You are on page 1of 54

Metro-Dagupan Colleges Productivity High School

Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan


School Year 2020- 2021

MODYUL
SA FILIPINO
SA PILING LARANGAN
(Akademiko)

Inihanda ni:
Bb jenny rose m. Soriano
Contact #: 09387753701

Pangalan ng Estudyante:
Contact No.:

1
Metro-Dagupan Colleges Productivity High School
Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan
School Year 2020- 2021
FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademiko)
MODULE 1

AKADEMIKO, DI-AKADEMIKONG GAWAIN: PAGGAWA NG MINI-CORNER NG


MGA KURSONG PAGPIPILIAN SA KOLEHIYO

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nalilinaw ang kahulugan at katangian ng malikhain at mapanuring pag-iisip;
2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng akademiko sa di-akademiko kaugnay ng
kahulugan, katangian, at mga gawain dito; at
3. Nakabubuo ng isang mini-corner na maglalahad at maglalarawan sa
katangian ng ilang piling kurso sa kolehiyo.

1. Sa iyong pag-aaral sa K-12, paano mo napag-iiba ang mga gawain sa bahay,


eskuwelahan, at komunidad? Maglista ng mga ginagawa mo sa bawat isa.
Gawain sa Bahay Gawain sa Eskuwelahan Gawain sa Komunidad

2. Ano-anong pangkalahatang katangian na ipinagkakaiba ng mga ito sa isa’t


isa?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Dapat bang paghiwalayain ang mga ito sa iyong mga gawain? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________

4. Makakatulong ba ang mga ginagawa sa bahay at komunidad sa mga


ginagawa sa eskuwelahan? Patunayan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________

2
5. Makakatulong ba ang gawain mo sa eskuwelahan sa mga ginagawa mo sa
bahat at sa komunidad? Ipaliwanag at patunayan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________

Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya

Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na académié, sa


Latin na academia, at sa Griyego na academeia. Ang huli ay mula naman sa
Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga
iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at
palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang
mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong komunidad ng mga
iskolar.

Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng


kaalaman at kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang
tagumpay sa buhay-akademiya.

Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may


kakayahang mag- isip nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain,
at malayang magbago at makapagpabago. Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang
hinuhubog ng akademiya.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan,


pagpapahalaga, at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa
buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.
Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao.
Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban (impluwensiya) ang dalawang kakayahang
ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili
ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa
kapuwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa
komplikadong mundong ating ginagalawan.

Ganitong mga katangian ang bumubuo sa isang malikhain at mapanuring


indibidwal. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.
Sa akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-
aaral. Malaki ang maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa
kolehiyo, trabaho, at araw-araw na pamumuhay.

Akademiko vs. Di-Akademiko

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo


(Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16
na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pag aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba
sa praktikal o teknikal na gawain. (www.oxforddictionaries.com)

3
Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang salitang akademik o
akademiko, bagamat halos nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa kolehiyo. Isa
itong pangngalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, "Nagmiting ang mga
akademik.). Kung minsan, ginagamit na rin ang salitang akademisyan bilang
katumbas nito. Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain, (akademikong
aktibidad) at bagay (akademikong usapan at institusyon). Halos katumbas din ng
akademikong institusyon ang akademiya.

Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ang mga gawaing


akademiko, ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o di-
akademiko.

Tinatawag na mga larangang akademik, akademiko, akademiks, o


akademikong disiplina ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang pagpipilian ng
mga mag-aaral kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.
Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig,
pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain
sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang
mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-akademikong gawain
ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at Common sense.

Narito ang mga pagkakaiba sa katangian ng akademiko at di-akademiko.

Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at ipormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos: Paraan o batayan ng datos:
Obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya, at
komunidad
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong Iba’t ibang publiko
komunidad)
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
- Planado ang ideya - Hindi malinaw ang
- May pagkasunod-sunod ang estraktura estraktura
ng mga pahayag - Hindi kailangang
- Magkakaugnay ang mga ideya magkakaugnay ang mga
ideya
Pananaw: Pananaw:
- Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at - Sariling opinyon, pamilya,
damdamin kundi sa mga bagay, ideya, komunidad ang pagtukoy
facts - Tao at damdamin ang
- Nasa pangatlong panauhan ang tinutukoy
pagkakasulat - Nasa una at pangalawang
- Hindi direktang tumutukoy sa tao at panauhan ang
damdamin, at hindi gumagamit ng pagkakasulat
pangalawang panauhan

Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong gawain ang sumusunod:


pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase, pakikinig ng lektyur, panonood ng video o
dokumentaryo, pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang
simposyum, at pagsulat ng sulatin o pananaliksik. Halimbawa naman ng mga di-

4
akademikong gawain ang panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-
oras, pakikipag-usap sa sinoman ukol sa paksang di-akademiko, pagsulat sa isang
kaibigan, pakikinig sa radyo, at pagbasa ng komiks, magasin, o diyaryo.

Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito ng teoryang


pangkomuni kasyon ni Cummins (1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang
di-akademiko (ordi- naryo, pang-araw-araw) sa kasanayang akademiko (pang-
eskuwelahan, pangkolehiyo). Ti- nawag niyang Basic Interpersonal Communication
Skills (BICS) ang una at Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) naman
ang huli. Batay sa mga usapan, praktikal, personal, at impormal na mga gawain
ang BICS samantalang pormal at intelektuwal ang CALP.

LAYAG-DIWA
1. Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang
mag- aaral sa senior high school?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Isa-isahin ang iba't ibang gamit ng salitang akademik at ibigay ang
kahulugan nito.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Isa-isahin ang mga wikang pinanggalingan o pinagmulan ng salitang
akademik at ipaliwanag ang kahulugan nito.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Sa isa hanggang tatlong pangungusap, ipaliwanag ang pagkakaiba ng
akademik at di-akademik na gawain.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Maaari bang gawin sa loob ng akademiya ang mga gawaing di-akademiko
at ang mga gawaing akademiko sa labas ng akademiya? Ipaliwanag at
magbigay ng halimbawa na magpapatunay rito. Isulat sa ibaba ang mga
sagot. Ibahagi sa klase.

Gawaing akademiko sa labas ng Gawaing di-akademiko sa


akademiya akademiya
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

5
Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1. Maglista ng tatlong kurso o bokasyon na interesado kang pasukin sa kolehiyo


o gawing karera. Pumili lamang ng isang pinakagusto. Magsaliksik sa libro at
Internet o magsagawa ng panayam tungkol dito. Gawin ang sumusunod:

a. Gumawa ng isang glosaryo (na mayroong 20 salita) ng mga konsepto o


terminolohiyang ginagamit sa napiling larangan.
Halimbawa:
lingguwistika diyalekto
gramatika morpolohiya
sintaksis isogloss
b. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.
c. Gawan ng klasipikasyon o paggugrupo ang mga aytem.

GAWIN: Maglista ng tig-apat na halimbawa ng gawaing akademiko at di-akademiko.


Isulat ito sa roleta.

6
Metro-Dagupan Colleges Productivity High School
Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan
School Year 2020- 2021
FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademiko)
MODULE 1

MAPANURING PAGBASA SA AKADEMIYA: PAGBUO NG TALA-BASA O READER-


RESPONSE JOURNAL

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan, katangian, at proseso ng mapanuring pagbasa
sa akademiya;
2. Naisasagawa ang pagsulat ng talata, mga tanong, at mga panggrupo at pang-
indibidwal na gawain kaugnay ng mapanuring pagbasa: at
3. Nakabubuo ng reader-response journal (tala-basa) o tala ukol sa binasa.

Binabasa Minsanan Binabalikan Dahilan


() ()
1. Komersiyal sa telebisyon
2. Komersiyal sa tarpaulin sa tabi ng
lansangan
3. Menu sa restawran
4. Manwal ng binibiling telibisyon,
DVD player, refrigerator, washing
machine, o kompyuter
5. Nobelang romansa
6. Sarbey ng national Statistics
Office
7. Polyeto o leaflet ng protesta ng
isang grupo o organisasyon
8. Librong pambata
9. Poster ng pagtatanghal ng isang
dula
10. Teksbok

2. Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek () ang ahon para sa
“oo” kung sa iyong palagay ang pahayag ay mapanuri at ang ahon para sa
“hindi” ung hindi mapanuri.

Oo Hindi
1. “Ang babaw ng aligayahan ng artistang iyon.”
2. “Bibilhin o ang sapatos; syempre, muhang sosyal.”
3. “Dapat matibay ang iyong prinsipyo augnay ng
pamumuhay na nais mo sa hinaharap.”

4. “Bakit kailangang bigyan ng direksyon ng tao ang kaniyang


sarili?”

5. “Ang paglaki ng industriya ng paghahayupan ay may


malaking benepisyong idudulot sa bansa.”

6. “Dahil walang atibong partisipasyon ang tinuturuan, wala


itong natututuhan.”

7
7. “Ang interpretasyon ng mga mito o alamat ay nag-iiba-iba
depende sa preperensiya o pilosopiya ng gumagawa nito.”

8. “Dahil sa pagpapatayo ng mga lansangan, mga trak at hindi tao


ang nagdadala ng mga kagamitang pantayo ng bahay ng
mayayaman ung aya nawala na ang kahulugan at kulay ng
selebrasyon kagabi ng mga Ifugao.”
9. “Tatlo ang pangunahing pangat ng mga Muslim sa
Pilipinas:magindanaw, Maranao, at Tausug.”
10. “Ang karagatang nakapalibot sa Pilipinas ang ikinabubuhay ng
mga mangingisda.”

A. Basahin ang sumusunod na bahagi ng mga artikulo. Sagutin ang kasunod na


mga tanong ukol dito.

Pilipino ka ba? Makikilala mo ba ang kapuwa mo Pilipino? Paano?

Ayon kay Neni Sta. Romana-Cruz (You Know You're Filipino If... 1997)
may mga palatandaan para kilalanin ang isang Pilipino. Narito ang ilan...

• Nagmamano sa nakatatanda, kamag-anak man ito o hindi.


• Inuulit ang mga palayaw at ginagamit ito maging ng pulitiko. Hal. Junjun,
Tingting, Noynoy, Jojo, Dondon, Bongbong
• Gumagamit ng panghilod na bato pag naliligo.
• Naghahanap ng tabo kapag maliligo.
• Kahit mangutang, makasama lang sa selebrasyon ng piyesta.
• Mahilig sumutsot o tawaging "hoy" ang kakilala o di-kakilala.
• Mahilig sa matamis na spaghetti, may sahog pa na matamis ding hotdog.
• Magaling maglaro sa salita lalo sa pagbibigay-ngalan sa establisimyento
(hal. Felix D'Cut; Miss Sagu; Elizabeth Tayloring

Napakarami pang pruweba. Ngunit iisa nga bang mag-isip, kumilos,


magkagusto, magsalita ang mga Pilipino? Bilang kapitbahay, paano mo
kikilalanin ang iyong kababayan? Bilang kamag-aral? Kaibigan? Katrabaho?
Kapuwa?

Hindi hemogenous ang Pilipino, hindi iisang anyo, takbo ng pag-iisip, gamit
ng wika. Ngunit dahil na rin sa pangkasaysayan, panlipunan, pampolitika,
pang-ekonomiya, pangheograpiya, at pangkulturang salik, parang napag-iisa
ang mga Pilipino sa pagpapahayag at damdamin, gayundin sa isip, salita, at
gawa.

"Pinoy Nga" ni Piya Constantino Rodriguez

1. Masasabi bang mapanuri ang akda? Bakit oo? Bakit hindi?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Mapaniniwalaan ba ang mga ibinigay na halimbawa? Ipaliwanag ang sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________

8
3. A. Kung oo ang sagot sa naunang tanong, magbigay ng iba pang halimbawang
magpapatunay ng pagkakakilanlan sa isang Pilipino batay sa karanasan o
obserbasyon.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
B. Kung hindi naman ang sagot, patunayan ito sa pamamagitan ng
kongkretong mgahalimbawa.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________
B.
Taong 1943 nang isinulat ni Maestro Lucio San Pedro ang awiting"Sa
Ugoy ng Duyan" habang siya ay konduktor ng Metropolitan Symphony
Orchestra. Marami siyang nilikha sa Panahon ng Hapon na pawang nagkamit
ng mga karangalan. Unang Gantimpala sa March-Hymn National Music
Contest. Unang Gantimpala, Laurel March. Una at lkalawang Gantimpala sa
Labor Day March Contest. At Bilang paghahanda sa susunod na kompetisyon,
naisip niyang gumawa ng isang obra na ang tema ay magpapahalaga sa
kaniyang sariling ina.

Naalaala niya ang larawan ng kaniyang ina habang maingat nitong


idinuduyan ang kaniyang nakababatang kapatid at inaawitan ng awiting
bayan. Dagdag pa sa kaniyang inspirasyon ang buhos ng suporta ng kaniyang
ina sa kanilang magkakapatid at ang pagiging relihiyosa nito at mapagmahal.
Natapos niya ang musika ng Sa Ugoy ng Duyan. Kulang na lamang ng lyrics.
Dinala niya ang Sa Ugoy ng Duyan sa New York nang siya ay maging scholar sa
Juilliard School. Natapos ang kaniyang scholarship noong taong 1947. Pauwi
sa Pilipinas ay dumaan sa Honolulu, Hawaii ang barkong kaniyang sinasakyan.
Lulan din ng naturang barko si Mr. Levi Celerio na noon ay miyembro naman
ng Philippine Orchestra na katatapos lamang magtanghal sa Hongkong.
Inimbitahan niya si Mr. Celerio sa kaniyang pad at tinugtog niya sa piyano ang
kaniyang piyesa. Ipinaliwanag niya kay Mr. Celerio ang mensahe ng kaniyang
piyesa at sa loob ng labinlimang minuto ay nabuo at natapos ang lyrics ng Sa
Ugoy ng Duyan. Isa ang Sa Ugoy ng Duyansa mga pinakapopular na obra ni
Maestro Lucio D. San Pedro

Ligaya T. Rubin
"Ang Kapitbahay Kong Higante ng Sining"
Diliman Review, 2001 Vol. 49, nos. 1-2

1. Mapanuri ba ang akda? Bakit? Patunayan.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Sa anong panahon ng asaysayan ng Pilipinas nabuo ang “Ugoy ng Duyan”?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________

9
3. Ano ang naging inspirasyon ni Lucio San Pedro sa pagliha ng isang obra
maestra?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________
4. Paano nabuo ang awitin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Mapanuring Pagbasa, Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Mambabasa

Isa sa mga hindi maiiwasang gawain sa loob ng akademiya ang pagbasa. Sa


bawat asignaturang kinukuha at pinapasukan ng mag-aaral, may mga libro,
manwal, artikulo, report, at iba't ibang anyo ng sulatin at gawain na kailangang
basahin at gawin upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman nila sa mga
konsepto, ideya, at impormasyon. Ito rin ay upang mapaunlad ang kakayahan nila
sa mapanuring pag-iisip.

Hindi ito nangangahulugang hindi nagbabasa ang mga taong nasa labas ng
akademi lba-iba lamang ang mga binabasa, layunin sa pagbasa, at paraan ng pag-
alam at pag- unawa sa binabasa. Ang mga akademiko o yaong mga nasa akademiya
man ay nagbabasa rin ng mga iba't ibang tekstong di-akademiko. Samantala, hindi
naman nabibigyan ng pagkakataon ang mga nasa labas ng akademiya upang
makapagbasa ng mga binabasa sa loob nito, maliban na lamang kung napagdaanan
na nila ito sa pag-aaral sa hayskul at kolehiyo, o kaya'y bahagi ito ng kanilang
trabaho.

Lilinawin dito na ang tekstong binabanggit ay hindi lamang yaong nababasa


gaya ng libro, artikulo, manwal, pamanahong papel, mapa, report, polyeto, at iba
pa. Teksto rin ang napapanood na pangyayari, sitwasyon, programa sa telebisyon,
pelikula, at pintura. Teksto rin ang napapakinggang talumpati ng isang politiko,
debate sa telebisyon at eskuwelahan, diskusyon sa loob ng silid-aralan, at iba pa.
Anomang binabasa, binibigyang-interpretasyon, inaanalisa, at ginagawan ng
ebalwasyon ay isang teksto sa modernong pakahulugan nito.

