidad
2.Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita.
3.Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang kalagayan ng kapuwagayang
lahi, bayan, bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon, kasarian, trabaho,
pinag-aralan, pamilya, at iba pa.

9
4.Gumagamit ng mga salitang maiintindihan ng mambabasa,hinding isang
partikular na grupo lamang.
5.Umiiwas sa yupemismo o pailalim na gamit ng salita upang itago ang
katotohanan.
Day 3
Activity 2

A. Magpangkatan at magsagawa ng debate sa klase tungkol sa mga problema sa


loob ng paaralan. Gamitan ito ng mga datos at ebidensiya mula sa pananaliksik,
Internet, interbyu, estadistika, sarbey, at iba pa. Itatanghal ng bawat grupo ang
debate sa klase sa loob lamang ng 30 minuto. Isusulat din ito ng grupo at
isusumite sa guro.
Narito ang ilang mungkahing paksa:
Dress code o uniporme sa paaralan
Mas maikling panahon sa pananghalian
Pagkain ng mga panindang ipinagbibili sa labas ng paaralan
Pagtatayo ng mga tambayan sa loob ng kampus
Pagtatayo ng kooperativa kasama ang mga magulang
Pagdaragdag ng mga klase sa PE (halimbawa: gymnastics, swimming, at
iba pa)
Pagdaragdag ng mga kompyuter at pasilidad para sa Internet

Activity 3
B. Pumili ng isang senaryo sa sumusunod. Pagkatapos, sumulat ng isang pahinang
sanaysay na binubuo ng isa hanggang dalawang talata ukol dito.

1. Kung kailangan mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na ang araw sa
mundo, mula sa iyong mga ari-arian, alin sa mga ito ang pipiliin mo at bakit?
a. Signature bag
b. php.20,000
c. Mamahaling cellphone
d. Mamahaling sapatos

2. Paano kung hindi na natutulog ang tao? Ano ang gagawin mo sa gabi at
madaling- araw?
3. Kung makakausap mo ang isang paruparo, ano ang sasabihin mo sa kaniya?
4. Ikaw ba ay masasabing kuwadrado (organisado,nakagagawa sa sarili,di
kailangang kasama sa grupo)? O bilog
(optimistiko,mapaghalubilo,mapagkaibigan)? O tatsulok (nakapokus, madetalye,
kumpetitibo, iniisip na laging tama)? Bakit?
5. Mag-isip ng isang naiibang trabaho o propesyon. llarawan ito.
6. Kung papipiliin ka, sa aling bansa mo gustong manirahan? Bakit?
7. Kung ikaw ay napadpad sa isang isla na walang kasama, ano ang gagawin mo?
8. Kung bibigyan ka ng libreng isang linggong bakasyon sa kahit saang lugar sa
Pilipinas, saan mo gustong magpunta at bakit?
9. Kung bibigyan ka ng iskolarsyip sa ibang bansa para sa kursong Inhenyeriya
pero ang talagang gusto mong propesyon ay maging doktor, tatanggapin mo ba
ito? Bakit?
10. Kung liligawan ng isang Amerikano ang isang kasambahay na hindi marunong
sumulat at bumasa o magsalita ng Ingles, dapat bang makipagrelasyon ang
kasambahay sa dayuhan? Bakit?
Rubrik sa Pagtatasa

10
Kraytirya Mahina Mahusay-husay Magaling Iskor

Estruktura  Malabo ang  Malinaw ang  Malinaw ang


(10 Puntos) introduksyon introduksyon introduksiyon,
Mahina:  Hindi ibinibigay  Hindi nilinaw ang katawan at
0 – 5 puntos ang tesis na tesis na kongklusyon
Mahusay-husay: pangungusap pangungusap  May tesis na
6 – 8 puntos  Hindi malinaw ang  Malinaw ang mga pangungusap na
Magaling: kongklusyon talata at introoduksiyon
9 – 10 Puntos kongklusyon

Katuwiran  Hindi malinaw ang  Ipinaliwanag ang  Malinaw na


(20 puntos) posisyon o katuwiran naipaliwanag ang
Mahina: katangian  Medyo pinaunlad katuwiran
0 – 10 puntos  Simple at hindi ang katuwiran  Kumpleto, pinag-
Mahusay-husay ippinaliwanag ang isipan, masusi
11 – 15 puntos argumento o
Magaling: katuwiran
16 – 20 puntos
Ebidensiya  Hindi tinitiyak ang  May ilang tiyak na  Tiyak at
(10 Puntos) mga ebidensiya ebidensiya pero naipaliwanag ang
Mahina:  Kulang ang hindi naipaliwanag mga ebidensiya
0 – 5 puntos ebidensiya nang mabuti  Sinusuportahan ng
Mahusay-husay:  Hindi  Hindi nasuportahan ebidensiya ang tesis
6 – 8 puntos nasuportahan ang ng ebidensiya ang
Magaling: katuwiran o tesis tesis
9 – 10 Puntos ng iniharap na
ebidensiya
Gamit ng wika  Hindi inedit  May ilang mali  Inedit, walang mali
(10 Puntos)  Maraming mali
Mahina: -bantas, baybay,
0 – 5 puntos pangungusap
Mahusay-husay:
6 – 8 puntos
Magaling:
9 – 10 Puntos

1. Kung kailangan mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na ang araw sa
mundo, mula sa iyong mga ari-arian, alin sa mga ito ang pipiliin mo at bakit?
a. Signature bag
b. php.20,000
c. Mamahaling cellphone
d. Mamahaling sapatos

B. 20,000 PHP
Kung Kailangan ko mang magbigay sa isang dalagitang may bilang ang
buhay sa mundo ng isa sa aking ari-arian, ang aking mapipili ay
pagbibigay ng 20,000 PHP kung meron man ako nito. Dahil bilang na nga
ang kanyang mga araw, gusto kong ibigay to sa kanya at hayaan siyang
gastusin ito sa kung anong gusto nyang gawin dito. Dahil para sakin kung
ako man ang nasa kalagayan na yon gugustuhin ko pang maenjoy ang
mga natitira kong oras sa mundo sa paraan na wala nakong rason para
magkaron ng pagsisise sa mga di ko nagawa at maging masaya kung
mawala man ako sa mundo.

11
Day 4
Activity 4
Bumuo ng isang piktoryal na sanaysay o sanaysay-palarawan na naglalahad,
nangangatuwiran, o nag-aadbokasya sa isang isyu o paksa. Bubuuin ito ng maiikling
teksto na naglilinaw sa larawan o ilustrasyon. Tekstuwal at biswal na paglalahad ito na
bubuo sa pangkalahatang punto ng sanaysay. Bilang halimbawa, tingnan ang
www.stjoan-center.com/picessay.

Here I spent my Junior High School Year 1- 4 of my youth as a Member to President in


a religious organization

This is the altar I see every time I go to the front while serving and still exciting to be in
front of it as ever

12
In my youth, I’ve been in many obstacle and happiness in life, I can say it’s a part of life
that will make you realize that in Four Years of serving to God I was glad being in a
youth we’re everyone is like a family to each one of us.

13

You might also like