You are on page 1of 2

St.

Anthony´s College
San Jose, Antique
PANUTO: Gumawa ng isang komposisyong kakakitaan ng SIMULA,
KATAWAN at WAKAS. Kayo ay may kalayaang pumili ng paksa at pamagat ng
nais ninyong bigyan ng pansin sa pagsulat ng komposisyon.

Ugat Ng Kahapon
Ni Justine RomannA. Sican
Mamasa-masa ang mga dahon ngunit hindi ito alintana ng mga katulad kong nabagabag
ng bagyong gumimbal sa aking katinu-an. Napahiga ako. Tulala kong pinagmamasdan ang
kalangitang katatapos lang umiyak at ngayo'y nababalot na ng makukulay na sentimiyento ng
buhay.
Mahal ko siya, ngunit paano ang mga salitang binitiwan ko sa aking pamilya? Sapat bang
dahilan ang ligaya upang ipagkanulo ko ang kanilang pag-asa? Pikit matang naglalakbay ang
aking diwa na pilit naghahanap ng mga kasagutang magpapalaya sa bawat katanungang
naghihimagsik sa loob ng aking katauhan.
Sabay sa pagdampi ng malamig na hangin sa bintanang katabi ng aking higaan at sa
marahang pagpatak ng bawat segundong lumilipas, ako'y napaidlip habang unti-unting nabubura
sa aking kamalayan ang mga mukhang gumugulo sa aking damdamin at isipan. Gayunpaman,
batid ko na ang katahimikang ito'y panandalian lamang.
Matapos ang ilang oras na pagkawalay mula sa sigwa ng realidad, dahan dahan kong
iminulat ang aking mga mata. Nararamdaman ko na naman ang pait ng pag-aalinlangan. Alin ang
dapat kong piliin, "Pag-ibig o Pangako?"
Subalit bago pa man tuluyang mabulabog ang aking kalooban, napako ang aking
pananaw sa mga butil ng liwanag na lumilitaw sa mga nakapumpong na dahon ng nag-iisang
puno sa gilid ng aming munting tahanan. Doon ko lamang napansin na merong pugad ng ibon sa
isang sanga nito. Isang basa at abandonadong pugad. Isang kaawa-awang pugad na naghatid sa
akin pabalik sa alaala ng aking kabataan. Nabuong muli sa aking isipan ang buhay na una kong
pinangarap, ang larawan ng tahanang una kong ninais, at ang mga ttaon una kong kasama na siya
ring una kong naging inspirasyon. Ngayon alam ko na ang sagot sa aking katanungan, walang
iba kundi "sakripisyo.
Pinakamahalaga na tuparin ko ang aking pangako hindi para sa aking pamilya, kundi
para na rin sa aking sarili. Kailangan kong panindigan ang tunay kong hangarin kahit pa hapdi ng
pag-ibig ang kapalit. Kailangang maabot ko ang aking pinakamahalagang hangarin dahil ito ang
pangunahing dahilan kung bakit ako nabubuhay nang ganito sa ngayon.
Sakripisyo, minsan ito ang lalong nagpapalakas sa tao. Ang halaman, kailangang
malagasan ng libo-libong dahon bago pa man maging puno, subalt ang ugat nito sa simula't
simula ay dapat manatiling buhay sapagkat ito'y nagbabago at hindi napapalitan. Marahil hindi
nga problema ang sagot kung intindihing mabuti ang tanong. "Dahon o Ugat?" Ito ang tunay na
tanong madali ko itong masasagot.

You might also like