Gayumpaman, higit na bibigyang-din ang pagbasa ng tekstong nakasulata sa


aralin bunga ng ilang limitasyon.

Maraming tekstong binabasa, pagdating sa kolehiyo. Ang uri, anyo,


estruktura, layunin at pinal na output nito, gayunman, ay nakabatay sa kurso.
Narito ang ilang halimbawa:

Panitikan
- Tekstong pampanitikan (tula, dula, nobela, sanaysay, maikling kuwento,
telenobela, pelikula, at iba pa)
- Artikulo ng panunuring pampanitikan

Pamamahayag o Komunikasyong Pang-brodcast


- Artikulo sa diyaryo
- Balita, report sa radyo, telebisyon, Internet, tabloid
- Interbyu

10
- Programa
- Editoryal
- Datos sa social media
- Programa sa radyo at telebisyon

Pisika
- Resulta ng eksperimento
- Siyentipikong report

Sining
- Akdang pansining
- Rebyu ng akdang pansining

Antropolohiya
- Case study sa isang komunidad
- Artikulo/libro ng pag-aaral sa isang pangkat-etniko
- Interbyu sa isang komunidad

Sikolohiya
- Eksperimento sa laboratoryo
- Case study
- Siyentipikong report

Lingguwistika
- Analisis ng grammar ng isang wika
- Pag-aaral ng diksiyonaryo at bokabularyo ng isang wika

Sa kabila nito, karamihan sa mga babasahing akademiko, lalo na sa unang


taon ng pag-aaral sa mga asignaturang pangkalahatang edukasyon, ay may mga
pangkalahatang estruktura at proseso. Mahalagang matutuhan ang mapanuring
pagbasa ng mga tekstony akademiko upang makaangkop sa buhay-kolehiyo.

Estruktura ng Tekstong Akademiko

Pangkalahatang estruktura ng mga tekstong akademiko ang makikita sa mga


artikulo at sanaysay na karaniwang binabasa sa kolehiyo. Narito ang mga
elementong estruktural ng akademikong teksto.

1. Deskripsiyon ng Paksa Kasama rito mga depinisyon, paglilinaw, at


pagpapaliwanag. Karaniwan itong makikita sa simula ng teksto.
Halimbawa:
"Nahahati ang pagsusuri sa dalawang bahagi. Naglalahad ang unang bahagi
ng mga pagdadalumat sa pambansang panitikan na matatagpuan sa ilang
mga kalipunan at kasaysayang pampanitikan...ang ikalawang bahagi nama'y
pumapasok sa usapin ng saklaw at bisa ng naturang konsepto, batay sa
ugnayan nito sa mga Panitikang Rehiyonal at Panitikang Sektoral..."
R.T.Yu at R. Tolentino
"Tungo sa Panibagong Pagbabalangkas ng Pambansang Panitikan", Phil.
Humanities Review, vol. 5, 2001, pp 144-157

2. Problema at Solusyon
Dito tinutukoy sa pamamagitan ng paksang pangungusap ang pinakatema ng

11
teksto at ang punto at layunin ng paksa, ang gustong patunayan, ipaggiitan,
isangguni, ilahad, at paano ito mauunawaan. Dito umiikot ang pagtalakay sa
buong teksto, at iba pa.
Halimbawa:
"May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na kinababaliwan ng
mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro na sagabal sa kanilang pag-aaral"
P.C. Rodriguez
"Texting at Pag-aaral" 2009

3. Pagkakasunod-sunod o Sekwensiya ng mga ldeyaMaaari itong kronolohikal


(panahon) o hierarkikal (ideya).
Halimbawa:
"Upang maging malinaw ang pagtalakay sa pag-unlad ng wikang Filipino
bilang wikang pambansa at wikang opisyal ay susuriin ang mga pinagdaanan
nito sa iba't ibang yugto ng pag-iral nito.

L.G.T. Rubin, et al.


Wikang Filipino, Retorika at Sulating Pananaliksik, 1994, p.1

4. Sanhi at Bunga
Nagagamit ito para pagbatayan ang mga ebidensiya at katuwiran sa teksto.
Halimbawa:
"Isa sa mga maaaring tingnan ay ang epekto ng kalamidad sa kabuhayan ng
mga tao."
Z. Salazar, (Pat.) Sikolohiyang Panlipunan at Pangkalinangan, 2004, p. 252

5. Pagkokompara
Kaugnay ito ng pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang
patibayan ang katuwiran.
Halimbawa:
"Ang dyipni ay katulad ng maraming bagay at ugaling bahagi na ng
buhay- Pilipino. Ang disenyo ay halo-halo na maski paanong tulad ng
sangkap ng lutong pinakbet, at makulay na parang ati-atihan sa Aklan.
Ang loob ay sing-ingay nq palengke ng Dibisorya, ngunit relihiyosong
tulad ng simbahan ng Quiapo..."

V. Nofuente. "Alisin kamo ang Dyipni?"Binhi 1990, p 166

6. Aplikasyon
Iniuugnay nito ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
Halimbawa:
“Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng kontradiksyong panlipunan
ang white lady sa Balete Drive, biktima ng sexual abuse at heinous violence,
ay muli’t muling bumabalik sa alala at espasyo ng marahas at baliw na
syudad.”

R. Tolentino, “Modernidad sa Produksyong pampanitikan sa Syudad


Diliman Review vol 49, nos 1-2, 2001, pp 97-101

May mga partikular namang estruktura ang tekstong akademiko, depende sa


layunin nito. Narito ang tatlo:

12
1. Estruktura ng Tesis
Kaugnay ito ng mga tekstong nangangatuwiran o may pinapatunayan narito
ang dayagram:

Introduksiyon

Paksang Pangungusap

Katawan

Paksang Talata
Mga Detalye
Argumento
Katuwiran
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng Pangungusap

Kongklusyon

Argumentong Kongklusyon

2. Estrukturang Problema-Solusyon
Tinatalakay nito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon

Introduksiyon

Paksang Pangungusap

Katawan

Mga Detalye
Mga Ebidensiya
Mga Katuwiran
Mga Posibleng Solusyon

Kongklusyon

Resolusyon/Mungahing
Solusyon o Kawalan ng Solusyon

13
3. Estrukturang Factual Report
Walang pinapanigang isyu o katuwiran ito isa lang itong ulat

Introdusiyon

Pangunahing Paksa

Katawan

Mga Detalye
Mga Paliwanag

Kongklusyon

Pangalahatang Buod

Mapanuring Pagbasa: Mga Estratehiya

Ang tekstong akademiko ay nangangailanc ng maingat, aktibo, replektibo, at


mapamaraang pagbasa. Makatutulong dng mgd to upang higit na maunawaan ang
binabasang akda.
1. Maingat dahil kailangang usisain, busisiin ang mga ebidensiya, at suriin kung
gaano kalohikal ang teksto at hindi batay sa haka-haka lamang. Malaki ang
maitutulong nito upang magabayan ang pagbasa sa teksto
(Dapat ko ba itong paniwalaan? Maingat ba ang may-akda sa paggamit ng
ebidensiya at katuwiran?)
2. Aktibo dahil habang nagbabasa ay may pagtatala at anotasyong ginagawa ang
mambabasa upang maging malinaw ang ipinahahayag ng teksto. Nagtatanong
din siya sa sarili kaugnay ng teksto o mga ipinahahayag nito.
3. Replektibo dahil nabibigyang katibayano patunay ang nabasa kaugnay ng mga
kaalaman at sariling karanasan ng mambabasa.
4. Maparaan dahil maaaring gumamit ng ilang estratehiya upang maunawaang
mabuti ang teksto. llan sa mga ito ang pre-viewing o pre-reading, skimming, at
brainstorming.

Pre-viewing o Pre-reading (Bago Bumasa)


Bubusisiin muna ang sinulat at huling bahagi ng artikulo. Kung libro,
puwedeng tingnan ang pabalat, ang likod ng pabalat na kung minsa'y may
paliwanag ang may-akda tungkol sa libro o kaya'y mga pahayag ng ilang
personalidad tungkol dito. Maaaring magtala ng ilang impormasyon.

Skimming
Hindi babasahin ang kabuuan ng teksto sa prosesong ito ngunit titingnan
ang mga pangunahing bahagi upang magkaroon ng pangkalahatang kaalaman
sa tekstong binabasa.

14
Brainstorming
Ito ang talakayan ng grupo upang makapagbigay ng input ang bawat
miyembro at magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng teksto.
Nararapat na tandaan na ang mga estratehiyang nabanggit ay para sa
pagsisimula pa lamang ng pagbasa upang magkaroon ng pangkalahatang ideya
kaugnay ng teksto. Wala nang hihigit at bubuti pa sa malaliman, masusi, at
mabusising pagbabasa. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng metakognitibong
pagbasa.

Metakognitibong Pagbasa Tungo sa Mapanuring Pagbasa at Mambabasa

Tatlong teorya, pananaw, o. kalakaran ang umiiral sa larangan ng literasi o


pagkatuto kaugnay ng pagbasa. Ang una ay ang tradisyonal na pananaw, kung
saan matatagpuan na sa teksto ang lahat ng ideya, impormasyon, at kahulugan
para sa mambabasa. Nagreresuta ito sa isang pasibong pagbasa, kung saan ang
mababasa ay nagiging pasibong tagatasa na nakatuon lamang sa mga salita at
estruktura ng teksto. Kaugnay ito ng bottom-up na paldau ni Patrick Gough (1972).

Ang pangalawa ay ang pananaw na kognitibo, kung saan may interaksiyon


ang mambabasa sa teksto. Bumubuo rin siya ng hipotesis o haka-haka,
tinatanggap o hindi tinatanggap ang mga ideya o pahayag sa teksto, nagbibigay-
interpretasyon sa mga datos, Kumukuna ng impormasyong kaugnay ng datos sa
teksto mula sa mga dating kaalaman, nabasa, nakita, napanood, at narinig. Ang
pananaw na ito ay kaugnay ng top-down na paraan (Goodman 1990),
Sikolingguwistikong Modelo ng Teorya ng lskema (Brumelhart 2004), at
Konstruktibong Pag-unawa (Dole 2004). Kaalaman at estratehiya sa pagbasa ang
katangian ng pananaw na ito.

Ang pangatlo ay ang metakognitibong pananaw (Klein et al. 2004).


Pangunahing katangian nito ang pag-isip kung ano ang ginagawa habang
nagbabasa. Kaalaman, estratehiya, at teksto ang gabay ng pananaw na ito.
Kumbaga, nakukompleto dito ang kulang na katangian ng tradisyonal (teksto
lamang) at kognitibo (kaalaman at estratehiya lamang).
Ang metakognitibong pagbasa ay kaugnay ng Transactional Reader-Response
Theory (W. Iser at Rosenblatt), kung saan ang mambabasa ang lumilikha ng
kahulugan sa teksto mula sa mga kaalaman at karanasan. Sa teoryang ito, may
nabubuong interaksiyon sa pagitan ng teksto at mambabasa. Kaugnay rin ito ng
pinagsamang pagbasang analitikal (teksto bilang teksto) at kritikal (teksto sa
konteksto) na siyang bumubuo sa mapanuring pagbasa. Interaksiyon ng kaalaman,
estratehiya, at teksto ang metakognitibong pagbasa.

Proseso ng Metakognitibong Pagbasa

Bago basahin ang teksto:


1. Estratehiyn - Tiyakin ang layunin o dahilan kung bakit mo binabasa o
gustong basahin ang teksto. Dahil ba ipinababasa ito ng guro? Kung gayon,
malaliman ang pagbasa dito. Kung may gusto ka namang malamang teoryang
tinatalakay rito, yaon ang pagtutuunan. Tukuyin din ang uri o anyo ng teksto
(halimbawa: report, editoryal, nobela, sanaysay, at iba pa). Nakadepende ang
paraan ng pagbasa sa uri o anyo ng teksto.
2. Hanapin o tukuyin ang paksang pangungusap. Ito ang pangungusap sa loob
ng teksto - kadalasa'y nasa unang talata o introduksiyon- na tumutukoy sa

15
paksa o gustong patunayan kaugnay ng paksa. Kung minsa'y hindi ito
mababasa sa teksto ngunit nasa mambabasa na kung paano niya masasabi
sa isang pangungusap ang kabuuang mensahe ng teksto.
3. Linawin, bigyang-tuon, at balik-balikan ang layunin ng may-akda habang
binabasa ang teksto - Malinaw ba niyang naipaliliwanag ang layunino
naliligaw ang mga argumento? Ano ang gusto niyang patunayan?
4. Piliin, busisiin, at basahing mabuti ang mga detalye o ebidensiya (halimbawa:
ilustrasyong nagpapaunlad sa layunin kaugnay ng paksa) Angkop, kapani-
paniwala, mapagkakatiwalaan, O sinaliksik ba ang mga ito?
5. Suriin ang paraan ng pagkakasulat Organisado ba ang mga ideya? Ano ang
estilo ng pagsulat ng may-akda? May mga kontradiksyon ba? Sa anong
perspektiba niya ito sinulat?
6. Alamin ang gamit ng wika - Angkop ba ito sa uri ng teksto? Sa layunin? Sa
iniisip na mambabasa nito? Ano ang "tono" ng teksto batay sa gamit ng wika?
7. Gumawa ng tuloy-tuloy na mga prediksiyon kung ano ang susunod na
mangyangyayari batay sa integrasyon ng mga datos, teksto, salitang alam ng
mambabasa, mga impormasyong mula sa media, karanasan, haka-haka, at
kongklusyon sa me nauna nang pagbasa. Ipaliliwanag kaya ng may-akda
kung bakit may epekto an kakulangan sa tulog sa pagkakaroon ng
Alzheimer's batay sa ipinapaliwanag sa Internet? Paano kaya niya bibigyang-
solusyon ang problemang binanggit niya? Kung ako iyon, iba ba ang
desisyong gagawin ko?
8. Pagsikapang gawan ng buod ang binasang teksto Maaaring ibatay ito sa
alinman sa sumusunod:
a. Mga paksang pangungusap sa bawat talata upang makuha ang ugnayan
ng mga bahagi sa kabuuan ng teksto
b. Pagkakasunod-sunod ng mga ideya mula sa iyong pagtatala
c. Sanhi at bunga ng mga pangyayari o ideya sa teksto
d. Pagkokompara ng mga pangyayari o mga ideya at datos sa loob ng teksto
e. lba pang paraang inaakalang makatutulong upang maipakita ang
maipakita ang pangkalahatang mensahe ng teksto
9. Gumawa ng ebalwasyon o kongklusyon batay sa mga tinukoy sa teksto,
sariling opinyon, karanasan, datos, impormasyon mula sa labas ng teksto
(halimbawa media, pamilya, komunidad, bansa, daigdig, libro, at iba pa), at
sariling makatuwiran at maalam na pagdedesisyon at disposisyon. Natamo ba
ang layunin ng may-akda? May maibibigay ba itong kontribusyon sa mundo
ng mga daigdig, libro, at iba pa), at sariling kaalaman?

Mapanuring Mambabasa

Sa kabuuan, anomang uri ng teksto at tinatalakay nito, ang mambabasa pa rin


ang gagawa ng pagsusuri at pagdedesisyon kung ito ay mahalaga, makabuluhan,
may ibubuga, kapani-paniwala, kasiya-siya, dapat basahin at balik-balikan, dapat
pag-aralan nang malaliman, o ang kabaligtaran nito. Gayunman, mahalagang
basahin ang teksto sa sarili nitong merito. Ang mga dating kaalaman, karanasan,
nabasa, napanood, napakinggan, at iba pa ay gamiting gabay lang upang unawain
ang teksto. Tandaan, hindi kinakailangan at huwag ipilit ang sariling opinyon at
paniniwala sa teksto. Huwag puwersahin ang may-akda na palitan ang paniniwala
niya at ipalit ang sa iyo.

