You are on page 1of 6

Liceo De Victoria

Victoria, Laguna
Senior High School Department
S.Y.2021-2022

Learner’s Module
Filipino sa Piling Larangan Week 1

Aralin 1:
Akademiko at Di-Akademikong Gawain:

Paggawa ng Mini-corner ng mga


Kursong Pagpipilian sa Kolehiyo

Pamantayang Pangnilalaman:
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo
ng sulating ginamit sap ag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
 Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulatin.

MELCS:
 Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat

Layunin
 Nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip;
 Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko kaugnay ng
kahulugan, katangian, at mga gawain dito; at
 Nakabubuo ng isang mini-corner ang bawat grupo na maglalahad at
maglalarawan sa katangian ng ilang piling kurso sa kolehiyo.

Pangalan: ___________________________________________________
Taon/Pangkat: _______________________________________________
Tirahan: ____________________________________________________
Student’s/Parent’s Cellphone Number:
___________________________
Petsa ng Natanggap:
__________________________________________
Petsa ng Isauli/Ipasa: _________________________________________
Day 1
Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya

Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na academie, sa Latin


na academia, at sa Griyego na academeia. Ang huli ay mula naman sa Academos, ang
bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.

Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong


mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at
palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng


kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang
tagumpay sa buhay-akademiya.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang
magisip nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang
magbago at makapagpabago. Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng
akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,


pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa
buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.

Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao.


Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban (impluwensiya) ang dalawang kakayahang ito
upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng
kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa
kapuwa, at pagkakaroon ginagalawan.ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay
sa komplikadong mundong ating

Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang malikhain at mapanuring


indibidwal. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain. Sa
akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga magaaral.
Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo,
trabaho, at araw-araw na pamumuhay.

Akademiko vs. Di-Akademiko

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo


(Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na
siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pagaaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa
praktikal o teknikal na gawain. (www.oxforddictionaries.com).

Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang salitang akademik o


akademiko, bagamat halos nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa kolehiyo. Isa itong
pangngalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, "Nagmiting ang mga akademik."). Kung
minsan, ginagamit na rin ang salitang akademisyan bilang katumbas nito. Isa rin itong
pang-uri na tumutukoy sa gawain, (akademikong aktibidad) at bagay (akademikong
usapan at institusyon). Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang
akademiya.

Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ang mga gawaing akademiko,


ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o di-akademiko.
Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o akademikong
disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng mga mag-aaral
kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.

Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga


kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa,
pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga
gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon
ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-akademikong gawain ay
ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common sense.

Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko.

Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at Sariling karanasan, pamilya at komunidad
pagbabasa.
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
-Planado ang ideya -Hindi malinaw ang estruktura
-May pagkakasunod-sunod and -Hindi kailangang magkakaugnay ang
estruktura ng mga pahayag mga ideya
-Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw: Pananaw:
-Obhetibo -Subhetibo
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at -Sariling opinyon, pamilya, komunidad
damdamin kundi sa mga bagay, ideya o ang pagtukoy
facts. -Tao at damdamin ang tinutukoy
-Nasa pangatlong panauhan ang -Nasa una at pangalawang panauhan
pagkakasulat ang pagkakasulat
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at
damdamin, at hindi gumagamit ng
pangalawang panauhan

Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod: pagbasa


ng ginagamit na teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood ng video o
dokumentaryo, pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum,
at pagsulat ng sulatin o pananaliksik. Halimbawa naman ng mga di-akademikong
gawain ang panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras, pakikipag-
usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko, pagsulat sa isang kaibigan, pakikinig
sa radyo, at pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo.

Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito ng teoryang


pangkomunikasyon ni Cummins (1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di-
akademiko (ordinaryo, pang-araw-araw) sa kasanayang akademiko (pang-
eskuwelahan, pangkolehiyo). Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills
(BICS) ang una at Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) naman ang huli.
Batay sa mga usapan, praktikal, personal, at impormal na mga gawain ang BICS
samantalang pormal at intelektuwal ang CALP.
Day 2
ACTIVITY 1
Gamit ang Venn Diagram/chart ibigay ang kahulugan at katangian ng malikhaing
at mapanuring pag-iisip.