16
Mga Responsibilidad at Gawain ng Mapanuring Mambabasa

Kaugnay nito, mahalagang tiyakin ang responsibilidad at gawain ng isang


mapanuring mambabasa:

1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksiyon sa teksto, masusi itong binabasa


at hindi pahapyaw lamang.
2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.
3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya.
4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba.
5. Maalam, nagsasaliksik, at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang
teksto at paksa mula sa mga libro, panayam, Internet, obserbasyon, at iba pa.
6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anoman ang palagay sa binasang
akda.
Halimbawa: Politically correct na mga salita (may respeto sa kasarian, lahi,
pisikal na kalagayan, estado, relihiyon, grupo, at iba pa)
7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa pagpapaunlad ng
kaalaman.
8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula
sa
teksto.
9. Sinusuri ang teksto mula sa iba't ibang lente at hindi mula sa iisang pananaw
lamang.
10.Nabibigyang-pagpapahalaga at pagtatasa ang mga ideya sa teksto.

LAYAG-DIWA
1. Sumulat ng mapagbuod na talata na nag-uugnay sa sumusunod na konsepto
ukol sa mapanuring pagbasa at mambabasa: pananaliksik, pagsusuri,
perspektiba, ebidensiya, organisasyon, ebalwasyon, pagbubuo, at pagbubuod.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________
2. Tukuyin sa laliwa at kanang bahagi ng kasunod na artikulo ang mga
bahaging nagppakita ng sumusunod:
a. Pamagat
b. Tesis na pangungusap
c. Problema, isyu
d. Mga ebidensiya
e. Katuwiran, paraan ng katuwiran
f. Organisasyon
- Pagkakasunod-sunod ng mga ideya
- Sanhi at bunga
- Pagkokompara
g. Kongklusyon o Resolusyon

17
MALAKI NA ANG GAP

Nagmamaneho ako sa Commonwealth Avenue, makaraan ang COA, noong


hapon ng Lunes, medyo dumidilim na nang mapansin kong nagbagal ang kotseng
aking Sinusundan. Hindi naman aksidente. Trapik pala. Sa unahan, nag-uuwian
ang mga nakaunipormeng eskuwela sa Commonwealth Elementary School.
Pamaya-maya haban9 umiisod ang sasakyan, lumutang sa malamig na hangin ang
taginting ng kampana. Ano ba ito? Nagtataka kong usisa.

May maliit na simbahan sa aking kanan, nakatirik sa tila pampang ng kalsada.


Nang mapag-ugnay ko ang tunog at oras, naisip kong tunog ng kampana sa
orasyon ang aking narinig. Tuloy ang sasakyang sinusundan ko, tuloy rin ako, at
tuloy rin sa pamamaybay at pasingit-singit na pagtawid ang mga tao. Walang
pumansin sa tawag ng kampana. Mabuti pa ako at nakagunita ng ritwal sa alas
sais, at ang pagkagunita ko'y sapat nang pagpupugay.

Sa lungsod, wala nang gumugunita sa orasyon. Naalala ko ang ating kultura.


Noong umaga lamang, kinukumbinse ko ang aking mga estudyante sa panitikan na
bukod sa makabagong literatura ay dapat lingunin ang mga obra ng nakaraan. Ang
pinag-aralan namin ay ang sarsuwelang Anak ng Dagat ni Patricio Mariano, sinulat
noong 1921.Makikita ninyo ang kultura natin noon, sabi ko sa kanila. "Ang hindi
lumingon sa pinanggalingan" pagpapahula ko, "ay ano-?"

"Di makararating sa paroroonan" mabilis na dugtong ng ilan. Natuwa ako. Alam


pa pala nila ang kasabihan. Karamihan sa kanila'y anak-maykaya, at habang lalong
nagigina maykaya, lalong nakakalimot sa sariling kultura. "Kailangang lingunin
natin ang nakaraan patuloy ko, "nang malaman natin kung sino tayo."

Habang nasa daan, naisip ko na tayo, lalo na ang kabataan, ay di natututong


gumunita at magsimpan. Ngunit hindi na bale ito. Sa kasalukuyan, karamihan sa
mga awit nati'y galing sa US. Kailangan pang lumagda ang Pangulo ng isang
executive order para mapuwersa ang mga istasyon ng radyo na magpatugtog ng
kahit apat na OPM (Original Pilipino Music) sa isang oras.

Ano na ang ideya natin sa ating kahapon - Linggo. Gayon lamang kalapit. Kapag
pinag aralan natin ang Anak ng Dagat, nagbabalik tayo sa ating nakaraan. Ang
nangyayarl, sapi ko sa aking mga estudyante, puro tanggi na lamang tayo nang
tanggi sa ating nakaraan. Tanggap na lang tayo nang tanggap mula sa labas.
Naalala ko ito kaugnay ng orasyon. Hindi ako palasimba at hindi naman lahat sa
nakaraan ay ipinagpipilitan kong ipagpatuloy. Sa lungsod, hindi na maaaring
ipagpatuloy ang orasyon. Dito, kung ikaw ay nasa bahay, alas sais pa lamang ay
bukas na ang TV. Nanono0u na ang mag-anak, hindi na nagdarasal. "The family
that prays together stays together." Hind na totoo iyan.

Ang pamilya'y nakapalibot na sa tv. At mabuti sana kung ang pinapanoo ay


palabas na Pilipino. Ang kanilang pinapanood, kalimitan, ay pagkaagnas ng Kut
Kabilang sa mapapanood ay mga kabataang imitasyon ng mga Amerikano,
halimbav mga mananayaw na kita ang singit ng babae, nanggagaya sa bihis ng mga
dancer sa Broadway.

Sa ganito'y parang nawawala ako. Parang naiiwan ako, mabilis na nalalayo sa


hugos ng pagbabago. Nakikita ko ang pagsagasa ng dayuhang kultura at

18
napapaigtad ako, napapatapon sa tabing daan. Bumabangon ako at humahabol,
sumisigaw ng mga babala ngunit walang nakikinig. Iba ang henerasyong
sumusunod sa akin. Kulturang dayuhan ang kanilang sinuso. Sa halip na ako'y
maging isa sa mga ugat, ako'y nagiging balat ng puno na nababakbak. Hindi ko
alam kung saan patungo ang bansang ito, na naghihirap na'y sayaw pa ng sayaw sa
tunog ng ibang tambol.

Ang mga bagay na ito'y waring ipinaalala sa akin ng orasyon sa daan. Hindi na
naririnig ang orasyon ngunit ako'y natitigilan pa rin dito. Kahit ano yata'y pupulutin
ko at pagyayamanin para mayroon akong maaangkin. Gusto kong mayroon akong
baunin. Gusto kong kahit paano'y may ibinalot ako na maihahatid ko sa hinaharap.

Ngunit itong mga estudyante ko, habang kinukwentuhan ko, ay parang


nakakikita ng multo ng nakaraang siglo. Pinagbibigyan nila ako dahil ako ang
magbibigay ng kanilang marka. Kuwarenta'y siyete pa lamang ako ngunit ang tingin
nila'y ulyanin na akong lolo. Malaki na ang gap, sasabihin nga ni Kuya Germs.

Rogelio Sicat
nasa Bingo, 1990

1. Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay mng artikulo.


a. Magsaliksik sa Internet ng kaugnay ng orasyon. Likas ba ito sa ating
kultura?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

b. Ano ang kasaysayan at ahulugan ng orasyon?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

c. Angkop ba o apani-paniwala ang mga ebidensiyang ginamit ng may-adka?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

d. May mga patunay ba (teorya, balita, pananalisik, interbyu sa esparto, at


iba pa) na balido ang ebidensiya?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

e. Sumasang-ayon a bas a mga obserbasyon ng may-ada augnay ng orasyon?


Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

f. Dapat pa bang manatili ang orasyon sa kasaluuyan?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

g. Maabuluhan pa bang pag-usapan ang paksa?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

19
Metro-Dagupan Colleges Productivity High School
Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan
School Year 2020- 2021
Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)
MODULE 2

MAPANURING PAGSULAT SA AKADEMIYA:


PAGBUO NG MAPANURING SANAYSAY

Laytunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral


ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring
pagsulat sa akademiya;
2. Natitiyak ang proseso ng mapanuring pagsulat; at
3. Nakasusulat ng piktoryal na sanaysay o sanaysay-palarawan.

LUSONG-KAALAMAN

1. Gumawa ng isang wish list na may limang aytem at ipaliwanag ung bakit
ang mga ito ang gusto mo. Hindi kasama sa wish list ang mga bagay,
gamit, tao, at lugar, kundi mga dapat sanang mangyari. Pangatuwiranan
ang wish list.

Wish List Dahilan o Katuwiran


______________________________ _________________________________
______________________________ _________________________________
______________________________ _________________________________
______________________________ _________________________________
______________________________ _________________________________

Mapanuring Pagsulat at Tekstong Akademiko

Malaking hamon sa isang mag-aaral na makasulat ng mapanuring teksto sa


loob ng akademiya. Ang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagsulat na
maaga pa lang ay natututuhan na ay salik sa matagumpay na pag-aaral sa
mataas na edukasyon.

Kakailanganin sa mapanuring pagsulat ang isang mapanuring pag-iisip.


Natalakay na ito sa Aralin 1. Napapaloob sa mapanuring pag-iisip ang pagiging
analitikal (napaghihiwa hiwalay at napaggugrupo ang mga ideya sa loob ng
teksto upang maunawaan at gawan ng ebalwasyon) at kritikal (naiuugnay ang
mga ideya sa iba't ibang reyalidad sa labas ng teksto at nagagawan ng pagsusuri
ang nabubuong mga relasyon kaugnay rito).

Narito ang ilang katangian ng mapanuring pagsulat. Bagama't naaayon sa


disiplina o kurso ang mga katangian ng akademikong pagsulat, may mga
pangkalahatang katangian ang mapanuring pagsulat sa akademiya.

1. Layunin Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito sa mga konsepto o


katuwiran.

20
Halimbawa:
Sa problema ng environmental pollution o pagdumi ng kapaligiran, ang
magagandang intensiyon
sa isang larangan ay nagkakaroon ng masamang epekto sa ibang larangan.

- Armando Kapauan, “Dalawang Mukha ng Siyensya.” Nasa Binhi. 1990

Sapagkat malaki ang implikasyon ng modernong teknolohiya sa karaniwang


tao, kailangan niyang makisangkot sa mga diskursong publiko na
tumatalakay sa mga ito.

- Leonardo de Castro, "Etika Bilang Tagasaway, Etika Bilang Gabay sa


Paglikha" nasa Pagkatao at Teknolohiya. 1998

2. Tono-Impersonal ito, hindi parang nakikipag-usap lang. Hindi rin ito


emosyonal.
Halimbawa:
Impersonal:
Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng pagkamaawain,
pagkamakialam, pagkausyoso, pakikipagkapuwa, pakikisama, at marami
pang iba.

Personal:
Matulungin ka ba? Maawain? Pakialamero? Usisero? Di marunong
makipagkapuwa-tao? Di marunong makisama?
Ikatlong panauhan ang gamit dito - walang kontraksiyon (Di > hindi; ba't >
bakit, at iba pa)

3. Batayan ng datos - Pananaliksik at kaalamang masusing sinuri upang


patunayan ang batayan ng katuwiran dito.
• Obhetibo ang posisyon Batay ito sa pananaliksik. Iniiwasan dito ang
anomang pagkiling. Makikita ang pagka-obhetibo sa paksa,
organisasyon, at mga detalye.
• Katotohanan (Fact) vs. Opinyon Kailangan ang pruweba o ebidensiyang
mapagkakatiwalaan o talagang nangyari, hindi haka-haka o gawa-gawa
lamang.
Opinyon - batay sa sariling damdamin, karanasan, at paniniwala

4. Balangkas ng Kaisipan (Framework) o Perspektiba - Ito ang piniling ideya o


kaisipan na gustong patunayan ng sumulat. Binibigyang pagkakataon dito ng
sumulat na ipokus ang atensiyon ng mambabasa sa ispesipikong direksiyon o
anggulo hanggang sa umabot sa kongklusyon. Ginagamit ng sumulat ang
mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.
Halimbawa:
Paggamit ng Teoryang Innateness ni Noam Chomsky para patunayang hindi
kailangang idikta sa bata ang mga salita para matuto; sa halip ay
matututuhan niya ito sa kaniyang normal na kapaligiran.

5. Perspektiba Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa umiiral na


problema.
Halimbawa:
Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali ang kasaysayan
21
na hindi na dapat maulit at mga krimen ng mga tao at gobyerno na hindi
dapat hayaang maganap muli.
- salin, Thomas Sowell, Race and Culture, 1994
Deduktibo o mula pangkalahatang ideya tungo sa mga detalye na
magpapatunay dito ang kayarian ng isang mapanuring pagsulat.

6. Target na mambabasa - Kritikal, mapanuri, at may kaalaman din sa paksa


kaya naman mga akademiko o propesyonal ang target nito. Tinatawag silang
mga ka- diskursong komunidad.

Estruktura at Proseso ng Mapanuring Pagsulat

Ang isang akademikong akda ay karaniwang may tatlong pangunahing estruktura:


introduksiyon, katawan, at kongklusyon. May proseso upang matamo ang
epektibong pagsulat sa bawat bahagi.

1. Introduksiyon
Ito ang pinakatesis o pokus ng pag-aaral o paksa. May gustong patunayan ang
paksa at makatutulong kung sa bahaging ito ay nalilinaw na ang nais patunayan sa
pamamagitan ng paksang pangungusap o tesis na pangungusap. Dito, napakikitid
ang isang malawak na paksa. Kailangan itong mapagdebatehan sa dahilang kung
wala namang problema, ano ang magiging tunguhin o patutunayan sa paksa?
Halimbawa: Masama sa kapaligiran ang polusyon (hindi na pagdedebatehan)

a. Narito ang ilang mahalagang puntos sa paqsulat ng introduksiyon:


Pagpapatunay bilang pokus o tesis ng pag-aaral

May ibat ibang puwedeng patunayan kaugnay ng paksa. Narito ang ilang
anyo at halimbawa.
1. Fact o Opinyon
Halimbawa: Ang global warming ay penomenong pang-Asya.
2. Sanhi at Bunga
Halimbawa: Ang popularidad ng SUV ay nagpalala sa polusyon sa
bansa.
3. Halaga
Halimbawa: Mahalagang kasangkapan sa pagkatuto ang unang
wika ng bata.
4. Solusyon at Patakaran
Halimbawa: Sa halip na K to 12, ang kahirapan muna ang dapat
pagkaabalahan ng gobyerno.

b. Paksang Pangungusap

Ang pagkakaroon ng malakas na paksang pangungusap o tesis na


pangungusap ang magpapalakas din ng mga argumento at batayan o datos.

Maliban sa tesis na pangungusap na naglalahad ng suliranin o problema,


mahalaga ring ilahad nito ang layunin, rasyonal o kahalagahan ng paksa, at
pamamaraan at datos na ginamit bilang overview.

22
c. Atensiyon sa Simula

Upang makuha ang atensiyon ng mambabasa, magkaroon din ng


estratehiya kung paano sisimulan ang introduksiyon. Narito ang ilang
halimbawa:

1. Tanong
Halimbawa: Bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Filipino sa
kolehiyo sa ilalim ng Programang Kto 12?
2. Impormasyon, Pigura
Halimbawa: Pinatunayan ng estadistika ng NEDA na 13 sa 17 rehiyon sa
buong bansa ang nakaranas ng kabawasan ng kahirapan noong 2012
kompara sa 2009. Pinakamataas dito ang CARAGA na bumaba ng 14.2
porsiyento ang naranasang Kahirapan. (www.neda.gov.ph)
3. Depinisyon
Halimbawa: Ang terminong malinaw na ikinakabit sa pagkalalaki ay ang
machismo (mula sa Espanyol, ginagamit upang bawasan ang
pangangailangang ipagyabang ang pagkalalaki), na karaniwang umiiral
sa mga bansang Latino-Amerikano, lalo na sa Mexico.
- Salin, Geert Hofstede, Culturés Consequences, 2001, p. 309
4. Sipi
Halimbawa: Di gaya ng istorya sa bibliya ng mga Ebreo kung saan ang
lalaki ang unang nilikha kaysa sa babae, at ang babae ay nilikha mula sa
kaniyang tadyang, na naglalahad ng kultural na pagkiling sa
dominansya ng lalaki, sa mito ng Subanen, ang babae at lalaki ay galing
sa iisang pigurang putik, hinati sa dalawa, at magkapareho sa simula pa.
- Salin, Florentino Hornedo, "Pagmamahal and Pagmumura" Essays.
1997

2. Katawaan

a. Sa bahaging ito pinauunlad at nagsusulat ng mga talata. Mahalaga rito ang


tuloy-tuloy, organisado, maayos, at makinis na daloy ng ideya kung saan:

1. Ang unang pangungusap ng talata ay kaugnay ng naunang talata.


Halimbawa:
Hindi ninyo mapaghihiwalay ang makatarungan sa di-makatarungan at
ang mabuti sa masama. Sapagkat magkasama silang nakatayo sa harap
ng mukha ng araw tulad din ng itim at puting sinulid na magkasamang
hinahabi.
- Kahlil Gibran, Ang Propeta. Salin ni F. Sagalongos-San Luis. 2005

2. Ang mga sumusuportang ideya ay magkakasama sa loob ng talata


Halimbawa:
Malaki rin sana ang potensiyal ng iba't ibang manipulasyon ng panahon
na kinasangkapan ng pelikula gunita sa pagyao ng ina ni Ana, imahen ng
pista ng San Isidro, eksena ng pakikipag-usap ni Ana sa kaniyang ina. Ang
mga anakronismong ito, kung nagamit lang sana nang mabuti, ay
makapagpapalinaw sa mas masalimuot na pagpapakahulugan. Ngunit tila
hindi ito malinaw at napag-ugnay ng bisyon ng pelikula.
- Galileo S. Zafra, "Sidhi: Piping-Piping Pelikula", nasa Raya IV. 2009

23
b. Malinaw at lohikal na talata upang suportahan ang tesis
Halimbawa:
Upang higit na maunawaan ang mayaman at matandang kultura ng
Pangasinan, isang "'etnokultural na pagmamapa" ang isinagawa. Lumihis
pisikal man sa positibistang paaralan ng kartograpikong tradisyon ng pisikal
at politikal na pagmamapa, hindi lubusang tinalikuran ng "etnokultural na
pagmamapa" ang kahalagahan ng mga mapang pisikal at politikal, subalit
itinutulak nito ang pagpapahalaga sa artikulasyon kapwa ng "taga-labas"
(hindi Pangasinan) at "taga-loob" (Pangasinan) ukol sa kani- kanilang
pagtingin at/o pagkaunawa ng pagka-Pangasinan. Higit sa lahat,
pinahalagahan ang asersyon ng mga tagarito at kanilang "ethnic pride"
gayundin ang mga taumbayan at kanilang industriya, buhay, at pagkatao
bilang kanilang etnisidad at identidad.

c. Kaayusan ng talata-Maaaring batay ito sa kronolohikal na ayos,


kahalagahan ng ideya, hakbang-hakbang, o serye.
Halimbawa:
Ngunit ang literatura ng Pilipinas ay mabubuhay at yayabong lamang
kung dalawang malawak na kondisyon ang masisiguro: isa, kung ang
manunulat ay may kalayaang sumulat, at dalawa, kung ang isusulat niya ay
may kaugnayan sa pakikibaka ng tao para mabuhay at umunlad.
Idinedeklara ng isa ang kalayaan ng manunulat; tinitiyak ng ikalawa ang
layunin na pinag-uukulan ng kalayaang ito.
- Salvador P. Lopez, Ang Medium ng Manunulat na Pilipino. 1974

d. Pagpapaunlad ng talata - Maliban sa malakas na argumentong


magpapatunay sa isinasaad ng talata ang ebidensiya batay sa pananaliksik.

1. Ebidensiya - May dalawang uri ang ebidensiya: pangunahin at di-


pangunahin.
Pangunahin - interbyu, karanasan, sarbey, anekdota, eksperimento
Di-pangunahin - mga teksto, libro, artikulo, pahayagan, website
Mahalaga ring ang ebidensiya ay mapagkakatiwalaan, may
katotohanan, at wasto. Sino ang may-akda? Kailan ito isinulat o
isinagawa? Ano ang layunin ng may-akda? Pinondohan ba ito? Sino
ang nagpondo? Ginawan ba ito ng ebalwasyon o rebyu ng mga iskolar
o awtoridad sa larangan?

2. Argumento - Ito ang magpapaliwanag kung bakit sumusuporta ang


datos sa gustong patunayan o tesis. Sapat at angkop ba ang datos o
ebidensiya para pangatuwiranan ang paksa? Lohikal ba ito?
Ang argumento ay mapalalawak at mapalalakas pa sa pamamagitan
ng sumusunod:
Halimbawa at ilustrasyon
Datos-estadistika, detalye, impormasyon
Mga testimonya - sipi, anekdota
Depinisyon, pagkokompara, sanhi at bunga, at iba pa

3. Pagbubuo- Ilang elemento sa pagbubuo ng talata ang dapat bigyan9


diin gaya ng:
• Pagsisimula ng bagong talata
Isinasagawa ito:
24
- kapag may bagong ideya o punto;
- kapag magkokompara ng impormasyon o ideya;
- bilang pahinga para sa mambabasa kung masyadong mahaba na
ang talata; at
- kapag tatapusin ang introduksiyon o sisimulan ang kongklusyon
• Mga transisyon sa bawat talata at sa loob ng talata - Nagsisilbi itong
tulay upang maipakita ang daloy ng ideya at pagtutuloy- tuloy ng mga
ideya sa pagitan ng mga talata at pangungusap sa loob ng talata.
Halimbawa:
sa kabilang dako, gayumpaman, gayundin, isa pa, taliwas dito, bagamat
• Haba ng talata - Karaniwang may tatlo hanggang limang pangungusap
ang isang talata. Binabalanse.din ito upang hindi sobrang haba ng iba
at sobrang ikli naman ng ilan. Inaayos din ito sa sukat ng papel.
Gayundin, mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa
katawan. Halimbawa ng sukat:
Introduksyon - 5 pangungusap
Katawan - 5+5+5 pangungusap sa bawat talata
Konklusyon - 5 pangungusap

e. Pagbuo ng Pangungusap
Ilang mga dapat tandaan sa pagbuo ng pangungusap upang maging
higit na malinaw, tiyak, at mauunawaan ang teksto:

1. lba-ibahin ang uri at anyo ng pangungusap upang bigyang-tuon ang


at hindi maging kabagot-bagot ang pagbasa sa sinulat na akda.
Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng sumusunod:
• Pagsalit-salitin ang maikli at mahabang pangungusap.
• Maglagay ng biglang maigsing pangungusap.
• Iba-ibahin ang simula ng mga pangungusap.
2. Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap (payak, tambalan,
hugnayan, at iba pa.
• Iwasan ang maraming maiikli at putol-putol na pangungusap.
dalawang Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakabit ng dalawang
pangungusap gamit ang mga pantukoy (pero, at, o ngunit, subalit,
kaya, kung kaya, para, dahil, ni, at iba pa).
Halimbawa: Natapos na ang bagyong Yolanda ngunit wala pa ring
bahay ang mga nasalanta.
• Iwasang paulit-ulit ang pagtukoy sa paksa o tao. Magagawa ito sa
paggamit ng panghalip (siya, sinoman, alinman, iyong, na siyang, at iba
pa).
• Iwasan ang pare-parehong pattern o ritmo ng pangungusap sa
pamamagitan ng paggamit ng mga marker (dahil, noon, dati, para, sa
halip, habang, maliban sa, parang) at transisyon (sa totoo, gayunman,
gayundin, ano't anoman).

f. Paggamit ng angop na salita


Ang mga salitang ginagamit sa akademiko at mapanuring teksto ay
sumusnod sa ilang pamantayan at panuntunan gaya ng sumusunod:

1. Lebel ng pormalidad – Pormal ang wikang ginagamit sa mga


akademikong teksto, kung kaya’t in iiwasan dito ang balbal na salita o
kataga gaya ng pare, todits, yosi, kiyeme, at iba pa.
25
2. Pormal kaya hindi pinapaikli o dinadaglat ang mga salita.
Halimbawa: ‘di > hindi; eto > heto; ala > wala; ba’t > bakit
3. Hindi nakasasakit sa o nirerespeto ang kalagayan ng kkapuwa gaya
ng lahi, bayan, bansa, pisikal na kalagayan, kultura, relihiyon,
kasarian, trabaho, pinag-aralan, pamilya, at iba pa.

3. Kongklusyon
Ito ang huling bahagi ng teksto na isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod,
pagrebyu ng mga tinalakay, paghahawig (paraphrase), o kaya'y paghamon,
pagmungkahi, o resolusyon.

Halimbawa: Sa pangkalahatan, sinikap na maging matapat sa orihinal na


pagbaybay ang mga bibliograpikal na datos. Totoo ito lalo na sa mga entri sa
panahon ng Kastila. Sa pamamagitan nito, inaasahang higit na natala rin ng
bibliograpiya ang karakter ng mga akdang isinalin.
- Lilia F. Antonio, Apat na Siglo ng Pagsasalin, 19

Etikang Tagalog, samakatuwid, pagiging tapat lang sa kung sino ang may
hawak ng pluma, ano ang inilarawan at kapanahunang sinaklawan, subalit walang
pagkakaila kung kanino patungkol ang akdang ito ng pagbubunyag at pagbubuo,
walang iba kundi sa pagkabansang Pilipino

- Nilo S. Ocampo, Paunang Salita, Etikang Tagalog, Ang lkatlong Nobela ni Rizal, 19

Sa pangkalahatang pagkakaugnay ng introduksiyon, katawan, at


kongklusyon, dapat matiyak sa pagsulat ng mapanuri at akademikong teksto ang
kaisahan, kabuuan, at kaugnayan ng mga ideya. Magkakaugnay ang mga
pangungusap na binubuo ng angkop at wastong mga salita at kataga upang
makompleto ang kahulugan sa loob ng talata. Magkakaugnay rin ang mga talata
upang tumungo sa kaisahan ng mga ideya mula simula (introduksiyon) hanggang
sa wakas (kongklusyon). Sa ganitong paraan, hindi lamang ang teksto ang
mabibigyang-kaalaman, kasanayan, at kapangyarihan na magamit ang datos sa
angkop at tamang pamamaraan, tamang katuwiran sa paggagamitan nito, at sapat,
tama, angkop, at makataong wika na nagbibigay-pagpapahalaga sa kapuwa.
Kaugnay nito, madedebelop din ang pagiging mapanuring manunulat na may mga
natatanging katangian.

Mapanuring Pag-iisip, Mapanuring Manunulat

Mula sa mapanuring pag-isip nabubuo ang isang mapanuring manunulat na


nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Aktibong nag-isip kaugnay ng kahalagahan at kabuluhan ng sinulat sa
kaniyang buhay, pamilya, komunidad, kapuwa, lipunan, bansa, at daigdig
batay sa dati niyang kaalaman at karanasan.
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag o katuwiran na
mapagkakatiwalaan at hindi ayon sa haka-haka o pamamalagay lamang.
3. Nagtatanong kaugnay ng mga sitwasyon mula sa pag-analisa ng mga datos,
ebalwasyon nito, pagbubuod, at pag-uugnay nito sa paksa.
4. Malayang nag-iisip nang hindi hinahayaang maimpluwensiyahan ng iba't
ibang salik at datos.
5. Sinusuri ang mga sitwasyon mula sa iba't ibang lente o perspektiba at hindi
lamang sa isang takbo ng isip.
6. Sinusuportahan ang iba't ibang perspektiba ng katuwiran at ebidensiya.
26
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado, malinaw, at masusi.
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa kaugnay ng pisikal, sikolohikal,
mental, pangkasarian, kinabibilangang lahi, uri, grupo, at etnisidad nito sa
pamamagitan ng maingat na paggamit ng wika.

GAWIN:
Pumili ng isang senaryo sa sumusunod. Pagatapos sumulat ng isang
pahinang sanaysay na binubuo ng isa hanggang dalawang talata ukol dito.
1. Kung kailangan mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na ang araw
sa mundo, mula sa iyong mga ari-arian, alin sa mga ito ang pipiliin mo at
bakit?
b. Signature bag
c. P 20,000
d. Mamahaling cellphone
e. Mamahaling sapatos
2. Paano kung hindi na natutulog ang tao? ano ang gagawin mo sa gabi at
madaling-araw?
3. Kung makakausap mo ang isang paruparo, ano ang sasabihin mo sa kaniya?
4. Iaw ba ay masasabing kuwadrado (organisado, naaagawa sa sarili, di
kailangang kasama sa grupo)? O bilog (optimistiko, mapaghalubilo,
mapagkaibigan)? O tatsulok (naapokus, madetalye, kumpetitibo, iniisip na
laging tama) Bakit?
5. Mag-isip ng isang naiibang trabaho o propesyon. Ilarawan ito.
6. Kung papipiliin a, sa aling bansa mo gustong manirahan? Bait?
7. Kung ikaw ay napadpad sa isang isla walang asama, ano ang gagawin mo?
8. Kung bibigyan a ng libreng isang linggong bakasyon sa ahit saang lugar sa
Pilipinas, saan mo gustong magpunta at bakit?
9. Kung bibigyan ka ng iskolarsyip sa ibang bansa para sa kursong Inhenyeriya
pero ang talagang gusto mong propesyon ay maging doctor, tatanggapin mo
ba ito? Bakit?
10.Kung liligawan ng isang Ameriano ang isang kasambahay na hindi
marunong sumulat at bumasa o magsalita ng Ingles, dapat bang
maipagrelasyon ang kasambahay sa dayuhan? Bakit?

27
GAWIN:
Magbigay ng mga halimbawa ng isa hanggang anim na katangian ng
mapanuring manunulat.
a. Atibong nag-iisip
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
b. Gumagamit ng datos na mapagkakatiwalaan
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
c. Nagtatanong
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
d. Malayang nag-iisip
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
e. Nagsusuri mula sa iba’t ibang lente o perspektiba
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
f. May suportang katuwiran at ebidensiya
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
g. Organisado, malinaw, at masusi ang pagtalaay sa mga ideya
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
h. Nirerespetro ang atangian o kalagayan ng kapuwa (pisikal, edad, asarian,
reliyon, at iba pa)
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

DAONG-KAMALAYAN
Bumuo ng isang piktoryal na sanaysay-palarawan na naglalahad,
nangangatwiran, o nag-aadboasya sa isang isyu o pasa. Bubuuin ito ng maikling
teksto na naglilinaw sa larawan o ilustrasyon. Testuwal at biswal na paglalahad ito
na bubuo sa pangalahatang punto ng sanaysay. Bilang halimbawa, tingnan ang
www.st.joan-center.com/picessay.

Metro-Dagupan Colleges Productivity High School


28
Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan
School Year 2020- 2021
FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademiko)
MODULE 3

ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIYA: PAGSULAT NG REPLETIBONG


SANAYSAY

Layunin:
1. Nalilinaw ang kahulugan ng etika at pagpapahalaga sa loob at labas ng
akademiya;
2. Natutukoy ang ilang etial at di-etikal na mga gawain sa Pilipinas at maging sa
ibang banasa;
3. Natitiyak ang mga katangian ng pagsulat na etial gamit ang angop at tamang
pagpapahalaga sa aademiya; at
4. Nakasusulat ng isang replektibong sanaysay na naglalahad ng omitment sa
integridad at pagpapahalaga sa atapan sa pagsulat.