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG MALIKHAING PAG-IISIP

Ang mapanuring
May kritikal na pag-
pag-iisip ay iisip
tinatawag na
M P Malikhain
pagsusuring kritikal
A A
na malinaw at Mapagmasid
L G
makatuwirang pag- I - Mausisa
iisip ng isang tao. K I
H I Makatuwiran
Maaring maignay ito A S Bukas ang isip
sa pagpapasya ao I I
pagdedesisyon sa N P disiplinado
G
mga bagay kung magaling magsuri
tama o mali ang
magaling pumuna
gagawing aksyon.

Day 3
ACTIVITY 2

Akademiko Di-
akademiko

Maging Pagsasanay sa
edukado sports.

Hindi maging Pagsali sa mga


walang alam. timpalak.

3. Mahusay sa Pagsali sa mga


mga student
pamamaraan. council.

May Mga training.


katalinuhang
magpasya.
Day 4
ACTIVITY 3
1. Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-
aaral sa senior highschool?
Nakakatulong ang pagiging pagkamalikhain at pagiging mapanuri ngmga studyante
sapagkat lumalawak ang kanilang nalalaman. Sapagiging malikhain ay di lang simpleng
gawa ang kayang gawinsapagkat malawak o lumalawak ang imahinasyon ng taong
malikhain.Samantalang ang mapanuri naman ay lumalawak ang impormasyon
nakanyang nalalaman kahit hindi pa ito naituturo sapagkat mahilig siyamag eksplor ng
mga bagay. Mahilig siyang suriin ang iba't ibang bagayIsa-isahin ang iba’t ibang gamit
ng mga salitang akademik at ibigay ang kahulugan nito.
2. Isa-isahin ang mga wika pinanggalingan o pinagmulan ng mga salitang akademik at
ipaliwanag ang kahulugan nito.
Ang akademiko ay may kaugnayan sa edukasyon larangan ng pag-aaral na
nagbibigay tuon sa pag-aaral, praktikal at teknikal na gawain. Akademiya naman
ang institusyon, paaralan o eskwelahan, na kinabibilangan ng mga iskolar at mga
respitadong tao.
3. Sa isa hanggang tatlong pangungusap, ipaliwag ang pagkakaiba ng akademik at di
akademik na gawain.
Pagsinabing akademik na gawain kinabibilangan ito ng mga gawain na konektado
sa pag aaral katulad na lamang ng mga takdang aralin, pagsusulit o mga pagtataya.
Pag sinabi namang di akademik na gawain ito ang mga gawaing hindi konektado sa
pang edukasyon na gawain.
4. Maaari bang gawin sa loob ng mga akademiya ang mga gawaing di-akademiko at
ang mga gawaing akademiko sa labas ng akademiya? Ipaliwanag at mag bigay ng
halimbawa na magpapatunay rito isulat sa ibaba ang mga sagot.

Gawaing akademiko sa labas ng Gawaing di-akademiko sa


akademiya Akademiya
1. Paggawa ng mga researches o pag 1. Pagsulat ng mga akda base lamang sa
aaral sa loob ng laboratoryo imahinasyon ng isang manunulat
2. Magsagawa ng mga obserbasyon 2. Pagsali sa mga kompetisyon na may
kaugnay ng isang pananaliksik na kinalaman sa isports o hindi kaya ay sa
ginagawa iba pa
3. Kritikal o masusing pag aaral o pag 3. Paggawa ng mga interes tulad ng
husga sa mga impormasyon na nakalap pottery, archery, at iba pa.
4. ang pag gawa ng research o 4. Extra-Curricular Activities.
pananaliksik 5.
5.

Paliwanag:
Ang mga gawaing di akademiko gaya ng mga sports meet, school fair at iba pa ay
maaaring isagawa sa loob ng akademiya. Maaaring ang mga ito ay hindi tungkol sa
akademikong gawain, ang mga studyante ay nagkakaroon ng pagkakataon na matuto
at mas mapaunlad ang kanilang social communication at talento para sa mga palaro.
ACTIVITY 4
Bumuo ng lima hanggang anim na grupo at gumawa ng mini corner. Bumuo ng
grupo ayon sa kurso, interes, o hilig, o ano mang mapgkakasunduan ng klase. Bawat
miyembro ay may kani-kaniyang nakatakdang gawain. Bubuo ang bawat grupo ng kani-
kaniyang paraan paraan upang “ibenta” o “kumbinsihin” ang mga kaklase upang kunin
ang kursong kanilang napili. Maaaring gumamit ng video, tarpaulin, manila paper, cut-
outs, drawing, konsultasyon, at iba pa.

You might also like