Narito ang ilang senaryo. Tukuyin kung sa palagay ninyo ay etikal o hindi ang
mga sitwasyon. Ipaliwanag ang sagot. Kung hindi etikal, ano sana ang dapat
ginawa?
1. Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa script writing.
Humiram siya ng isrip sa isang aibigan. Sinabi niyang gagamitin niya lamang
ito upang gawan ng ebalwasyon at ritia sa klase ngunit ipinasa niya ang mga
ito bilang aniyang sariling gawa.
Etikal o hindi etikal? ______________________
Paliwanag: ____________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _________________________________________________

2. Dinala ni Dr. De Gracia ang kaniyang nanay sa isang kapuw dotor upang
ipagamot. Araniwang pratis na hindi sinisingil ng manggagamot ang malapit
na kamag-anak ng kapuwa manggagamot. Siningil ng naturang doctor ang
ina ni Dr. De Gracia.
Etikal o hindi etikal ang kapuwa doktor? _____________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _______________________________________________

3. Tumatanggap ng malalaing donasyon ang isang simbahan mula sa isang


kilalang taong may criminal record.
Etikal o hindi etikal? ________________________
Paliwanag: ____________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _________________________________________________

4. Nag-iiwan ng paninda sa labas ng kaniyang silid-aralan si Gng. Domino,


isang guro sa ikatlong baitang. Doon bumibili ang mga mag-aaral niya kapag
recess. Ang kinikita niya mula rito ay pandagdag daw niya sa gastusin ng
kaniyang pamilya.
Etikal o hindi etikal? ____________________________
Paliwanag: ____________________________________________________________
Dapat sanang ginawa: _________________________________________________

29
5. Malaki ang kinikita ni Dado sa pagdadala ng ilang parte ng katawan
(halimbawa bahagi ng atay) sa isang ospital. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay
“boluntaryong” donasyon. Gagamitin ang mga ito ng ospital sa mga
pasyenteng nangangailangan nito. Malai ang bayad sa mga “boluntaryong”
parte ng katawan.
a. Etikal ba o hindi etikal ang ginawa ni Dado o ng mga boluntaryo?
____________________________________________________________________
Ipaliwanag: _________________________________________________________
b. Etikal ba o hindi ang ginawa ng ospital? __________________________
Ipaliwanag: _____________________________________________________
Dapat sanang ginawa: ___________________________________________

LUSONG-KAALAMAN

Bumasa ng mga pahayagan at magasin, o kaya’y magsaliksik sa Internet


tungkol sa ilang pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Gumamit, o magprint
ng mga larawan kaugnay ng napiling pangyayari. Lagyan ng deskripsyon ang mga
ito na naglalahad ng pagpapahalaga (values) na ipinakikita sa mga larawan
(halimbawa, katotohanan, respeto, karahasan, at iba pa).

Narito ang ilang mungkahing paksang mga pangyayari sa labas at loob ng


bansa:
- Giyera sa Iraq
- Mga rebeldeng ISIS sa Syria
- Bagyo at Pagbaha
- Tensiyon sa Pagitan ng Mga palestino at Hanas
- Mahabang Pila sa Dubai at Korea para magpa-plastic surgery
- Pagbagsak ng Malaysia Airlines Flight 370
- Ebola virus
- Giyera sa Ukraine
- Pang-angkin ng mga Bansa sa Asya sa ilang bahagi ng West Philippine Sea
- Bangsamoro Agreement

Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya

Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang


karakter Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa
Filipino. Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos, na nangangahulugang
"moral, moral na karakter." Ginawa itong ethics sa Ingles at etika sa Filipino.
(www.merriamwebsterdictionary.com)

Ang etika para kay Chris Newton (www.ehow.com) ay tumutugon sa


mahalagang tanong ng moralidad, konsepto ng tama at mali, mabuti at masama,
pagpapahalaga at pagbabalewala, pagtanggap at di-pagtanggap ng lipunan na
siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito. Ang mga batayang ito naman ang
nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao bilang kaniyang obligasyon,
karapatan, katuwiran, at halaga. Ilan sa mga batayang inaasahan ng alinmang
lipunan o bansa ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala.

Halimbawa ng mga gawain o praktis kaugnay hg etika ang respeto sa


kapuwa, nakatatanda, awtoridad, bata, kababaihan, at iba pa na maipakikita sa
iba't ibang paraan depende sa kultura at bansa. Sa Pilipinas, ilan dito ang

30
pagmamano, paggamit ng "po" at 'opo" sa ilang lugar, paghalik sa pisngi, pagtawag
ng apong, nanay, tatay, ate, kuya, manong, ineng, neneng, bapa, at iba pa sa mga
kamag-anak man o hindi. Sa Hapon, ang lalim ng pagyuko ay nagdedepende sa
taong binabati. Kung mas mataas ang posisyon ng taong binabati, mas mababao
malalim ang yuko. Ganito rin sa ilang bansa sa Asya gaya ng Vietnam, Korea,
Taiwan, at China. Dahil sa modernisasyon, tinatanggap na rin ang pakikipagkamay
bilang pagbati.

Ang pagpapahalaga (values) naman ay ang mga istandard o batayan-mga


ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosy0-na
pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon. Tumutulong ito
upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon. lsa itong paniniwala ng
isang tao o grupo na may sangkoto pinanggagalingang damdamin o emosyon ukol
sa isang bagay na dinedesisyunan.

Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa qumagabay kung paano natinn


ihaharapang ating sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin,
tumutulong ito pag magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan.

Narito ang isang ilustrasyon ng pagkakaiba ng etika at pagpapahalaga.

ETIKA
Tama/mali
Mabuti/masa-
ma Praktis Tao Obligasyon
Pagpapahalag Grupo
Kilos Karapatan
Lipunan a/Pagbabale- Komunidad
Etikal/di- Katuwiran
wala Institusyon
etikal Halaga
Pagtanggap/
di-
pagtanggap

PAGPAPAHALAGA

Istandard Praktis
Paniwala Kilos Kapuwa/
Tao
Grupo (Manipestasyon) Grupo

May sari-sariling etikang sinusunod at mga pagpapahalagang gumagabay sa


bawat institusyon, opisina, grupo, maging sa loob ng isang komunidad o bansa.
Ang mga gawain, kultura, kasaysayan, karanasan, at heograpiya ang mga salik sa
pagbuo ng mga etika at pagpapahalaga.

May mga inaasahang etika at pagpapahalaga ang mga guro kaiba sa mga
doktor, nars, abogado, arkitekto, mamamahayag, estudyante, empleyado ng
gobyerno at pribado korporasyon, at iba pa. Ang mga ito ay gumagabay sa
pangkalahatang pagkilos, pagdedesisyon, at paraan o takbo ng isip ng isang tao,
grupo, komunidad, at institusyon.

31
Mga Pangkalahatang Halimbawang Pagpapahalaga

Narito ang ilang pangkalahatang pagpapahalagang inaasahan sa mga tao, grupo, at


institusyon sa alinmang bansa o lipunan. (www.humanresources.about.com)
Kompetensi pagkatuto
Integredad kagalingan
Didnidad impluwensiya
Katapatan responsibilidad
Pagkakawangagawa serbisyo
Seguridad paggalang
Dibersidad katapangan
Kolaborasyon disiplina
Teamwork malayang pag-iisip
Dedikasyon pag-asa
Pagpapaunlad kasiyahan
Katarungan ambisyon
Pleksibilidad pagtitiwala
Pananalig inobasyon

Pagpapahalagang Pilipino

Kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.


Isinasabuhay nila ito sa araw-araw na gawain. Gayunman, nababago, nagbabago,
at napapalitan ang mga ito lalo sa mga kabataan. Bunga ito ng mga pagbabago sa
lipunan dala ng mga makabagong teknolohiya, mass media at social media,
kanluraning edukasyon, migrasyong papaloob at papalabas ng bansa, karanasang
kolonyal, at iba pa. Ang moralidad, katapatan, pagtitiwala, paggalang, dignidad,
integridad, responsibilidad, katarungan, pananalig, at pagkakaibigan ang ilan
lamang sa mga naaapektuhang pagpapahalaga ng mga Pilipino.

Ngunit sa kabila nito, pinapahalagahan pa rin ng karamihan ng mga Pilipino


ang ilang katangiang dati nang ipinagmamalaki. llan dito ang:

1. Pagmamahal at katapatan sa pamilya 6. Pagkamalikhain


2. Pagpapahalaga sa edukasyon 7. Sikap at tiyaga
3. Hiya o kahihiyan 8. Utang na loob
4. Pakikipagkapuwa 9. Pakikisama
5. Pagiging mapamaraan 10. Bahala

Ang ilan sa mga pagpapahalagang ito ay nabuo bunga ng relasyon ng pamilya


sa isa't isa, relasyong bunga ng binyag, kumpil, kasal, kapitbahay, kabarangay, at
kababaryo na nagpalawak sa sakop ng pamilya at relasyong pagkakaibigan.

Lahat ng ito ay nagpalawak at nagpalalim sa relasyong kultural at sosyal o


panlipunan ng mga Pilipino. Ang konsepto ng kapuwa o kapuwa-tao ay iniuugnay
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at mundo. Ang kapuwa ay nagiging bahagi ng
pagkatao, ng ethos ng Pilipino, kung kaya't nabubuo ang ganitong mga
pagpapahalaga.

Ang ilan sa mga pagpapahalagang ito, gayunman, ay itinuturing ng ilang


iskolar na hindi nakatutulong sa pag-unlad ng karakter, kultura, at bansa. Ilan dito
ay ang utang na loob, pakikisama, at bahala na. Ngunit itinuturing naman ito ng

32
ilan na nakatutulong kung kapakanan ng kapuwa at hindi ng sarili ang
mangingibabaw.

Etika at Pagpapahalaga sa Pagsulat sa Akademiya

Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, kanluraning edukasyon, at


impluwensiya ng iba't ibang kultura, iba't ibang etika at pagpapahalaga ang
nangibabaw, lalo na sa larangan ng edukasyon.

Sa akademikong pagsulat, ang paggamit ng social media (Facebook, Twitter,


Instagram, at iba pa) ay hindi malinaw kung makatutulong sa iskolarsyip. Paano ito
gagamitin? Sa tradisyonal na paraan, deskripsiyon, eksperimento, obserbasyon, at
personal na karanasan ang ginagamit, ngunit sa kasalukuyan, maraming
impormasyong matatagpuan sa Internet ang ginagamit. Subalit may mga
pagkakataong hindi tiyak ang awtentisidad ng mga materyal na ito.

Kaugnay nito, ilang isyu o paglabag kaugnay ng etika at pagpapahalaga sa pagsulat


gamit ang sari-saring datos at reperensiya ang mahalagang bigyang-pansin:
a. Copyright - Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the
Philippineso ang Republic Act No. 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng
mga may-akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor,
mananaliksik, at iba pa), pati na ang paggamit sa mga ginawa ng mga ito.
Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang
maiwasan ang anomang di- pagkakaintindihan para sa mga pagsipi at
pagbubuod, lalo na sa mga layuning akademiko. Dapat tukuyin ang may-akda
o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag, at iba pang
impormasyon.

b. Plagiarism - Ito ang maling paggamit, "pagnanakaw ng mga ideya,


pananaliksik, lengguwahe, at pahayag" ng ibang tao sa layuning angkinin ito o
magmukhang sa kaniya. Ayon kay Diana Hacker
(www.newworldencyclopedia.com), tatlong paglabag ang maituturing na
plagiarism: 1) hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan
ng ideya; 2) hindi paglalagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o
pahayag; at 3) hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang
ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).
Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang"pagkopya sa sarili," kung saan ang dati
nang inilathalang akda ng mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang
hindi binabanggit ang pinaglathalaan na nito. Kaugnay nito, ang muling
pagsusumite ng isang papel sa iba-ibang asignatura ay itinuturing ding
plagiarism sa sarili at di-etikal.

c. Paghuhuwad ng datos
1. Imbensiyon ng datos Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga
pag-aaral ng kaso, maaaring maengkuwentro ang ganitong problema.
Malinaw na sinadyang pandaraya ito at malaki ang kabayaran dito paris ng
pagpapatalsik sa unibersidad o suspensiyon nang ilang semester o taon.
2. Sinadyang di-paglalagay ng ilang datos
3. Pagbabago o modipikasyon ng datos

d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa


Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro. Hindi

33
lamang ito di-etikal kundi ilegal na gawain. Kaugnay nito, ang pagtitinda ng
mga papel (maaaring ginagawa ito ng ilang estudyante at guro) sa mga
establişimyentong ito ay di-etikal at di-legal.

e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang


gamitin at angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro.

f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon,


report, at iba pa. Malinaw na pandaraya ito. Kaugnay nito, ang gumagawa at
nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya.

Mga Kaso ng Pandaraya sa Pagsulat at llang Kaparusahan

Mahalagang mabanggit dito ang ilang kaso ng pandaraya sa akademiya


upang malinawan ang lalim at lawak ng isyu at problemang ito at magsillbing gabay
sa pag-aaral.

1. Maramihan at malawakang pagkopya ng mga sipi at datos nang hindi


binibigyang-kredito ang pinagkuhanan. Ginawa ito ng isang estudyante sa
pag-aaral-doktoral (PhD) sa isang malaking unibersidad sa bansa. Matapos
ang matagalang imbestigasyon na umabot pa sa Korte Suprema, binawi ang
degree na nauna nang ibinigay sa kaniya.
2. Nagsumite ng isang group paper ang tatlong mag-aaral ng isang kilalang
unibersidad sa Metro Manila. Napatunayan ng guro na kinopya ang halos
kalahati ng papel sa isang artikulo sa Internet. Binigyan ng bagsak na grado
ng guro sa asignatura ang tatlong mag-aaral na nagturuan kung sino ang
mayy kagagawan. Ini-report din ang kaso sa Student Disciplinary Tribunal ng
naturang eskuwelahan.
3. Narito rin ang ilang celebrated ("pinagpiyestahan") na kaso ng pandaraya
kaugnay ng pagsulat (www.newworldencyclopedia.org, nadownload Set. 12,
2014).
a. Dan Brown, may-akda ng The Da Vinci Code, inakusahan ng nobelistang
si Lewis Purdue na
kinopya ang kaniy
ang nobelang The Da Vinci Legacy (1983)
at Daughter of God (2000). Na-dismiss ang kaso noong 2005.
b. Hellen Keller, noong 1892 sa kaniyang The Frost King, inakusahan ni
Margaret T.Canby, may-akda ng The Frost Fairies. Napawalang-sala siya
ng isang boto sa Tribunal ng Perkins Institute For the Blind.
c. Martin Luther King, Jr., inakusahang nangopya ng ilang bahagi ng
kaniyang tesis doktoral, noong 1950. Sa kabila nito, hindi binawi ng
Boston University ang kaniyang digri. (mula sa abs.cbn.com at
famousplagiarists.com -nadownload Set. 13, 2014
d. Osama Bin Laden, ikinalat sa publiko ang kaniyang mga video ng mga tula
pagkatapos ng 9/11. Inakusahan siya ng makatang Jordan na si Yusuf
Abu Hillah ng pangongopya ng kaniyang mga tula.
e. Sa Pilipinas
• Isang senador noong 2012 ang inakusahan ng pangongopya ng ilan g
pahayag sa isang talumpati kaugnay ng Reproductive Health Bill.
• Isang kilalang negosyante at chairman ng Board of Trustees ng isane
kilalang unibersidad sa Metro Manila ang inakusahan ng pagkopya na

34
ilang linya sa iba't ibang talumpati ng mga kilalang tao. Ginawa niya
ito sa seremonya ng pagtatapos ng naturang unibersidad.
• Kaso ni Pedro Serrano Laktaw laban kay Mamerto Paglinawan kaugnay
ng Diccionario Hispano-Tagalog na inilathala sa Maynila noong 1889
nasa La Opinion, kung saan kinopya raw ang malaking bahagi n9
naunang libro ni Laktaw na Diccionariong Kastila-Tagalog. Naging
desisyon ng Korte Suprema na bawiin- lahat ng natitirang kopya ng
libro sa mga ti
ndahan at bayaran ng naakusahan ng kaukulang halaga ang
nagsakdal. (lawphil.net, nadownload 12 Set. 2014)

Daan-daang kaso ang inilatag sa iba't ibang tao at institusyon kaugnay ng


maling paggamit ng mga dokumento, datos, at iba pang paglabag sa karapatan
kaugnay ng pagsusulat, pagtatalumpati, paglalathala, pagbuo ng mga video, at iba
pa.

Nagpapatunay lamang ito ng kawalang-kaalaman o kaya'y kawalang-


paggalang kaugnay ng karapatan ng bawat indibidwal sa kaniyang sariling talento
at kakayahan. Napakahalaga kung gayon ang etika at pagpapahalaga. Integridad,
pagkatao, at dignidad ng tao ang nakasalalay dito.

Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademiya

Kaugnay nito, mahalagang maisabuhay ng mga mag-aaral ang pitong mga


pagpapahalagang moral sa etikal na pagsulat na inilahad ni Paul (1995). Ayon sa
kaniya, dito mabubuo ang tunay na etikal, malaya, at kritikal na pag-iisip at
pagsulat.
a. Kababaang-loob - Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi sa iyo
ang ideya o datos. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung kanino
galing ang ginamit na ideya o datos.
Ayon din kay De Castro (1998, p. 147), "Mahalaga para sa pagkatao ang
pagiging mapagkumbaba, bilang tugon sa pagkakaroon ng pagkukulang ang
pagkilala at pagtanggap sa mga ito. Hindi maaaring magbulag-bulagan ang
tao sa kaniyang mga limitasyon."
b. Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling
ideya at pangatuwiranan ito.
c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba -
Maisasakongkreto ito ng paggamit ng politically correct na mga salita upang
maiwasan ang insulto at pananakit ng damdamin. Tinutukoy ng mga
salitang ito ang mga may kaugnayan sa kasarian, kalusugan o pisikal na
kaanyuan, laki, bigat, taas, grupong kinabibilangan, kalagayan ng pag-iisip,
at edad.
d. Integridad Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng
pagkuna, paggamit, at interpretasvon ng mga datos, gayundin ang paraan ng
pagpapahayag ng katuwiran.
e. Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. Gagamiur a
Dat ibang pamamaraan upang makakuha ng mga datos sa legal at matapat
na paraan.
f. Paniniwala sa katuwiran Pinangangatuwiranan nang naaayon sa etika at
pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang anomang ideyang gustong
patunayan.

35
g. Pagkamakatarungan, katapatan, at pagsunod sa mga alituntunin, may
matuwid, at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya, at mga
gawain.
h. Kamalayang mapanuri Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang
tagapagpaganap (tagapagpagalaw at aktor). Kailangan ang kaniyang aktibong
pagdedesisyon at mapanuring kaisipan kaugnay ng kaniyang ikinikilos,
ibinabahagi, at isinusulat.

GAWIN:
A. Sagutin ang mga tanong tungkol sa tinalakay.
1. Ano-ano ang batayan upang masabing etikal ang isang gawi o gawain?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. May pagkakataon bang nalilito ang mga Pilipino kung ano ang etika at
kung ano ang pagpapahalaga? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, alin ang mas sinusunod ng mga kakilala mo, ang etika o
ang pagpapahalaga? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Ano-anong isyu ng paglabag sa etika at pagpapahalaga sa pagsulat dito sa
Pilipinas ang pamilyar kayo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, sapat ba ang kaparusahan na papataw ng iyong paaralan
sa mga lumalabag sa etika ng pagsulat?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
B. Magbigay ng iba pang pagpapahalagang dapat isabuhay ng mag-aaral na
Pilipino. Ipaliwanag ang sagot.
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
C. Magbigay ng reasiyon sa isang aso ng paglabag sa etika at pagpapahalaga sa
pagsulat.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
D. Paano dapat ipaalam sa mga abataang Pilipino ang ahalagahan ng etia at
pagpapahalaga sa anilang pamumuhay? Magbigay ng mga mungahi.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

36
GAWIN:
Panoorin ang pelikulang Shattered Glass, isang peliula noong 2003 na nanalo
ng mga gantimpala. Tungkol ito sa pandaraya (paglikha ng kuwento) sa pahayagan.
Gumawa ng malikhaing reaksyon sa nilalaman ng pelikula.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
GAWIN: Sumulat ng isang editorial na may tatlo hanggang limang talatala
kaugnay ng pangalahatang pasang, “Etika at Pagpapahalaga sa Gitna ng
Maabagong Teknolohiya at Komersiyo o Papel ng Mag-aaral at Akademiya.” Pumili
sa dalawa.

Tukuyin kung etikal o di-etikal ang sumusunod na gawain. Isulat sang sagot
sa patlang bago ang bawat bilang.

__________________1. Pag-uuwi sa bahay ng mga suplay na ballpoint pen,


papel, at iba pa ng opisina.
__________________2. Paggamit ng telepono ng opisina para sa long-distance
overseas call na may permiso.
___________________3. Pag-absent sa klase at pagsasabing kunwari ay maysakit
dahil hindi makagawa o tinatamad gumawa ng takdang
aralin.
___________________4. Pagsumite ng report na may reperensiya sa huliu at may
pagkilala sa siniping may-ada sa loob.
___________________5. Pagpupunta sa field trip ng klase, kkung saan kahati ng
inarkilang bus ay kikitain ng grupo.
___________________6. Pagrereseta ng doctor sa pasyente ng mamahaling gamot
na produkto ng kompanyang nagbibigay sa aniya ng
libreng biyahe sa ibang bansa.
___________________7. Pagsasbi ng pasyente sa ospital na hindi siya indigent at
kaya niyang magbayad para maibigay ang slot sa ibang
pasyenteng nangangailangan.
__________________8. Pagtatapon ng basura sa kalye o pag-ipit ng basura sa
pagitan ng mga upuan sa bus.
___________________9. Pagsasauli ng dyayber ng taksi ng naiwang laptop at bag
ng pasahero.
__________________10. Hindi pagsagot sa telepono dahil pinagtataguan ang mga
taong nagawan ng atraso.
37
Metro-Dagupan Colleges Productivity High School
Serafica Street, Mangaldan, Pangasinan
School Year 2020- 2021
Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)
MODULE 4

PAGBUO, PAG-UUGNAY AT PAGBUBUOD NG MGA IDEYA

Layunin:
Pagatapos ng araling ito, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
a. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbuo, pag-uugnay, at pagbuod ng
mga ideya sa isang aademio at mapanuring sulatin;
b. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng mga anyo ng pagbuo, pag-
uugnay, at pagbubuod ng mga ideya; at
c. Naapagbubuod ng iba’t ibang sulating akademiko.

BALI TANAW:
1. Sagutin ang sumusunod batay sa iyong pagkakaalam dito. Magsaliksik sa
Internet upang mapalawa pa ang kaalaman.

a. Ano ang pagkakaiba ng lagom sa synopsis?

b. Ano ang pagkakaiba ng presi sa hawig?

c. Ano ang pagkaaiba ng abstra sa sintesis?

38
Pagbubuod at Pag-uugnay ng mga Ideya at Datos tungo sa Mapanuring Pagsulat

Maraming gawain sa akademiya ang nangangailangan ng masusing pagbasa,


panonood, pagsasalita, pakikinig, at pagsulat. Ibinabahagi ang mga ito sa mga
kaklase at guro. Sa paraan ng pagbabahagi, kinakailangan ang pagpapaikli upang
ang mga pangunahing ideya at pagkakaugnay-ugnay ng mga ito ay maipahayag
nang malinaw at maayos. Tumutulong din ito upang malinawan ang mga datos na
ginagamit sa mga sulating9 akademiko at mga pananaliksik.

Iba-iba ang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at


ideya kaugnay ng paksa. Ilan dito ang buod, lagom o sinopsis, presi, hawig,
sintesis, at abstrak.

Buod
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto. Ang teksto ay maaaring nakasulat,
pinanood, o pinakinggan. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos. Mahalaga, kung gayon, ang pagtutok sa lohikal at
kronolohikal na daloy ng mga ideya ng binuod na teksto. Kadalasan, nakatutulong
ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohika at kronolohiya ng mga ideya lalo na sa mga
hindi organisado o komplikadong paraan ng pagkasulat sa teksto.

Bilang datos sa isang masusing binasang teksto upang gamitin sa isang


pagsusulat, mahalaga ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng argumento. Hindi tayo
nagbubuod para lang ilahad ang ginawa o isinulat ng isang may-akda. Ginagamit
ito bilang pansuporta sa isang posisyon o tesis. Isa rin itong batayan kung paano
binasa ng sumulat ang naturang akda at kung paano niya ito naiuugnay sa
kaniyang paksa.

Pangunahing mga katangian ng pagbubuod ang mga sumusunod:


1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda; bagkus ay gumagamit ng sariling
pananalita. Isa itong "'muling pagsulat" ng binasang akda sa maikling salita.
Inihahalili sa mga salita ng may-akda ang mas pangkalahatang termino gaya
ng kasuotan sa halip na saya, pagtuturo sa halip na paglelektyur, at iba pa.
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Narito ang mga hakbang sa pagbubuod:


1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang
paksang pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang mga susing salita (key
words).
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapuntoo
tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng teksto. Huwag gumamit ng
mga salita o pangungusap mula sa teksto.
5. Huwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensiya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-
transisyon sa mga ideya gaya ng gayumpaman, kung gayon, samakatuwid,
gayundin; sa kabilang dako, bilang kongklusyon, bilang pangwakas, at iba
pa.
7. Huwag magsisingit ng mga opinyon.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.

39
Buod

Pangunahing Ideya
Paksang Pangungusap
Paksang Pangungusap
Paksang Pangungusap
Konlusyon

Sa pagbubuod naman ng mga piksyon, tula, kanta, at iba pa, maaaring


gumawa muna ng story map o graphic organizer upang malinawan ang daloy ng
pangyayari, Pagkatapos, isulat ang buod sa isang talata kung saan ilalahad ang
pangunahing karakter, ang tunggalian, at ang resolusyon ng tunggalian.
Narito ang ilang halimbawa ng story map:

Banghay

Tagpuan Tauhan
Istorya

Tagpuan Tagpuan

Pamagat

Simula
Tagpuan

Gitna
Mga Tauhan
Problema/Banghay
Pangyayari

Wakas
Kinalabasan/Solusyon/
Resolusyon

Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapaunlad ng analitikal na pag-iisip na


isang mahalagang kasanayan sa pag-aaral. Sinusuri dito ang mga impormasyon at
pinaghihiwalay ang mahalaga sa di-mahalagang punto, ang ideya sa halimbawa o
ebidensiya, at pinagsasama-sama ang mahahalagang ideya upang makabuo ng

40
malinaw at mapagbuod na mga pangungusap na maglalahad ng pangunahing
punto ng teksto.

Ilan sa mga halimbawang tekstong maaaring ibuod ang piksyon at di-piksyon


sanaysay, report, artikulo, balita, pelikula, video, pangyayari, pulong, at iba pa)

Narito ang ilang halimbawa ng buod:


a. Sa Pilipinas, hango sa dayong pananaw ang pag-aaral ng astronomiya. Dahil
dito, hindi natin natutunton ang sarili nating kabihasnan at ang kulturang
Pilipino na mapatutunayan ng mayamang termino ng mga ninuno ukol sa
kalikasan, sa konstelasyon sa partikular. Sa katunayan, ang iba't ibang
grupo sa Pilipinas ay may mga katawagan sa lahat ng bahagi ng mundo at
ang mga ito ay hindi magkakalayo sa isa't isa. Gayundin, ang iba't ibang
bansang kabilang sa wikanng Austronesya ay may kahawig ding mga
termino. Tunay ngang repleksyon ng kultura at kabihasnan ang wika. Ang
paraan ng pamumuhay, pag-iisip, pagdedesisyon sa mga gawain, pati mga
oral na panitikan at kaalaman, ay masasalamin sa mga salitang
astronomikong gamit ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga kaalamang ito ay
makatutulong upang maintindihan ng mga Pilipino ang kanilang sarili,
komunidad, at bansa kung pag-aaralan lang sana ng mga mag-aaral.

(buod ng 12-pahinang artikulo ni Dante Ambros


"Wika, Astronomya, Kultura: Kulturang Pilipino sa mga Katawagang Astronomiko"
nasa " Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Constantino, P. at M. Atienza.
1996)

b. Tula: May Huklubang Ama sa May Tumba-Tumba

May huklubang ama sa may tumba-tumba


At ikaw, binata, ang kaniyang kausap,
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

Hangad mo ang palad ng kaniyang dalaga


Kaya nagtatangkang hingin ang basbas
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba.

Iyong hinihintay ang tamang entrada


Ngunit dila'y putol, wikaly tumatakas,
Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Kada isang kilos, wari'y minamata


At ngayon, para bang gusto mong lumayas
Ang huklubang ama sa may tumba-tumba.

Ang iyong kongklusyon inipong pag-asay


Mistulang kulisap sa lantang bulaklak,
Dumuduyan-duyan sa buntung hininga.

Ngunit kung puso mo'y ipagpabukas pa,


Baka magsisi ka at maging katulad
Ng huklubang ama sa may tumba-tumba
Dumuduyan-duyan sa buntung-hininga.

41
(Vladimeir Gonzales, halaw sa tulang Proposals
ni Edwin Thumboo, Ugat, 2003)

Buod:
Kausap mo ang matandang lalaking magulang ng iyong nililiyag upang
makuha ang pahintulot niya na makaisang-dibdib mo ang kaniyang anak. Ngunit
nauumid ka at hindi makapagsalita habang patuloy itong nagtutumba-tumba.
Gusto mo nang sumuko ngunit ayaw mong mapares sa matanda na tumandang
nag-iisa sa kaniyang tumba-tumba.

Hawig

Tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Galing ito sa sa salitang Griyego (sa


pamamagitan ng Latin) na paraphrasis, na ibig sabihi'y 'dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag"Katulad ito ng buod kung saan ipinahahayag sa sariling
pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa pinipiling
ipahayag. Sa buod, inilalahad ang buong istorya, artikulo, tula, at iba pa sa sariling
pangungusap. Samantala, sa hawig, inilalahad sa sariling pangungusap ang isang
partikular o ispesipikong ideya o impormasyon sa isang artikulo o teksto, gaya ng
isang pahayag ditoo kaya'y kabanata sa isang libro.

Ang hawig ay inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Isa itong paraan upang
hindi laging sumisipi. Alternatibo ito sa madalas na pagsipi
(www.owl.english.purdue.educ). Isa rin itong paraan para linawin ang teksto.

Sa hawig, ginagamit ang mga kataga at pandiwa na parang nag-uulat ng


sinabi ng may-akda ngunit nilalagyan naman ng panipi ang naiiba at mahalagang
pagkakakilanlan sa may-akda. Nilalagyan din ito ng sanggunian.

Hindi katulad ng lagom, ang hawig ay mas detalyado at dinamiko kaysa sa


orihinal, ngunit hindi lumilihis sa pangunahing punto ng may-akda. Narito ang
ilang halimbawa.

a. Simula ng siglo labing-anim, ang pagdaloy ng kasaysayan.ng ating lipunan ay


lumihis na sa klasiko't lohikal na proseso ng kaniyang pag-unlad. Sabi nga ni
Friedrich Engels sa kaniyang Origin of the Family, Private Property and the
State (1884; edisyong 1983), marami kung hindi man lahat ng mga bansa sa
buong daigdig ay nag-umpisang dumanas ng abnormal na pag-unlad simula
nang ang ilang malalaki't makapangyarihang mga bansa ay magpaligsahan sa
pananakop sa mga di-mapapalad na mga bansa. Sa panahong ito, ang
Espanya ay halos namukod sa ganitong gawain.
(Romeo Dizon, "Ang Wika ng Makabayang Panitikan"' nasa
Constantino, P. at M. Atienza. 1996)
b. Sa pag-aaral ni Acuña (1997), lumalabas na mas nagiging malikhain at
tumutulong sa kognitibong pag-unlad ng bata ang paggamit ng katutubong
wika sa kaniyang pag-aaral kaysa banyagang wika.
(P.Constantino, “Wika Bilang kasangkapang
Panlipunan,” nasa Constantino, P. at M. Atienza. 1996)

c. Sinasabi rin sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na dapat gumawa ng nararapat na


hakbang ang gobyerno upang simulan at subaybayan ang paggamit ng
wikang pambansa bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wikang

42
panturo sa sistemang edukasyonal, alinsunod sa mga tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso"
(Ma. Ella Atienza, "Ang Pulitika sa Paggawa ng palisi ng Wika sa
Konstitusyon ng 1987,nasa Constantino, P. at M. Atienza. 1996)
d. Ang nobela ni Carlos J. Etivac na pinamagatang Ang Bukang Liwayway sa
Aking Inang Bayan! ang siyang may pinakamalinaw na mensaheng
pangkapaligiran. Tulad halos ng Ang Kanilang Mga Sugat ni Genoveva Edroza
Matute, tila isang advocacy ang tekstoni Etivac laban sa lahat ng uri ng
paglapastangan sa kalikasan. (Ma. Crisanta Nelmida Flores, "Panitikan Bilang
Panunuring Panlipunan' Diliman Review, 2000)

Lagom o Sinopsis

Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.


Karaniwang di-lalampas ito sa dalawang pahina. Ito rin ang ginagamit sa mga
panloob o panlabas ng pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb. Narito
ang hakbang sa pagsulat ng sinopsis. (www.writing-world.com)
1. Basahin ang bawat kabanata.
2. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata.
3. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata. Bubuuin ito ng mahahalagang
puntos at impormasyon tungkol sa tauhan.
4. Gumawa ng isa hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline, o
tema.
5. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata. Ikuwento ang buong istorya gamit
ang mga datos mula sa bawat kabanata. Hindi kailangang ipaliwanag ang
lahat na bagay.
6. Sundin ang kronolohiya ng istorya. Laging sa pangkasalukuyan ang gamit na
pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unana
pagbanggit dito. Tiyakin din ang pananaw o punto de vista o kung sino an
nagkukuwento.

Upang maging kapana-panabik ang pagkukuwento nang palagom, narito aing ran
pantulong:
1. Simulan ito sa pangunahing tauhan at ang kaniyang pinagdadaanan o
problema.
2. Maaaring maglakip ng maikling diyalogoo sipi.
3. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga dahilan kung bakit namomoblema
siya, pinoproblema siya, o kaya'y bakit niya ginagawa ang bagay na nagiging
dahilan ng problema.

Narito ang isang halimbawa ng sinopsis o lagom.

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok Pao Kai. Naninirahan


sa paanan niyon si HAI SENG at kaniyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap, may
paggalang at pagmamahalan sila sa isa't isa kung kaya't kuntento at masaya silang
namumuhay.

Ngunit heto't dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin kundi
pati sa karagatan. "Wari'y bigla ring naglaho ang isda sa dagat!"

Dahil sa sipag at pag-aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang


pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat, sumakay

43
siya sa bangkang may layag, humayo siya habang hinahatid ng tanaw ng maghipag.
Narating niya ang isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang
taon na siyang namamalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.

Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai


Seng. Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay. Araw-araw nila itong
gagawin. Sa bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila
pataas para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang
hinihintay, kaya sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy
sa kinagat na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at
ipinailanlang ito sa kalawakan upang tangayin ng hangin.

Sa ibayong dagat, nakita ni Hai Seng ang saranggola habang nangungulila


itong nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may
layag na gawa ng mga kasamahan sa pulo.

Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok at makita ang asawa
at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon ang kaniyang
sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang bumaba
ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila'y nilamon ng mabagsik na
karagatan.

Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito, nagtayo sila ng pagoda sa salansan ng
mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko
So Thah.
Sinopsis ng Ang Alamat ng Ko So
Thah Joaquin Sy

Presi
Galing ang salitang presi (precis) sa lumang Pranses na ibig sabihi'y pinaikli.
(www. merriamwebsterdictionary.com)

Ito ang buod ng buod. Kung baga sa katas ng niyog, ito ang kakanggata. Higit
itong maikli kaysa sa buod at halos ang pinakatesis ng buong akda ang tinatalakay.
Ito ang pinaikling buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya, o impormasyon.
Muling paghahayag ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng bumasa,
ngunit maaaring magdagdag ng komento na nagsusuri sa akda. Wala itong mga
elaborasyon, halimbawa, ilustrasyon, at iba pa.

Narito ang mga katangian ng isang presi:


1. Malinaw ang paglalahad.
2. Kompleto ang mga ideya.
3. May kaisahan ng mga ideya.
4. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya.
5. Siksik sa dalawa hanggang tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos.

Narito ang halimbawa ng presi ng naunang ibinuod na artikulo ni Dante


Ambrosio. Ang una (A) ay walang komento ng nagsulat ng presi at ang (B) ay may
komento.

44
Presi A
Mahalagang masuri at mapag-aralan ng mga mag-aaral na Pilipino ang mga
katawa- gang astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba'y ginagamit pa sa
kasalukuyan. Mula rito, mahahango ang paraan ng pamumuhay ng mga ninuno
natin at ang malapit na relasyon sa kalikasan ng mga pamayanan noong unang
panahon.

Presi B
Mahalagang masuri at mapag-aralan ng mga mag-aaral na Pilipino di
katawagang astronomiko ng mga sinaunang Pilipino na ang iba'y ginagamit pa a
kasalukuyan. Mahahango mula rito ang paraan nq pamumuhay ng mga ninuno
natin at dn9 malapit na relasyon sa kalikasan ng mga pamayanan noonq unang
panahon. Pinatutunaydn lamang nito ang katotohanan ng paniniwala ng mga
iskolar ukol sa kaugnayan ng wika, kultura, at lipunan.

Sintesis

Mula sa salitang Griyego na syntithenai (syn = kasama; magkasama; tithenai


= ilagay; sama-samang ilagay) ang salitang sintesis. Sa larangan ng pilosopiya,
bahagi ito ng metodong diyalektikal ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel kaugnay ng
pagbuo ng katuwiran. Mula sa tesis o argumento, iniuugnay ang antitesis o kontra-
argumento, at, sa huli, ang sintesis o rekonsilasyon ng mga idyea na nakapaloob sa
naunang dalawa. Ang buong proseso ay nakabubuo ng bagong tesis.

Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga


impod sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa ibat
1Dding pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay mapagsama-sama at
mapag-isa tuiigo sa isang malinaw na kabuuan o identidad. Mula sa prosesong ito,
kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya, makabubuo ng bagong
ideya.

Kabaligtaran ng analisis ang sintesis. Kung ang una ay paghihiwa-hiwalay ng


mga ideya upang suriin ang huli, and sintesis naman ay pagsasama-sama ng mga
ideya tungo sa isang pangkalahatang kabuuan. Gayunman, magkaugnay at bahagi
ng isa ang isa pa sa proseso ng mapanuring pag-aaral at pagsulat, Mula sa
paghihimay ng mga ideya (analisis) tutungo sa isang pagbubuo (sintesis).
Narito ang ilustrasyon ng proseso:

Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling ang


mga ito sa ibat ibang batis ng impormasyon. Halimbawa, sa interbyu sa isang tao,
iba-iba ang itinatanong ng nag-iinterbyu gaya ng tungkol sa pamilya, propesyon,
opinyon sa paksa, at iba pa. Sa panel discussion naman, iba-iba ang taong nag-
uusap tungkol sa isang paksa kaya iba-ibang opinyon naman ang maririnig. Ang
pagbubuo at pagbubuod sa mga ito ay nangangailangan ng sistematikong proseso.
Narito ang ilang hakbang at mungkahi sa maayos na pagbuo ng sintesis
(www.jan.ucc.nau.edu).

1. Introduksiyon
Simulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa
pinakapaksa ng teksto. Banggitin din ang mga sumusunod kaugnay ng teksto:
• Pangalan ng may-akda
• Pamagat
45
• Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa

2. Katawan
a. Organisahin ang mga ideya upang masuri kung may nagkakapareho.
Gumawa ng isang Sintesis Grid (halaw sa 2000 Learning Center,
University of Sydney) upang masigurong maayos at sistematiko ang daloy
ng pagkuha ng impormasyon. Narito ang ilang halimbawa:

Sintesis Grid (Talk Show sa TV)


Pamagat ng Program: _________________________Network: _____________________
Paksa:________________________________________Petsa:_________________________
Host (s): ______________________________________

Kinapanayam: 1. ___________________________
2.___________________________
3.___________________________

Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento


Kinapanayam 1
Kinapanayam 2
Kinapanayam 3

Sintesis Grid (Pananalisik)


Sanggunian Petsa ng Paksa Pangunahing
May-akda pagkalimbag Ideya

1.
2.
3.
4.
5.

b. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya.


c. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang
pangungusap o katagang ito ng paksa ng talata.
d. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at iba pa) o
iba-ibang paksa o opinyon sa isang paksa.
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon (halimbawa: gayundin, sa kabilang
dako, gayunman, at iba pa) at paksang pangungusap. Banggitin din ang
pinagkunan (halimbawa: "na ayon sa Daluyan Journal, Vol Vi, 2009").
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga ideya, opinyon, paniniwala, reaksiyon, at iba pa.
g. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas maikli, mas mabuti ngunit may
laman, lalim, at lawak.
h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon.

3. Kongklusyon
Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksiyon ng iba-
ibang pinagsamang ideya. Maaaring magbigay-komento dito o kaya'y magmungkahi
46
(halimbawa: mas malalim pang pananaliksik, pag-aaral, obserbasyon, diskusyon, at
iba pa tungkol sa paksa).

Isinasagawa ang sintesis para sa mga sumusunod:


1. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal
2. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komperensiya, o pane discussion
3. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya ukol sa Isang
paksang may maraming may-akda na sinangguni para sa sinusulat na tesis o
disertasyon
4. Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang paksa na may iba't ibang taong
kinapanayam
5. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular
na paksa.

Narito ang isang halimbawang dayagram ng isang sintesis:

Introduksiyon
Paksa
Paksang pangungusap

Pinagkunan Pinagkunan Pinagkunan


(Batis) (Batis) (Batis)
1 2 3

Katuwiran (pagkakapareho o
pagakaiba)

Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon

47
Kongklusyon

Kabuuang Ideya

Mungkahi o Komento
Narito ang isang halimbawa ng sintesis. Dito, ang ongklusyon ay inuna.

Introduksiyon

Sa isyung ito ng Daluyan: Journal ng Wikang Filipino, tampok ang


sentralidad ng wikang Filipino, hindi lamang bilang paksa ng pag-aaral,
kundibilang bukal ng mga dalumat na nagpapatingkad sa karanasang Filipino.

Binubuksan ang Daluyan sa seksiyong pangwika na nagtatampok sa pag-


aaral sa estruktura ng wika at pagsasalin. Ang artikulong "Tungo sa
Estandardisasyon ng Filipino: Kaso ng Paggamit sa 2001 Revisyon sa Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino" ni Vina
Paz, ay panimulang pagtaya sa proyekto sa estandardisasyon ng ispeling sa
pamamagitan ng deskriptibo at estadistikong pagsusuri sa sistema ng pagbaybay
ng print media, akademiya, at ng pampamahalaang ahensiyang pangkultura.
Pagsilip na rin ito sa pagiging epektibo ng KWF bilang ahensiyang may tungkuling
manguna sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang pambansa. Buko0 dito,
kapaki-pakinabang din ang pag-aaral sa paglalatag nito ng iba pang paksa para sa
mga susunod na kaugnay na pananaliksik sa larangan ng lingguwistika tungo sa
unti unting paglutas sa mga suliranin kaugnay ng estruktura ng wikang Filipino.

Pinagtuunan naman ni Raniela Barbaza sa artikulo niyang "Ang Pagsasalin


ay Pag aangkin: Ang Pagsasaplosa kina Adan at Eba" ang pagsasalin ng isang
korido na kilala bilang plosa sa Bikol. Sa pagsusuri ni Barbaza, ang pagsasalin ay
hindi lamang paglilipat ng nilalaman ng orihinal sa isang wika patungo sa isa pang
wika kundi isang pag- aangkin. Ang biblikal na kuwento nina Adan at Eba ay
naging osipon sa pamamagita ng pagsasakonteksto nito sa kongkretong
pamumuhay ng mga Bikolano sa panahong isinalin ang korido. Sa ganitong
pagtingin, ipinamalay ng pagsusuri ang pagiging angkOp at tiyak ng salitang "salin"
para tukuyin ang prosesong nagaganap-ang nilalaman at anyo ng isasalin ay
mababago; ang hubog at hugis ng isasalin ay aayon sa hubog at hugis ng
pagsasalinan.

Ang ikalawang seksiyon ng Daluyan ay nagtatampok naman sa mga pag-aaral


sa larang ng agham panlipunan at arte at humanidades. Binalangkas ni Prospero
Covar ang saklaw at lawak ng Pilipinolohiya, isa sa tatlong inisyatibong akademiko
na umusbong sa Unibersidad ng Pilipinas noong dekada 1970. Sa kaniyang
artikulong "Pilipinohiya, Larangan, at Kalinangan ng Pagkataong Pilipino"
itinatampok ni Covar ang Pilipinohiya bilang inisyatibong akademiko na higit na
nakapag-ambag sa pagsisiyasat, pag-alam, pag-unawa, at pagpapahalaga sa
kapaligiran at kalinangang Pilipino, bagay na hindi nagawa ng mga disiplinang
inangkat sa kaunlaran. Upang payamanin pa ang ambag na ito, sinalungguhitan ni
Covar ang pananaliksik sa iba't ibang wika sa Filipinas tungo sa pagbuo ng
malawakang diskurso tungkol sa pagdadalamhati ng mga pangkulturang grupo sa
bansa.

48
Napakayaman sa datos at kabatiran ang artikulong "Birhen ng Manaoag at
Ang Tradisyong Manag-anito" ni Ma. Crisanta Nelmida-Flores. Sa pananaliksik na
ito, iminapa ni Nelmida-Flores ang mga indibidwal na manggagamot at samahang
relihiyoso ng Pangasinan at ginabayan tayo para maunawaan ang masalimuot na
pagsasalikop ng tradisyong manag-anito at ang imahen at mito ng Mahal na Ina ng
Manaoag. Bukod sa matalinong paggamit ng mga pamamaraang historikal at
antropolohikal, mahihiwatigan na naging mahalagang kasangkapan din ang wika-
upang ilahad ang pagpapatuloy ng karanasan at kasaysayang espiritwal ng mga
Pangasinan na nag-uugat sa anitismo hanggang sa makaengkwentro nito ang iba't
ibang anyong kultural na hatid ng kolonisasyon, modernisasyon, at kasalukuyang
kairalan.

Masinop na nilagom ni Rosario Torres-Yu sa kaniyang artikulong "Lawas ng


Panunuri ng Panitikan ng Filipinas' ang iba't ibang kritika ng mga pangunahing
kritikong Filipino upang mailatag sa kabuuang pagtanaw ang larangan ng
panunuring pampanitikan sa Filipinas. Sa kaniyang palarawan at integratibong
paglalahad, humantong si Torres-Yu sa matibay na kongklusyon na makakanluran
ang pananaw at praktika ng kritisismo sa Filipinas na nag-uugat sa kolonyal na
karanasan ng bansa. Sa isa pang bahagi ng papel, inisa-isa ng awtor ang mga
posibleng lunas sa suliraning ito sa panunuring pampanitikan na iminungkahi ng
mga tinalakay na iskolar at kritiko tungo sa pagbuo ng kritisismo sa sa matibay na
kongklusyon na makakanluran ang pananaw at praktika ng kritisismo sa Filipinas
na nag-uugat sa kolonyal na karanasan ng bansa. Sa isa pang bahagi ng papel,
inisa-isa ng awtor ang mga posibleng lunas sa suliraning ito sa panunuring
pampanitikan na iminungkahi ng mga tinalakay na iskolar at kritiko tungo sa
pagbuo ng kritisismong tunay na maka-Filipino. Sa kabuuan, isang
mapakikinabangang patnubay ang artikulo sa magtatangkang lumusong sa
masalimuot na larangan ng panunuring pampanitikan sa Filipinas Sa mga mag-aral
at guro, puwedeng magsilbi itong introduksiyon sa panunuri sa Filipino; sa mga
iskolar at kritiko, maaaring maging gabay ito sa paglahok sa mga debateng kritikal
tungo sa paghahawan ng mga bagong direksiyon sa panunuring pampanitikan sa
Filipinas.

Ang artikulong "Pagpupugay sa ikasandaang taon ng Kahapon, Ngayon at


Bukas ni Aurelio Tolentino: Talinghaga at kasaysayan sa dulambayan" ni Apolonio
B. Chua ay isang paggunita sa mga pangyayaring kaugnay sa pagsasaentablado ng
mahalagang dula ni Tolentino kasama na ng kawing nito sa simulain, kasaysayan,
at kultura ng mga kilusang bayan ng Filipinas. Bukod sa mga datos
pangkasaysayan, naging matibay na patunay ni Chua ang wika-ang mga
talinghagang sangkap ng mga dula-upang maidugtong ang dulaan ni Tolentino sa
pisi ng panulaan at dulaan nina Balagtas, Bonifacio, at Sakay at maitatag ang
ugnayan ng kaniyang panitikan sa kilusang bayan. Sa kabuuan, sa pamamagitan
ng masinop na historikal at tekstuwal na pagsusuri, naitanghal ni Chua hindi
lamang ang dulaan at pakikisangkot ni Tolentino, kundi maging ang halaga at bisa
ng pag-usbong ng drama simboliko bilang natatanging anyong pandulaan,
gayundin ang makabuluhang kabatiran tungkol sa patuloy na pag-iral ng
dalumatang bayan sa kabila ng pananaig ng dayuhang wika at kultura.

Masinsin ang pagsusuri ni Romulo P. Baquiran, Jr. sa kaniyang artikulong


"Ang sining ng Paninimbang sa Pagtula ni Mike L. Bigornia, 1969-
1985"Tinugaygayan ni Baquiran ang naging tunguhin ng pagtula ng itinuturing na
isa sa mga pangunahing kontemporaneong makata ng Filipinas upang tuklasin

49
kung paano nito isinaloob at isinapraktika ang matingkad na karanasan sa
kilusang aktibista at pamumuhay sa mga unang taon ng Rehimeng Marcos.
Matagumpay niyang naipaliwanag ang paraan ng pagtula ni Bigornia gamit bilang
lente ang konsepto ng paninimbang" na pangunahing naisasakongkreto sa pagiging
malay ng makata sa sining ng pagtula habang isinasaalang-alang din ang magiging
bisa at halagang panlipunan ng sining.

Sa artikulong "Musika sa Pampublikong Paaralan sa Filipinas, 1901-1930" ni


Raul Casantusan Navarro, inilahad ng awtor ang mga patakarang kolonyal ng mga
Amerikano sa larangan ng musika at ang implikasyon nito sa kamalayan ng mga
Filipino. Kinalap niya ang mga materyal na artifact tulad ng mga awit o musika, at
mga aklat pangmusika, at sinuri ang mga ito gamit ang ilang kahatiran mula sa
kritikal na teorya. lbinunga nioP ang isang pagbasa sa mga datos na
nagpapatingkad sa mahigpit na ugnayan ng musi at politika, at kumikilala sa
masasalimuot na proseso at bisa ng kolonyalismo. DuKO sa pagpapaliwanag kung
paanong kinasangkapan ng kolonyalismong Amerikano ang edukasyong
pampubliko at pagpapamalas ng mga tiyak na lugar na kinilusan ng kapangyarihan
nito, mahalaga ang pag-aaral dahil lumihis ito sa pormalistikong pag-aara ng
musikang Filipino at ibinalik sa malusog na sinapupunang panlipuan at
pangkasaysayan para maitampok ang mahigpit na ugnayan ng musika, kultura, at
ideolohiya.

Sa artikulong "Wikang Biswal sa Kanlurang Bisaya: Pagpapahayag ng Sarili at


Lugar " Brenda Fajardo, inisa-isa ang karanasan ng mga piling manlilikha upang
mapaghamDig ang sining biswal ng mga taga-lloilo at taga-Negros. Susi sa kaniyang
pag-aaral ang pagtingin sa likhang-sining bilang wika dahil sa pagkakaroon nito ng
porma at kahulugan. Humantong ang artikulo sa kabatiran na magkaiba ang sining
ng dalawang pangkat na hinulma ng magkaiba ring kapaligiran at kasaysayan.

Sinuri naman ni Joi Barrios sa kaniyang artikulong "Paglampas sa


Eksotisismo sa sarili: Ang Migranteng Magsasaka at ang Rebolusyonaryo sa
Filipinas sa PerigriNasyon ni Chris Millado" ang isang dulang nakabatay sa mga
historikal na pangyayari sa Filipinas at Estados Unidos sa pagitan ng 1898
hanggang 1935 tulad ng mga operasyong militar ng mga Amerikano sa bansa, pag-
aalsa ng mga magsasaka sa Pangasinan at Laguna, migrasyon ng mga manggagawa
patungong Hawai, at Watsonville Riots ng 1930. Gamit ang mga kritikal na lenteng
nakatuon sa uri, lahi, at kasarian, naipaliwanag ni Barrios kung paanong
matagumpay na naiiwas ang dula sa eksotisismo sa sarili at naitampok nito ang
karanasang kolonyal ng mga Filipino samantalang napauunawa ang kalikasan ng
rebolusyonaryong kilusan sa Filipinas. Sa gayon, naitatampok sa pagbasa hindi
lamang ang isang paglalakbay kundi ang isang lakaran bilang sentral na talinghaga
na nag-uugnay sa dula sa masiglang batis ng mga makabayang dula na
sumisiyasat sa mga suliranin ng kolonyalismo at imperyalismo sa Filipinas.

Galileo S. Zafra
Daluyan Journal, XIl (2) 2004

Abstrak

Isa itong maikling buod ng pananaliksik. artikulo, tes is, disertasyon, rebyu,
proceedings, at papel-pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang
gawain na may Kaugnay d aisiplina upang mabilis na matukoy ang layunin ng

50
teksto. Kadalasang, makikita ito sa Simula pa lang ng manuskrito, ngunit
itinuturing ito na may sapat nang impormasyon kung kaya't maaaring mag-isa o
tumayo sa kaniyang saril.

Sa mga tesis, disertasyon, at mga akademikong journal, naibibigay na ng


abstrak ang kabuuang ideya ukol sa paksa. Sa mga pandaigdig na komperensya,
ang isinusumiteng abstrak ay sapat na upang matanggap o di-matanggap ang
paksa at basahin ang papel sa naturang okasyon.

Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na mga datos sa pananaliksik at


pangunahing mga metodolohiya at resulta sa pamamagitan ng paksang
pangungusap o kaya'y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat bahagi.

Narito ang mga bahaging makikita sa ilang abstrak na karaniwa'y isa o


dalawang pahina lang o kaya'y 100 hanggang 300 salita. Kung minsan naman ay
hindi ito binabanggit ngunit naroon sa abstrak ang mga bahaging ito.

Pamagat
Pasang Pangungusap
Layunin
Metodolohiya
Mga Datos
Resulta ng Pag-aaral
Kritikal na Diskusyon

Narito ang isang halimbawa ng abstrak:

Konsepto ng Bayani sa akdang "Kapitan Sino" ni Bob Ong


Camille L: Valdez

Ang bayani ay itinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyang-buhay


sd midya, sining, at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya naman
hina kataka-taka na maging laganap ang konseptong ito sa buong mundo. Ang pokus
ng pag aaral na ito ay ang akdang Kapitan Sino ni Bob Ong. Layunin ng pag-aaral na
matuklasan ang konsepto ng bayani at pagkabayani sa akda.

Gagamitin ang teoryang Arketipo ni Carl Jung at konsepto ng Political


Unconscious ni Fredric Jameson. Sa pamamagitan ng kolektibong memorya ni Carl
Jung at kolektibong represyon ni Jameson, mabubuo ang isang pagbibigay-
kahulugan sa konsepto ng bayani na matatagpuan sa akda. Mula sa kolektibong
memorya, mabubuo ang isang simbolikong imahe mula sa pinagsama-samang
karanasan, mithiin, at kultura ng iba't ibang grupo sa iba't ibang panahon. Mula
naman sa kolektibong represyon, matutunghayan ang mga tunggalian sa lipunang
hindi hayagang makikita. Ang dalawang konseptong ito ay patuloy na umiiral at
naggigit ng impluwensya sa kamalayan ng bayan. Nagkaroon din ng historikal na
pagbagtas sa mga konsepto ng bayani na umiral sa lipunan tulad ng mga bayani sa
epiko at mga superhero sa komiks.

Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian


ng isang bayani sa teoryang Arketipo ni Jung. Mayroon siyang mga kalakasan at
kahinaan. Batay naman sa kolektibong epresyon, nabibigyang-linaw ang mga usapin
sa lipunan ni Kapitan Sino. Makikita ang kontradiksyon sa lipunan sa tunggalian sa

51
pagitan ng naghaharing- uri at ng di-naghaharing-uri. Ang namamayaning ideolohiya
ay nagsisikap na matabunan ang ideolohiya ng nakararaming api sa lipunan na
naghahanap ng mga "bayani" na siyang kikilos nang sama-sama upang maging
kinatawan ng kanilang kolektibong mga mithiin. Si Kapitan Sino ay nagsilbing
simbolikong resolusyon na inaasam ng mga taga-Pelaez na hindi natatamo sa tunay
na buhay. Ipinakita ni Kapitan Sino na ang pagkabayani ay hindi nangangailangan
ng isang dakilang taong siyang magliligtas sa lahat, bagkus ang bayani ay nag-
uudyok sa mga taong kumilos at maging bayani din sa kanilang paraan.

LAYAG-DIWA
1. Gaano kahalaga ang pagbubuod sa iba’t ibang anyo nito sa iyong pag-aaral sa
-12? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Mainig ng balita sa radyo, TV, o Internet o bumasa ng balita sa dyaryo. Gwan


ito ng
A. Buod
B. Presi

GAWIN: Basahin ang teksto. Gawan ito ng:


a. Buod
b. Presi
c. Hawig
d. Lagom

Noong isang linggo, nakonsensiya ako na habang nagdidigmaan sa Gitnang


Silangan at nakasadlak ang ating bayan sa pinsalang dulot ng lindol ay paparoon
ako sa magandang siyudad ng Sendai sa Japan upang dumalo sa isang
komperensiya ng tatlong araw. Ngunit naatasan ako ng pangulo ng aming
pamantasan na maging kinatawan niya at nakapagkompromiso na kami. Maganda
rin itong pagkakataon, sabi ko sa aking sarili, upang masulyapan ang reaksiyon ng
mga hapones sa mga nangyayari sa daigdig ngayon.
52
Nang ako ay dumating sa Sendai, na sa bullet train ay dalawang oras mula
Tokyo, mukhang hindi nababahala ang mga kapwa-pasahero ko sa tren. Kasisimula
lamang ng bakasyon ng mga mag-aaral. Marami ring kompanya ang nagbibigay ng
bakasyon sa kanilang mga kawani sa panahong ito ng mga summer festival at ng
obom o araw ng paggunita sa mga ninuno. Kaya punong-puno ang mga istasyon ng
tren, lalo na sa Sendai na isa sa mga paboritong pasyalan.

Higit na maluwag ang siyudad na ito at hindi kasimbilis ng Tokyo ang takbo
ng9 buhay. Ito ay malapit sa dagat at maraming magagandang likas na tanawin.
Mayaman din ang kultura at kasaysayan ng Sendai. Dito naging tanyag ang
pamumuno ng piyuua na Panginong Masamune Date na naging Kristiyano. Maraming
martir na Kristiyano ang pinaslang sa Sendai.

Dalawa ang panmbansang unibersidad na pawang tanyag, at apat ang


pribadong unibersidad. (Ang unang Kristiyanong paaralan ay itinatag dito ng
Christian Brothers ng Lasalle.) Ang Sendai ay isa sa sentro ng komersiyo at
industriya na mabilis ang paglago. Ang pinakamalalking mga pabrika nito ay sa
larangan ng electronics.

Naganap doon ang pista ng Tanabata, na 700 taon nang ipinagdiriwang. Sa


kanilang mitolohiya, ito ang pag-iisang puso ng dalawang bituin sa langit. Punong-
puno ang mga kalye at gusali ng makukulay na parol na tinatawag nilang
fukinagashi. Noong unang panahon, ito ay simbolo ng isda, na ginagawang alay sa
mga diyos (kami) upang magkaroon ng kasaganaan. Ngayon ay sari-sari ang
idinagdag na palamuti-mga maliit na abaniko, mukha ni Mickey Mouse, mga "Hello
Kitty" na karakter. Ngunit ang mga hugis at bahagi ng parol ay magkakatulad: may
ulong bola na nakakabit sa isang cylinder na pinagsasabitan ng mahahabang piraso
ng tela o papel de hapon.

Nagsisikipan ang mga pamilihan sa dami ng mga parol na parang naging mga
Suson-susong kurtina. Aliw na aliw ang mga bata sa pagdaan sa mga buntot ng
parol na Sumasayad sa sahig. Nag-uumapaw ang mga laruan at mga manyika, mga
pagkain at mga damit-ito marahil ang kariwasaang pangitain ng mga mangingisda
ng sinaunang Sendal nang kanilang isabit ang mga unang fukinagashi.

Napakamapalad ng mga anak ninyo, sabi ko sa kasama kong Hapon.


Saganang-sagana ang inyong lipunan at nakakamit nila ang lahat ng kanilang
pangangailangan at libangan. Nagulat ako sa tugon niya. "Hindi, hindi sila mapalad.
Pagkaraan ng maikling panahon ng kanilang kamusmusan ay mamumulat sila sa
marahas na katotohanan ng buhay- ang mahigpit na kompetisyon upang matanggap
sa pamantasan at pagkatapos ay ang kompetisyon sa trabaho. Maraming hiwalay
ang mga magulang, marami sa mga bata ang nagpapatiwakal sa murang edad na
sampung taon sapagkat hindi nila makaya ang bigat ng buhay. Kulang din ang
espiritwalidad ng kabataan; karamihan ay walang paniniwala sa Diyos, walang
laman at direksiyon ang kanilang pagkatao. Tanging materyal na tagumpay at
dagliang kasayahan mula sa mga aliwang komersiyal ang kanilang nilalayon. Ang
kinabukasang naghihintay sa kanila ay mahahabang oras sa kompanya, kakaunting
oras sa piling ng pamilya, masikip na apartment dahil sa napakataas na halaga ng
lupa. Ang patuloy na pagwasak ng mga industriya sa kapaligiran, at ang mga
bagong sakit na bunga ng polusyon, ang kawalan ng siguridad ng aming ekonomiya,
sapagkat ang aming langis at karamihan ng aming pagkain ay galing sa ibang
bansa."

53
Nagpatuloy siya, 'Alam mo, di hamak na mas mapalad ang kabataan ng
Pilipinas. Mahirap nga sila ngunit mayaman ang kalooban at kaluluwa"

Akala ko ay eksaherasyon ang sinabi ng aking kaibigang Hapon, hanggang


nabasa ko ang mga editoryal ng kanilang mga pahayagan. Tunay ngang nag-aalala
ang mga Hapones sa kahihinatnan ng mga pangyayari. Kahit na sila ang
pinakamalakinq nagluluwas ng mga kagamitang elektroniko, mga kotse, at
produktong industriyal, sila rin ay lubhang umaasa sa mga produktong agrikultural
at hilaw na sangkap na nagmumula sa ibang bansa. Sa pag-eembargo ng Hapon sa
Iraq at Kuwait ay mawawalan ang Hapon ng 12 porsiyento ng kaniyang
panggagalingan ng langis.

Nagpatuloy siya, 'Alam mo, di hamak na mas mapalad ang kabataan ng Pilipinas.
Mahirap nga sila ngunit mayaman ang kalooban at kaluluwa"

Akala ko ay eksaherasyon ang sinabi ng aking kaibigang Hapon, hanggang


nabasa ko ang mga editoryal ng kanilang mga pahayagan. Tunay ngang nag-aalala
ang mga Hapones sa kahihinatnan ng mga pangyayari. Kahit na sila ang
pinakamalakinq nagluluwas ng mga kagamitang elektroniko, mga kotse, at
produktong industriyal, sila rin ay lubhang umaasa sa mga produktong agrikultural
at hilaw na sangkap na nagmumula sa ibang bansa. Sa pag-eembargo ng Hapon sa
Iraq at Kuwait ay mawawalan ang Hapon ng 12 porsiyento ng kaniyang
panggagalingan ng langis.

Ito ba talaga ang tinitingalang poder sa Asya, na ibinabanta ng Amerika na


nananatiling panganib sa Pilipinas? Mapilitan kaya ang Hapon na muling maging
isang poder na militar upang matiyak ang pananatili ng supply ng langis at mga
istratehikong materyal? Tunay nga bang higit na mapalad ang batang Pilipino
sapagkat binubuo pa rin niya ang hugis ng kaniyang kinabukasan at siya'y
nangangarap pa rin? Kayo, ano ang palagay ninyo?

Wilfrido V. Villacorta, Sa Hapon: Pistahan at Pagkabalisa, nasa Binhi, 1990

Magsulat ng isang talatang magb ubuod ng pangkahalatang natutuhan mo sa


araling ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________

54

You might also like